CHAPTER 26

1929 Words
LORKAN Nakapikit pa ang mga mata ko pero may mga naririnig na akong mga ingay. May mga nagsisigawan na mga boses na parang nag-aaway, may mga nagpupokpok at mga kalabog na hindi ko alam kung anong ginagawa, may mga tugtog rin na ang lalakas ng mga volume at mga ugong ng mga dumaraang sasakyan. Dahil do'n ay tuluyang nagising ang diwa ko. Pero hindi ako nag-abalang nagdilat ng mga mata. Medyo inaantok pa talaga ako at ramdam kong masakit pa ang ulo at katawan ko. Gusto ko pang magpahinga at matulog.  Hindi ko alam kung bakit sobrang ingay. Eh, andito naman ako sa loob ng suite ko. Wala dapat ako naririnig na kahit na ano. Dapat purong katahimikan lang. Pero sa halip na intindihin ang mga iyon ay binalewala ko ang mga naririnig ko. Sa halip ay tumagilid ako nang higa. Pero laking gulat ko nang bigla na lamang akong nalaglag mula sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam na nasa dulo na pala ako. Kaya ang ending ay napunta ako sa baba.  Tuluyan na rin akong nagising at napadilat ng mga mata ko. Mas sumakit pa ang katawan ko dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig. Napangiwi pa ako dahil do'n. Naramdaman ko ring biglang sumakit ang batok ko kaya nasapo ko rin iyon. Medyo nangangalay kasi ito dahil siguro sa posisyon ko sa matagal na pagkakahiga. Ginalaw-galaw ko muna ang leeg ko.  Saka ko lang din na-realize na wala pala ako sa suite ko. Hindi ako natulog doon kung hindi sa ibang bahay. Dito mismo sa upuan nila Cirlyn. Medyo nagtaka pa ako saglit habang umiikot ang mga mata ko sa paligid. Ibig sabihin pala ay hindi ako nakauwi kagabi at hindi ko alam kung bakit. Napansin ko rin na iba na ang suot kong damit. Naka-pambahay na ako. Hindi ko alam kung paano o kung sino ang nagpalit sa akin. O kung anong mga nangyare. Basta ang natatandaan ko lang ay nag-inuman kami ni Conrad na kapatid ni Cirlyn. Pero after no'n ay wala na akong naalala pa. Medyo kumikirot pa ang ulo ko dahil sa hang-over kaya wala pa akong matandaan sa mga nangyare.  "Oh, gising ka na pala!" anang ginang na nanay ni Cirlyn na lumabas mula sa kusina. "Ba't andiyan ka sa sahig?" tanong pa nito.  Agad akong tumayo at naupo muna sa upuan. Sapo ko pa rin ang sentido ko dahil medyo sumasakit pa rin iyon.  "Gusto mo ng kape?" muling tanong ng ginang sa akin.  "'Wag na po," tanggi ko.  "Lasing na lasing ka kagabi kaya hindi ka na nakauwi pa," aniya.  "Gano'n po ba?" "Oo. Ginising ka pa kagabi kaso lang no'ng papunta ka na ro'n sa sasakyan mo bigla ka na lamang bumagsak. Hindi mo na talaga kinaya pa." Bigla akong nahiya dahil do'n. "Naku! Pasensya na po kayo. Naabala pa po kayo dahil sa akin." "Walang problema. Kaysa naman umuwi kang lasing kagabi at baka kung ano pang nangyare sa 'yo." Bigla akong napatingin sa labas. Napansin kong maliwanag na nga talaga. Hindi ko alam kung anong oras na ba kaya napatingin ako sa suot kong relo. Medyo nanlaki pa ang mata ko nang makitang mag-aalas-nuebe na pala nang umaga.  "Si Cirlyn po?" tanong ko.  "Umalis na. Kanina pa. Maaga kasi ang pasok no'n." Napatango-tango na lamang ako nang marinig ko sabi nito.  "Sure ka bang ayaw mong magkape muna? May sinangag din dito baka gusto mo ring kumain," alok din ng ginang.  "Salamat po pero hindi na po. Uuwi na rin po ako," sabi ko at tumayo na rin ako. Medyo nahihilo pa ako pero kaya ko naman.  "Oh, sige. Mag-iingat ka sa pagda-drive mo." "Salamat po uli at pasensya na po sa abala. Nakakahiya sa inyo. "'Wag mo nang intindihin pa iyon." "Oo, nga po pala. Saan po pala 'yong suot kong damit kagabi?" nahihiya ko pang tanong.  "Naku! Medyo basa pa. Nakasampay pa ro'n sa may likod." Nagtaka ako. "Huh? Bakit po?"  "Nilabhan ni Cirlyn kagabi. Sumuka ka raw kasi at kumalat do'n sa suot mo." "Ho?" shock ko pa ring reaksyon.  Napatakip ako ng mukha ko. Mas lalo akong nahiya dahil do'n. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Ibig sabihin pala maliban sa nalasing ako ay nagkalat pa pala ako kagabi. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko. Pinerwisyo ko pa sila at pinag-alala sa pinaggagawa ko. Binigyan ko pa sila ng trabaho. Malamang ay si Cirlyn ang nagligpit ng suka ko. Siya rin ang nag-asikaso sa akin kagabi at malamang nagpalit sa akin. Siya rin ang naglaba ng damit ko. At wala akong kaalam-alam do'n dahil lugmok na ko sa kalasingan. Naiisip ko pa lang ay nahihiya na ako sa totoo lang.  Mas lalo pa yatang sumakit ang ulo ko dahil do'n. Sobra talaga akong nahihiya sa kanila lalo na kay Cirlyn dahil sa ginawa ko. Hindi lang basta abala kundi sobra-sobrang abala pa ang ibinigay ko sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin. O kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya. Ano na lamang ang iisipin nito sa akin? For sure ay turn off na ito. Ano ba kasing pinagagagwa ko kagabi? Naiinis ako sa sarili ko. Hays!  Nakita kong medyo natawa ang ginang sa naging reaksyon ko.  "Ano ba 'yan?! Sobrang nakakahiya po sa inyo," nasabi ko na lamang at saka yumuko ako. Nahihiya talaga ako kaya hindi na ako makatingin nang diritso sa ginang.  "Ayos lang naman. Naiintindihan naman namin. Natural lang iyon kapag nakarami ng inom at nalasing," aniya. "Hindi po okay 'yon. Naperwisyo ko pa kayo.Kasalanan ko po kaya nangyare iyon. Dapat marunong akong kumontrol." "Hayaan mo na. Wala ka na ring magagawa pa. Basta next time 'wag na magpapasobra. Kapag hindi na kaya, awat na. Hindi ka na tuloy nakauwi sa inyo. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo sa 'yo." "Pasensya na po talaga kayo. Tatandaan ko po iyang sinabi niyo. Sorry po," hinging paumanhin ko.  Muli itong ngumiti. "Sige na, hintayin mo na lang at kukunin ko muna 'yong damit mo ro'n sa likod," anang ginang at saka niya ako iniwanan saglit.  Pagkaalis nito ay hindi ko na napigilan pa na sabunutan ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko talaga. So disappointed sa sarili ko. At walang dapat sisihin kung hindi ako lang. Imbes na okay na kami ni Cirlyn, eh. Nakakainis.  CIRLYN  KANINA pa ako nakaharap sa computer ko pero tinititigan ko lang iyon. Tinatamad ako magtrabaho at medyo inaantok din ako. Wala pa kasi akong matinong tulog simula kagabi. Medyo masakit din ang katawan ko. Feeling ko ay pagod na pagod ako. Tapos maaga rin akong umalis ng bahay kanina para pumasok. At dahil lahat nang iyon sa mga nangyare kagabi kung saan nga nalasing si Lorkan. Pinilit nitong umuwi pero hindi na nito kinaya pa kaya natumba na lamang ito. Ang pinakamalala pa ay sumuka pa ito. Mabuti sana kung ito lang pero hindi pati ako ay dinamay nito. At wala akong choice kung hindi ang asikasuhin ito.  Inalalayan ko siya hanggang sa sala kahit na hirap na hirap ako sa bigat nito at diring-diri ako dahil sa amoy ng suka nito. Pagkatapos niyon ay nilinisan ko pa ito at pinalitan ng damit na kinuha ko lang sa lagayan ng mga damit ni Conrad. Halos ingat na ingat pa ako habang ginagawa ko iyon sa kanya. Marahan ko siyang hinubaran at pinunasan ang katawan nito para naman maging komportable ito.  Pero habang ginagawa ko iyon ay ako naman ang hindi nagiging komportable sa nakikita ko. Hindi ako sanay na makakita nang hubad na katawan ng isang lalaki nang malapitan. Lalo pa at katawan ni Lorkan. Wala lang talaga akong choice. Kaya naman mabilisan lang din ang ginawa kong pagpupunas sa kanya. Baka biglang magising ulit ito o 'di kaya naman ay lumabas si Nanay o si Tin-Tin mula sa kwarto at makita pa ako. Baka kung ano pang isipin nila na ginagawa ko rito. Pagkatapos ko siyang bihisan ay hinayaan ko na rin siyang magpahinga. Nagtuloy na rin ako sa banyo para maglinis at para labhan ang damit nitong may suka. "Hoy, Girl!" untag sa akin ni Mary Grace dahilan para magulat pa ako. "Kanina ka pang nakatunganga diyan. Ayos ka lang ba?" dugtong pa nito.  Napilitan akong harapin ito.  "Medyo inaantok lang ako, Girl," walang gana kong sagot.  "May sakit ka ba? Ba't parang bangag ka yata? Hindi ka ba natulog?"  "Konti lang," sagot ko.  "Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi?" tanong nito. "'Wag mo sabihing nag-k-kdrama ka na rin." "Baliw! Hindi, ah," tanggi ko at napasandal sa upuan ko.  "Eh, ano?" curious nitong tanong.  "Si Lorkan," sagot ko.  "Lorkan? You mean Chef Lorkan?" aniya na parang hindi makapaniwala.  Tumango ako.  "You mean nasa inyo siya kagabi?" tanong pa ulit nito na lalong naging interesado. Tumango uli ako.  "Talaga? Anong ginawa niya sa inyo? Is there something going on sa inyo?" "Wala, ah." "Weeh?" "Wala nga g*gang 'to! Ang kulit mo! Huwag kang gumawa ng isyu." "Sus! Ayaw mo lang talaga mag-share sa akin, eh." "Eh, wala naman ngang kailangang i-share. Isa pa hindi ko rin naman expected na andoon siya sa amin pagdating ko kahapon. Nagulat nga rin ako pagkakita ko sa kanya." "So, bakit nga siya naroon?" "Ang sabi niya may pinuntahan lang daw siya malapit sa amin kaya dumaan siya." "Talaga? Maniwala ako." "'Yon ang sabi siya pero hindi ko alam kung totoo." "Eh, anong konek nang pagkapuyat mo kay Chef Lorkan? Hindi ka ba nakatulog dahil sa kanya? Siguro iniisip mo siya, no?" "Baliw! Ang dami mong alam," sabi ko at sinimangautan ito. May pagkamalisyosa rin kasi itong kaibigan ko at kung anu-ano ang naiisip.  "Kung gano'n, eh, ano? Siguro pinagod ka niya, no?"  "Oo!" Nakita kong napanganga pa ang reaksyon nito sa sagot ko.  "Pinagod niya akong buhatin siya. Ang bigat-bigat niya sobra," reklamo ko pa.  "Ano bang pinaggagawa niya? At bakit ikaw ang nagbuhat sa kanya?" "Eh, kasi nga nag-ayang mag-inuman itong kapatid ko at itong si Lorkan hindi rin makatanggi kaya ayon nakarami silang dalawa hanggang sa nalasing na." "Ay gano'n? So, ibig sabihin okay na rin sila ni Conrad?" "Malamang. Parang wala ngang nangyare. Ang saya-saya pa nga nilang dalawa habang nag-iinuman." "Eh, nasaan part 'yong nagbuhat ka?" "After nilang mag-inuman pinilit umuwi ni Lorkan kaso hindi na niya kinaya pa. Bigla na lamang bumulagta ang loko no'ng papunta na ito ng sasakyan. Kaya wala akong choice kundi ang tulungan ito. At ito pa ang pinakamalala, Girl, bigla ba naman itong sumuka," kwento ko pa.  "Yuck!" nandidiring reaksyon ni Mary Grace.  "Yuck talaga! Kaya napilitan pa akong asikasuhin at linisin ang kalat nito. Kaya ayon halos late na ako nakatulog sa dami nang ginawa ko. Pagod na pagod ako." "Ah... kaya naman pala," nasabi na lamang ni Mary Grace matapos nitong marinig ang lahat nang iyon.  "So, happy ka na?" tanong ko sa kanya. "Okay na," aniya at ngumiti ito. "Akala ko kasi ayaw mo nang mag-share sa akin, eh." "Ikaw pa ba? Wala naman akong ibang ka-close dito kung hindi ikaw lang. Ikaw at ikaw pa rin ang unang makakaalam kaya 'wag kang mag-inarte diyan. Hindi ka maganda." "Eh, 'di ikaw na ang maganda," sabi nito.  "Shie!" Kapwa natigil ang usapan namin ni Mary Grace. Sabay pa kaming napalingon dahil sa tawag na iyon ni Virgie sa akin na kakapasok lang ng pinto mula sa labas.  "Bakit?" tugon ko.  "May delivery ka ulit," aniya.  "Huh?" reaksyon ko.  At nakita kong biglang lumitaw sa pinto ang isang lalaki na may dalang paper bag ulit. Mas lalo akong nagtaka. Nagkatinginan na lamang kami ni Mary Grace dahil do'n. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD