Episode 18

1243 Words
Nilagay ko sa bulsa ang phone at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla muling magring ito, tumatawag na sya sa’kin, pinatay ko ang phone ko at muling naglakad. Nang makalabas nako sa gate, nagulat nalang ako nang may isang lalaking humablot sa braso ko. Kunot noo kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa akin.  “Mr. President? Anong ginagawa mo dito?” Nakakunot noo kong tanong. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Tugon nito. “Hindi ko napansin ang tawag mo,isa pa nalobat din ako.” Sambit ko, hindi ako tumitingin sa kanya, ayoko syang Makita sa totoo lang, kaya hindi ko maintindihan kung bakit sya nandito. “Mr. President, pwede ka nang umalis,may kailangan pakong gawin.” Dugtong ko, at muling naglakad palayo sa kanya,binilisan ko pa ang lakad ko para mabilis akong makalayo pero muli nya akong hinawakan sa braso na noon pala ay nakasunod sa akin sumubsob ang muka ko sa dibdib nya saka dahan dahang tinaas ang tingin sa muka nya, muli nanamang naghurementado ang puso ko sa kaba, ramdam ko rin ang paginit at pangangamatis ng pisngi ko, nakatitig lang sya sa akin habang hawak nya ang bewang ko, agad akong umatras at inayos ang sarili.  “Irene, ano bang problema mo?” Sambit nito,habang hawak ang braso ko,  I bit my lip, nangingilid na naman ang luha sa gilid ng mata ko, hindi Irene, huwag, di mo pwedeng ipakita na naaapektuhan ka. “Wala,Mr. President, kung pwede lang iwan mo muna ako.” Sabay talikod dito, sakto namang may dumaan na taxi kaya agad akong sumakay don, iniwan ko syang magisa don.  Naiinis ako sa sarili ko, kung nagtagal pa ko don baka tumiklop nanaman ako. Kaya ko ba to’? kaya ko bang umabot ng isang taon? Ngayon palang para na kong nababaliw sa nararamdaman ko. Pumunta ako sa isang parke at umupo sa isa sa mga bench doon na walang ibang taong umookupa, maraming tao sa lugar,may mga magkasintahan,magkaibigan na nagtatawanan at nagkekwentuhan may mga bata rin na nagtatakbuhan sa damuhan, nagaagaw na ang liwanag at dilim.  Dahil lang ba to sa hangin, o talagang hindi ko na napigilan na pakawalan pa ang luha sa mga mata ko? Pinunasan ko ng aking palad ang luha sa pisngi ko, hindi ko dapat maramdaman to, hindi tama Irene, alam mong malabong mangyari na magkagusto sayo si Dylan,Malabo. Pasado alas otso na nang bumalik ako sa penthouse, pagpasok ko palang sa lobby ay nakita ko si Dylan na nakatayo sa information at nakapameywang hawak ang phone nya na parang may tinatawagan, wala akong balak na pansinin sya pero nakita nya ako habang papunta sa lift. Agad syang lumapit sa akin, seryoso ang muka nya at parang galit.  “Where have you been?” Singhal nito. Tiningnan ko lang sya at hindi sinagot,sinundan nya ako habang papalapit ako sa lift. “Kanina pa kita hinahanap,alam mo bang kung saan-saan ako nakarating?” Dugtong nito.  Sasagot na sana ako nang may isang babae ang lumapit sa amin at tinawag si Dylan. “Dylan!”   Sambit nito habang papalapit sa amin. Napaawang ang bibig ko at tumingin sa kanya, nakita kong parang magulat pa sya nang makita si Louise, hindi nya siguro inaasahan na pupuntahan sya nito dito.   “Anong ginagawa mo dito?” Sambit nito nang makalapit sa amin ang babae. “What are you talking about? Dito rin ako nakatira, kalilipat ko lang.” Nakangiti nitong sambit, “Oh, hi Irene,” Bati nito sa akin nang mapansin nya ako na nakatingin sa kanilang dalawa.  Ngumiti lang ako ng bahagya at saktong bumukas na ang lift kaya agad akong pumasok sa loob at nagmamadaling isara iyon, hahabulin sana ako ni Dylan pero nakita kong hinawakan sya sa braso ni Louise.  Halos manghina ako at napahawak sa bakal na nasa gilid ng lift, ilang beses ba akong kailangang masaktan ngayong araw na ‘to? Ang bigat ng dibdib ko at ang sakit ng puso ko. Dumeretso ako sa banyo at doon na humagulgol ng iyak, alam kong imposible pero.. Kailangan pa bang ipamukha sa akin ang lahat? Kailangan pa bang ipamukha sa akin na hindi kami pwede ni Dylan? Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng banyo, wala akong ibang dapat at kailangang gawin kundi ang magpanggap na hindi naaapektuhan hanggang sa matapos na ang lahat ng ito. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig,mukang hindi pa sya umaakyat,kausap nya parin kaya si Louise? Habang kumukuha ako ng tubig ay biglang nagbukas ang lift at lumabas si Dylan, akma syang lalapit sa akin pero agad akong umalis ng kusina at naglakad papunta sa sala at umupo sa couch, hindi ko sya tinitingnan pero ramdam ko ang pagtitig nya sa akin at nakatayo sa malapit. “Irene, about what happened last night, Im sorry. May importante lang akong…” “Mr. president, malinaw naman sa akin na hindi totoo ang lahat ng ‘to, nagpapanggap lang tayo na mag-asawa, kailangan nating magpanggap sa harap ng ibang tao, pero. Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko.” Pagpuputol ko dito,tumayo ako at tiningnan sya. “Hindi mo kailangang maging mabait sa ‘kin,magpanggap na nagaalala ka sa’kin, ‘wag mo akong bigyan ng rason para umasa sa wala.” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yon sa kanya. Lumapit sya sa akin at nakatitig sa mata ko, heto nanaman ako,nanlalambot nanaman ako sa mga tingin nya. “You’re my wife, and yet you’re telling me not to care about you? Why do you keep on saying that?” Sambit nito habang nakatitig sa’kin. Napaangat ang labi ko sa narinig ko. Wife? Seriously? I bit my lip at ilang beses kumurap bago nagsalita, “Wife? You’re wife?” Umatras ako at hinawi ang buhok, parang gusto ko syang saktan. “Hindi tayo mag-asawa Dylan! You know what? Hindi ko alam kung tama pa ba tong naging desisyon ko, ayaw mong makipagkaibigan ako sa ibang lalaki, pagkatapos ikaw?” Halos magkahalong iyak at tawa ang reaksyon ko sa mga oras na iyon, masakit para sa akin. Pero kailangan ko nang ilabas lahat ng sama ng loob ko.“Ikaw, sinabihan mo pa yung Louise na yon na lumipat dito? Ang unfair mo,napaka unfair mo! Ilang beses mo ba ako dapat saktan ha? Ilang beses mo ba akong dapat pagmukaing tanga?” Hindi ko na kaya naglakad ako papalapit sa lift para umalis, pero hinabol nya ako at hinawakan sa braso. “Irene,makinig ka muna sa’kin, walang kame ni Louise, she’s just my friend. I told you, hindi mo sya dapat pagselosan, dahil…” Tumaas ang dalawang kilay ko at tinignan sya habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin.. “I don’t know, I’m confused.. I can’t focused on my work, I can’t eat,I can’t sleep well, I’m thinking of you all the time, I’m not myself anymore! I think.. I think, I like you Irene. Gusto kita!” Sambit nito, napaawang ang labi ko at para akong naparalisa sa kinatatayuan ko, totoo ba to? Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto din ako ni Dylan! Humihiyaw sa galak ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Dylan, gusto nya rin ako! Nakatayo lang ako at makailang beses pang kumurap bago nagsalita. “G-gusto mo ko?” Utal kong sambit. For real? Tumingin sya sa akin at hinawakan ang kamay ko, his eyes are full of sincerity. “Irene, I don’t know when It started pero.. I know mahal na kita. At ayokong nagkakaganyan ka, ayoko ring lumalapit ka kay Troy, dahil nagseselos ako.” Tugon nito, ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya.  “Mahal din kita Dylan, unang beses palang kitang nakita sa café,alam kong mahal na kita.” Sambit ko. Ngumiti sya at hinalikan ang kamay ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, kung panaginip lang lahat ng ito sana wag na akong magising pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD