Suna's POV:
"Ba-bye Manang Fe! I'm going na po sa Up Entertainment!" paalam ko kay Manang Fe habang paalis ng bahay.
"Paalam, Suna! Mag-iingat ka ha!" sigaw naman ni Manang Fe mula sa pinto.
Lumabas na ako ng gate at sinara ito. Pumasok ako sa service van ng Up Entertainment. Agad naman kaming umalis dahil mahuhuli na ako nito. Patay ako kay Manager Tong niyan.
Dalawang oras ulit ang naging byahe namin. Mula pa lamang dito sa labas ng Up Entertainment ay napakarami na ng mga reporters. Agad ding hinarang ang van na sinasakyan ko.
"Sasil-ingayo Suna? Up Entertainmentwa gwanlyeondoen munjee daehae? / Is it true? About the issues you have with Up Entertainment?" tanong ng isang reporter na pilit itinatapat sa akin ang hawak niyang cellphone para irecord ang sasabihin ko.
Napakunot noo naman ako. Sa natatandaan ko ay wala akong issue na kahit ano. Mabuti akong tao at wala naman akong ginagawang masama.
Hindi ko iyon pinansin at naglakad na ako papasok sa lobby ng Up Entertainment. Hanggang dito ay pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Ano ba ang mayroon? Parang hindi maganda ang kutob ko.
Nang makarating ako sa meeting room namin ay may sumalubong sa aking folder. Tumama ito sa mukha ko kaya mangiyak-ngiyak ako sa kaba. Nakita ko naman sa dulo ang galit na amerikanong CEO ng Up Entertainment.
"What have you done!? You murdered DiSaGi's image! You thief! Get her and bring her out! I don't want any thief here inside my building! You walking piece of s**t!" galit na sigaw ni Mr. Kalenwillow.
Napanganga ako at doon na umiyak. Kita ko sa mukha ng mga kabanda ko ang pagtataka. Maging ako ay nagtataka sa nangyayari dahil wala akong alam! Tinawag pa akong magnanakaw? Wala akong ninanakaw!
"Mr. Kalenwillow, I did not do anything! I am not a thief! They all know that!" umiiyak ko ring sigaw.
"Read those documents then explain me why the f**k those appear on social media instantly. There are also numerous attempts of you hacking bank account and the evidences are routing for you," malakas niyang sigaw na nagpatuod sa akin.
Lalo akong napahagulgol. Umiiyak na rin si Queenie at Morah. Alam nilang inosente ako pero takot silang magsalita. Paniguradong may nagframe-up sa akin.
"Mr. Kalenwillow, I'm framed up! Please believe me! Give me a chance to explain myself!" pagmamakaawa ko.
"Drag her out to the exit. Kick them out from Donghae Elite Subdivision. Hold her bank accounts for further investigations," malamig na sabi ni Mr. Kalenwillow.
Umiiyak ako at sumisigaw na huwag nila gawin sa akin ito. Wala akong ideya kung sino ang may gawa o bakit ito nangyari. Pero tulad nga ng sabi ni Manang Fe, tadhana na ang bahalang humusga sa mga masasama. Masama ang maghiganti sa kapwa, iyon ang laging sinasabi niya.
Nagpatangay na lang ako sa dalawang bodyguard ng Up Entertainment at sumakay sa service ng Up. Ito na ang huling beses kong sasakay rito.
Napakadaya nila, hindi ako pinagpaliwanag at tinanggal din ako. Sigurado akong balang araw ay magbabayad ang gumawa nito sa akin at lalabas ang katotohanan. Katotohanang isa sa mga kabanda ko ang luminlang at nanlaglag sa akin. Ramdam ko iyon.
Hindi ko lubos akalain. Bakit ganoon? Kayang manlaglag ng isang tao ng ganito kalala para lang maiangat ang sarili nila? Hindi ko lubos akalaing ganito pala ang magagawa ng mga uhaw sa spotlight at karangyaan. Balang araw ay sisingilin din sila ng kanilang mga ginagawa.
-
"Jusko, Suna. Alam kong inosente ka! Hindi ka man lang nila pinagpaliwanag! Walang hiya talaga ang mga iyon. Alam mo, malaking kawalan ka para sa kanila. Hayaan mo at nandito pa rin ako para sa 'yo," nakangiting sabi ni Manang Fe sa akin. Pinapagaan niya ang loob ko.
"Salamat, Manang Fe. You are the only family I have. Kaso may problem tayo," malungkot kong sabi at nagpunas ng luha.
Grabe ang natamo kong kahihiyan kanina. Hindi ko rin alam kung sino ang gumawa no'n sa akin. Sobrang sakit ng ginawa niya kung sino man siya. Isa pa, hindi man lang ako pinagpaliwanag nung CEO ng Up Entertainment. Wala man lang din na tumutol sa kaniyang kabanda ko at naglakas loob. Akala ko pa naman ay magkakaibigan kaming lahat. Iyon pala ay kalaban ang tingin nila sa akin.
"Anong problema iha? Magsabi ka sa akin baka matulungan kita," tanong ni Manang Fe.
"Pinapalayas na po tayo rito, Manang Fe. May hanggang 8:00 pm na lang po tayo rito sa subdivision. This house, sa Up Entertainment ito galing. Maging ang mga bank account ko ay nakafreeze. May kaunting pera pa naman po akong naitabi na wala sa bangko," sagot ko.
Napasapo si Manang Fe sa kaniyang noo. Nag-isip siya at pumitik nang may maisip siyang ideya.
"Alam ko na Suna, iyon ay kung papayag ka. Delikado ka rin dito sa South Korea dahil may gustong magpabagsak sa 'yo. Kung sumama ka kaya sa akin sa Pinas pauwi? Magpatuloy ka roon at magtayo ng negosyo. Makakalayo ka rin sa issue at magpakilala ka sa ibang tao na may bagong pangalan. Malugod ka naman naming papatirahan sa bahay ko. Iyon nga lang ay kung ayos lang sa 'yo," suhestyon ni Manang Fe.
Napaisip naman ako. Iniisip ko kung paano ang maiiwan ko rito sa South Korea? Baka iniisip nilang tumatakbo ako mula sa isinasampa nilang krimen. Kailangan ko munang magpaalam kung papayagan nila ako.
"Sige po Manang Fe, sasama po ako sa inyo pabalik to the Philippines. Thank you for helping me. I promise I will not be a burden po," naiiyak kong sabi.
Muli kaming nagyakapan ni Manang Fe. Dito sa mundo ay wala na talaga akong ibang mapagkakatiwalaan, mahirap na magtiwala. Mahirap na rin humanap ng kaibigan at ituturing na pamilya. Manang Fe is the only one I can trust the most. Mula noong buhay pa ang mga magulang ko ay siya na ang nandito sa tabi namin.
Pumasok si Manang Fe sa walk-in closet ko para mag-ayos ng damit at ilagay ito sa mga maleta. Umupo naman ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.
Tinawagan ko si Manager Tong. Nakailang ring pa ito bago siya sumagot.
"How are you Suna? Why did you call?" tanong niya sa kabilang linya.
"Sorry Manager Tong but can you help me? Can I go to the Philippines? I know that you know I'm clean about the case. Please help me. I can't handle the pain as long as I am here. Please help me to get 2 tickets for me and Manang Fe," sabi ko sa kanilang linya.
"Okay, I will handle your tickets. I will send it to you right away. I'm sorry Suna if I can't do anything about the case. Let's all hope that we can clear your name immediately," sabi niya.
"Gamsahabnida Manager Tong," pasalamat ko at ibinaba na ang tawag.
Matapos naming mag-asikaso at magbalot ng gamit ni Manang Fe ay nagbihis na ako. Black pants ang isinuot ko, gray sweater, at face mask ganoon din si Manang Fe. Kaagad kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kinuha kong Grab. Hindi kasi ako marunong magmaneho kahit may sarili akong kotse. Iiwan ko muna ito kay Manager Tong maging ang iba ko pang muwebles.
Habang bumibyahe kami papunta sa airport ay nagtext si Manager Tong. Nasa malapit lang daw siya sa Seoul Airport kaya sinabi kong papunta na kami. Aabutin siguro ng tatlong oras ang byahe namin.
Makalipas ang tatlong oras ay nakarating na kami sa airport. Nasa unahan si Manager Tong na kumatok sa bintana ng sinasakyan naming Grab. Nagbayad muna ako sa driver bago kami bumaba ni Manang Fe at kuhanin ang aming mga gamit.
"Gamsahabnida, Manager Tong. Gowa jwoseo gomawo," nakangiti kong sabi at kinuha ang iniabot niyang sobre.
Nasa kaniya ang pasport ko maging ang kay Manang Fe dahil siya ang nag-aayos ng aking travel matters. Siya na rin ang parang assistant ko.
"Take care, Suna. I'm really sorry," paghingi niya ng paumanhin at nagbow.
Nagbow rin kami ni Manang Fe sa kaniya. Inihabilin ko naman ang ilan kong mga naiwan. Pumasok na kami sa airport ni Manang Fe at nagpaalam kay Manager Tong.
Aalis ako ng South Korea para iwanan ang mga masasakit na alaala. Sana sa pagbalik ko, wala na ang masakit na pangyayaring ito. Sana malinis ang pangalan ko at bumalik ang lahat dahil kung sino man ang gumawa no'n, hindi ko siya mapapatawad. Hindi man ako gumaganti pero hindi rin ako nakakalimot.
Zyair's POV:
"Zyair, kumusta kayo ni Dalia? Nagdedate na ba kayong dalawa?" pang-asar na tanong ni mom.
"No mom, hindi ko siya gusto. Ayaw ko sa babaeng iyon," prangka kong sabi.
"Ang harsh mo naman anak. Manang-mana ka talaga sa tatay mo," natatawang sabi ni mom at kinurot ang pisngi ni dad. Napailing na lamang siya.
Tinapos ko na ang pagkain. Almusal namin ngayon at wala akong pasok dahil linggo. Binibigyan ko ng rest day ang sarili ko mula sa pagtatrabaho. Isa akong OB-Gynecologist at may sariling ospital na ipinamana sa akin ni mom at dad. May tatlong branch pa kami, dalawa pa sa Luzon at isa sa Visayas. Bale apat lahat. May iba rin kaming negosyo tulad ng pharmaceutical company ni mom at chains of businesses ni dad.
Pagkatapos kong kumain ay tumaas na ako sa aking kwarto. Nagpaalam akong titingin ng mabibili sa Lazada. Niyayaya na naman kasi akong manood ni mom ng paborito niyang k-pop boy band na CozyX. Mabuti si dad ay natitiis ang nakakabagot na panonood no'n. May ilan na nga akong nasaulong kanta ng k-pop dahil sa paulit-ulit na pagpapatugtog ni mom. May sariling kwarto rin dito sa bahay namin ang mga merchandise niya mula sa mga sikat na k-pop band.
Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang aking TV para manood ng balita. Inilabas ko rin ang laptop ko para tumingin ng mga email. May isa kasi akong negosyong balak bilhin. Inaabangan kong tanggapin ng may-ari ang alok ko. Fair price naman ang alok ko.
"Sikat ngayon ang isang issue ng isang k-pop artist na hindi umano ay pinagnakawan ang sariling entertainment agency. Pinagalanan na ng Spazz South Korea ang k-pop artist na ito. Siya si Kang Suna, isang idol mula sa sikat na grupong Dibi Sassy Girls o mas kilala bilang DiSaGi. Maraming ayaw maniwala sa nasabing issue ngunit kinumpirma ito ng kumpanya. Marami ring nadismaya sa balitang ito."
Nakuha no'n ang atensyon ko kaya tumingin ako sa TV. Nagflash naman sa screen ang isang magandang koreanang babae. Hindi halata sa mahinhin niyang itsura na kaya niyang magnakaw. Iba na talaga ang nagagawa ngayon kapag nabulag sa pera.
Napailing na lamang ako at nagcheck ulit ng mga emails. Nakita ko naman ang reply nung kumpanyang gusto kong bilhin, napangisi na lamang ako.
Pumayag ang Bling Entertainment na ibenta sa akin ang agency nila. Isa ito sa mga nagpoproduce ng k-pop idols ngunit malapit na itong malugi. Gagawin ko ulit successful ang kumpanya at ireregalo ito kay mom sa anniversary nila ni dad. Isa rin ito sa kalaban ng Up Entertainment na naibalita kanina. Dahil sa naibalita tungkol doon sa Kang Suna ay mag-iingat ako sa pagpili ng mga kukuhaning talents. Maghihire na lang ako ng taong eksperto upang maiwasan ang ganoong klase ng tao. Hindi ko naman talaga field ang larangang ganito, isa akong doktor. My mom loves k-pop idols so I will gift her an agency.