This floor length dress is embellished with embroidery throughout and bead appliqués. It features v-neckline and sheer panelling on a fitted bodice while it gives way to a floor-legnth A-line silhouette and comes with a sweep train. Next to my wedding gown ito narin yata ang isa sa pinakamagandang gown na nakita at nasuot ko sa buong buhay ko. Paglabas ko sa fitting room ay lumingon sa direksyon ko si Dylan,nakita ko ang paghagod ng mga mata nya sa buo kong katawan at pagawang ng kanyang labi. Sabagay, kung ako na eh di ko rin halos nakilala ang sarili ko salamin, dahil sa ganda ng mga makeup artist na nagayos sa akin na bumagay sa suot kong damit.
Napansin kong nakapagpalit na sya ng damit, it's a all white suit set at napakagwapo nyang tingnan dito. Siguradong marami nanaman ang mapapanganga sa kanya kapag nakita sya.
Ngumiti sya at lumapit sa akin.
"You look beautiful."sambit nito, nagbigay iyon ng matinding kaba at nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o ngingitian ko sya, sa huli mapait na ngiti ang napakawalan ko. Hay.
Binuksan nya ang hawak-hawak nyang kahon, nanlaki ang mga mata ko ng Makita ko ang isang pares ng hikaw. It's a pear shape diamond earring, nagningning ang mga mata ko at kinabahan din dahil ngayon lang ako nakakita ng totoong diamond. "Wear this,it suits you."narinig ko pang sambit nito,habang nakapako ang mga mata ko dito. "This is Artemis Pink,my family herloom that given to all the first daughter in law of the family."Dugtong pa nito, napaangat ang muka ko at tumingin sa kanya.
"Pero,hindi ko masusuot yan.. mukang mamahalin, baka.."
"You're my wife, you should wear this." Pagpuputol nya sa akin, napasinghap ako dahil sa lalim ng titig na binitawan nya sa akin,kaya sinunod ko nalang sya. Kinuha ko ito at sinuot, pagkatapos non ay hinarap nya ako sa malaking salamin.
"You're the most beautiful woman I've ever seen." He wisphered. Namuo ang kuryente sa aking katawan at nangamatis nanaman ang aking pisngi. Tumalikod sya at kinuha ang coat nya.
"Let's go, malalate na tayo." Sabay hawak sa kamay ko, pinagbuksan nya pa ako ng pinto ng kotse at nakangiting habang nakatingin sa akin. Pwede bang ganito nalang sya parati? Simula ng kinasal kame,pakiramdam ko umiiwas sya at lumalayo sa akin. May mga times din na sobrang gentleman nya at maasikaso.
Dumating kame sa party nang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko. "Are you ready?"tanong nito habang nakatingin sa akin,bago bumaba. Tumango lang ako at gumanti rin ng matamis na ngiti.
Everyone looks so elegant.
By the looks of them,lahat sila mukang mayayaman.
Pagpasok palang naming sa loob ay hindi na naalis ang mga tingin sa amin ng mga tao, lalo na sa akin, ang ilan ay panasin kong nakatingin sa suot kong hikaw, baka nagagandahan din sila rito. Maski ako nga na may suot nito ay hindi makapaniwala sa kinang nito.
Lumapit ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng black na suit pero walang tie, nakangiti sya at may hawak pang isang glass of champaigne. "Dylan, bakit ngayon lang kayo, Hi, Mrs. Montenegro, you look stunning tonight."nakangiti nitong bati habang pumaling ang tingin sa akin pagkasambit ng huli nyang sinabi. Napansin ko ang tingin nya na dumapo sa suot kong hikaw, "Wait, is that Artemis pink? Bagay na bagay sayo." Sambit nito.
"Thank you Raymond."nakangiti kong sambit.
"Nandito na sila Mr. Tan?" Tanong ni Dylan. "Ah yeah,nandun sya." Turo naman ni Raymond sa isang middle aged man na nakatayo sa bandang kaliwa naming habang may mga kausap.
"Let's go." Makaraang sambit nito sa akin, ay kinuha nya ang kamay ko at sinabit iyon ka sanyang braso.
Pinakilala nya ako sa ibat ibang tao,sa mga naging client nya,business partners,investors at ilang malalapit na kaibigan sa industriya. Walang patid ang pagngiti ko sa mga ito gaya ng sinabi nya ay kapag kinakausap nila ako ay matipid lang akong sumasagot at si Dylan na ang bahala sa lahat.
