bc

When I Found You

book_age12+
206
FOLLOW
1.0K
READ
love-triangle
family
friends to lovers
goodgirl
drama
twisted
sweet
lighthearted
serious
first love
like
intro-logo
Blurb

Ang love ay napaka magical sabi ng Lola ko yung para bang may happy ending.

Pero ano kayang magiging love story ko? Magiging mala Cinderella ba? Yung tipong maiiwan ko yung sapatos ko at hahanapin ako ng prince charming ko at mag kakaroon kami ng happy ending?

Pero pano kung may isang lalaking dumating sa buhay ko ng di ko inaasahan? Pero hindi siya katulad ng mga prince charming sa mga fairytale na nababasa ko. Yung tipong gwapo, mabait, kagalang - galang , at irerespeto ako

Pero ito?

Itong lalaking ito?

Napakalayo

Alam ninyo kung bakit?

Mayabang, Maangas at akala mo kung sinong mayaman at gwapo

Oo na oo na gwapo siya

Gwapo naman kasi siya

But I'm pretty sure na di ako mapapansin noon pero noong mga bata pa lang kami sobrang close namin yung tipong mag childhood sweetheart kami pero ngayon ibang iba na

Hindi na siya yung kilala kung Xav

May pag-asa pa ba na bumalik kami sa dati? May pag - asa ba na pamansin niya ako? May pag - asa ba na mag kagusto saakin ang isang tulad niyang mayaman, gwapo at may pinag aralan sa isang hamak na tulad ko na kinakailagan pang mag trabaho sa hacienda nila para makapag aral?

Ako si Nicole Ashley Rodriguez samahan ninyo sa magiging love story ng buhay ko

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nicole's Pov " Nicole! Nicole hija gising na " Unti unti ko namang minulat yung mga mata ko agad kung nakita si Lola Bumagon naman ako sa pagkakahiga sa higaan ko " Ano po yun Lola? " " Mag madali ka nandyan si manong Ed " " Si manong Ed bakit daw po? " takang tanong ko " Gusto ng Señiora na sunduin ninyo sa airport ang apo niya " " Apo? " takang tanong ko " Oo yung kalaro mo dati " " Si Xav? " " Oo kaya sige na mag madali ka na " " Sige po 30 minutes Lola " sabay bagon ko sa higaan ko at tumakbo palabas papunta sa cr Maliit lang ang bahay namin gawa sa kahoy, may dalawang kwarto para saakin at para kay Lola at papa, maliit na sala, at cr hindi kami mayaman tulad ng iba na mga pinalad sa kanilang mga buhay. Si papa nag ta-trabaho siya sa hacienda de salvartes nag aalaga ng mga baka tsaka kabayo. Si Lola naman nandito lang sa bahay hindi na pinag trabaho ni papa mahina na din kasi si Lola at pahinga lang dapat siya. Ang mama ko? Wala na matagal na siyang kinuha saamin ng diyos kapapanganak niya pa lang saakin ng mawala siya Ako? Paminsan minsan tumutulong ako kay papa sa hacienda pero nag aaral ako Bachelor of Science in Agriculture ang kinuha kung kurso sa koleheyo dito lang sa lugar namin kahit kasi pag samahin ang nakukuhang suweldo ni papa at pag extra ko sa hacienda hindi parin sasapat para makapag - aral ako sa maynila maganda sana ang opurtunidad kung sakaling duon ako makakapag tapos kaso hayaan mo na mag sisikap na lang ako para makapag tapos at para mabigyan ko ng magandang buhay sila papa at Lola. Lumabas na ako ng banyo nakaligo na ako at nakapag bihis " Nicole! " sigaw ni Lola " Opo sandali lang po Lola mag susuklay lang po ako " mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko humarap ako sa salaming at nag suklay at nag pulbo. Simpleng T-shirt, Jens at Sandals lang ang suot ko. " Maganda na ba ako Tere? " napaligon naman ako sa aso kung si Tere isang babaeng aspin si Tere itim siya na may halong brown ang kukay ng balahibo niya at nakatayo ang mga tenga mag aapat na buwan palang siya saakin pero sobrang takaw nito at pa minsan minsan isinasama ko din sa hacienda " Wag kang mag alala pag uwi ko dadalhan kita ng pagkain pero behave ka lang hah wag mong pasasakitin ang ulo ni Lola " sabi ko sa kanya sabay hinamas ko sa ulo niya. " Nicole! " sigaw ni Lola " Opo nandyan na " sagot ko agad naman akong nag lakad palabas ng kwarto ko Nakita ko naman si Lola kausap si manong Ed " Lola " Agad namang napaligon saakin si Lola " Ano ka ba namang bata ka kanina mo pa pinag hihintay si Ed " " Ayos lang po yun " sagot ni manong Ed " pano po mauna na kami " sabi ni manong Ed sumunod naman ako sa kanya agad naman ako niyang pinag bukasan ng pintuan ng kotse sa back seat at agad akong pumasok. Pumasok na din si manong Ed sa driver seat at pinaandar na niya yung kotse paalis. " Manong Ed may gusto lang po akong itanong sainyo " " Ano yun hija? " " Bakit po ako pinasama ni Señiora na sumunod sa apo niya? " " Alam kasi ng Señiora na kababata mo ang apo niya at gusto niya na habang nandito siya at may kasama siyang ka edad niya " " Po? " Kasama? Anong ibig sabihin ni manong Ed? " Si Señiora na sana ang mag sasabi nito sayo nito pero nag tanong ka na kaya ako na lang, gusto ng Señiora na habang nandito ang apo niya sasamahan mo ito, ipapasyal sa hacienda o kahit sa bayan " " Po? " " Wag kang mag alala hija babayaran ka naman ni Señiora bilang kapalit " " Pero " " Alam ng Señiora na mag kakasundo kayo sobrang close nga kayo noong mga bata pa kayo " Correction manong noong mga bata pa lang kami pero ngayon hindi ko alam kung magiging close pa kami Ni hindi ko nga alam kung nag bago na siya o kahit itsura man lang niya Hindi na ako sumagot kay manong Ed tumanaw na lang ako sa labas ng bintana ng kotse Ilang oras din ang tinagal ng beyahe namin hanggang sa huminto kami sa tapat ng airport. Unang bumaba ng kotse si manong Ed at pinag buksan naman niya ako ng pintuan ng kotse. " Manong ilang apo po ba ni Señiora ang susunduin natin? " Gusto ko kasi linawin masakit kasi umasa " Ito ibuka mo " sabay bigay saakin ni manong Ed ng tarpulin agad ko namang binuka at binasa yung nakasulat XAVIER CHRISTIAN JAMES AUSTEN " Naniniwala ka na ba? " tanong saakin ni manong Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya Ibinuka ko naman yung tarpulin para agad niya itong mabasa Ilang sigundo kaming nag hintay hanggang sa may isang lalaki na huminto sa harapan ko Matangkad siya, he have a black mix with brown hair, white skin, pointed nose, and red kissable lips, may hawak na maleta at naka shades Sya na ba? Sya na ba si Xav? " Xavier " " Señiorito " sabi ni manong Agad naman siyang lumigon kay manong Ed " Where's Lola? " " Nasa hacienda po ako na mag dadala ng maleta ninyo " sabi ni manong Ed at agad niyang kinuha yung maleta Hindi niya ba ako pinansin O sadyang hindi niya lang ako na kilala? Sumunod naman siya kay manong Ed Binuksan naman ni manong Ed yung compartment ng kotse at duon inilagay yung maleta Binuksan naman ni manong Ed yung pintuan ng kotse sa back seat at agad na pumasok si Xavier duon " Manong duon na lang ako sa passenger seat " " Sigurado ka ba hija? " Tumango ako Binuksan naman ni manong Ed yung pintuan ng kotse sa passenger seat at pumasok ako. Pumasok na din si manong Ed sa driver seat at agad na pinaandar yung kotse paalis " Señiorito na aalala ninyo po ba si Nicole siya po yung kababata ninyo dati mahilig kayong mag laro sa hacienda " sabi ni manong Ed Tumigin naman ako sa back seat napansin ko naman na nakatigin siya sa cellphone niya at sinalpak niya sa tenga niya yung earphones niya Tumingi naman saakin si Manong Ed " Hayaan ninyo na manong baka pagod lang siya " sabi ko sabay pilit na ngumiti " Hello momma, not yet nasa kotse pa lang ako papunta sa hacienda, no hindi ko kasama si lola don't worry about her ok I'll take care of Lola ok, yeah tatawag ako mamaya kapag dumating na ako sa hacienda ok bye " Kausap niya siguro ang mommy niya kumusta na kaya ang parents niya? At mga kapatid niya? Ilang oras din ang itinagal ng beyahe namin hanggang sa pumasok ang sinasakyan naming kotse sa main gate ng hacienda " Welcome back to Hacienda De Salvartes " sabi ni manong ed kay Xavier

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook