
Habang papalapit ako ng papalapit sa numero ng unit na binigay sakin ng lalaking kausap ko kanina sa telepono,samut saring emosyon ang aking nararamdaman.Hindi ko maintindihan para bang matatae ako sa sobrang kaba ,kasabay nun ang takot para sa aking sarili.
Nasa labas na ako ng unit na aking patutunguhan.Ang instruction sakin ay kumatok ng tatlong beses ,pagkatapos ay maari ng buksan ang pinto at pumasok na roon.
Ngunit naka sampung minuto na akong nakatayo sa labas ng unit at wala pa din akong lakas ng loob na kumatok doon.
Dumaan pa ang dalawampung minuto ,tatlumpong minuto at talagang wala pa din akong lakas ng loob para sa aking gagawin.
Napapitlag ako sa pagkakatayo ng tumunog ang aking cellphone.
"Ate Sunny ,si mama umalis ,di ko alam kung saan nagpunta."bungad agad sa akin ng kapatid kong si Rina.
"Huh!!Bakit siya umalis?"
"Maghahanap daw siya ng pera.Hindi daw pwede na tutunganga lang siya sa bahay at walang gagawin.Kailangan daw makalabas si Papa ngayon sa kulungan."
"Rina,hanapin mo si mama.Kakaopera lang niya.Hindi siya pwede mapagod.Sabihin mo ginagawan ko na ng paraan.Lalabas si Papa sa kulungan ngayon."Mando ko sa kapatid ko.
Pagkasabi niyon ay pinatay ko na ang tawag.Sunod sunod na luha ang dumaloy sa aking mga pisnge.
Kumatok ako ng tatlong beses.Pinihit ko ang doorknob.Pumasok ako sa loob ng unit.
Isinara ko din iyon ng makapasok ako.
I was standing near at the front door .I still don't know what to do.I was mesmerized by the minimalist interior design of the unit.
Ang kabuuan ng unit ay naliliwanagan lamang ng apat ng led light sa bawat corner ng kisame.Ganunpaman ay makikita mo pa din ang ganda at linis nito.
Inilibot libot ko pa din ang aking paningin sa kabuuan ng unit.Walang tao.Wala din akong naririnig na kahit anong kilos.
May isang nakasaradong pinto pa doon at hindi ko alam kung papasok ba ako doon o hindi.
Nakakailang minuto na din ako sa posisyong iyon at wala pa ding pumapasok sa aking isip kung ano bang aking gagawin .
Maglalakad na sana ako upang buksan ang nagiisang kwarto nang biglang lumiwanag at bumukas ang malaking TV.
"This is my night!It's up to you kung anong gagawin mo para mapasaya mo ako. This night is worth one million pesos.Make me satisfied!I'm here at the room.Im waiting!"
Tila sasabog ang aking dibdib sa bilis ng t***k ng aking puso pagkabasa sa nakasulat sa TV.
Kung kanina ay lalakad na ako para buksan ang nasabing kwarto, ngayon tila napako akong muli sa pwesto.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako sa ganoong pwesto...May nabasa akong muli sa TV.
"I'm tired of waiting!
Kinakabahan man at kahit wala pa akong alam kung ano bang gagawin ko dun sa loob ng kwartong iyon ay binuksan ko iyon at pumasok ako.
Madilim sa dulo ng kwarto pero nakikita ko ang isang bulto ng lalaki na nakahilig sa armrest single sofa sa tabi ng kama.
Liwanag lamang mula sa isang led light wall frame ang nagbibigay aninag sa bagay bagay sa kwartong iyon.

