CHAPTER 1

822 Words
Suna's POV: "Make some noise for Dibi Sassy Girls, New York City!" Magiliw akong sumayaw sa stage habang tumutugtog ang kanta naming Color Red. Sumasabay rin kaming anim sa kanta habang nagpeperform. "Go Suna! I love you girl!" "You are so beautiful, Suna! Please marry me someday! I love you!" "Go DiSaGi! Fight! Fight! Fight! I am your number one fan!" Natuwa naman ako sa malalakas na pagcheer ng aming mga fans at supporters. Patuloy pa akong kumanta at sumayaw habang tumutugtog ang kanta naming Color Red. Ito na ang last performance namin para sa aming last world tour. Dito sa New York City ang aming huling destinasyon. Babalik na rin kami sa South Korea sa isang araw para magkaroon ng break at pahinga. Ilang buwan din makalipas ay gagawa na ulit kami ng bagong album at magkakaroon ng comeback. Sana ay ganito pa rin karaming tao ang sasalubong sa amin. Masaya akong marami kaming napapasayang mga tao. Natapos ang tugtog kaya naghiyawan ang mga tao. Nagkatinginan naman kami ni Yeol Chana. Nagngitian kami bago sabay na naglakad papunta sa unahan. "Thank you, New York City!" pagpapasalamat namin sa mga fans and supporters. Dalawa-dalawa kaming miyembro na magkakahawak ang kamay. Sabay-sabay kaming nagbow sa mga tao bago kumaway at nagpaalam. Pumunta kami sa lumulubog na platform para doon gawin ang grand exit namin. Muli namang tumugtog ang kanta naming Sweet Rain at doon na kami naggawa-gawa ng steps habang sumasayaw sa kanta. Nagpacute na rin kami habang kumakaway sa mga tao. Pababa na rin nang pababa ang platform na tinutung-tungan namin. "Good job, girls! Another successful concert! Let's have a picture!" masayang bati sa amin ng event coordinator nang tumigil na sa pagbaba ang platform. Nagpicture kami at sobrang daming mga tao kahit dito sa baba ng stage. May backstage VIP pass pa ang iba kaya nakisalamuha kami sa fans. Matapos ang lahat ay pagod na pagod kami. Ang gusto ko ngayon ay magkaroon ng mahabang pahinga at tulog. Nang matapos ang lahat-lahat ay sumakay na kami sa aming private van. Napakarami ring mga bodyguard sa buong paligid na nagbabantay. Sikat kasi ang grupo namin at marami rin kaming bashers na nagbibigay ng death threat. Ayaw man naming pansinin ang iba pero nakakabahala iyon. Mabilis kaming nakarating sa Levine Five-Star Hotel. Hanggang sa labas ng hotel ay maraming reporters na may dalang camera. Sinabihan naman kaming huwag na humarap at sumagot. Bumaba na kami ng van at dire-diretsong pumasok sa hotel. Napatingin naman sa amin ang ibang guest at may mga batang kumaway na nakakakilala sa amin. Masaya naman akong kumaway pabalik sa kanila ganoon din ang aking mga kabanda. Dumiretso kami sa aming executive suit. Bagsak naman kaming lahat sa living room. Sunod namang pumasok ang mga manager namin. "Jal haess-eo, yeojadeul! Meosjin gong-yeon-ieossseubnida! / Good job, girls! That was a great performance!" bati sa amin ng manager ko. "Deo manh-eun seong-gong-eul wihae nolyeoghasibsio! / Strive for more success!" masaya namang sabi ng manager ni Hon Wol. Anim kami sa Dibi Sassy Girls, mas kilala kami bilang DiSaGi. Under kami ng Up Entertainment sa South Korea. Lahat kami ay sumailalim sa training at kami ay matagal na sa industriya ng k-pop. Ang mga kabanda ko ay sila: Kang Suna – Visual/ Main Dancer – 20 Yeol Chana – Main Vocalist – 22 Taneung Hon Wol – Lead Vocalist – 20 Park Eun Nina – Leader of the group – 24 Kim Morah – Main Rapper – 20 Queenie Ding – Maknae / Lead Dancer – 18 Matapos naming magkwentuhan ay pumasok na kami sa aming kaniya-kaniyang kwarto. Lumabas na rin ang mga manager namin. Sa ibang room kasi sila. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong pumasok sa banyo. May kaniya-kaniya kaming kwarto at banyong lahat. Ganito kami kamahal ng Up Entertainment. Never nila kaming pinabayaan. Mabilis akong naligo bago nagsuot ng ternong long-sleeves silk button down at silk pajamas na kulay pink. Naglagay na rin ako ng mga gamot na pangskin care sa aking mukha. Humiga na ako sa kama at nagcheck muna ng cellphone ko. Nabasa ko naman ang message ni Manang Fe, miss niya na raw ako. Nagreply rin ako na uuwi na rin kami. Tapos na ang World Tour ng banda namin. Namiss ko si Manang Fe lalo na ang mga luto niya. Nagscroll muna ako sa aking timeline sa Twitter bago sinubukang matulog. 12:00 am na pero hindi pa rin ako makatulog. Nasanay kasi akong 1:00am or 2:00am na natutulog dahil sa mga rehearsal namin. Idagdag pa ang problema ko noon sa bahay dahil kakamatay lang ng eomma ko last month. Hindi talaga ako makatulog kaya bumangon ako at nagtungo sa kusina. Napadaan naman ako sa may terrace at nakita ko roon ang manager ko at si Hon Wol na nag-uusap. Wala na ang iba kong mga kabanda at mga managers nila. Anong mayroon kay Hon Wol at Manager Tong? Imposible namang may relasyon sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD