“How come a young and beautiful maiden like you was quite sad?”Sambit nito habang nakatingin ng lang diretso sa malayo. Sinulyapan ko sya saglit saka ininom ang champaigne na binigay nya.
“Hindi lang ako sanay sa ganitong party, it was all his idea na sumama ako dito.” Sambit ko,bago muling uminom.
“Palagi ka nalang malungkot kapag nagkikita tayo,last time in Paris tapos ngayon dito sa party, hnidi kaya dapat na may gawin ako?” Tugon nito,sabay tingin sa akin,sumandal sa beranda. Saka ko lang naisip kung paano nakapunta dito si Troy, alam ko puro mga malalaking business owners at prominenteng tao lang ang invited sa party na to. Baka may business din sila, kasing yaman nya din ba ang Montenegro?
“What’s that look? Nawirduhan ka ba sa sinabi ko?” aniya,kasabay ng pagangat ng labi nito nang mapansing nyang nagiba ang muka ko. “Nagbibiro lang ako Mrs. Montenegro. Pero kung magpapasaklolo ka saken, we can run away.” Pabiro nitong sambit, natawa ako ng bahagya sa huling sinabi nya. Run away? Kahit gustohin ko man ang puso ko naman ang may ayaw.
“See? Ngumiti Karin sa wakas. Sayang naman yang gown at makeup mo kung nakasimangot ka lang dyan buong magdamag.” Dugtong pa nito.
“Tama ka, Pero bakit ka nga pala nandito? May mga business din ba kayo?” Tanong ko. “Yes, my family own a lot of business and one of them is yang iniinom mo.” Aniya na ngumuso pa sa hawak kong champaigne. Ah, kung ganon. Mayaman din sya katulad ni Dylan..
Napatingin ako sa kanya nang dumeretso sya ng tayo sabay ayos ng kanyang coat, nilingon ko ang tinitingnan nya at nakita ko si Dylan na matalim ang mga tingin sa aming dalawa, di ko namalayan at nawili ako sa pakikipagkwentuhan kay Troy, di ko naisip na baka hanapin ako ni Dylan napaawang ang bibig ko at humigpit sa hawak kong baso.
“Im looking for you everywhere.”Baritonong boses nito kasabay ng paglingon ko.
Dumilim ang muka nya at matalim ang tingin nya sa katabi ko, salitan ko silang tinitingnan, at nakaramdam ng tension dahil sa tinginan nilang dalawa. Agad akong kumilos at tumayo sa pagitan nila at tumingin kay Dylan.
“Bakit mo ko hinahanap?” Umepekto ang ginawa ko at binaling sa akin ni Dylan ang paningin nya saka muling nagsalita.
“Let’s go home.” Sabay hatak sa kamay ko, halos matapon din ang laman ng baso na dala dala ko,mabuti na lamang ay may nadaanan kameng table at mabilis ko iyong nailapag don, kung hindi ay baka naiuwe ko pa.
Tinawagan nya ang driver nya at tahimik na sumakay sa sasakyan. Galit ba sya? Hindi maganda ang awra nya, pero galit saan? Teka, dapat ako ang magalit dahil nakita ko syang nakikipagyakapan don sa Louise,dba? Naguguluhan nako, kanina ang ganda ng mood nya tas ngayon bumalik nanaman sya sa panlalamig nya.
Pasado alas dose na nang makarating kame sa penthouse, pagbukas na pagbukas ng lift ay hinubad nya kaagad ang coat nya at hinagis iyon sa couch, tinitingnan ko lang sya habang dahan dahang naglalakad papasok sana sa kwarto para magbihis, lumapit sya sa glass wall at nakapamaywang saka nagsalita.
“What did he say?” Hindi yon malakas pero sapat para mapahinto ako sa paglakad at mapako sa kinakakatuyan ko,.
“Ha?” alam kong si Troy ang tinutukoy nya dahil sya lang naman ang kausap ko kanina, pero yun lang ang lumabas sa bibig ko, lumapit pa sya ng bahagya wearing his fierce face at muling nagsalita.
“Anong sinabi ng lalaking yon sayo?” muli nyang tanong, nakailang kurap ako bago nagsalita dahil sa kaba na nararamdaman ko habang nakatingin sya ng mariin sa akin. “W-wala, nagusap lang kame sandali.. “ utal ko pang sambit, di ko kayang sabihin sa kanya ang mga sinabi ni Troy kanina, sa talas ng tingin nya baka kung ano ang gawin nya sa akin.
“Don’t talk to that guy anymore, you understand?” sambit nito sabay lapit sa couch at kinuha ang coat nya.
Kumunot ang noo ko at sinundan sya ng tingin habang naglalakad sya papunta sa kwarto.
“Bakit?” tanong ko, bakit pinapalayo nya ako kay Troy wala naman akong nakikitang masama sa tao. Sya nga tong may ginagawang hindi maganda.
“Just do what I say, wag kana magtanong.” Aniya .
“Wala namang ginagawang masama si Troy.” Sambit ko pa habang pinapanuod sya na kumukuha ng damit sa walk In closet.
“Really? E, anong ginagawa nyo kanina? Di mo ba naisip ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita kayong dalawa? Ng walang ibang kasama?” Sambit nito, agad na nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya.
Napaawang ang labi ko sa narinig ko. “Wala kameng ginagawang masama,naguusap lang kame!” halos pasigaw ko ng sambit, tumigil si Dylan sa ginagawa nya at lumapit sa akin, parang natinag naman ako at biglang nabahala sa pagtama ng aming mga mata.
“Sige,sabihin mo sa akin,anong pinaguusapan nyo kanina?” Aniya habang nakatitig sa akin.
“H-hindi naman importante ang pinaguusapan naming dalawa. Pero wala kameng ginagawang masama.”sambit ko.
“I told you, isang taon lang, isang taon lang Irene! Kating kati ka na ba magkaboyfriend kaya hindi ka makapaghintay ng isang taon na hindi lumapit sa lalaki?!” Nagpantig ang pandinig ko at naginit ang tenga ko sa sinabi nya, mabilis na nangilid ang mga luha sa aking mga mata, bakit biglang naging ganon ang pakikitungo nya, malayong malayo sa Dylan na una kong nakilala.
“Bakit ikaw? Hindi ka ba makatiis na hindi puntahan yung Louise na yon? Kaya pati sa Paris nagkita kayo? At kanina.. “ tumigil ako sa puntong iyon, dahil sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko,pinilit kong hindi maluha sa harapan nya at hindi pang hinaan ng loob pero hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay umagos na ang luha sa mga mata ko.
“That’s not what you think Irene.” Lumambot ang boses nito sinubukan pang lumapit sa akin, pero natigilan sya ng humakbang ako paatras.
“S-sorry, M-Mr. president.” Dali dali akong pumunta sa restroom at nilock ang pinto. Napaupo ako sa sahig at tuluyang umagos ng walang katapusan ang luha ko,tinakpan ko pa ng palad ko ang bibig ko para lang hindi makagawa ng ingay, sobrang sakit ng nararamdaman ko,para akong pinagpira piraso at tinapaktapakan. The way he talk earlier parang ibang Dylan ang nasa harap ko.
I shouldn’t have felt this way,mali to. Umpisa palang alam na alam ko nang hindi totoo ang lahat ng sa amin, pero hinayaan ko lang ang sarili ko. Pinabayaan ko ang puso kong mahulog sa mga palabas namin.
Huminto ako sa pagiyak ng marinig kong tumunog ang lift,marahil ay umalis nanaman sya, baka pumunta sya kay Louise. Nang mahimasmasan ako ay nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kanina. Dapat hindi na ako nakipagtalo pa,dapat sumunod nalang ako sa kanya hindi na sana nangyare pa na umiyak ako sa harap nya.
Lumabas ako ng restroom at dumeretso sa walkin closet to get some clothes. Hinubad ko narin ang diamond earring na suot ko at tinitigan pa iyon,bago ilagay sa drawer kasama ng iba pang mga alahas.
“Sya dapat ang may suot nito.” sambit ko sa sarili.
Dala narin siguro ng pagod at antok ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako, nagising nalang ako sa alarm ng phone ko,kinapa ko iyon na nasa side table at bumangon na. wala na akong kasama sa kwarto ng magising ako, baka maaga syang umalis, o baka hindi sya umuwe?
Sinawalang bahala ko nalang iyon at nagasikaso na, lumabas ako ng kwarto dala ang bag ko,halos mapatalon ako sa gulat ng Makita ko si Dylan nakatayo malapit sa glass wall habang hawak sa isang kamay ang tasa na umuusok pa ang laman, habang ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng trousers nya, napakagwapo ng lalaking ito kapag nakasuot sya ng suit nya. Lumingon sya sa akin ng maramdaman nya sigurong nakatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin, yung ngiting parang walang nangyareng sagutan kagabi. Seryoso?matapos mo akong husgahan at sabihan na katingkati sa lalaki,ngingitian mo ako ng ganyan?
I just turn around and walk towards the kitchen para kumuha ng bottled water, ramdam ko ang paninitig nito sa akin, muli nanamang naghurementado ang puso ko sa kaba, knowing na nakatitig ang magaganda nyang mata. “Are you going to school?” sambit nito,habang papalapit sa akin.
“Yes,Mr President.” I coldly answer, matapos ang gabing yon,naiilang na akong tawagin sya sa pangalan nya. Isa pa hindi naman kame totoong magasawa para ibaba ko ang formal tone ko sa kanya.