Kinabukasan ay umuwi na nga kami sa bahay para doon na magpahinga. Tinawagan ko rin si Angie para ipaalam dito ang nangyari kahapon. Galit na galit ito kay Arianne base na lang sa tinig nito habang kausap ko siya sa telpono. Sinabi rin niya na dadalaw sila sa akin mamaya after ng mga duty nila. Habang si Rusty naman ay hindi na rin muna pumasok dahil ayaw niya akong iwan sa bahay ng mag-isa. Though nandito naman si nanay para samahan muna ako pansamantala. “Love, okay na ako rito, nariyan naman si Nanay oh,” sabi ko pa sa kaniya. “Hindi. I mean, alam kong kayang-kaya kang alagaan ni Nanay pero gusto ko pa ring samahan ka rito. And huwag ka nang makulit kasi hindi ka mananalo sa akin!” maotoridad niyang saad sa akin. “Hay naku anak, hayaan mo na nga iyang asawa mo at normal lang naman na

