Chapter 35

1744 Words

Dalawang buwan na ang nakalipas, at medyo may umbok na ang aking tiyan. Hindi naman ako nahihirapan sa aking pagbubuntis. Feeling ko nga ang ganda-ganda ko palagi. Sabi rin ng mga kasamahan ko’y baka babae ang anak ko. Nangingiti na lang ako dahil sa totoo lang, hindi mahalaga kung ano ang gender ni baby. Ang mahalaga sa ngayon ay maging malusog siya kapag isinilang ko siya. “Mare, baby shower ko bukas. Kailangan lahat kayo nandoon ha?” Napalingon ako kay Thummy nang sabihin niya iyon sa akin. Malaki na ang tiyan nito kaya naman palagi itong nakatambay sa bar para makaupo. “Oo na. Saan ba, sa bahay niyo sa Cubao?” tanong ko naman sa kaniya. “Hindi. Basta bukas na lang. Sa amin ka na sumabay nila Ayen tutal susundo naman si Jaime sa atin. Tapos iyong mag-ama mo, pasunurin mo na lang,”  t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD