Spirit 01
“Grabe ka talaga Lennox, halos lahat na lang ng awards hakot mo na. Sigurado akong malawak ang future mo,” sambit ng kaklase ko habang nakahawak sa certificate na nakuha ko kanina. It’s awarding day after all, the last day before summer break starts.
I just looked at him at nginitian siya. Masaya naman ako na nakuha ko ulit ang first honors pero nasanay na ako dito. I don’t even feel alive anymore because I live my life in the same cycle. Gigising, tapos kakain, tapos papasok, tapos uuwi, tapos mag-assignment, tapos matulog, at tsaka ulit muli. I’ve been feeling empty for years and I don’t even remember what excitement and fun felt like.
He handed me back my certificate at nagpaalam siyang umalis. Niligpit ko ang mga certificates na nakuha ko at medals mula sa judo at tsaka umalis sa room. Napatigil ako sa hallways at napatingin sa labas ng bintana. Ganito ba talaga ang mundo? Ang dami kong achievements pero hindi man lang ako naging masaya.
I looked away from the window bumaba na sa building at lumabas sa school. Our house is not that far away from here kaya nilalakad ko na lang. Nakayuko lang ako habang naglalakad kasi ayokong makita ang mukha ng mga tao, lalong-lalo na ang mga teachers namin, specifically yung Math teacher namin, parang santo sa harap ng mga tao pero sa totoo lang, napakasama niya. To the point na hindi ko siya gustong makita dahil sa ginawa niya sakin.
He blackmailed me na kapag hindi niya magagawa ang gusto niya, he’ll get my honors at hindi yun pwedeng mangyari kasi iyan na lang ang nagpapanatili sa akin sa bahay namin. My parents died in car crash at nakikitira lang ako sa Uncle ko na puro bisyo ang alam. Araw-araw niya akong binubogbog kaya siguro sanay na ako sa mga madadaanan kong kalaban sa Judo. What did I do to deserve this treatment?
I passed by the gate ng school at naglakad papunta sa kabilang kanto where less people usually go because it’s a country side pero ako ay laging pumupunta doon para magmuni-muni sa ilalim ng bridge. Ilang taon ko na rin iniisip kung anong gagawin ko sa buhay na ito. The bridge is not that high pero pag tatalon ka, sigurado akong makikita mo na si Lord. Ganon lang ka-simple. Ganon lang ka simple pero iniisip ko pa, halos tatlong taon na.
When I arrived at the bridge, agad akong nagtungo sa ibaba at umupo sa gilid ng river. I stared at waters full of fishes and huge rocks. Pagtatalon ako dito, I’ll die because of these. Kung tatalon man ako, sana ay hindi na ako madadala sa hospital, gusto kong mawala na talaga ng tuluyan. A wind suddenly gushed on our direction kaya napatayo ako at napatingin sa itaas para langhapin ito. Country sides really have the best breeze and best sky view lalong-lalo na’t palubog na yung araw.
“Lennox!” I heard from behind kaya napalingon ako. It’s Beretta, a friend of mine. She’s my only friend at siya lang yung nakakaalam sa pingdadaanan ko. She was there everytime I get hurt, ginagamot ako ng mama niya pero hindi sila makapagsumbong sa mga pulis sa mga pang-aapi na ginawa nila kasi pulis rin yung Uncle ko.
“What’s up?” I asked
“Hinahanap ka na ng Uncle mo,” she said and I sighed at napilitang umakyat para puntahan siya. And the hell is about to start.
“Tara na, sabay na tayo,” sabi ko at tumango naman siya. She was holding a bag of vegetables kaya kinuha ko ito mula sa kamay niya para ako na ang magdadala. Mahigpit ko itong hinahawakan habang iniisip ko ang kaba na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung anong klaseng pang-aapi na naman ang makukuha ko ngayon. Kung aapihin lang rin naman ako, bakit hindi na lang ako patayin?
“Thank you,” she said at nauna siyang naglakad.
Bago pa man ako sumunod kay Beretta sa paglalakad, I glanced back at the river, someday my body will lay down there, filled with my own blood with no sign of life. And it’s all their fault.
Naglakad na ako palayo at sinundan si Beretta pauwi.
When we arrived on our respective houses, binigay ko na sa kanya yung dala niya habang ako ay pumasok sa bahay kasabay ang kaba na nararamdaman ko. As usual, my uncle is laying on the ground with the beer bottles he’s been drinking. Isa-isa ko munang pinulot yung bottles at niligpit. After that, I cleaned the tables and stains from his foods at tsaka ko na siya inayos ng higa sa sofa. He’s asleep dahil sa ininom niya.
He looked good and respectable pag tulog siya pero kapag gising siya, masahol pa siya sa demonyo.
Hinugasan ko na rin yung mga plato at baso na ginamit niya bago ako nagtungo sa kwarto ko para mag bihis. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napahawak sa buhok ko.
“My hair is getting longer,” I whispered to myself.
Lumayo ako sa salamin at umupo ako para gumawa ng assignment. Buti na lang talaga at tulog siya kasi pag hindi, sigurado akong hindi ako makakagawa nito. Sa school ko na naman magagawa to. I spent few hours there until I felt sleepy.
I opened my windows at napatingin ako sa labas. I glanced above and realized that it was night time already. I stared at the moon and remembered that river. I wonder how it looks like kapag gabi. Tahimik kaya doon? Maganda kaya? I glanced away from the window at nagpatuloy sa paggawa ng assignment.
Hours passed by and I finished them. Tumayo ako at lumabas para kumain. My uncle is still sleeping kaya nagluto na lang muna ako para sa amin. Right after I finished cooking, agad ko namang hinugasan ang mga platong nagamit ko. I was about to go back to my room pero napatigil ako para tiningnan ang orasan na nasa itaas. It’s 10 in the evening pero hindi pa ako inaantok.
Bago pa man ako makapasok, a huge hand grabbed my hair. He’s awake. Inuntog niya ako sa pader at napapikit ako. What the hell?
“B-Bu ..mili ka …” he said handing me coins
“Kulang po,” sagot ko at tinadyakan niya ang mukha ko. Nalasan ko ang dugo na dumaloy sa bibig ko.
“EDI PUNAN MO PA, GAGO KA?!!” he shouted at tinadyakan niya ang ulo ko kaya napasandal ito sa ding-ding. Ah, my vision is getting blurry. “WALA KA NA NGANG AMBAG DITO, PINAG-ARAL KA PA TAPOS NAG REKLAMO KA PA!?” he shouted at diniin niya ang paa niya na nasa ulo ko. Ang sakit. Masyadong masakit.
Kinuha niya ang paa niya and he signaled me to go out. Pilit kong tumayo habang hinahawakan ang ulo ko at lumabas agad. Napasandal ako sa pinto at napaupo. I coughed blood at kumunot ang noo ko. Ah, I really wanna die.
Napatingin ako sa itaas where the moonlight shined. If Deities are true, then why am I experiencing this? Am I not allowed to experience a happy normal life? What did I do to deserve this?
Tumayo at naglakad habang hawak-hawak ang tiyan ko na sumasakit ng sobra. Buti na lang at nagsuot ako ng jacket kasi masyadong mahangin ngayon. I stopped when I saw a shooting star passed by. I’m a skeptic pero wala naman sigurong mawawala pag magwi-wish di ba?
“I wish my life will be full of colors once again, if my parents didn’t die, I wonder what life I have right now. Masaya rin kaya ako?” I whispered. I chuckled when I realized kung anong klaseng wish yung sinabi ko, ang korni.
Nagpatuloy ako sa paglakad habang tinitingnan ang paligid. The plants were dancing, the sound of water is music to my ears. It was calling me. Sa hindi kalayuan, tanaw ko na ang bridge kaya binilisan ko ang lakad. Now that I think about it, hindi ako nakapunta dito ng gabi.How about I’ll check that bridge? It’s a great day to die.
When I arrived at the bridge. Binitawan ko ang hawak kong coins at nahulog ito sa daan. Walang tao rito. Tanging tubig at hangin lang yung naririnig ko. Kahit isang sasakyan wala rin. It’s just me, the moon, stars, and the water beneath this bridge.
Humawak ako sa railings at pilit na umakyat para tumayo doon habang nakatingin sa itaas.
If ever I’ll get a chance to live again, can I be happy?
The moonlight was warm at nanghihina na rin yung paa ko. Hindi ako iyakin pero this time, my tears started falling. Sana pala hindi na lang ako inampon. Being alone sucks but at least I don’t have to worry about being hurt again.
I kept telling myself to fight this pressure and pain but now that I’m standin right here, it sank in- what am I fighting for when I already lost in the first place?
I closed my eyes and a gush of wind pushed me from behind. Rather than resisting, I let myself fall.
For the first time in many years, I’ve never been so happy making this decision.
It’s okay Lennox, you fought hard. You just lost.