Chapter 5

2526 Words
  “May naiisip ka na bang design para sa wedding gown mo? Saan ninyo planong magpakasal? Saan ang reception?” sunud-sunod na tanong ni Portia kay Aiesha. Galing sila sa art gallery at papunta sa isang bagong bukas na bar para mag-relax. Sinasamantala niya ang pagkakataon dahil kapag kasal na siya kay Aldrich, plano niyang bawasan ang paglabas-labas at dito ibuhos ang panahon. “Gimmick natin ito. Ayoko munang isipin ang tungkol sa kasal dahil next year pa naman iyon. Isa pa, sila Mommy na ang nagplantsa sa halos lahat ng details. My opinion won’t matter,” aniyang pilit itinago ang iritasyon. Mas excited pa yata ang mga magulang nila ni Aldrich kaysa sa kanila. Their wedding will not be a simple union of souls. It is also an alliance between the business and political world. Dadaluhan ng sikat na political at business personalities. She didn’t mind dahil iyon talaga ang mundong ginagalawan niya. And she didn’t care if some see it as a pact forged to strengthen their family’s stand in the influential world. Ang importante ay nagmamahalan sila ni Aldrich. “Mas gusto mo ba ang simpleng kasal?” tanong nito. “Ayaw mo bang maging ninong at ninang ang president, vice president at senador ng Pilipinas?” “I’m thrilled with the idea.” Sino ba ang tatanggi na maging ninong at ninang ang mga sikat at makapangyarihan sa bansa? “Pero sana hinayaan nila kami ni Aldrich na magplano sa kasal. Pati iyong designer na gusto ko, hindi nila sinunod. Gusto daw nila ang pinakasikat.” Hindi pa daw sikat ang kaibigan niyang designer at baka disaster lang daw ang mangyari sa wedding gown niya. Samantalang mas subok na niya ang kaibigan kaysa sa ibang mas sikat. Unique kasi ang designs nito. Tinapik nito ang braso niya. “Tama ngang kalimutan mo muna ang kasal mo. Baka tumanda ka sa sobrang konsumisyon at frustration.” Jam-packed ang bar pagpasok nila at kanta ni Shakira ang pumapailanlang sa bar. “Doon tayo sa second floor para hindi masyadong crowded,” sabi niya. “Ayaw mo bang makigulo dito?” tanong nito at bahagyang sumayaw at kumanta nang mag-chorus ang kantang Objection ni Shakira. Hinila niya ito papunta sa hagdan. “Mamaya ka na magwala. Gusto ko munang magpahinga. Kung bakit ngayon pa nagsisugod ang mga kliyente natin.” Pag-akyat nila ay halos puro magkasintahan ang naroon. Pawang magkakaakbay at naghahalikan. Walang pakialam sa ingay sa baba. Napangiwi siya. “Mukhang out of place tayo dito. Sa baba na lang tayo.” Nagtaka siya nang nakatigagal lang ito. “Ash, tingnan mo,” anito at may itinuro. “Hindi ba sina Minerva at Aldrich iyon?” “Aldrich? Anong gagawin ni Aldrich dito? May cocktail party siyang pupuntahan,” natatawa niyang sabi at sinundan ang itinuro nito. Namutla siya nang makilala ang pareha sa di kalayuan. Mahigpit ang yakap ng lalaki sa babae at habang ang huli naman ay binubuksan ang polo ng lalaki. As if it was a prelude to lovemaking. Parang tinadyakan siya sa dibdib. Sa kabila ng bahagyang dilim, kitang-kita niya ang dalawa. Ang suot na polo ni Aldrich ay bigay niya dito nang nakaraang birthday nito. Ilang beses na rin niyang nakitang suot ni Minerva ang mala-manang na vest nito. Bagamat wala nang salamin, nakapusod pa rin ang buhok ni Minerva pero dahan-dahan na tinatanggal ni Aldrich sa pagkakatali. “Geez, totoo ba ito? Boyfriend mo ba talaga iyon?” bulalas ni Portia na tinakpan ang bibig sa sobrang pagkabigla. “Let’s go home,” matigas niyang sabi at tinalikuran ang eksena. Wala siyang maramdaman kahit galit o sakit. Marahil ay awtomatikong nag-shut down ang pandama niya para hindi na niya maramdaman ang labis na sakit. Maging ang utak niya ay nakasara na rin. “Bakit hindi mo sila komprontahin? Niloloko ka ni Aldrich nang harap-harapan. Wala ka bang gagawin? Nasaan na ang kilala kong Aiesha na fighter?” “Don’t push