Suna's POV: Masakit, sobrang sakit sa dibdib ko. Dahil sa pagod kong tumakbo ay hinahapong akong naglakad nang naglakad kung saan man ako abutin. Pagod na akong tumakbo ngunit ayaw kong tumigil mula sa paglayo. Talagang sobrang sakit, parang kinukurot ang puso ko. Parang tinutusok, kulang na lang ay durugin na. Masasaktan din ba ako rito sa Pinas? Pagkatapos ng malaking kahihiyan ko sa South Korea ay rito naman madudurog ang puso ko. Una dahil sa pagtitiwala, pangalawa ay dahil sa pag-ibig. Aling bansa pa ba ang may mga mananakit pa sa akin? Para maiwasan ko na agad. Sa sobrang pag-ooverthink ko ay hindi na ako makapag-isip ng tama. Hindi ko rin kayang makausap muna si Zy at gusto ko ng space para makahinga ang isip ko. Para na itong sasabog sa dami ng laman. Hindi bale sana kung magand

