Chapter 5

1071 Words
Xavier's Pov The next day " Oh heto hijo mag kape ka muna para maalis yang hangover mo " sabi naman ni Manang Rusing sabay bigay saakin ng isang tasa na may lamang mainit na kape na agad ko namang kimuha " Thank you " sagot ko Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Manang Rusing nakaupo sa maliit at mahabang upuan na gawa sa kahoy. " Pwede ba akong tumabi sayo hijo? " tanong ni Manang Rusing Tumango naman ako bilang pang sang-ayon. Nag lakad naman si Manang Rusing at umupo sa tabi ko habang ako uminom ng kape na ibinigay saakin ni Manang Rusing sabay tanaw sa malayo. " Si Manong Andres nga po pala? Hindi ko na po siya nakita kanina " " Maagang pumasok si Andres sa trabaho " sagot ni Manang Rusing " Isa siya sa mga nag aalaga ng mga baka at kabayo sa hacienda ninyo hijo, Oo nga pala hijo kasama mo ba ang mga magulang at kapatid mong pumunta dito? " tanong niya " Hindi po " sagot ko sabay tigin ko ki Manang Rusing " busy po kasi si dad sa hotel tinutugan din po siya ni momma yung kakambal at bunsong kapatid ko naman nag aaral ako lang pinayagan nila momma na punta nila dito " " Ganon ba hijo? " sagot ni Manang Rusing sabay tigin niya sa malayo " Malaki ang utang na loob namin sa mga magulang mo hijo sila ang nag bigay saamin ng titirahan at ng trabaho noong mga panahon na nawalan kami ng trabaho dahil sa nang yari sa kabilang hacienda " Kumumot naman ang noo ko " Ano pong hacienda? " takang tanong ko " Ang katabing hacienda ng hacienda de salvartes ang hacienda villanueva " sagot ni Manang Rusing Hacienda Villanueva? Bakit parang ngayon ko lang na rinig at nalaman ang tungkol duon? " Marami ang nawalan ng trabaho katulad namin nilapitan kami ng mga magulang mo at tinulugan, Binigyan ng matitirahan at ng trabaho dito sa Hacienda Salvartes ang karamihan saamin at ang iba piniling makipag sapalaran sa maynila " mahabang kwento ni Manang Rusing " Ano po bang nang yari noon? " takang tanong ko Lumigon naman saakin si Manang Rusing " Hindi ba na e kwento sainyo ng mga magulang mo? " takang tanong ni Manang Rusing " Hindi po " sagot ko Bakit nga ba hindi na e kwento saamin nila momma ang tungkol duon. " Mas mabuti siguro na sa kanila mo na lang malaman hijo " Napabuntong hininga naman ako Wala naman akong magagawa Ininom ko naman yung kape na hawak ko " Oh hija gising ka na pala " Lumigon naman ako at nakita ko si Nicole na nakatayo sa may pintuan at nakatigin saakin tumayo naman si Manang Rusing. " Sandali lang ipag titimpla kita ng kape " sabi ni Manang Rusing sabay pasok sa loob ng bahay nila Tumigin naman ako sa malayo at ininom yung kape na hawak ko " Probensyana pero tanghali na gumising " sabi ko " Pasensya na po señiorito hah madami lang yung lamok kagabi " giit niya " Wala namang lamok kagabi " sagot ko Sandali naman siyang natahimik " Thank you " she said Unti unti naman akong lumigon sa kanya " What did you say? " " Bawal ulitin sa bingi " Inilapag ko naman yung kape sa tabi at tumayo nag lakad papunta sa kanya " H-hoy a-ano na namang ginagawa mo " medyo utal niyang sabi Ngumisi naman ako hanggang sa napasandal siya sa pintuan unti unti ko namang nilapit yung mukha ko sa kanya " Sasabihin mo ba o gusto mong " " Oo na sasabihin ko na " sabay iwas niya ng tigin " Thank you " mahina niyang sabi " What can you please repeat it again I didn't hear it " pang iinis ko sa kanya " Thank you " she said pero hindi siya nakatigin saakin " Parang hindi naman bukal sa loob hindi naka tigin saakin " sabi ko sa kanya Bumuntong hininga naman siya at unti unting tumigin saakin " Thank you " " For what? " takang tanong ko " Sa pag - Sa pag bigay ng kumot saakin nagising kasi ako kanina na nakakumot " sabi niya Ngumisi naman ako at tumalikod at bumalik sa pag kakaupo sa upuan na gawa sa kahoy at kinuha yung tirang kape at ininom. " Wala ka man lang bang sasabihin " rinig kung sabi niya " What do you want me to say? " " Grabe ka talaga " " Ang grabe nasa hospital " " Ugh! " Ngumisi naman ako Ang Dali naman niyang pikunin " Oh nito hija ang kape mo " sabi ni Manang Rusing sabay bigay sakanya ng isang tasa na may lamang mainit na kape na agad naman niyang kinuha. Ininom ko naman ang natitirang kape sa tasa na ibinigay saakin ni Manang Rusing at lumigon sa kanya " Ubusin mo na yan at babalik na tayo sa mansion " " Babalik na tayo agad? " takang tanong niya " Of course ano pa bang gagawi natin dito? wala namang ulan na and I need to call that I need to tell him something important " seryusong sabi ko Hindi naman siya sumagot kaya lumigon ako sa kanya at nakita at narinig ko naman na mahina niyang ginagaya yung sinabi ko " What are you doing? Ginagaya mo ba ako? " " Hindi ah " pag mamaang - maagan niya " Tss " sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko at nag lakad papunta sa kanya " finish your coffee at babalik na tayo ng mansion " seryuso kung sabi sabay nag lakad papasok ng bahay nila Manang Rusing. Pagpasok ko ng bahay nila Manang Rusing agad akong pumunta sa kusina nila at inilapag yung tasa sa lababo at nag lakad ako papunta sa kwarto ng anak nila Manang Rusing at kinuha ko yung damit ko na nakalagay na sa plastic at nag lakad ako palabas. Paglabas ko ng bahay nakita ko si Manang Rusing at Nicole na nag uusap agad naman akong lumapit sa kanila. " Mauna na po kami Manang Rusing salamat nga po pala sa pag papatuloy saamin " sabi niya ki Manang Rusing " Nako hija wala yun ohh siya mag iingat kayo hah " " Opo " Agad naman kaming tumalikod at nag lakad pabalik sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD