Suna's POV:
"Ulam po kayo r'yan! Sinigang! Caldereta!"
"Bili na mga suki! Ulam ni Manang Fe!"
Naglalako na kami ni Manang Fe papunta sa aming mga paglalakuan. Naglalakad kami palabas ng kanto at paikot papunta sa mall. Doon kami lagi maraming customers. Mga trabahador na bumibili ng kanin at ulam.
"Manang, pabili!"
Tumawid naman kami sa katapat na tumawag sa amin. Ang suki pala namin ito na sila Aling Mel. Lagi silang bumibili ng ulam sa amin tuwing tanghali. Sarap na sarap sila sa cooking skills ni Manang Fe. They also bati me na ganda or sexy. That is true naman.
"Anong tinda niyo ngayon ganda?" tanong ni Aling Mel.
"Sinigang po at saka caldereta," sagot ko.
"Tig-isa nga ulit, 'be. Pahinging sabaw pa," nakangiting sabi niya at nag-abot ng isang daan.
"Opo salamat!" masaya kong sabi.
Tinuruan ako ni Manang Fe kung paano sumagot at maglako ng purong tagalog ang gamit na salita. Baka may makakilala kasi sa akin kung hindi ako makikibagay sa environment nila at kung englishera ako kaya best talaga na matuto ako ng tagalog ASAP.
Sinuklian ko si Aling Mel ng bente pesos at inabutan siya ng tig-isang sinigang at caldereta. May dalawa pa kaming bahay na napagbentahan bago kami naglako ulit.
Mainit kaya nakapayong kami ni Manang Fe. May isang bayong siyang hawak sa kaniyang kaliwang kamay at payong sa kanan. Dalawang bayong naman ang dala ko.
Nang papunta na kami sa mall ay may walo kaming napagbentahan. Nangalahati na agad ang mga paninda namin. Ubos siguro agad ito kapag dumating na kami sa mall.
"Manang Fe, pasok po tayo sa loob ng mall po later. Tumingin po tayo ng things that we can buy dahil mukhang maaga naman po tayong mauubusan ng paninda ngayon," yaya ko kay Manang Fe.
"Sige Suna. Tingin din tayo nung sinasabi nila Apple na parang trolley na hinihila. Pwede raw natin doon ilagay ang bayong para hindi na tayo mabigatan sa pagbitbit," sabi ni Manang Fe kaya tinanguhan ko naman siya.
Nang makarating kami sa likod ng mall ay talaga ngang ubos ang paninda. Pati mga magulang na kakilala ko sa school na pinapasukan ng kambal ay bumili sa akin. Tuwang-tuwa sila sa akin dahil maganda na raw ako, mabait pa. Tunay naman, hehe.
"Manang Fe, sa loob na po natin icount ang benta. Let's eat po roon sa loob. I will treat you po. Tatlo po ang nabenta kong graphic art yesterday," masaya kong sabi.
"Sigurado ka ba? Naku, para kila Apple at Orange na lang!" pagtanggi ni Manang Fe.
"Ayos lang po. Let's buy na rin po ng meryenda mamaya ang twins. 2:00pm pa naman po ang labas nila from school," masaya kong sabi kaya nagpasalamat naman si Manang Fe.
Gustong-gusto ko silang nililibre. Their smiles always made my day. Ang saya kapag nakikita ko silang masaya. Nakakahawa ng mga ngiti nila lalo na ng kambal. Hindi rin naman magpapatalo ang pustiso ni Manang Fe!
Naghanap kami ng makakainan ni Manang Fe. Dahil puno ang mga fastfood chain ay nagtake-out kami at sa foodcourt nitong mall kumain. Burger steak ang binili naming dalawa at tig-isang spaghetti para sa kambal. May dala naman na kaming tubig kaya tipid.
"Salamat Suna ha. Naku, ngayon na lang ulit ako nakatikim nito. Matutuwa rin ang mga bata dahil paborito nila ang spaghetti sa kainan na iyon. Iyan dati ang laging ibinibili sa kanila ng nanay nila," masayang pagkukwento ni Manang Fe.
"Wala po iyon, naku. Tara na po para marami tayong malibot," yaya ko at naggala na kaming dalawa.
Nagtungo kami sa department store dahil bibili ako ng ilang panty. Kakaunti kasi ang nadala ko at hindi sapat sa isang linggo. Umaga at hapon tuloy ako naglalaba ng panloob pagkahubad agad, sampay na. Syempre lalabhan muna. Uso pa nga here in the Phillipines ang panty na may flower designs. Sa amin kasi sa South Korea ang uso ay silk panties.
Tumingin kami ng panty at bumili ako ng isang pack na anim na piraso. Sale ito kaya two hundred pesos na lamang, syempre iyong may flower design ang aming binili. Maganda naman ang tela kaya kinuha ko na.
Naglibot pa kami at nakakita kami ng buy 1 take 1 na damit na pambata. Ibinili naman namin ang kambal. Bumili na rin ako ng tsinelas para sa aming apat. Iyong matibay na ang binili namin dahil para pangmatagalan. Lalo na at naglalako kami ni Manang Fe araw-araw.
Napadako naman kami sa mga bilihan ng camera at charger. May videoke rito at nabasa kong may libreng 200 pesos off voucher kapag naging 100 ang score. Niyaya naman ako ni Manang Fe na subukan ko raw.
"Hala, nakakahiya po. Saka baka pagtinginan ako ng mga tao. Baka may makakilala rin po sa akin," nahihiya kong sabi.
"Aysus, hindi iyan Suna! Sige na subukan mo na. Sayang iyan oh, may bawas pa ang papamilihan natin. Ang kantahin mo na lang ay ang kantang hindi mo pa nasusubukan," panghihikayat sa akin ni Manang Fe.
"Sige na nga po," pagsuko ko naman.
Pumila kami ni Manang Fe. Pangatlo ako sa kakanta. Ang sinundan ko ay naka-100 ng score. Last two vouchers na raw kaya paunahan na lang makascore ng 100. Kaya ko ito!
"Ikaw na miss," nakangiting sabi ng saleslady kaya kinuha ko naman ang mic sa kaniya.
Lumingon ako kay Manang Fe. Pumalakpak naman siya maging ang ibang nanonood. Bakit parang mas kinakabahan ako rito kaysa kapag nagpeperform ako sa mga concert? Siguro ay hindi na ako sanay.
Ang kakantahin ko ay ang Hello ni Adelle. Hindi ko pa ito nakakatanta live at luckily saulado ko pa. Sana nga lang ay hindi ako pumiyok.
Hello, it's me
I was wondering if after all these years you'd like to meet
To go over everything
They say that time's supposed to heal ya
But I ain't done much healing
Hello, can you hear me?
I'm in California dreaming about who we used to be
When we were younger and free
I've forgotten how it felt before the world fell at our feet
There's such a difference between us
And a million miles
Hello from the other side
I must've called a thousand times
To tell you I'm sorry for everything that I've done
But when I call, you never seem to be home
Hello from the outside
At least I can say that I've tried
To tell you I'm sorry for breaking your heart
But it don't matter, it clearly doesn't tear you apart anymore
Matapos kong kumanta ay napakaraming nagpalakpakan at naghiyawan. Paglingon ko sa likod ay napakarami na ng nanonood. Nahiya ako bigla at kumaway sa iba. Nang magtama naman ang tingin namin ni Manang Fe at nagthumbs-up siya.
Tiningnan ko naman ang karaoke kung ano ang magiging hatol niya sa boses ko. Napasigaw naman ako ng 'yes!' nang makuha ko ang score na 100.
Binigyan nila ako ng voucher. Marami naman ang bumati sa akin at nagcongrats dahil ang galing ko raw na kumanta. May mga nagtanong pa ng pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin. I can't say my true name.
Nagbayad na kami ni Manang Fe at ginamit namin ang voucher. Bago kami umuwi ay bumili kaming prutas. Nabanggit ko na rin sa kaniya ang tungkol sa medical mission. Ayaw niya pa nga pero sayang dahil libre naman. Sa huli ay pumayag si Manang Fe.
Nang makauwi kami ni Manang Fe ay inayos ko ang mga pinamili namin habang siya ay naghinaw ng katawan. Matapos niya ay naghinaw na rin ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng maong short at lumang t-shirt. Nagsumbrelo ulit ako at nagdala ng eco bag lagayan ng meryenda ng kambal. Baka matagalan kami dahil pipila pa para sa pacheck-up. Maigi na may makakain sila habang hinihintay kami.
Matapos naming mag-asikaso ni Manang Fe ay naglakad na kami papuntang school ng kambal. Ang dami ngang tao sa covered court ng paaralan.
Umupo naman kami ni Manang Fe sa may gilid at nagpalista na. Nakita ko naman ang kambal na hinahanap kami kaya tumayo ako at mabilis na naglakad palapit sa kaniya.
"Hey! Watch out!"
Sa pagmamadali kong maglakad ay may nabangga ako. Agad naman akong nag-angat ng tingin at humingi ng paumanhin.
"Sorry po," mahina kong sabi. Halos bulong na iyon dahil halos matuyo ang lalamunan ko habang katitigan ang lalaking nasa tapat ko.
Malamig ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Halatang badtrip ito dahil I accidentally nabump siya. Nakasuot pa naman siya ng lab coat. Naku, doktor pala! Hala, hindi ko naman sinasadya!