it, Portia,” saway niya at lumabas ng bar. Bahagya siyang nakahinga nang maramdaman ang malamig na hanging panggabi. Subalit hindi iyon sapat upang ibalik ang pakiramdam niya. Kaya pala kahit anong magandang ipakita sa kanya ni Minerva, hindi pa rin niya ito gusto. Dahil may gusto rin ito kay Aldrich. At ngayon pa niya natuklasan ang pang-aakit nito sa nobyo niya kung kailan malapit na ang kasal nila. Nagpapadyak sa inis si Portia. “I won’t allow this! He was sneaking and petting and kissing his secretary behind your back. At wala kang gagawin. Kung ayaw mong makipagsabunutan, I’ll do the dirty job for you,” panggagalaiti nito. Parang gusto na nitong ihinalahod si Minerva sa semento at gulpihin si Aldrich. “Wala kang nakita, Portia. Hindi si Aldrich ang nakita mo. He loves me!” Iyon na lang ang iisipin niya para hindi siya masyadong masaktan. Ikakasal na siya. Magiging masaya na siya. Isang pagsubok lang lahat para alamin kung hanggang saan ang pagmamahal niya kay Aldrich. “Don’t be a fool, Ash!” nagpupuyos nitong sabi. “Si Aldrich ang nakita mo. Kung kaya mong utuin ang sarili mo, hindi ko kaya. Pwede mo sigurong isipin na hindi iyon si Aldrich. But how will you explain his saintly little secretary? Araw-araw ilang magkasama. Handa ka bang magkaroon ng kaagaw kay Aldrich?” “Iyan ang hindi ko mapapayagan,” matigas niyang sabi. Pero bago siya gumawa ng aksiyon, kailangan muna niyang malaman kung ano ang puno’t dulo ng relasyon ng dalawa. Baka si Minerva ang nang-akit kay Aldrich. At dahil lalaki, natural lang na maging mahina ito sa tukso. Girlfriend siya nito pero hindi pa siya nito nahalikan nang katulad ng nakita niya kanina. “Kaya sugurin natin siya. Sabihin mo na alam mo na ang totoo.” Hindi niya pinansin ang pagnunulsol nito at nag-dial sa cellphone. Kapag nasa oras ng kagipitan, mas dapat paganahin ang isip kaysa sa emosyon. “Hello, Calvin. I got a job for you.”   “HOW could that ogre do this to you?” gigil na gigil na sabi ni Portia at ihinagis ang mga picture na kuha nina Minerva at Aldrich sa ibabaw ng desk niya. Nasa art gallery siya nang I-deliver ng kaibigan niyang private detective na si Calvin ang resulta ng imbestigasyon. Bago pa sila magkakilala ni Aldrich ay lihim na nitong nobya si Minerva. Walang emosyon niyang tiningnan ang mga larawan. Kahit paano ay napaghandaan na niya ang resulta. Ang apartment na tinitirhan ni Minerva ay si Aldrich ang nagbabayad. May mga larawan pa na magkasama ang dalawa. At sa tulong ng telephoto lens ay iba pang larawan habang nasa loob ng apartment ang dalawa. Bukod pa sa mga pribadong lugar kung saan hindi umaakto si Minerva bilang ‘sekretarya’ nito. Gusto niyang paglalamukusin ang mga iyon at itapon. Pero hindi naman niyon mabubura ang katotohanan na may kahati siya sa nobyo. “Ano ang plano niya kapag kasal na kayo? Gawin niyang mistress si Minerva?” Nagkibit-balikat lang siya at inalis ang tingin sa mga larawan. “Baka maghiwalay din sila. Hindi lang makakuha ng tiyempo si Aldrich.” “Ano pa bang tiyempo ang kailangan niya? Engaged na kayo at hindi iyon lingid kay Minerva.” “Baka si Minerva ang ayaw makipaghiwalay,” pilit pa rin niyang pag-intindi. “Baka pinagbantaan niya si Aldrich na magpapakamatay siya kapag iniwan siya. She might be emotionally unstable.” Kawawa naman si Aldrich dahil kailangan pa nitong pagtiisang pakisamahan ang ganoong babae kahit siya ang mahal nito. “Huwag mo nang ipagtanggol ang boyfriend mo. Huwag mo na ring lokohin ang sarili mo. He used you. Ayoko sanang makinig sa sinasabi ng ibang tao pero ginagamit ka lang niya para patatagin ang political career ng Papa niya. Dahil mayaman ang pamilya mo, malaki ang maitutulong ninyo para pondohan ang pagtakbo ng Papa niya sa Senado. Isama pa ang mga koneksiyon ninyo.” Huminga siya nang malalim at nagsalin ng brandy sa baso. “I still love him, Portia. Kahit na ano pang sabihin mo, mahal ko pa rin siya.” Nakuyom nito ang palad. “Alam mo, nagtitimpi lang ako na sampalin ka. Hindi ka niya mahal. O kahit sabihin pa nating mahal ka niya, how can you compete with an allegedly suicidal girl like Minerva?” “Patutunayan ko munang ako ang mahal niya.” Saka na siya gagawa ng hakbang kapag nangyari iyon. “At kapag napatunayan mong hindi?” Tinungga niya ang brandy. “Then the wedding is off.”   