Suna's POV: Naliligo na kami ngayon ni Zy rito sa Barracuda Lake. Masama ang mood niya at nandoon sa may batuhan sa kabilang dulo, pinaglalaruan iyong mga makukulay na batong nakuha niya. Ayaw niya akong pansinin dahil nagtatampo raw siya, sobrang sakit daw kasi ng kagat ko. Sinasaktan ko na raw siya, battered husband daw. Ang cute niya, nakakagigil. Gusto kong lamutakin ang kaniyang gwapong mukha. Nagsorry naman ako at akmang ikikiss siya kanina pero hindi na ako pinansin. Kumain na rin ng kaniya at sunod-sunod talaga ang subo. Niyaya naman niya ako papunta sa lake area pero hindi talaga ako pinapansin hanggang ngayon. Alam kong gusto lang nito na mas pansinin ko siya. Nakakatuwa at may ganito palang side si Zy. Akala ko dati ay malamig ito at malakas makaintimida ngunit lahat iyon ay n

