Suna's POV: Napakasaya ng araw namin kahapon ni Zy. Nalaman naming dalawa na buntis ako at magkakaroon na kami ng baby. Magiging magulang na kaming dalawa, talagang napakasaya ko. Magiging mommy at daddy na kami ni Zy. Simula nang tumuntong ako sa Pilipinas ay napakasaya ko. Kahit na pumunta ako rito dahil sa hindi ko magandang nakaraan, nakakilala naman ako ng mga taong tunay akong mamahalin. Nandito rin sa Quezon sila Ma'am Stella at Sir Johnson. Ang tawag ko na sa kanilang dalawa ay mom at dad na rin katulad ng tawag sa kanila ni Zy. They prefer that daw kaysa sa ma'am at sir dahil hindi ko naman daw sila boss. Saka parte na rin naman daw ako ng pamilya. Huwag daw akong mahihiya sa kanila, never. Itinuturing na rin daw nila ako bilang anak. Tuwang-tuwa rin sa akin si Mama Stella. Kah