UNTI-UNTI nang nawawalan ng pasensiya si Aiesha habang nakatitig sa entrance ng Italian restaurant kung saan sila dating nag-lunch ni Silang. Kalahating oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito dumarating. Walang garantiyang makakarating ito dahil ang nakausap lang niya sa telepono sa tinutuluyan nito ay ang kaibigan nito. Nawala ang inis niya nang makita itong pumasok. Ngumiti siya at kinawayan ito. Malalaki ang mga hakbang nito subalit parang dinadala lang ito ng hangin. He walked like as graceful as a panther. Kadalasan lang niya iyong nakikita sa mga modelong rumarampa. Ilang babae ang nagsunuran ng tingin dito. Nakakuha ng atensiyon ang dark masculine looks nito. “I’m sorry, I kept you waiting,” hinging-paumanhin nito nang umupo sa upuang nakalaan para dito. Nakakaswal lang itong dark blue polo at maong pants pero hindi nawala ang air of virility nito. “Thanks for coming despite of the short notice. What would you like to have?” “Black coffee,” pormal nitong sabi at hindi na nag-abala pang tingnan ang menu. Habang siya ay um-order ng mandarin orange juice. “Kumusta ang paghahanap mo sa remains ng ancestors mo?” tanong niya. Hindi maitago ang kabiguan sa mga mata nito. “Lumapit na ako sa iba’t ibang government agencies. Nakipag-coordinate na ang National Museum sa iba’t ibang museums sa ibang bansa para tulungan kaming maghanap. May possibility na naka-exhibit sila abroad.” “Tama. Mabuti sana kung sa mga museums napunta ang ancestors mo. Pero kung sa private collectors, hindi na iyon madaling hanapin.” Ayon sa nalaman niya, umaabot ng milyong piso ang halaga ng ganoong klase ng artifact. Hindi iyon basta-basta isusuko ng private collector. “Bakit mo pala ako ipinatawag? May maibibigay ka bang development sa akin?” puno ng pag-asang tanong nito. Malungkot siyang umiling. “Wala. Gusto ko lang may makausap.” “Ano ang problema?” nag-aalala nitong tanong. Noon lang niya nakitang lumambot ang anyo nito. Kadalasan kasi ay mukha itong suplado. Pinagsugpong niya ang mga daliri. “Nahuli ko si Aldrich na niloloko ako. Matagal na silang may relasyon ng sekretarya niya.” “I’m sorry,” mahina nitong sabi. “Pero kung tatanungin mo ang opinyon ko, mabuti pang hiwalayan mo siya habang hindi pa kayo kasal.” “But I love him!” giit niya. Dumilim ang mukha nito. “Kung ganoon, wala akong maitutulong sa iyo. Walang solusyon sa mga taong bulag sa pag-ibig.” “Patutunayan kong mahal niya ako.” Nagkibit-balikat ito na parang wala itong pakialam sa kanya. “Bahala ka. Pero wala na akong kinalaman sa problema mo. May sarili akong problema na hamak mas importante kaysa sa iyo dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng maraming tao. Hindi ko ugaling sumali sa problema ng iba,” anito. Matapos ilapag sa mesa ang bayad sa in-order nito ay tumayo na ito. Pinigilan niya ang kamay nito. “Pero ikaw lang ang makakatulong sa akin. At ako lang ang makakatulong sa iyo para maibalik ang mga ninuno mo.” Naging interesado ito sa sinabi niya at muling umupo. “Paano?” “Kidnap me.”   SARI-SARING emosyon ang bumakas sa mukha ni Silang nang marinig ang sinabi ni Aiesha. “Kidnapin ka? Nababaliw ka na ba?” bulalas nito. “I’m perfectly sane,” aniya at ininom ang orange juice upang kalmahin ang sarili. Wala pang nagsabi sa kanyang baliw siya. Kung alam lang nito, ilang araw niyang pinag-isipan kung paano mapapatunayan kung mahal nga siya ni Aldrich. At iyon na ang pinakaperpektong solusyon. Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya na parang ingat na ingat na may makarinig sa kanila. “Miss Wayne, hindi ako kriminal. Mula pagkabata, hindi pa ako nasangkot sa kahit anong gulo,” mahina nitong sabi. “Kung gusto mo, sa mga professional mo na lang ipagawa iyan. Hindi ako makikihalo sa kalokohan mo.” “The kidnapping will be a staged one. Kunyari kinidnap mo ako at mga mummies ninyo ang kapalit. Mapapatunayan kong mahal ako ni Aldrich kapag nagawa niyang ibalik ang mummies. And at the same time, mawawala na ang sumpa sa tribo ninyo. Magiging masaya na tayong lahat,” paliwanag niya. Tumigas ang anyo nito. “Baka nakakalimutan mong may batas tayo. And kidnapping is a heinous crime. Wala akong planong makulong habambuhay o mai-lethal injection. Marami pa akong pangarap para sa tribo ko.” “Marami rin naman akong pangarap. And I’m telling you, ito ang pinaka-epektibong paraan para maibalik ang lahat ng nawala sa atin. Dahil kapag nasa panganib ang buhay ko, tiyak na ilalabas ni Aldrich ang lahat ng itinatago niya.” Hindi pa siya lubusang kumbinsido na nasa pangangalaga nito ang mga mummies. Pero iyon lang ang paraan para malaman niya kung mahal siya nito. “Desperado man ako pero may dignidad ako,” taas-noo nitong sabi. “Ayokong magdala ng kahihiyan sa tribo namin.” “Gusto ko lang namang magtulungan tayong dalawa,” pangungumbinsi niya. “Salamat na lang sa tulong mo. Pero sana huwag mo nang idamay ang mga ninuno ko sa kalokohan mo,” kalmante pero may pwersang sabi nito. “Baka tuluyang malasin ang tribo namin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon. Ayokong gugulin ang natitira ko pang buhay sa bilangguan. At mas lalong ayokong padaliin ang buhay ko.” “Walang magiging kaso dahil ako mismo ang magde-deny na kinidnap mo ako.” Sa lakas ng impluwensiya ng pamilya niya, imposibleng hindi mai-settle ang kaso. “Ako mismo ang titiyak na hindi ka makakatapak sa bilangguan.” Uminom ito ng kape na parang pinag-iisipan ang sinabi niya. Pagkatapos ay tinitigan siya nito. “Kampante ka na kaya mong paikutin ang lahat. Huwag mo nang palalain ang problema mo. Baka tuluyang mawala sa iyo ang boyfriend mo.” “Kailangan mo ang tulong ko,” giit niya. “Hindi lang ikaw ang maari kong hingan ng tulong. May meeting ako sa isang grupo ng investigative journalist mamaya. Willing silang tulungan ako.” “Ano ang silbi ng media kung wala silang ebidensiya? Baka mamaya sila pa ang maidemanda sa expose nila. They can’t impose enough pressure. Madaling I-deny ang isang akusasyon. My plan is more effective.” Tumayo ito. “Alam kong mababa ang tingin sa amin ng marami lalo na ng may mga pera. Madali para sa iyo na kunin ang approval ng mga tao dahil may pangalan ka na. Samantalang hanggang ngayon, nagsusumikap pa rin kami na matanggap ng iba nang walang diskriminasyon. Importante sa amin ang karangalan. Hindi ko iyon sisirain para lang sa iyo.” Natigagal siya. “Ibig sabihin, hindi mo ako tutulungan?” Ngumiti ito subalit hindi kasama ang mga mata. “Kung gusto mo ng tulong, pumunta ka sa psychiatrist,” anito at iiling-iling na umalis. Nanlalaki ang mga mata niyang sinundan ito. Ayaw nitong maniwala na matino siya. Subalit maya-maya ay lihim siyang napangiti. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka sumusunod sa plano ko.  Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end. There are two ways to get coins:1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins. Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins. 2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country. Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free. Thank you and happy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD