Suna's POV: May anim na buwan na akong buntis sa anak namin ni Zy. Lalaki ang anak naming dalawa, napagdesisyunan kong pangalanan siyang Fletcher Matthias Koten. Kami ni mom ang nakaisip nito, napakagandang pangalan hindi tulad ng naisip ni Zy na John Christian Koten daw. Napaka-common naman masyado at ang panget pakinggan. Sabi nga ni mom, "Aba Zy, umayos ka! Heredero ng napakalaking kumpanya ang apo ko pagkatapos John Christian ang ipapangalan mo!?" Natatawa tuloy ako kapag naaalala iyon. Sa anim na buwan kong pagbubuntis ay naging malayo kami sa mga problema. Nasa Quezon kami ni Zy at dito nag-stay sa kaniyang mansyon. Napakaraming bodyguards sa paligid at madalas siyang nandito lang din kasama ko, binabantayan kaming mag-ina at inaalagaan. Si dad, tatay ni Zy, ang nag-aasikaso ngayon

