PART 5

958 Words
"EIIIIHHHHHHH!" mahabang tili ni Charisse na nagpatigil sa paglakad ni Kael. A sudden wave of worry hit Kael for his little sister. He instantly feared that something had gone wrong. Ura-uradang napapunta siya sa living room na kinaroroonan ng dalagita. "Charisse, why?! What's wrong?!" he asked, full of concern. "Nothing, Kuya," Charisse replied, her eyebrow arching in curious surprise. Tila ay ito pa ang kanyang naabala. "Then why did you squeal all of a sudden?" "’Cause I’m reading," she said, showing him a book. "I just got really excited about the scene, Kuya." Kael’s mouth twisted wryly. Akala niya kung ano na. Tss. "It’s a love story, kuya—about a rich guy and a poor girl. The girl accepts one million pesos, but in exchange, she has to make the rich guy fall in love with her. She’ll do anything to win his heart. It’s cliché, but it’s really well written. The author is amazing. She's my idol na, Kuya." Ang ganda ng pagkakasabi niyon ng kapatid, proud na proud, kaso hindi siya natuwa. Umasim pa nga lalo ang kanyang mukha. Mas nilapitan niya ito pahablot niyang kinuha ang maliit na libro sa kamay ni Charisse. "Hey! Give that back to me, Kuya!" Charisse said firmly, grousing in frustration. Pilit na inaagaw ang book sa kanya. Hindi iyon inintindi ni Kael. He knew Charisse genuinely loved reading books, and he had no problem with that. What he didn’t like was when she read romance novels. He knew that many romance stories nowadays included bed scenes just to attract readers. Some writers, he believed, no longer cared about who their audience was—only about selling more books. That was what disappointed him most about the state of Philippine literature today. Nowadays, published lang nang published ang mga publisher ng mga libro kumita lang. Halos hindi na pinag-iisipan ang mga pina-publish. Nakakalungkot lang. "If I see you reading something like this again, you’re grounded!" he warned her seriously. He loved his little sister very much, but he wouldn’t let her be spoiled. His main reason: he didn’t want to plant the idea in Charisse’s mind that she could love a poor man. If that ever happened, he’d never allow it, over his dead body! Para kay Kael, isang kalokohan lamang ang isinusulat ng mga writer na ang isang mayamang lalaki ay iibig sa mahirap na babae. That kind of story is just a myth created by novel writers who are bored with their lives. Kung anu-ano na lang ang ginagawang kuwento. Anyway, hindi naman niya nilalahat. Over protected lang talaga siya sa kapatid upang hindi na magaya sa kapatid niyang isa. "And why? Si mommy nga hinahayaan lang ako," pagrarason ni Charisse. "Basta!" He insisted. His eyes widening to emphasize the seriousness of his order. But in just a split-second Charisse recovered the book from him. Mabilis nito iyong nahablot sa kanya. At saka mahaba ang nguso nitong itinago iyon sa likuran. Kael drew a deep breath and searched for control. Paano ba niya ipapaliwanag sa bunsong kapatid ang nais niyang ipasok sa isipan nito? Ang hirap! "Kapag nagawa mong paibigin ang aking anak, I'll give you a big reward. I assure you hindi ka na mamomoblema sa pera. Babayaran kita ng malaki. Dagdag ni Madam Amelia sa—" Malakas ang boses ni Charisse na binasa ang libro para lalong asarin siya. "Stop it!" singhal niya sa makulit at pasaway niyang kapatid. "Ito ang tatandaan mo! That’s not how things happen in real life! It only happens in novels!” The little girl was suddenly stuck and nonplussed. "Kaya siguraduhin mong mayaman na lalaki ang mapupusuan mo kundi lagot ka sa ‘kin!" Kael had the final word before he walked away, wanting to stop their argument from getting worse. May importante pa silang pupuntahan ni Arthuro. Pupunta sila sa bahay ng babaeng umutak sa kanya. Sisingilin na niya ng mahal ang babaeng 'yon. SA KABILANG BANDA. "May problema ba, insan?" tanong ni Jessy nang makita si Alleah na nakapangalumbaba sa may bintana. Napakamot-batok si Alleah na humarap sa kanyang pinsan. "Insan, may pera ka ba d’yan kung sakali?" "Bakit?" "Kasi parang may darating na problema, eh," nakagiwing sagot niya. Kagabi halos hindi na siya nakatulog kakaisip sa sinasabi niyang problema. Lagot talaga siya nito kung nakilala siya ni Kael. "Problema?" Tumango siya nang sunod-sunod habang nakakagat-labi. "Ay naku, saka mo na lang problemahin 'yan kasi 'andito yata ang boyfriend mong mayaman," subalit ibang sabi ni Jessy sa kanya. Napakunot-noo siya ng as in sa sinabing iyon ni Jessy. "Ano kamo?!" mas nakusot ang mukhang tanong niya sa pinsan. Kailan pa siya nagkaroon ng boyfriend na mayaman? Naghahanap pa nga lang siya, eh. Inirapan siya ni Jessy. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na kilala mo pala si pogi?" "Ano ba’ng sinasabi mo?!" "Halika ka kasi. May bisita ka. Nasa salas sila." Halos magsugpong na ang dalawang kilay niya. Takang-taka siya na sumunod nga siya kay Jessy pero ano't bigla rin siyang liko nang makita niya ang sinasabi nitong bisita. "Waahhh!!" Ang hitsura niya'y tila nakakita siya ng multo. "Oh, bakit?!" Si Jessy naman ngayon ang takang-taka sa inasal niya. "Jessy, hindi ko siya boyfriend! Siya ang papatay sa'kin, eh!" nakangiwing anya na parang maiiyak. Tuwid na tuwid siyang nagtago sa pader. Kulang mag-walling siya. Juskolord! Heto na ang kaniyang kinatatakutan kahapon pa! Napa-"Huh!?" lamang si Jessy sa sinabi niya. Lalong nalito. Akmang tatakas na siya pero nakalapit na sa kanila si Kael at Arthuro dahil nakita na pala siya ng dalawa. Wala na! Tigok na siya! "Subukan mong umalis para pulis na ang maghahanap sa'yo!" at may babalang sabi na ni Kael sa kanya. "Hi!" kunwa'y bati naman niya sa binata. Takot lang niya sa pulis. Yay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD