Dumeretso ako sa may pinto at yumuko saka nagsuot ng sapatos nang marinig ko pa syang magsalita.
“Ihahatid na kita.”
Hindi iyon malakas pero rinig na rinig ko parin na para bang nasa malapit lang sya, at hindi nga ako nagkamali,nasa likuran ko na sya ng lumingon ako. Tumalon nanaman ang puso ko sa galak ng Makita sya sa malapitan. Relax, Irene. Relax.
Tumindig ako ng deretso at saka tumaas ang kilay. “Hindi na, salamat nalang,mauna nako.” Walang emosyon at iniwan ko syang nakatayo at hinintay na magsara ang lift,hindi ko sya tiningnan dahil nakatuon ako sa pipindutin kong floor, pero nahagip pa ng peripheral vision ko ang itsura nya. there’s something in his eyes, is it sadness?
NAGBABASA ako sa libriary ng biglang may nagpatong ng dutch mill sa table ko, agad kong inaangat ang ulo ko at nakita ko ang napakagwapong muka ni Troy,lumiliwanag ang muka nya kapag nakangiti sya, napansin ko pang nagtitinginan ang mga nasa paligid namin. Syempre, sino ba namang hindi mapapako ang tingin sa napakagwapo nitong muka.
Marahil kung una ko syang nakilala kesa kay Dylan,baka sa kanya nahulog ang puso ko.
“Thanks.” Matipid kong tugon,habang sya naman ay hinila ang upuan na nasa tapat ko at doon umupo. “May exam ba kayo?” tanong nito.
“Hmm.. wala, di kasi pumasok yung prof ko. Matagal pa naman yung next subject ko kaya dito muna ako nagpapalipas ng oras, ikaw? Wala ka bang klase?” sambit ko, habang nakatingin dito.
“Katatapos lang, are you ok?”
“Oo naman, ah! uo nga pala sorry,di nako nakapagpaalam sayo ng maayos last night.”
“That’s ok, I understand.” Nakangiti nitong tugon habang binubuklat ang kanyang libro. Sandaling katahimikan ang nanaig sa buong silid nabasag lamang ito ng muli syang magsalita.
“Are you free tonight?” sambit nito na nakatingin parin sa libro, I stunned, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumango ako bago nagsalita. “Yeah, wala naman akong gagawin.” Sambit ko. Inangat nya ang kanyang muka sa akin saka muling ngumiti,
“Let’s eat tonight, sagot ko.”
I raise my eyebrow and answered him with hummed na para bang hindi ko naintindihan ang sinabi nya. naisip kong tama lang iyon, dahil ayoko pang Makita si Dylan, para paguwe ko ay matutulog nalang ako,
“OK.”
NAGLALAKAD kame ni Troy papunta sa sasakyan nya ng biglang nagvibrate ang phone ko.
*Where are you?*
Text ni Dylan, magtitipa na sana ako ng isasagot ko nang tawagin ako ni Troy.
“Irene, lets go?” sambit nito habang hawak ang pinto ng sasakyan na binuksan nya para sa akin, sinilid ko sa bulsa ko ang phone at ngumiti dito saka pumasok sa loob ng sasakyan.
Pumunta kame sa isang mamahaling restaurant, nilibot ko ang paningin ko at namangha sa ganda ng lugar. Nilapitan ko si Troy na kausap ang isang waiter, nagpapahanap yata sya ng table para sa amin.
“Troy, hindi ba parang mahal dito? Lipat nalang kaya tayo sa iba?” sambit ko.
“It’s ok. I told you it’s my treat.” Sambit nito habang nakangiti, tinuro kame ng waiter kung saan kame pwedeng umupo,pinaghila pa ako ni Troy ng upuan ko na medyo kinailang ko at kinauwang ng labi ko nang makaupo na kame ay umorder na sya . “How about you Irene? Anong gusto mong kainin?” tanong nito,habang hawak ang menu.
“Ahm,pwede bang ikaw nalang ang umorder para sa ‘kin?”
Palinga linga ako sa paligid dahil nagagandahan ako sa disenyo at interior design ng resto,hawig nito yung Italian restaurant na kinainan naming sa Paris.
“Irene.” sambit nito sa pangalan ko.
Nilingon ko sya at tinaas ang dalawa kong kilay saka sumagot. “Hmm?”
“Do you like here?” tanong nito.
“Oo ang ganda dito,siguro ang yaman na ng may-ari nito.” sambit ko habang patuloy na nililibot ang paningin sa paligid.
“This is mine.” Baritonong boses nito, kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko nagets ang sinabi nya. “Ano yon?”
“Itong restaurant na ‘to, this is mine.” Sambit nya. nanlaki ang mga mata ko at napauwang pa ang labi ko sa sinabi nya, kaya pala ganun nalang sya asikasuhin ng mga sumalubong na staff sa amin kanina.
“Talaga? Wow.. “ sagot ko na may pagkamangha sa kanya.
“Kabubukas lang nitong restaurant one year ago.” Sambit pa nito,tumango tango ako, iba talaga kapag mayaman.
“Teka, hawig nito yung kinainan nating restaurant sa Paris,wag mo sabihing sayo din yon?” tanong ko na may pagngisi pa. “Oo” napatitig ako sa kanya at namilog ang bibig ko. “Talaga? Teka, bakit kapa nagdoctor e marami ka namang negosyo?” paguusisa ko.
“Hmm.. That’s my dream. To be a doctor, but I also need to fulfil my job as a son, kaya pinagsasabay ko ang propesyon ko.”
Muli akong namangha kay Troy, he’s a good son. Napakaswerte ng babaeng magugustuhan nito pag nagkataon, mayaman na resposable at mabait pa, bonus na ang pagiging gwapo.
Sabay kaming napalingon sa waiter na lumapit at naglapag ng pagkain sa harap namin.
“Ikaw Irene, what’s your dream?” tanong nito habang kumakain.
“Ako? Hmm.. makatapos lang ako sa pagaaral Masaya nako.” Sambit ko. Kumunot naman ang noo nya sa sagot ko.
“You don’t have any dream profession?” muli nitong tanong. Natigilan ako at sandaling nagisip ng isasagot, ngayon ko lang din naisip na oo nga.. wala akong naiisip na gusto kong maabot bukod sa makatapos sa pagaaral at maging empleyado. Sa hirap ng buhay ko, di ko na naisip ang mga bagay na iyon, dahil ang alam ko lang ay kung pano magsurvive sa pangaraw-araw.
“Di ko pa naiisip yan sa ngayon, baka hindi mo ako maintindihan kasi mayaman ka,pero para sa akin.. para lang yan sa mga mayayamang katulad mo na may kakayahan na tuparin iyon.” Sambit ko, biglang nagbago ang emosyon ko, parang bigla akong nalungkot. Nanliliit ako sa mga taong nakapaligid sa akin, ngayon ko lang din lalong napagtanto kung gaano kalayo ang estado namin ni Dylan, kaya ba hindi nya ako magawang magustuhan? Napilitan lang sya sa ‘kin at naipit sa sitwasyon kaya nagdesisyon syang pakasalan ako.
“I think you’re wrong..”
napatingin ako kay Troy na noon ay nakatingin pala sa akin. “You just have to be brave and give it a try, ang kailangan mo lang ay lakas ng loob para makipagsabayan sa mga malalaking pader na nasa paligid mo.” Sabay ngiti. Bumaba ang tingin ko sa kinakain ko.
Naglakad-lakad pa kame pagkatapos naming kumain, nagkwento sya tungkol sa pamilya nya, he came from the family of doctors and business man. Napaka down to earth na tao ni Troy kaya naman madali lang syang pakisamahan,pagkatapos non ay hinatid din ako nito sa bahay,
“Thank you Troy, ha.” Sambit ko bago bumaba sa sasakyan, “No problem,basta tandaan mo lang ang sinabi ko, just be yourself and don’t hesitate to give it a try on something that you want. Ok?” nakangiti nitong sambit, tumango naman ako at ngumiti dito.
“Salamat. Magiingat ka.” Sabay baba sa sasakayn, kumaway pa sya sa akin bago nimaneobra ang sasakyan, nang papasok ako sa loob ng hotel napatingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mga mata ko, pasado alas nuwebe na ng gabi, nakalimutan kong may curfew nga pala ako,dali dali akong sumakay ng elevator at pinindot ang lift. Sumilip muna ako sa loob habang dahan dahang pumasok, madilim ang buong bahay, napabuntong hininga ako buti na lang ay wala pa sya. Nagulat ako nang bumukas ang ilaw habang nagtatanggal ako ng sapatos,kinurap kurap ko pa ang mata ko dahil nasilaw ako sa biglang pagsindi nito, nanlaki ang mata ko ng Makita kong nakaupo si Dylan sa couch at matalim nanaman ang tingin sa akin.
“You’re late.” Malamig nitong sambit. Sya pa ang galit? Tinaasan ko sya ng kilay at tumindig ng maayos.
“Kumain lang ako sa labas kasama ang kaibigan ko.” Pananaray ko dito.
“And who’s that friend? What’s the name?” Baritonong boses nito.
“I think you don’t have to know Mr President.”