Episode 16

997 Words
“Why? I have the authority to ask you because I am your husband.” Seryoso paring sambit nito. naiinis ako sa sarili ko,ang bilis ko lang lumabot kapag nagsasalita sya ng mga ganito, parang ang sarap pakinggan. But I composed myself. “We’re married pero hindi tayo totoong magasawa, tingin ko wala tayong karapatan na panghimasukan ang buhay ng isa’t-isa, and Mr.President, hindi mo na ako kailangang sunduin o puntahan pa sa school, don’t make me misunderstood your actions.” Sambit ko saka nagmamadaling pumasok sa kwarto. Pagsara ko ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at bilis ng t***k nito, di ko akalain na kakayaning kong magsalita sa harap nya nang hindi kumukurap at natitinag sa mga titig nya. good job Irene, good job. Muli kong narinig ang pagtunog ng lift. Umalis nanaman sya. San nanaman kaya sya pupunta? Nagbihis na ako ng pantulog at humiga sa kama. Dahil narin siguro sa pagod ay hinila na ang mata ko ng antok. Naalimpungatan nalang ako nang may marinig akong ingay sa sala. Tumayo ako at lumabas ng kwarto at nakita kong akay akay ni Raymond at ng dalawa pang lalaki na sa tingin ko ay security guard ng hotel dahil sa uniporme nito si Dylan tila ba lasing na lasing at hindi na makalakad magisa. "Anong nangyare." singhal ko,nagaalala akong sumunod sa kanila sa couch. Tumango ang dalawang security guard at pinasalamatan sila ni Raymond.  "Thank you sir." pahabol ko pa habang pasakay sila sa lift.  "Wooh.." hingal na hingal na sambit ni Raymond na napasandal pa sa couch matapos pahigain si Dylan. "Ano bang nangyare? Bakit lasing na lasing si Dylan?" tanong ko habang nakatingin sa dalawa. "Yang asawa mo, nagayang maginom, naparame kaya ayan.. Bagsak." tugon nito sabay tayo. "Aalis nako Irene, ikaw ng bahala dito kay Dylan." "Teka, kaya mo pa bang magdrive? Mukang nakainom ka rin." sambit ko. "Dont worry about me may designated driver ako sa baba, just take care of Dylan. Bye.." sabay lakad papasok sa lift. Nang wala na si Raymond lumapit ako kay Dylan at marahan itong tiningnan, naawa ako sa kalagayan nya, para syang gulay na lupaypay sa alak, napangiwi ako ng maamoy ko ang singaw ng alak sa kanyang katawan. Napakagwapo parin ng muka nito kahit na lasing na lasing, "Mr President.." panggigising ko dito, "Mr. President.." ulit ko pa, pero hindi sya sumasagot naisipan kong pumunta sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo pampunas sa kanya para mahimasmasan man lang sya. Pinunasan ko sya sa muka hanggang leeg, ganon din sa braso at kamay nya gumalaw sya ng bahagya pero nakapikit parin baka naramdaman nya ang pagdampi ng bimpo sa kanya. I bite my lower lip ng naisip kong punasan sya sa katawan, pano ko ba to gagawin? Tatanggalin ko ba ang pagkakabutones ng damit nya?? Namumula na ang pisngi ko sa mga naiisip ko, ano kaba Irene, pati ba naman lasing pagnanasaan mo?? Naibato ko sa kanya ang bimpo na hawak ko bahagya pang napaatras nang makita kong nakabukas na ang kanyang mata at kanina pa pala nakatingin sa akin, ibig sabihin nakita nya yung itsura ko habang pinagiisipan ko kung pupunasan ko ba ang katawan nya o hindi. Lalong nangamatis at uminit ang pisngi ko, bolta-boltaheng kuryente ang unti unting umakyat sa buong katawan ko, nakangisi sya habang titig na titig sa akin.  Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin, makailanga ulit akong kumurap at napaawang ang bibig ko ng bigla nya akong halikan. Hindi yon ang unang na hinalikan nya ako pero iba ang naramdaman ko, samut saring emosyon ang tumakbo sa isipan ko, kasabay ng kuryenteng kanina pa gumagapang sa buong katawan ko ang hindi maipaliwanag na kung ano sa tyan ko.. Dahil nakaawang ang bibig ko ay madali nyang itong napasok, ginalugad ng kanyang dila ang loob ng bibig ko na para bang may hinahanap. Hindi ko mapigilan ang sensasyong nararamdaman kaya napapikit ako, napapikit ako at sinampa ang kamay ko sa batok nya kaya lalong lumalim ang mga halik nya. Hindi ko na alam kung ilang minuto kame sa ganong posisyon ang tanging nasa isip ko lang ay ang mahika nya na bumabalot sa pagkatao at ang sensasyong dala ng mga halik nya sa akin. Baliw na ba ko? Siguro!  Dapat ko syang itulak at patigilin ngunit parang ako pa ang nagbibigay ng access para mas lalo syang hindi tumigil dahil sa pagbaba taas at haplos ko sa kanyang likuran. Napapahiga na ako sa couch at parang mauubusan ng hininga. Gumagala narin ang kanyang kamay sa aking tyan paakyat sa dibdib ko, at ngayon nga ay nakapatanong na sa ibabaw nito, bumitaw sya ng tuluyang maglapat ang likod ko sa couch, habol hininga kameng pareho at nagtitigan. "I cant help it Irene. If we go further baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong angkinin ka." aniya na halos pabulong nalang. HINDI ko alam kung matutuwa ba ako maiinis sa sunod nyang ginawa. Bumangon sya at palikolikong naglakad papunta sa kwarto, nariyan pang muntikan syang matumba buti nalang ay napahawak sya sa pader nakaawang ang labi ko habang pinapanuod syang bumagsak sa kama. Hinawi ko ang buhok ko at diskumpyadong nilingon syang muli. Kinabukasan, maaga akong bumangon para maghanda ng almusal, sa sofa ako nahiga kagabi dahil ayoko syang katabi, gusto ko nalang na bumuka ang lupa at kainin ako ng buong-buo sa twing naaalala ko ang mga nangyare kagabi. May nangyare nga ba? Nakasandal ako sa ref habang hinihintay na matapos ang coffee maker, nakatingin lang ako dito, at nanliliit ang mata. Naiinis talaga ako! Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman para akong napahiya sa harap ng maraming tao. Napukaw ang tingin ko sa lalaking lumabas sa kwarto, wala syang pantaas na damit, napaawang ang labi ko sa ganda ng katawan nito,at ang abs! Jusko,pano ako aarte na parang hindi naaapektuhan. Muling nanginit ang pisngi ko na sa tingin ko ay namumula nanaman dahil sa abs nya, este dahil sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD