Naglalakad na pauwi sa knila ang binata at napagdesisyunan nyang maglaylo sa pagpunta ayaw nya naman saktan si yana dahil alam nya sa sarili nyang mahal nya si Rina.
Tinext nya si Rina at aayain kumain sa labas pero agad syang hinindian ng nobya dahil malapit nadaw ang finals at pagraduate nadin eto.. one week etong wala magawa di din sya makapunta kela jerome para makapagisip isip muna si yana malunkot eto ng isang linggo feeling nya nag iisa sya at di sya sanay ng ganito .Papunta ang binata ngayon sa bahay ni Rina upang damayan nalang ito sa pag aaral ngunit maghapon din syang parang walang kasama dahil mayat maya ang pagddrawing at pagtatahi neto . Gabi na ng matapos ang dalaga pero matapos nya sa pag gawa at pagtahi ay kumain lang at nag aya ng matulog . Nawala na ang dating Rina na kilala nya na lalambingin muna sya bago matulog .
Kinabukasan pag gising ng binata ay wala na ang nobya sa kanyang tabi dahan-dahan nya binuksan ang kwarto saka narinig ang paguusap ng mag-ina
(Lucy rina’s mother)
lucy: nasabi mo na ba kay raven ang pag alis naten after the graduation ? Para duon mo ipagpatuloy ang nasimulan ng ate mo .
Rina: Hindi pa ma may isang buwan pa naman ako para duon.
lucy : matagal na natin plano ito ,siguraduhin mong hindi yan magiging hadlang sa mga pangarap namin sayo sobrang dismayado na kami ng papa mo lalo na ng bumaba ang mga grado mo kung kelan ka gagraduate saka ka nagpabaya . (Inis na sabi nya)
Rina: opo ma ako po bahala.
Lumabas na si Raven na parang walang narinig nasa isip nya ang pag alis ng nobya at inaantay nya eto kung kelan sasabihin sa kanya . Pagtapos nya mag agahan ay nagpaalam na uuwi na sa 4 na taon ngayon lang ulit sumakit ang puso nya dahil ba sa hindi agad nasabi ni Rina ang plano nila kahit matagal na nila itong napag usapan o dahil ayaw nya ito umalis sa tabi nya ?
Nakauwi na nga ito sa kanila . At sinalubong sya ng kanyang ina
Madel: anak oh bat nakabusangot ka ?
Raven: ma aalis sila Rina after graduation dun itutuloy ang career sa canada Hindi ko alam kung hanggang kelan sila duon .
Madel: bat hindi mo nalang sya sundan sa canada anak?
Raven: Ma hindi kita kayang iwan dito sa pinas at isa pa anong gagawin ko sa canada mahirap makipagpaligsahan sa mga engineers doon mas maraming magagaling at experiensado ayaw ko din maging pabigat ako sa mga magulang ni Rina.
Alam kong marami na silang connections sa canada para sa pagttrabahuhan ni Rina dahil kilalang fashion designer ang ate nya noon . May buhay talaga sya sa canada .. eh! ako mangangapa palang . Kung hihintayin nya lang sana ako kahit isang taon o dalawang taon para patunayan ko rin ang sarili ko .pero mukhang buo na ang desisyon umalis kaagad.
Madel: noon palang sinabi ko na sayo hindi ko sya gusto para sayo pero dahil mahal mo syempre tinanggap ko . Alam kong mahal ka nya anak pero sinundan nya ang multo ng ate nya kahit na labag naman to sa kagustuhan nya ni hindi karin nya kayang ipaglaban sa mga magulang nya.
Raven: ma! Pinaglaban ako ni Rina kaya nga kami umabot ng 4 na taon e . Pero
Madel : pero kulang anak!
Pumasok na ng kwarto ang binata , ang mga huling sinabi ng ina hindi na sya nakaimik pa at nagmukmuk sa kwarto kinuha ang cellphone at
Tinawagan si jerome.
Raven: pre halika dating gawi ?
Jerome : dito nalang tayo sa bahay low budget ako ngayon e kailangan ko magtipid malapit na birthday ni utol e . Kelangan ko sya mabilhan ng regalo
Raven: ako ng bahala samahan mo lang ako .
Jerome: anong oras ba daan ka nalang dito
Dipa nakakaimik si Raven at agad na itong binabaan ng telepono ayaw nya na kasi muna mag pakita kay ariana pero dahil sya naman ang nag aya kay jerome kaya dadaanan nalang nya siguro ito.
7pm na at nakarating na ang binata kela jerome pero si jerome ay naliligo palang . Kupad talaga nun sa isip isip ni Raven kaya walang magawa kundi ang maghintay bumukas ang pinto ng bahay at nakita ang dalagang si Ariana nakapostura eto at kakauwi lang nagtama ang mga mata nila at agad naman inalis ang mga tingin paakyat na sana ang dalaga dahil ayaw nya makita ito dahil hiyang hiya padin sya sa nangyari pero narinig nya ang tinig ni Raven.
Raven: sorry! (Ang dami nyang gustong sabihin pero ayun lang ang lumabas mula sa bibig ng binata )
Ariana: wala yun . Ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo e pwede bang kalimutan nalang naten ang mga narinig at nanyari?
Tumungo lang si Raven saka naman nagpatuloy sa pag akyat ang dalaga.
Pumunta agad ang dalaga sa kwarto ng kuya nya at kumatok eto
Ariana: kuya kung pwede lang ayaw kong umuwi kayo ng lasing yung sakto lang sana at kaya nyo pa dalhin ang sarili nyo hindi ko kayo tatanggapin di baleng sa labas na kayo matulog ayaw ko ng mag alaga ng lasing.
Jerome: osige nay! Masusunod po hahahaha para kang nanay kung magsalita e pero hindi ka na mag aalaga ng lasing ngayon pangako iuuwi ko kaagad ang kumag nato kapag alam kong d na nya kaya..
Ariana: good !