Suna's POV:
"I don't care about the money but be sure to make it happen," rinig kong sabi ni Hon Wol.
"Yes madam," sagot naman ng manager ko. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ay ewan, baka may ipinapasuyo lang si Hon Wol.
Kumuha na ako ng tubig sa kusina at uminom. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ni Hon Wol at ng manager ko pero nakakaintriga iyon. Hindi dapat ako maging chismosa, kabanda ko si Hon Wol. At saka hindi ko na dapat pakialaman ang business nila.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa aking kwarto. Wala na si Hon Wol at si Manager Tong sa terrace.
Nagcellphone lang ulit ako at nagshare ng memes. May nakita naman akong shinare ni Morah dito sa Twitter na nakahide sa iba. Nakalagay na kailan daw kaya niya mahahanap ang kaniyang the one and only man.
Napaisip naman ako, hindi na nga rin kami bumabata at matatapos din ang aming kasikatan. Sino kaya ang ka-forever ko? Makapag asawa kaya ako? Hmm, baka matagal pa bago mangyari iyon.
–
Nakabalik na kami ng South Korea. Warm welcome ang isinalubong sa amin ng aming fans dito. Nakakatunaw talaga sila ng puso. May mga dala pa silang mga regalo para sa amin. Ang dami ring cute na bata na iniidolo kami. Kaya masaya ako sa aking trabaho, marami akong napapasayang tao.
Bumalik muna kami sa kumpanya ng Up Entertainment para may pirmahan. Nagpicture din kaming anim at sobrang saya naming lahat dahil sa naging success. Sana ay marami pa kaming blessings na matanggap. Hindi ako mag-aalinlangang tumulong pa sa ibang nangangailangan.
Matapos naming magpictorial ay may kaniya-kaniya kaming sinakyang sasakyan pauwi sa aming mga bahay. Sa Donghae Elite Subdivision ako nagpahatid sa mismong bahay na namin. Maraming binigay ang mga fans kong regalo, bibigyan ko si Manang Fe ng ilan. Natutuwa rin akong magbukas ng ganito lalo na kapag kasama siya. Siya lagi ang kasama kong mag-unboxing ng mga regalo tuwing birthday ko, pasko, at bagong taon.
Halos dalawang oras ang naging byahe ko bago nakarating ng Seoul, Korea. Nagpasalamat naman ako sa driver ng Up Entertainment na laging naghahatid sa amin. Tinulungan niya pa akong magbaba ng mga gamit.
Pinindot ko ang doorbell kaya agad namang bumukas ang pinto. Napairit pa si Manang Fe nang makita niya ako.
"Ay Suna, na r'yan ka na pala! Ang ganda-ganda mo sa TV! Namiss kitang bata ka!" masayang sabi ni Manang Fe at agad na binuksan ang gate.
"I miss you too, Manang Fe. You are so good in tagalog. Gusto ko pa matuto ng more words," sabi ko at niyakap si Manang Fe nang mabuksan niya ang gate.
Tinulungan niya akong magpasok ng mga gamit maging ng guard ng bahay namin. Apat lang kami rito sa bahay, dalawang guard, si Manang Fe, at ako. Hindi na ako kumuha ng maraming katulong dahil mahirap magtiwala sa iba. Muntik na kasi kaming manakawan dati noong buhay pa si eomma.
Inakyat muna namin ni Manang Fe ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagpaalam akong maliligo muna at magpapalit ng damit bago kami mag-unboxing ng mga nakuha ko mula sa fans. Ikukuha na rin daw ako ni manang ng gabihan.
Mabilis akong naligo at naglagay ng mga aburloloy sa katawan. Naglagay na rin ako ng aking skin care routine sa mukha. Pagkatapos ay nagbihis ako ng ternong panjama at long-sleeves slik button down na kulay green na pantulog. Lumabas ako ng walk-in closet na nakaroba at nakasuot ng comfy slippers.
Nakita ko naman si Manang Fe na may tulak-tulak na cart. May laman iyong pagkain, ang paborito ko! Tonkatsu Ramen at may kimchi side dish. May filipino style spaghetti rin na paborito kong niluluto ni Manang Fe. Paborito ko ito dahil nilalagyan niya ng home made meatballs imbis daw na giniling lang.
"Gamsahabnida Manang Fe!" pasalamat ko kay Manang Fe at kumuha ng kutsara para kumain ng ramen. Natutunan ko ito sa kaniya at mas madali naman talaga.
"Welcome anak. Kain ka ng marami alam kong namiss mo ang luto ko," natutuwang sabi ni Manang Fe at tumabi sa akin.
Kumain na ako at inalok ko rin si Manang Fe. Hindi ako pumayag na hindi niya ako sasaluhan kaya bumawas siya sa spaghetti. Matapos kong maubos ang pagkaing niluto at inihanda ni Manang Fe ay niligpit niya na ito.
Sinimulan kong ilabas ang mga gamit na bigay sa akin ng mga fans. Natutuwa ako dahil ang gaganda ng mga ito. May mga mamahaling alahas kaya talagang nagulat ako. May nagbigay nga rin sa akin ng Michael Kors na bag at Gucci na sandals.
Nang makabalik si Manang Fe ay binuksan na namin ang iba pa. Binigyan ko siya ng ilan pampasalubong sa kaniyang pamilya. Masaya akong masaya si Manang Fe. Isa pa, natutuwa ako sa mga apo niya. Namatay kasi ang kaisa-isang babaeng anak ni Manang Fe na babae na si Melinda. Naiwan sa kaniya ang dalawang anak nito na si Apple at Orange. Kambal sila na isang babae at lalaki. Natutuwa nga ako sa dalawa, talagang mahilig sila sa prutas na kapangalan nila.
Matapos naming mag-unboxing ay nagligpit na kami ni Manang Fe. Matapos naming magligpit ay nagpaalam na akong matutulog. Babalik pa ako sa Up Entertainment bukas dahil may ilan kaming mga bagay na dapat asikasuhin bago magpahinga.