Suna's POV:
Halos isang buwan na ang nakakalipas mula noong makarating ako rito sa Pinas. Sa city kami nakatira ngunit tinatawag nila ang lugar na ito as squatters area. Mga naninirahan daw dito ay mahihirap na tulad namin. Mahirap lang din naman ako.
Ang ikinababahala ko pa ay nakafreeze ang aking mga bangko hanggang ngayon. Ang perang nadala ko ay ginamit ko pangtulong kay Manang Fe at magpatayo ng sarili naming bahay rito. Wala pa rin akong mahanap na trabaho dahil hindi pa ako ganoon kagaling magsalita ng tagalog, it is hard din mag-adjust sa environment. Kailangan ko pang mahasa. Maski raw pagiging tindera ay hindi pa ako papasa sabi ni Apple at Orange. Baka rin daw pagtripan lamang ako dahil masyado akong maganda, iyon ang sabi nila. Marami pa naman daw mga adik at manyak sa tabi.
"Magandang morning, Manang Fe. How was your sleep?" bungad ko kay Manang Fe na nagluluto ng almusal namin.
"Ayos lang, ikaw ba iha? Naku, sabi ko sa 'yo ay bumili na tayo ng bagong kutson. Baka mamaya ay sumasakit ang likod mo sa kama namin," sabi ni Manang Fe.
"Ano po ang kushon?" kunot-noong tanong ko.
"Kutson iyon anak. Ang kutson ay iyong malambot na hinihigaan mo, matress ba sa english. Bili na tayo ng bago para hindi manakit ang likod mo sa susunod," sagot ni Manang Fe.
Napatango-tango naman ako. Kutson pala hindi kushon. Matress ang ibig sabihin, noted na iyon. Nakakaintindi naman na ako ng tagalog pero nahihirapan akong magcompose ng sarili kong sentence. Hindi ko rin alam ang iba pang salitang kalye maging malalalim na tagalog words. I need to learn more pa. Mabuti na lamang at habang noon na nasa South Korea pa ako ay natututo na ako magsalita ng Tagalog. Konting push na lamang ay mahahasa pa ako.
"Mahal po ang kutson, Manang Fe. Hindi naman po sumasakit ang back ko. I can sleep well naman po. For now, kain na tayo. Let's buy some pagkain mamaya sa labas. Nagrequest po sa akin kagabi si Apple at Orange ng prutas," nakangiti kong sabi.
"Naku, ang dalawang iyon talaga!" natatawang sabi ni Manang Fe at ipinagpatuloy ang kaniyang iniluluto.
Ang iniluluto niya ay shingag. Shihangag ba? Ow, it is sinangag! Hay, bulol pa talaga ako sa ibang salita. Pero basta ang alam ko, sinangag is the best tuwing morning. Masarap ito lalo na kapag may partner na coffee at atsara na gawa ni Manang Fe.
Umupo ako sa may sala at binuhay ang TV namin. Nanood ako ng balita. Maaga kaming gumising dito dahil nagluluto kami ng ititinda para mamayang tanghali. Iyon ang ikinabubuhay namin. Tumutulong naman ako at masaya ko iyon na ginawa. I'm happy na hindi ako gaanong burden sa kanila. Gusto kong nakakatulong pa rin ako in any means. Kahit sa maliliit na bagay tulad nito. Nag-eenjoy naman ako, it is also a new experience for me.
Maliit lang ang bahay na pinagawa namin nila Manang Fe. Dati kasi ay kubo lang ang tirahan nila, walang lock at metal door. I'm scared dahil baka manakawan kami and may bad guy na pumasok. I don't want any of us na masaktan because of bad people.
Isang palapag lang ang bahay namin nila Manang Fe na ipinatayo. May dalawang kwarto, isa kila Manang Fe at sa kambal at isa sa akin. May kusina rin kami sa dulo na ang likod ay bakuran. Wala pa namang nagmamay-ari sa lupang iyon kaya tinataniman namin ng mga gulay at halamang gamot.
Wala rin pinto ang mga kwarto at kurtina lamang ang pantakip but that is fine with me as long as may pinto at gate naman. Nahirapan din kasi kaming kumuha ng architect na mababayaran sa murang halaga. Hindi kasi ganoon kalaki ang perang nadala ko, ang perang hawak ko noon. Lahat ng ipon ko ay nasa aking mga bangko. Kakarampot na lang ang natira sa akin ngayon. Wala na yatang 30,000 pesos. Natuto na rin ako gumamit ng peso simula nang tumapak ako sa Pinas.
May sideline naman ako ngayon, I do graphic art. Maganda pa rin naman ang cellphone ko na dati ko na gamit maging ang laptop ko. Kumikita ako ng 500-700 pesos sa isang graphic art depende sa disenyo at demands ng customer. Hindi rin ako araw-araw kumikita dahil hindi naman araw-araw may nagpapagawa. It takes time also bago makatapos ang isang artwork.
"Mga anak, kakain na! Luto na ang almusal!" sigaw ni Manang Fe.
Agad akong tumayo at ginising ang kambal na sila Apple at Orange. Antok pa ang dalawa that made me laugh. Ang cute nila, parang mga baby pa. They are too small.
Tinulungan ko si Manang Fe na mag-ayos ng pagkain dito sa sala. Kasya naman kami at maaliwalas kahit kawayan lang ang upuan namin.
Matapos naming maghanda ay kumain na kaming apat. Sinangag, tuyo, at pritong scrambled egg ang pagkain namin. May partner namang kape at the best in the house astara ni Manang Fe. She said na it is a side dish katulad ng kimchi sa South Korea. Mahilig daw kasi sa matatamis ang mga Pilipino unlike us na mahilig sa super spicy foods.
Sarap na sarap kami sa pagkain lalo na ako dahil ito lagi ang gustong-gusto kong umagahan. I love tuyo at itlog na, super sarap! Gustong-gusto ko rin ang pritong boneless bangus na maraming taba. I hate naman 'yong maraming tinik dahil ang hirap kainin. 20 percent fish, 80 percent tinik!
Nang matapos kaming kumain ay ako ang naghugas ng plato. Ako sa umaga, si Apple sa tanghali, at si Orange naman sa gabi. Salitan din kami minsan ni Manang Fe magluto. Tumutulong lang ako dahil ang kaya ko lang kasi ay prito at pancit canton. Sinubukan ko dating magluto ng adobo iyon nga lang ay napakaalat na, sunog pa.
"Mga anak, maggayat na ulit kayo ng mga gulay. Aayusin ko na ang mga karneng panluto. Apple maligo ka na ulit sunod si Orange para may katulong si Ate Suna niyo," utos sa amin ni Manang Fe.
"Opo lola, bibilisan ko pong maligo! Sarapan niyo raw po ang luto sabi ni Ma'am Castillo! Marami raw po siyang bibilhin!" masayang sabi ni Apple at tumakbo na papasok sa banyo.
Sa tanghali hanggang hapon ay naglalako kami ni Manang Fe ng ulam. Bukod kasi mura na ang tinda namin, masarap pa. Also, malinis pa ang pagkakaluto! 25 pesos only for gulay dishes while ang may meat ay around 35 to 40 pesos lang. Nagbebenta rin kami ng kanin na 10 pesos per balot.
Kumuha ako ng talong, kangkong, labanos, at gabi sa refrigerator namin para sa sinigang na baboy na lulutuin ni Manang Fe. Carrots naman at patatas ang kinuha ko para sa caldereta. Ang dalawang iyon ang ibebenta namin mamaya. Paniguradong mauubos agad ang tinda namin. The best ang cooking skills ni Manang Fe here in our barangay.
Habang naggagayat kami ni Orange ay natapos na si Apple sa paliligo. Siya na ang sumunod at ako naman mamaya. Magsasaing pa kasi ako dahil mamaya ay magbabalot kami ni Manang Fe ng ulam. May dala-dala kasi kaming bayong mamaya at doon ilalagay ang mga nakaplastic na ulam.
Nang matapos kong maggayat ay ibinigay ko iyon kay Manang Fe. Kinuha ko naman ang plastic ng yelo namin sa may gilid ng ref at nagbuka na ng mga iyon. Matapos kong maubos ang dalawang pack ay saktong tapos na maligo si Orange. Naligo na rin akong sunod. Ihahatid ko pa kasi ang kambal mamaya sa school nila.
Saglit lang akong naligo dahil nasanay na rin ako paano maligo ng mabilis. Mahina rin ang tubig namin tuwing umaga. Nag-iimbak kami at nagpapatulong sa kapitbahay na buhatin ito.
Agad naman akong nagbihis dahil nakaayos na ang kambal. Nagsuot ako ng tokong na jogger at isang lumang t-shirt na bigay ni Manang Fe. Nagsuot din ako ng sumbrelo.
Inasikaso ko na ang kambal. Hindi pa tama ang pagkakabutones ni Orange sa damit niya kaya inayos ko iyon. Tinalian ko naman si Apple at pareho silang nilagyan ng pulbos at pabango.
"Ay hala, hindi pa nga pala ako nakakapagcook ng rice! I'm sorry Manang Fe!" sigaw ko.
"Huwag ka nang mag-alala, nagsaing na ako. Sige na asikasuhin mo na muna ang mga bata. Inaayos ko na ang ibebenta nilang ulam sa eskwela. Itong mga nagpareserve lang naman," nakangiting sabi ni Manang Fe kaya tumango naman ako.
Inayos ko na ang ng kambal pati ang mga gamit nila. Napakagulo pa ng bag ni Orange. Kapag lalaki nga naman talaga.
"Lola, nasaan na po ang mga ibebenta?" tanong ni Apple kay Manang Fe matapos naming mag-asikaso.
"Ito ang sa 'yo, Apple. Siyam iyan katulad ng sabi mo na anim na sinigang, tatlong kaldereta at dalawang kanin. Ito naman ang sa 'yo, Orange. Pitong kaldereta at tatlong sinigang. Nandiyan na rin ang limang kanin. Mag-iingat kayo ha! Susunduin namin kayo mamaya ng Ate Suna niyo. Galingan niyo ang pag-aaral ha," bilin ni Manang Fe sa kambal at hinalikan ang dalawa sa pisngi.
"Alis na po kami. Baka po malate ang kambal sa school," nakangiti kong paalam.
"Gumagaling ka na magtagalog, anak. Kaunti na lang ay matutuwid mo na ang isang pangungusap na purong tagalog na salita," masayang sabi ni Manang Fe kaya lihim naman akong nagdiwang.
Lumabas na kami ng mga bata sa bahay. Naglakad kami papunta sa school nila dahil medyo malapit lang naman. Lagi nga kaming pinagtitinginan at marami rin mga kuya ng mga bata ang nagtatanong sa pangalan ko. Sinasabi naman nila Apple na may asawa na raw ako. Kapag tinanong kung sino ang sinasabi nila ay si John daw. Hindi ko nga kilala kung sino iyon, mukhang kakuntsaba nila si Manang Fe ah.
"Ate Suna!"
Paalis na ako ng school nang tawagin ako ni Orange kaya napalingon ako sa kaniya. Tumungo naman ako para magkarinigan kaming dalawa.
"Why?" nakangiti kong tanong.
"May medical mission daw po mamaya sa school namin, d'yan po sa court. Isama niyo po mamaya si lola," sabi ni Orange.
"Ahh, sure ba. Pagsundo namin sa inyo after namin ubusin ang mga panindang ulam later," nakangiti kong tugon.
Dali-dali naman na akong tumakbo pauwi sa bahay. Nakita ko si Manang Fe na nag-aayos ng mga ulam. Nagtatakal siya at inilalagay iyon sa plastic.
"Ako na po, Manang Fe. You can take a bath na po and change your clothes," nakangiti kong prisinta.
"Sige Suna, tatlong gayat sa sinigang at dalawa sa caldereta ha. Ikaw na ang bahalang magtakal ng gulay. Natapos ko na ang kanin kanina," bilin ni Manang Fe kaya tinanguhan ko naman siya.
Matapos kong magtakal ng mga gulay ay inilagay ko na ito sa mga bayong. Kinuha ko na rin ang calculator, mga baryang panukli, at ang listahan namin. Nilagay ko iyon sa aking beltbag.
"Tara na, Suna. Para makarami tayo," yaya sa akin ni Manang Fe.
"Sige po," masaya kong sagot at nagsuot na ng sumbrelo ulit.