CHAPTER 6

1596 Words
Suna's POV: "Ate Suna, ayos lang po ba kayo? May ginawa po ba na masama sa inyo 'yong lalaki?" inosenteng tanong ni Orange. "Hey, don't worry about me. Wala naman' no! At saka, me pa nga ang may kasalanan sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya, I accidentally nadali him. He is a doctor pala kaya I know he is busy kaya medyo mainit ang ulo din. He looks medyo wala sa mood, I think. Nagsorry naman na ako kaya let's go. We have meryenda ni Manang Fe for the both of you," paliwanag ko kay Orange at hinila na ang kambal sa kanilang mga kamay. Pinaupo ko sila sa gilid ng canteen para doon kumain. Inilabas ko na rin ang dala kong meryenda para sa kambal. Masaya naman ang dalawa na kumain. Nagpaalam na ako sa kanila para puntahan si Manang Fe. Magpapakonsulta na rin ako para magtanong. Hindi kasi regular kung datnan ako ng ments. Laging late o kaya ay may agwat ng isang buwan. I want to be healthy lalo na at I can't be sick. Mahal magpagamot, I don't have enough money na. Pagdating ko sa tabi ni Manang Fe ay malayo pa kami sa pila. Tumingin-tingin na lamang ako sa mga tao habang nakaupo rito. Maraming mga gustong magpacheck-up dahil syempre libre dito. Maigi na nga ring libre dahil kung may bayad ay baka hindi pa pumayag si Manang Fe. Lagi niyang sinasabi na ayos lamang ang pakiramdam niya kahit sometimes ay she doesn't feel good naman na. Napadako naman ang tingin ko sa mga chinicheck-up na. Mga doktor sila mula sa Caruso Hospital. Hindi ko akalaing ganito pala kagaganda at kagagwapo ang mga Pilipino. Sa amin hindi maganda kapag moreno pero sa kanila ay malakas ang dating. Pero ang pinaka nangibabaw pa ay rin ang iyong lalaking sobrang puti na nabangga ko kanina. Napakagwapo niya at halos mukha na siyang vampire. Nakatulala na lamang ako. Malalampasan niya pa sa looks ang mga korean k-pop idols na nagkagusto sa akin noon. Why am I comparing him? Mayroon siyang napakagandang depina na panga, matangos na ilong na parang tinasaan, manipis at mapulang labi, blue eyes, at well-built na katawan. Ngayon ko lang napansin na blue eyes pala siya. Napakagwapo niya. Mukhang half ito dahil marunong siyang magtagalog. Pero baka naman purong may lahi rin. Hindi ko alam. Bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko habang nagsusulat. Naramdaman niya sigurong may nakatitig sa kaniya. Bigla naman akong napaiwas ng tingin. Grabe, nakakahiya iyon! Halos kalahating oras ang ipinila namin ni Manang Fe bago kami na ang sunod. Ipapacheck-up ko muna si Manang Fe at sasamahan bago ako. Nagsabi na rin naman ako sa nagbabantay para ako ang isunod sa pila ulit. Hinayaan na rin namin muna ang mga bata na maglaro sa playground nitong school. Naiinip na kasi ang kambal sa kakahintay sa amin ni Manang Fe. Hindi pa nga kami nakakaluto sa bahay. Parang gusto ko tuloy ng nilagang itlog na may asin bigla. It is one of Manang Fe's best dishes paired with mayonnaise kapag ipapalaman sa tinapay. "Sunod na raw po!" sigaw ng bantay kaya tumayo na kami ni Manang Fe. "Let's go po," yaya ko kay Manang Fe kaya lumapit na kami sa isang babaeng doktor. Kaniya-kaniya palang specializations sila. Ang doktor na nilapitan namin ay eksperto pagdating sa kaso ng mga matatanda at sakit. Isa siyang doktor sa puso at buto ng tao. "Hello po, lola. What is your name? Ako po si Dra. Tory Gonzuela. Ilan taon na rin po pala kayo?" tanong ng doktor na katapat namin kay Manang Fe. Parang mga nasa edad late 30's na siya. Sumagot naman si Manang Fe sa mga tanong ni Dra. Gonzuela. Hindi naman siya naglihim dahil doktor naman at kailangan talaga malaman ang kaniyang mga sakit. Nalaman kong madalas palang sumasakit ang ulo at batok niya. "Mayroon po kayong highblood, lola. Mataas po ang dugo niyo. Sa mga sinabi niyo rin pong sakit eh maaari po tayong mayroong kumplikasyon sa bato. Kailangan niyo pong magpaexamine sa ospital as soon as possible po para malaman ang iba niyo pang kumplikasyon," paliwanag ni Dra. Gonzuela habang nagsusulat ng reseta. Nagbigay siya ng libreng vitamins kay Manang Fe. May reseta rin para sa highblood niya at sipon. Sinisipon kasi si Manang Fe. Napakaganda pala ng ganitong mga medical mission lalo na para sa mahihirap. Libreng vitamins at pagpapagamot. "Lakad na iha, magpatingin ka muna. Pupuntahan ko lang at titingnan ang mga bata. Baka mamaya ay sobrang dudungis na nila," paalam ni Manang Fe kaya masaya ko naman siyang tinanguhan. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala para sa kaniya. Umupo muli ako sa unahan ng pila. Tinawag naman ako ng taga-bantay matapos kong maghintay sandali at nang ako na ang magpapacheck-up. "Doon ka kay Doc Trey," sabi ng bantay kaya tinanguhan ko naman siya. Parang lumundag ang puso ko nang malaman kong iyong doktor na gwapong blue eyes na nabangga ko kanina ang titingin sa akin. Mukhang malalaman ko na ang buong pangalan niya. "Have a sit," sabi niya na hindi ako binabalingan ng tingin. Pinapanood ko lamang siya habang hinahanda ang bagong reseta na gagamitin sa akin. Ang ganda ng kamay niya, maugat. Oh my, Suna. Bakit ka nagkakaganito!? "I am Dr. Zyair Treyton Koten, an OB-Gynecologist. You are?" tanong niya. "Sunaima, Suna for short po," magalang kong sabi. Ilang taon na kaya siya? "Okay. Tell me your complications," mahinahon niyang sabi at tinitigan ako. "Sumasakit p-po ng sobra ang p-puson ko kapag r-rereglahin na po ako. Irregular d-din po ang m-menstruation ko. I– uhm gusto k-ko po m-magtanong kung p-paano siya magiging r-regular," utal kong tanong. Napakunot ang noo niya dahil utal-utal ako kung magsalita. Sinusubukan ko kasing ituwid ang pananagalog ko. Nakakahiya kung mag-eenglish ako! Baka isipin niyang maarte ako. Hindi naman ako ganoon. "Hmm, huwag kang mahiya sa akin. Kung naiintimida ka man ng presensya ko, don't be. Kalma lang," mahinahon niyang sabi. Nagtanong siya ng iba pang detalye sa akin tungkol sa menstruation ko. Agad naman akong sumasagot at ramdam kong parang bigla akong gumaling sa pagtatagalog. Naitutuwid ko na ngayon dahil purong tagalog ako kung sumagot sa kaniya. "Upo ka lang ng tuwid. I will check you up," sabi ni Doc Zy kaya naman tinanguhan ko siya. Ang cute ng Zy na nickname para sa kaniya. Napasinghap ako nang dumapo ang mainit niyang palad sa aking balikat. Kahit may damit ang nilapatan niya ng kaniyang palad ay ramdam ko ang init no'n. Para ding may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Pinakinggan niya na ang aking heartbeat. Amoy ko rin ang kaniyang mabangong pabango. Parang nakakaakit ang amoy niya. Aa naman! What am I thinking? Bakit ganito ang nararamdaman at naiisip ko? Wala na ako sa katinuan! Bakit parang nawawala ako sa sarili dahil sa doktor na ito? "Inhale, exhale..." sabi ni Doc Zy. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha habang siya ay sobrang lapit sa akin habang pinapakinggan ang heartbeat ko. Mukhang ako lang ang apektado dahil poker face pa rin siya. Mukhang may gusto na yata ako sa kaniya, hala! Nag-BP din kami pagkatapos ay nagsulat na siya ng mga findings ko. Habang nagsusulat siya ay natutulala talaga ako. Kung siya ang doktor ko ay baka pangarapin ko na lang maging pasyente. Hay, bakit naman kasi ganiyan siya kahinahon at kagwapo! Ang lakas ng dating niya, sobra! "Hmm, baka stress ka so I advice you to chill. Baka dulot ng stress ang irregular menstruation mo. If magiging late pa rin ang menstruation mo, I advice you to go to our hospital. Look for me at Caruso Hospital. Huwag ka ring mag-alala sa bayad, mura lang akong maningil," sabi ni Doc Zy. Lihim naman akong napangiti at napakagat labi. Inimbitahan niya ako sa ospital niya! Wahh, ano ba kasi doc! Oh my, I can't believe na nagkakaganito ako dahil sa kaniya. Pero looking at him, talaga namang mafafall ka. "Salamat po, doc. Sa uulitin," nakangiti kong paalam. Binigyan niya ako ng vitamins at binilinan ng mga bagay na dapat kong gawin. Nagthank you naman ako kaya tipid niya akong tinanguhan. May pagka-snob talaga itong si doc. Abot-tenga naman ako habang halos yakapin na ang reseta at reminders sa akin ni Doc Zy. Inayos ko naman ang aking sarili nang malapit na ako kila Manang Fe. Nakakahiya kung ganito ang itsura ko tapos haharap ako sa kanila. Panigurado palang namumula ako! Hala, kita kaya iyon at halata ni Doc Zy? Nakakahiya! "Manang Fe, uwi na po tayo. I am tapos na po," yaya ko kay Manang Fe. "Sige, anak. Naku, ang tagal mo ha. Mukhang nag-enjoy ka yata kanina," asar sa akin ni Manang Fe kaya napanguso ako. Umuwi na kami at tinawag na ang kambal na ayaw magpaawat sa paglalaro. Bukas naman na ulit dahil anong oras na. Kailangan namang magpahinga muna. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod ko sa pagtitinda at paglalakad kanina. Parang buhay na buhay kasi ako kanina habang kausap si Doc Zy. Hanggang sa makauwi kami at maghapunan ay umaaligid sa isip ko si Doc Zy. Naaalala ko ang mga uri ng titig niya sa akin, ang maugat niyang kamay, at ang halos naaamoy ko pa rin ngayon na amoy niya! Grabe, ano ba ang nararamdaman kong ito? Pag-ibig na ba ito o infatuation? Napailing na lamang ako at napaikot sa aking kama. Hindi ako makatulog at maaga pa kami bukas. Ikaw talaga Doc Zy, patulugin mo naman ako! Kahit saglit lang ay bigyan mo ako ng peace our mind! Masyado na yata akong nafafall sa 'yo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD