Chapter 4

2433 Words
“He is so sweet, Aiesha! Sa tingin ko siya na ang perfect guy para sa akin. Thank you sa pagpapakilala mo sa pinsan ni Aldrich sa akin. Excited na nga ako sa date namin mamayang gabi,” kwento ni Portia sa kanya. Nasa isang café sila malapit sa art gallery. Walang gana niya itong tiningnan habang umiinom ng café latte. “Akala ko ba si Silang ang gusto mo?” Tapos ngayon ay hindi na nito inaalala pa ang lalaki. Samantalang siya ay hindi pa rin maialis si Silang sa isip. Ano na kaya ang nangyari dito? Bumakas ang iritasyon sa mukha nito. “Hindi siya interesado sa akin. Bakit ako magtitiis kanya?” Malaking blow sa ego nito kung hindi ito pansinin ni Silang lalo na’t pinagkaguluhan ito ng mga lalaki noong engagement party niya. “Babalik ka na ba sa art gallery?” tanong niya at iniwan sa mesa ang bayad sa in-order nila. “Oo. Darating ang si Mrs. Hamasaki. Nagustuhan niya ang bamboo brushpots na gawa ni Leu. Oorder siya ng bago.” “Ikaw na muna ang bahala sa mga kliyente natin.” Tumayo ito. “May pupuntahan ka ba?” “Dadalawin ko si Aldrich sa opisina niya,” aniya at tumayo na rin. “Mabuti at magbabati na kayo.” Mula nang party ay hindi niya pinansin si Aldrich. Hindi pa kasi humuhupa ang inis niya dahil sa pagtataboy nito kay Silang. “Malamig na ang ulo ko. Pwede na kaming mag-usap,” sabi niya. Dumaan muna siya sa flower shop at um-order ng bouquet ng white roses bilang peace offering. May kasalanan nga marahil si Aldrich pero ilang araw na siya nitong sinuyo. Panahon na para tapusin ang gulo. Isa pa ay nami-miss na niya ito. Papasok sa entrance ng building ng opisina ng Dominicano Mining nang nakita niya si Silang na nakikipag-argumento sa guwardiya. “What’s the problem?” tanong niya sa guwardiya paglapit. “Siya po kasi, nagpipilit pumasok. Bilin po ni Sir Aldrich huwag siyang papapasukin. Ban po siya dito,” magalang na sabi ng guwardiya. Mukhang importante ang pakay nito kay Aldrich. Kundi ay hindi ito magtitiis sa pakikipagtalo sa guwardiya. Naalala niya kung paano ito ipinagtabuyan ni Aldrich at wala siyang nagawa upang tulungan ito. Hindi siya papayag na hindi makabawi dito. Kailangang makausap nito si Aldrich. Hinawakan niya ang kamay ni Silang. “Kasama ko siya.” Hinarangan pa rin sila ng guwardiya. “Pero Ma’am, mahigpit po ang bilin ni Sir kahit daw po kayo pa ang kasama,” matigas na sabi nito at lumayo sa kanila. Kahit mismong guwardiya ay hindi niya magamitan ng karisma. Tiningala niya si Silang. “Kung gusto mo, magse-set na lang ako ng appointment para sa inyo ni Aldrich. Some place neutral.Para hindi siya makatanggi.” Binawi nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya. “Salamat sa tulong mo, Miss Wayne. Pero hindi mo na kailangang masangkot dito.” “Alam ko na galit ka sa akin. Pero hindi ko intensiyong ipahiya ka.” Kung alam lang nito, tinikis niya si Aldrich dahil sa simpatya dito. “Hindi ako galit sa iyo.” Malumanay ang boses nito. “Pero ayoko na ring abalahin ka pa. Babalik na lang ako sa ibang araw para kausapin si Mr. Dominicano.” Pinigilan niya ang kamay nito. “You can talk to me.” “Mga Dominicano lang ang gusto kong kausapin.” Bahagya siyang ngumiti. “I will be a family soon. Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo. Baka matulungan kita.” Matagal na sandali siya nitong tinitigan pagkatapos ay inilayo ang tingin. “Sige. Baka sakaling ikaw ang makatulong sa amin.” HINDI maialis ni Aiesha ang mga mata kay Silang habang ibinibigay nito sa waiter ang order. Nasa isang Italian restaurant sila. Naisip niyang lunch hour na rin at maaring kanina pa ito nagutom sa pakikipagtalo sa guwardiya. Pumayag lang ito na doon sila mag-usap sa kondisyong ito ang magbabayad sa kakainin nila. “Portia is right. You are earthy and manly,” hindi sinasadyang may kalakasan niyang sabi. Madalang siyang pumuri sa lalaki. At ito ang unang pagkakataon na sabihin niya iyon nang harapan. Kahit kay Aldrich ay hindi siya ganoon ka-vocal. Kumunot ang noo nito. “May sinasabi ka ba?” “Gusto mo bang maging professional model? Marami akong kakilala na agent. Pwede kitang I-refer.” Kung pwede lang ay ipa-kontrata niya ito sa isa sa mga artist niya para gumawa ng portrait nito. He would be perfect to grace her art gallery. “I have a job. Thank you. At hindi pa ako naghihirap para humanap ng ibang trabaho,” direktang sagot nito. “Wala sa bokabularyo ko ang pagmomodelo.” Parang teenager siya na nangangarap at nangalumbaba. “Are you married? Do you have kids?” Baka kaya hindi ito interesado kay Portia ay dahil may pamilya na ito. Maswerte ang babaeng iyon. Tiyak niyang maganda ang mga anak nito. Maganda rin naman ang lahi niya. Kung ito ang magiging ama ng mga anak niya, tiyak niyang maganda at guwapo ang mga ito dahil sa kombinasyon nila. “No to both questions,” malamig nitong sabi. “Pwede na ba nating ituloy ang pinag-uusapan natin kanina.” Bigla siyang natauhan. “S-Sure.” Nawawala siya sa sarili kapag kaharap ito. Bakit kay Silang niya naiisip ang pagkakaroon ng anak? Samantalang isang estranghero ito. “Ano ang kailangan mo sa kanila?” tanong niya nang idulot ng waiter ang soup. “Is it about the donation? Saang foundation ka ba?” “Donation?” Umangat ang gilid ng labi nito. “Iyon ba ang sinabi ng boyfriend mo? Kung ganoon, nagsisinungaling siya.” Natigilan siya. “Ibig sabihin, hindi ka part ng charity institution?” Naging matigas ang itim nitong mga mata na animo’y itim na diyamante. “Miyembro ako ng tribo ng Gangan mula sa Cordillera. Simple lang ang pamumuhay sa tribo namin. Pero ngayon, sinasalantana kami ng maraming sakuna.” “Gusto ninyong humingi ng calamity fund,” nakakaunawa niyang sabi. Hindi talaga maiiwasan ang mga sakuna lalo na sa Pilipinas. “Hindi. Gusto naming ibalik ang ninakaw sa amin.” Nagsalubong ang kilay niya. “Government fund ba na dapat ay para sa inyo ang ninakaw nila?” Hindi maiiwasan ang katiwalian sa hanay ng gobyerno. Baka naniniwala ito na nagnakaw si Donato Dominicano nang administrasyon nito. “I can give you money in exchange for that.” Mahihirapan nga itong makipag-argumento kay Aldrich o kahit sa matandang Dominicano sa klase ng akusasyon nito. Tumigas ang anyo nito. “Hindi namin kailangan ng pera. Gusto lang naming maibalik sa amin ang ninuno namin.” “Ninuno? Bakit naman mawawala sa inyo ang ninuno ninyo? Pardon my words, pero sino ang magkaka-interes sa taong patay na?” Wala siyang ideya kung bakit hahanapin nito sa mga Dominicano ang mga ninuno nito. “Ninakaw sa amin ang mga mummies ng ninuno namin.” Nanlaki ang mata niya. “Mummies? May mummies ba sa Pilipinas?” Ang alam niya ay sa Egypt at sa Mayan civilization lang iyon matatagpuan. “Nag-practice din ng mummification ang tribo namin. We call them me’king. Tatlong dekada na ang nakakaraan mula nang isang helicopter ang lumapag sa tribo namin at ninakaw ang mga me’king. Simula noon, sunud-sunod na ang kamalasang dumating sa tribo namin. Naging biktima kami ng bagyo at lindol. Mabilis na nagkawala ang mga hayop sa gubat at bumaba ang aming ani. Ngayon naman unti-unting sinisira ng mga higanteng peste ang mga palayan namin. Kahit mismong mga eksperto sa siyensya ay walang magawa. Naniniwala kami na dahil ito sa sumpa. At hanggang hindi naibabalik sa amin ang mga me’king, hindi kami matatahimik.” “Naniniwala na ako sa mga sakunang dinanas ng tribo ninyo. At nakiki-simpatya ako. Pero ano ang katiyakan ninyo na mga Dominicano nga ang kumuha sa mga ninuno ninyo?” “Sila ang may hawak ng kapangyarihan nang mga panahong iyon. Marami ang nakakilala sa private helicopter nila na lumapag malapit sa kwebang libingan bago naglaho ang mga me’king. Pero dahil inosente pa ang mga katribo namin nang mga panahong iyon, hindi nila nagawang maghabol. Nag-research ako. Maging sa ibang tribo na nagkaroon din ng nakawan ng me’king. Sila rin ang itinuturong responsable,” paliwanag nito. Isang malaking kasiraan iyon sa mga Dominicano. Subalit matagal nang panahon iyon. At ang nakaupo pa bilang gobernador ay ang lolo ni Aldrich. Mayor pa lang si Donato nang mga panahong iyon. Mahilig sa mga antique ang mga Dominicano. At malaki ang halaga ng mga mummies lalo na kung ibebenta sa mga kolektor. Nagawa ba talaga ng mga ito na pagkakitaan ang mga inosenteng kababayan at mga namayapa na? “They may be responsible. Pero baka wala na sa kanila ang mga mummies. It has been a long time. Baka nasa museums na iyon o nasa kamay ng mga private collector. Mahihirapan ka nang makuha pa iyon.” “May distinction ang mga mummies namin kumpara sa ibang bansa. May mga tattoo sila sa katawan na ganito ang disenyo.” Ipinakita nito sa kanya ang ilang larawan ng mga sining mula sa tribo nito na parang pictographs. “Ang mahalaga lang sa amin ay ang maibalik sila. Pwede nilang sabihin sa akin kung saan nila idinala ang mga me’king. Kahit paano alam ko kung saan magsisimulang maghanap.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko alam kung sasabihin nila sa iyo. Ni ayaw ka nga nilang palapitin. Baka wala talaga siyang alam.” “Kung inosente siya, bakit naalarma agad ang boyfriend mo nang banggitin ko ang tungkol sa mga me’king? Ibig sabihin ay may itinatago siya.” Pinagmasdan niya ito. Madalang ang lalaking katulad nito na susuungin ang lahat para sa kabutihan ng nasasakupan nito. “Gusto kong makatulong sa tribo ninyo. Kakausapin ko si Aldrich.” “Hindi mo na kailangang isangkot ang sarili mo sa problema. Mas gusto ko na ako mismo ang makipag-usap sa kanya.” Pinagdikit niya nang mariin ang labi. “Basta. Kasangkot na ako dahil sinabi mo sa akin ang problema. Ibigay mo sa akin ang contact number mo para ma-inform kita kapag may resulta na ang pag-uusap namin.” Nawalan ito ng pagpipilian kundi sundin siya. Dahil kahit kumontra naman ito ay wala itong magagawa. Siya pa rin ang masusunod. Misyon niyang ayusin ang problema nito. Importante sa tribo nito ang me’king. Tutulungan niya itong ibalik iyon. Hindi lang para sa tribo nito kundi para malinis din ang pangalan ng pamilya nila Aldrich. Dahil hindi magtatagal, Dominicano na rin ang pangalang tataglayin niya. “WHAT mummies? Bakit naman magtatago ang pamilya namin ng labi ng patay na tao? Ganoon ba ang tingin mo sa amin, Aiesha?” galit na galit na tanong ni Aldrich. Katatapos lang niyang makipagbati dito nang buksan niya ang problema ni Silang. Gusto kasi niyang matapos agad ang problema nito at ng tribo nito. “Hindi ko pinagbibintangan ang pamilya mo. Nagbabaka-sakali lang akong makatulong sa kanila. Their tribe was cursed, Aldrich. Mukhang pagsasaka lang ang ikinabubuhay nila. They are not as well-off as we are.” Hindi hahanapin ni Silang ang labi ng mga ninuno nito kung hindi totoong nanganganib ang tribo nito. Tumawa nang may halong pangungutya si Aldrich. “Curse? Kaunting kwento lang pero naniwala ka na. Only a lunatic would believe that. You are too gullible.” “Gusto ko lang namang makatulong sa pamilya mo at sa tribo nila. Direkta niya kayong inakusahang nagnakaw ng mummies. Paano kung makarating ito sa ibang tao? They will surely use it against your family.” Ayaw niya ng eskandalo. Totoo man o hindi ang akusasyon, kailangang gawan ng paraan para hindi na kumalat ang apoy. “Gusto lang niya kaming siraan. Baka gawain lang ito ng kalaban ni Papa sa pulitika. Huwag mong hayaan ang sarili mo na mahulog sa patibong nila.” “But he looks decent and sincere.” Kung gusto talaga nitong manira, sana ay sa media na ito dumirekta at hindi sa mga Dominicano. Hindi rin nito pakay mag-extort ng pera kundi ay nagbigay na sana ito ng presyo. At malinaw na hindi pera ang pakay nito. “And I am the disreputable one?” may hinanakit nitong wika. Inilahad nito ang mga kamay. “Nakarating ka na sa antique shop ni Mama. May mummies ka ba na nakita? Magtanong ka sa mga collector kung may naibenta na kaming mummies.” “I’m sorry,” mahina niyang usal at yumuko. Sa kagustuhan niyang tulungan si Silang, hindi sinasadyang nasaktan niya ito. Hinaplos nito ang buhok niya. “Don’t be a fool, sweetie. Niloloko ka lang ng lalaking iyon. From now on, stay away from him. We don’t know how dangerous he is. Baka saktan ka pa niya.” “I’M SORRY. Nagkausap na kami ni Aldrich pero wala siyang alam,” anang si Aiesha kay Silang nang magkita sila ulit. Sinuway niya ang utos ni Aldrich na huwag makipagkita dito. Subalit hindi naman niya matiis na paasahin ito sa wala. Nagkibit-balikat ito. Hindi alintana ang masamang balita niya. “Nagsayang ka lang ng panahon nang kausapin mo siya. Wala siyang aaminin sa iyong kahit ano.” “Baka naman wala siyang alam,” giit niya. “Kung wala siyang alam, bakit parang may itinatago siya?” hamon nito. “Dahil baka sisiraan mo ang pamilya niya. Na padala ka ng kalaban.” Naningkit ang mga mata nito. “Walang mahalaga sa akin kundi ang tribo namin. Hindi ako nagpapagamit sa sinumang pulitiko. Kung ibabalik sa amin ang me’king, babalik na ako sa Gangan nang tahimik. Wala akong planong manggulo.” “Hahanapin mo pa rin ang mga mummies?” mangha niyang tanong. “Sila ang buhay ng tribo namin. Sa kanila kami nagmula. Para magpatuloy kami, kailangan ko silang ibalik.” Hindi niya maiwasang hangaan ang dedikasyon nito. Inilapag niya sa mesa ang calling card. “Sabihin mo lang sa akin kung may maitutulong ako.” Hindi nito pinansin ang calling card niya. “Sapat na ang tulong na nagawa mo sa amin, Miss Wayne. Ayokong magka-problema ka sa mga Dominicano.” Hindi niya inalis ang tingin dito hanggang makaalis ito. Mas tumibay ang paniniwala niya na mali ang hinala ni Aldrich dito. Wala pa siyang nakitang sinuman na may dedikasyon tulad nito. Pero hanggang saan ito dadalhin ng dedikasyon nito? Matatagpuan pa ba nito ang mga ninuno nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD