Suna's POV: Dalawang buwan ang nakalipas mula noong huling tangka namin na maiapila ang kaso ni Hon Wol sa korte ng South Korea. Nadelay na ito nang nadelay hanggang mas tumagal pa at umabot hanggang ngayon. Ngunit hindi siya habang buhay maswerte sapagkat dumating na ang panahon na natuloy na at ngayon iyon. Tuloy na tuloy na ngayon ang paghahatol kay Hon Wol, sa dati kong manager, sa may-ari ng entertainment na pinagtatrabahuhan ko dati, at iba pang sangkot. Guilty na panigurado ang pataw sa kanila at sigurado na iyon. Nagawa ni Hon Wol na patagalin ang pagsi-stay niya sa hospital sapagkat pinipigilan nitong kumain, uminom ng gamot, at magpahinga sa tamang oras upang makakuha ng tyempo para makatakas. Ngunit wala na ang kaniyang swerte dahil si dad na mismo ang nagpadala ng mga bantay

