“Napatagal ka ata?” bungad ni Kailani sa akin nang pumasok ulit ako sa standby room namin. “Yeah, napasarap ang kain,” sabi ko at umiwas ng tingin. Bwesit na Lor, hindi na tuloy ako makatingin ng tuloyan kay Kailani. “Is something bothering you?” he asked at umiling ako. Okay, he looked completely fine at parang wala lang ang nagyari so I have to calm down. Tumabi ako sa kanya at humiga sa upoan. Isinandal ko ang mga paa ko sa paa niya kasi nakaupo siya sa kabilang dulo. “Where are the others?” tanong ko. “Outside,” sagot naman niya at binuksan ang librong hawak niya. Hindi ko iyon napansin kanina pero nagbabasa pala siya. I stared at him as his black cold eyes pierced on the book that he is holding. He looked serious and hot. I am being honest here. “What is it?” bigla niyang tanong