Nakaupo kame sa isang VIP table kasama si Raymond at iba pang bisita, naguusap sila habang ako naman ay nakamasid lamang sa paligid at panaka nakang sumusulyap kay Dylan kapag hindi na sya nakatingin, pormal na pormal ang Dylan na kasama ko ngayon, napakagwapo at disenteng tingnan, muling nagalburoto ang dibdib ko lalo na ng mapatingin ako sa kamay ko na hawak hawak parin nya hanggang ngayon, nagpaalam ako sa kanya para pumunta sa restroom at para pakalmahin ang puso ko.
Pumasok ako sa restroom at tumingin pa sa salamin saka humawak sa dibdib ko. Hindi ko na napansin ang isang babae na nasa gilid ko lang at nakatingin sa akin, hanggang sa mapansin ko sya sa repleksyon nya sa salamin, lumpit sya ng bahagya at nakangiti sa akin, she is so stunning on her fitted off shoulder beige lace dress, para syang hindi nakamake up dahil sa natural na maganda ang muka nya,lalo pang nagpalakas sa appeal nya ang mahaba at kulot sa dulo nyang buhok, halos kasing tangkad ko sya at balingkinitan ang katawan. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang mga ngiting iyon sa akin.
Ah, yung kasama ni Dylan.Sa Paris!
Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang mahinhin nyang boses.
"Hi, Im Louise Montemayor, you must be Mrs. Montenegro right? Dylan's wife?" sambit nito. Louise? Sya ba yung ex ni Dylan? Yung nabanggit sa akin ni Raymond? Bakit sya nandito? I composed myself, you're the wife Irene, hindi ka dapat magpakita ng kahinaan sa kanya.
"Hello, I'm Irene Montenegro." Nakangiti kong tugon.
"I am Dylan's friend, nice to meet you."Friend? talaga lang ha?nakangiti ang mgamata nya kasabay ng kanyang mga labi, hindi ko ineexpect na ganito angmangyayari sa paghaharap namin, muka syang mabait at nakakahalina ang bawat ngiting binibitawan nya, para syang anghel sa sobrang kagandahan. Sandali pa akong natigilan at natulala sa kanya bago nakasagot.
"Ahm.. nandon si.. si Dylan sa table namin." Tugon ko.
Nakangiti syang kinuha ang maliit nyang bag sa lababo at muli akong nginitian. "Ok,kanina ko pa nga sya gustong lapitan e,kaso busy sya. Punataha ko muna si Dylan ah? Matagal narin kase kameng hindi nakapagusap,mauna na ako."
Tulala akong naiwan sa restroom, what was that? Para akong nastatwa at nagmukang ewan sa harap nya, may konting kirot akong naramdaman nang maalala ko ang huling sinabi ni Raymond tungkol kay Loiuse at yung mga oras na nakita ko silang magkasama.
I composed myself at tumindig ng diretso, ilang oras nalang din naman at matatapos na ang party. Kaya mo to Irene,kaya ko to.
Dahan dahan akong lumabas ng restroom at sinilip pa ang table namin, nakita kong wala na doon si Dylan. Inikot ko pa ng bahagya ang paningin sa paligid para hanapin sya, hinanap ko sya pero hindi ko sya Makita. Hanggang sa lumabas ako sa party hall at naglakad lakad pa,napunta ako sa isang hallway na hindi ko alam kung saan patungo nang liliko na ako ay nakita ko sila Dylan at ang babaeng nagpakilalang si Louise na naguusap agad akong nagtago at palihim silang tinitingnan. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila pero seryoso ang mga muka nila.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang may kirot nanaman na namumuo dito,nang muli ko silang silipin ay nakayakap na si Louise kay Dylan, hindi lang iyon simpleng yakap ng magkaibigan, napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko at pamumuo ng luha na konti nalang ay lalandas na sa pisngi ko.
Tama ang sinabi ni Raymond, hindi pa nakakamove on si Dylan sa babaeng iyon.
Hindi ko na sila kaya pang panuorin kaya nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon,bumalik ako sa table namin na naktulala,kahit maingay sa paligid ay para akong walang naririnig,nakatingin lang ako sa sahig at pilit na pinapakalma ang sarili. Konting oras nalang, ang gusto ko nalang ay matapos na itong party at makauwi na sa bahay.
"Irene?"
Baritonong boses ng isang lalaki na nakayuko sa akin, si Troy. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya.
"Ikaw nga,sabi ko na nga ba,makikita kita dito e." sambit pa nito habang nakangiti,lumabas ang magkabila nyang dimple na lalong nagpaganda sa ngiti nya. Bakit lagi nya nalang akong nadadatnan sa ganitong sitwasyon?
Pumunta kame sa beranda at doon nagusap,inabutan nya ako ng isang glass ng champaigne na kinuha nya mula sa loob, napansin nya yata na malalim ang iniisip ko at nakatingin lang sa malayo kaya kumunot ang noo nya at di na natiis na tanungin ako.