Suna's POV: Tatlong araw pa ang itinagal namin doon bago ako nagyakad na umuwi. Medyo nagkailangan kami sa isa't isa, o ako lang yata. Binibigyan niya ako ng space para itake ang mga bagay. Ngayon namang nakabalik na kami, dito kami sa Quezon City namamalagi. May isang linggo na rin kami rito. Namiss ko agad ang Palawan. Napakaganda roon, maging ang paligid ay hindi lang sa pakiramdam maaliwalas, sa mata rin. May bago na naman kasi silang ipinapatayong ospital. Sa isang buwan ay lilipad naman daw kami patungong Cambodia dahil doon naman ang bagong ipapatayong base ng pharmacy ni Tita Yolly sa bansang iyon, hindi nga lang sigurado kumg matutuloy ngunit panigurado namang may alis pa rin si Zy. Si Tita Yolly ay tita ni Zy, kapatid ni Ma'am Stella. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itaw

