Nicole's Pov
Nakatayo parin ako habang hawak hawak ko yung blue print niya habang seryusong nakatigin sa kanya
Napapansin ko naman na parang na iinis na siya
Aba bakit? Siya ang na una bawian lang noh?
" Ano? Buburahin mo ba yung picture ko? O Hindi ko na ibabalik itong blue print mo? " pag uulit ng tanong ko sa kanya
" Give me back my blue print " seryusong sabi niya saakin
Kanina lang ang lakas niyang mang asar tapos ngayon
" No burahin mo muna yung picture ko at ibabalik ko sayo ito " sabay tigin ko sa blue print na hawak ko
" Give it back to me baka magusot mo pa pinag paguran ko yan "
" No! " Pag mamatigas ko
" Give it to me or else " seryuso niyang sabi
" Or else what? "
" You will regret it " seryuso niyang sabi
Napalunok naman ako sa sinabi niya
Teka? Ano ba yung pag sisisihan ko kapag di ko ibinigay yung blue print sa kanya?
Lumapit naman siya saakin kaya nag madali akong pumunta sa pintuan para lumabas. Pero na unahan niya ako at naisara niya ang pinto. Nakatalikod naman ako habang yakap yakap ko yung naka rolyo niyang blue print at hindi ako tumigin sa kanya. Alam kung nakatigin na naman siya saakin.
" Hindi ka makakalabas sa kwarto na ito ng di mo ibinabalik saakin ang blue print ko " seryuso niyang sabi
Unti - unti naman akong tumigin sa kanya
" Hindi. Hindi ko parin ibinigay ito sayo hanggang sa di mo pa binubura yung pangit kung picture sa camera mo " medyo inis na sabi ko sa kanya
" Sino nag sabi na pangit ka? " tanong niya
" Hi-hindi ba ako pangit? " tanong ko din sa kanya
Pero imbis na sumagot siya tumawa lang siya
Inis naman akong tumigin ng seryuso sa kanya
" Anong nakakatawa? " inis na tanong ko sa kanya
" Your face "
Kinapa ko naman yung mukha ko
" Bakit may dumi ba ako sa mukha? "
" Nothing its just napaka seryuso mo kasi " sagot niya
Sinamaan ko naman siya ng tigin at ibinato sa kanya yung blue print niya.
" Ohh ayan " inis na sabi ko
" Ibibigay mo din pala ang dami mo pang "
" Ang dami ko pang ano? " inis paring tanong ko sa kanya
Hindi niya ako sinagot. Ibinuka niya lang yung blue print niya at tinignan niya.
" Tignan mo gusot na " pag rereklamo niya
" Hoy! Walang gusot diyan " lumapit naman ako sa kanya pero nag lakad siya papunta sa kama kaya sinundan ko siya " Patigin kung saan ang gusot dyan! " dagdag ko
" Wag na baka lalo mo pang magusot " sagot niya
Grabe hah ang arte dinaig pa babae
" Patigin nga kasi! " giit ko
" Ayuko nga " sagot niya sabay itinaas niya yung blue print niya na pilit ko namang inaabot. Pero di ko maabot dahil na din sa mas matangkad siya kesa saakin.
" Hayzt nakakainis na patigin lang naman kasi " pag mamaktol ko
" Naiinis ka na hmm? " may pang aasar na sabi niya
Ayan na naman po siya
Sa pang aasar niya
" Patigin lang naman kasi eh " sagot ko
" Ayuko nga " sabay itinaas niya ulit yung blue print, pilit ko namang inabot pero nagulat kaming dalawa sa sumunod na nang yari. Parehas kaming natumba sa kama. Parang nag slow mo na lang bigla. Nadaganan ko siya at nakatitig ako ngayon sa mga mata niya. His eyes. His attractive gray eyes.
" Señiorito? Ay dios mio! Pasensya na naistobo ko siguro kayo " rinig kung sabi ni Manang Lucy na kakapasok pang ng kwarto
Namilog naman yung mga mata ko ng ma-realize ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Agad akong umalis at dahil sa kamamadali ko bigla na lang akong na out balance kaya pumikit na lang ako.
Ang tanga mo talaga Nicole!
Pero teka? Bakit di ako bumagsak sa sahig?
Unti - unti ko namang minulat yung mga Mata ko at nakita ko siya. Inaalalayan niya yung likod ko gamit ang dalawang kamay niya at seryusong nakatigin saakin.
" Ehem! "
Mahina ko naman siyang itinulak sabay umayos ng tayo at humarap kay Manang Lucy
" Ipinapatawag kayo ng Señiora nakahanda na daw ang almusal sa baba " sabi ni Manang Lucy
Unti - unti namang lumapit sa saakin si Xavier at may ibinulong
" Clumsy " mahina niyang sabi at nag lakad na papalabas ng kwarto
Ugh! Nakakainis ka na talaga Xavier!
" Maupo ka na Nicole at saluhan mo kaming mag almusal " Sabi ni Señiora Beverly
" Nako wag na po Señiora nakapag almusal na po ako sa bahay " sagot ko
" Umulit ka na " utos ni Señiora
Wala naman akong nagawa kundi tumango at hinila yung isang bakanteng upuan at duon umupo.
Kumuha naman ako ng kaunting pagkain at isinalin ko sa pingan na nasa harapan ko
" Aayaw ayaw pa gusto din naman " mahinang bulong ni Xavier
" Xavier! Wag mong ganyanin si Nicole hah! " pag saway sa kanya ni Señiora
Hmm buti nga sainyo
" Nako Señiora kung alam lang po ninyo yung nakita ko kanina sa kwarto ni Señiorito " sabi naman ni Manang Lucy na may hawak na isang babasaging pitchel na may lamang malamig na tubig
Lumigon naman ako ki Manang Lucy at umiling senyales na wag niyang sasabihin yung nakita niya kanina
" Ano naman yun? " curious na tanong ni Señiora
" Ganito po kasi yung Señiora nakita ko po kasing nakapatong si Nicole kay Señiorito " kwento ni Manang Lucy
Wala na nasabi na ni Manang Lucy
Yumuko naman ako sa sobrang hiya
" Totoo ba yun Nicole? " tanong ni Señiora
Unti - unti naman akong tumigin kay Señiora
" Aksedente lang naman po yun " sagot ko
Nakatigin naman saakin si Señiora na para di siya na niniwala at tumigin siya kay Xavier na kaharap ko lang sa lamesa at kumakain.
" Totoo ba yun Xavier? " tanong ni Señiora
" Yes " mabilis niyang sagot
Di man lang niya sinabing aksedente lang yun
Wala na niyang hiya na talaga ako
Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa sobrang hiya