Chapter 2

1200 Words
Xavier's Pov She looks so familiar to me pero hindi ko maalala Huminto ang kotse na sinasakyan namin sa tapat ng mansion agad namang bumaba si manong at pinag buksan ako ng pinto ng kotse at agad akong bumaba. Ang Hacienda De Salvartes hmm na miss ko din ito at syempre yung sariwang hagin. Ang hacienda ay pagmamay-ari ng pamilya namin. " Xavier? Ikaw na ba yan? " tanong saakin ng isang matandang babae " Manang Lucy? " takang tanong ko " Ako nga hijo " Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya Si manag Lucy isa siya sa mga katiwala nila Lolo at Lola at naging yaya din namin ni trixy noong nandito pa kami. " Ang laki laki mo na hijo ang mga magulang mo? Si trixy at si Zac hindi mo ba kasama? " " Hindi po busy po sila momma si trixy naman busy sa banda niya sa pag aaral at ganon din po si zac " " Nako nahilig na din pala sa musika ang kakambal mo " " Si Lolo at Lola po? " takang tanong ko sa kanya " Apo! " Agad naman akong lumigon sa nag salita Si Lolo Agad naman akong lumapit sa kanya inalis ko na din yung shades ko at niyakap siya " Lolo I miss you " " I miss you too apo ang dati maliit ka pa lang ngayon ang laki mo na at, matangkad at gwapo " " Syempre Lolo mana sainyo " pabiro kung sabi " Tama yan " pag sangayon niya saakin " Si Lola po? " " Nag hahanda ng pagkain " " Nag hahanda ng pagkain? " takang sabi ko " baka mabinat si Lola " " Mabinat? Tara pasok na tayo sa loob " sabi ni Lolo at agad naman kaming pumasok sa loob ng mansion Sa Dinning Area agad kung nakita si Lola na nag aasikaso ng mga pagkain na nilalagay sa dinning table kasama yung katulong niya " Lola " agad akong lumapit sa kanya " Xavier apo nandito ka na pala " sabi niya sabay yakap saakin at hinalikan din ako sa pisnge " Lola tama na po yan baka mabinat kayo hayaan ninyo na yan sa katulong ninyo " " Wala naman akong sakit apo " " Lola wag pong matigas ang ulo nag aalala kami sainyo umupo muna kayo " sabi ko sabay hila ng isang upuan at duon pinaupo si Lola " Tapos na din naman halika kumain muna tayo alam kung napagod ka sa beyahe " sabi ni Lola Tumango naman ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Lola " Hali muna kayo kumain muna tayo madali itong naihanda kung pagkain Nicole halika muna " sabi ni Lola Napaligon naman ako sa babaeng kasama ko sa beyahe medyo na hihiya pa siyang lumapit noong una pero pinilit siya ni Lola kaya lumapit na din siya at umupo sa bakanteng upuan. Halos Lima din kami na mag sasalo salo sa hapag si Lola, Lolo, Ako, Manong Ed, Manang Lucy at si Nicole tama ba Nicole ba pangalan niya? " Akala ko hindi ka na dadating " medyo may pag tatampo sa boses ni Lola " Pasensya na Lola ngayon lang ulit ako nakapunta aral ninyo naman na nag aaral din ako " " Kumusta naman ang pag aaral mo apo? " tanong ni Lolo " Ok naman po dalawang kurso ang kinuha ko sa college " " Dalawa? " " Opo Engineering tsaka Medicine " " Anong specialty? Sa medicine? " tanong ulit ni Lolo " Veterinarian po naisip ko po kasi na malalayo ang mga doctor dito sa hayop kaya kumuha ako ng kurso na veterinary " " Nako mabuti naman " sabi ni Lola " Oo nga po pala Lola kumusta po ang pakiramdam ninyo? Sobrang nag alala kami sainyo lalo na si momma " " Haay na mimiss ko lang siguro ang mommy mo " Hinawakan ko naman ang kanang kamay ni Lola " Don't worry Lola sa susunod na pag balik ko dito sa hacienda kasama ko na sila " sagot ko Ngumiti naman si Lola " Nako apo na stress yang Lola mo pano yung kuwadra ng mga kabayo baka bumigay na alam mo naman na isa din itong lugar natin sa mga na salanta ng bagyo noong isang taon " sabi ni Lolo " Ganon po ba? Pwede ko po bang makita? " " Nako mamayang hapon na apo mainit pa sa labas sasamahan ka na lang mamaya ni Nicole " sabi ni Lola " Po? " Napaligon naman ako kay Nicole " Nicole samahan mo si Xavier mamaya " " O - opo " medyo utal niyang sabi " Oo nga pala natatandaan mo ba apo si Nicole kababata ninyo siya ni Trixy at nakakalaro din " " Sorry Lola hindi ko na po matandaan e sobrang tagal na po kasi noon " sagot ko " Señiora tama po si Señiorito sobrang tagal na noon " pag sang-ayon ni Nicole " Apo kumusta naman ang maynila? " tanong ni Lolo " Nako Lolo kung ikukumpara ko ang maynila kesa dito mas maganda parin dito " sagot ko " May girlfriend ka na ba apo? " tanong ni Lolo Kinuha ko naman yung baso na may lamang tubig at uminom ako " Ano ka ba naman Alvin wag mo namang tanugin ng ganyang bagay ang apo natin " sabi ni Lola kay Lolo " Bakit ba? Syempre hindi mawawalan ng girlfriend ang apo natin sa gwapo ba naman niyang yan " sabi ni Lolo kay Lola ” So ano apo meron na ba? " tanong niya ulit " Yes Lolo meron na po " sagot ko " Saan mo naman na kilala? " tanong ulit ni Lolo saakin " Batch mates ko po sa Austen University Architecture po ang kursong kinukuha niya " pagmamalaki ko Yes I already have a girlfriend almost 1 year na din kami nag ka kilala kami sa University transfery siya dati at ako ang naging tour guide niya " Sayang naman " Napaligon ako kay Lola " Bakit po Lola? " takang tanong ko " Akala ko kasi si Nicole ang magiging first girlfriend mo " sagot ni Lola Napaligon naman kaming lahat ng marinig naming umubo si Nicole " Hija ayos ka lang ba? " may pag alalang tanong ni Lola kay Nicole Tumayo naman ako sa pag kakaupo sa upuan at lumapit sa kanya pansin ko na nakahawak siya sa lalamunan niya. " Tumayo ka " sabi ko sa kanya na agad naman niyang ginawa " Humarap ka sa likod " at hinawakan ko siya sa tiwan at ginawa ko ang dapat gawin sa nabibilaukan ilang sigundo lang at nailuwa naman niya yung kinain niya. Kumuha naman ako ng baso at sinalinan ko ng tubig at ibinigay sa kanya " Next time dahan dahan sa pagkain hindi ka naman mauubusan " seryusong sabi ko sa kanya " Thank you " sagot niya Bumalik naman ang tigin ko kay Lola " Lola tatawagan ko muna si momma ipapaalam ko na nandito na ako " " Sige apo " Nag lakad naman ako palabas ng mansion para matawagan si momma
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD