PART 6

1344 Words
"LET'S TALK!" Kael said with brutal emphasis. With his hands in his pockets, he turned around and walked back into the living room of the small, typical house. With a smug gesture, he sat down exactly where he had been sitting earlier. Gusto naman nang maglupasay sa sahig si Alleah. "Help me, Lord. May demonyo po dito,” at aniya sa isip na maiiyak. Ito na ang katapusan ng career niya este ng buhay niya. Lagot na. "Bakit ba? Ano'ng nangyayari?" takang usisa sa kanya ni Jessy na palipat-lipat ang tingin sa kanila. "Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba. Siya ang papatay sa 'kin," singhal niya sa pinsan. Hindi niya magawang umalis sa sinasandalang pader dahil baka tuluyan na siyang babagsak. Nagwo-walling na siya sa halo-halung emosyon na kanyang nararamdaman na pinangungunahan ng matinding takot. Bakit ba kasi nagkita pa kami ng lalaking 'to? Kainis! "Bakit nga?!" "Ay naku, puro ka na lang bakit." Mahaba ang nguso niyang irap sa pinsan. Nang may maisip siya. Mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay ng pinsan. "Ikaw na lang ang makakatulong sa 'kin, Insan." Napamata sa kanya si Jessy. "Pautangin mo ako para hindi ako madedo, Insan." "Magkano ba?" "Three hundred, Insan." "Three hundred lang pala, eh. Teka lang may five hundred yata ako rito sa bulsa." Binawi ni Jessy ang kamay at kinapkapan ang sarili. "Three hundred thousand hindi three hundred pesos, Insan." "Ano?!" Napanganga na si Jessy ng literal. "Eh, saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera?" at sabi na nito habang nangangamba na rin. Muli ay parang batang nag-iiyak si Alleah. Nagpapadyak siya. Nasabunutan niya ang kanyang buhok. Ginulo-gulo. Ano'ng gagawin niya? "Ano na? Paghihintayin niyo ba kami ng matagal ng boss ko? Oh, tatawag na lang kami ng pulis?" untag ni Arthuro sa kanila. Nagkatinginan silang magpinsan. Naiiyak na rin si Jessy para sa kanya. Doon siya nagpasiya na lumabas na at harapin ang binatang mayaman. Ayaw niyang madamay rito si Jessy. Walang kinalaman ang kanyang pinsan sa ginawa niyang kagagahan. Saka takot lang niya sa pulis. Ayaw niyang makulong. At napakunot-noo siya ng bonggang-bongga nang makilala niya si Arthuro. "Ikaw?!" Hindi makapaniwalang turo niya sa matabang inakala niya ay mayamang Kael noon doon sa bus terminal. Nginisian siya ni oink oink. Napaisip siya habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Kung gano'n... kung gano'n... Oh! Ehm! Geh! No way! "Magpaliwanag ka sa boss ko," maangas na saad na ni Arthuro sa kanya. "Boss mo?" Umangat ang isang kilay niya. Kung gano'n nga tama ang naisip niya. 'Yong Kael na nagmamay-ari ng provincial bus sa Cubao ay iisa sa Kael na nagmamay-ari rin ng mall. Kung ganoon, hindi lang siya mayaman? Super yaman pala. Juskolord. "Oo, siya ang boss ko," sagot ni Arthuro na may pagmamalaki. "Paktay!" naibulalas niya sa loob-loob niya. Maasim na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mga labi para sa binatang super yaman pala. Nanlalamig na ang mga palad niya. Nangangatog ang mga tuhod niya. For sure silya-elektrika na siya nito. Galit na mukha ang sinukli sa kanya ni Kael nang sulyapan siya. “Sir-Boss, sorry po. Sorry po sa ginawa ko.” Dahil do'n ay biglang luhod siya sa harapan ng binata. “Oy!” Sa gulat ni Kael ay napatayo ito. Niyakap naman niya ang dalawang paa ni Kael dahilan para muntik nang matumba ang binata sa ginawa niya at sa pagkagulat. “Ano ba!” "Sir-Boss, sorry po. Sorry po talaga," pagmamakaawa na niya na umpisa. "Alleah, tumayo ka d’yan." Nabigla rin si Jessy sa ginawa niya. Mas takang-taka ito sa kanya. "Get off me, you little fool!" bulyaw naman sa kanya ni Kael. Lalong nairita yata sa kanya. Pilit nitong hinihila ang paa sa kanya pero parang tuko na kumapit pa siya lalo habang nakaluhod. "Hoy! Bitawan mo si Sir!" Hila naman sa kanya ni Arthuro. Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. Mas kumapit siya sa isang paa ni Kael na yakap-yakap niya. "Patawarin mo ako, Sir-Boss. Hindi ko po sinasadya ang ginawa ko. Nagbibiro lang ako." "Tumayo ka! Isa!" galit na utos ni Kael. Pinilit nitong umupo dahil matutumba na ito sa ginagawa ng babaeng adik nga talaga. "Patawarin mo muna ako, Sir-Boss," sumamo muna ni Alleah dahil wala siyang balak pakawalan ang binata hangga't hindi nito sinasabi na pinapatawad na siya. "If you don’t stand there, I’ll call the police!" subalit nagtatangis na ang bagang kasi na babala na ng binata sa kanya. Awtomatiko na tumayo na nga siya. Takot lang niya talaga sa pulis. Baka seryusihin na, eh. "'Wag naman, Sir-Boss. Tingnan mo nga't lumuluhod na ako sa harapan mo. Sorry na po, sir-boss." Tumayo ulit si Kael. Inayos muna nito ang sarili bago seryoso ulit na hinarap siya. "You must pay for all the items you stole from our department store," at mabalasik na sabi nito. "Nagnakaw ka, Insan? Nakakahiya ka," bigla-bigla ay naisambulat ni Jessy. "Nakakahiya agad? Agad-agad? Hindi mo pa alam ang kwento, eh," sita at irap niya sa pinsan. Nag-peace sign sa kanya si Jessy at muling nanahimik. "Sir-Boss, pasensya na kayo. Nadala lang po ako. Ang gaganda kasi ng paninda niyo, eh," baling niya sa binata na pagmamakaawa ulit. Palusot-dot-com. Sana lang gumana. "That's not an excuse dahil ang pagkatanda ko, eh, isang damit mo lang ang natapunan ng coke float no'ng magkabanggaan tayo. But you took a dress worth three hundred thousand, so you better return it or else I’ll sue you!" "Eh, Sir-boss, ayon sa pagkakatanda ko rin kasi, eh, sabi mo kasi noon sa 'kin, eh, I'll choose anything I want. Sinunod ko lang po." Hindi siya namimilusupo, nagpapaliwanag lang. Promise. "Kaya ba kinuha mo na lang lahat? Hindi ka man lang nag-iisip? Are you stupid?!" dahilan para tumaas na ang boses ni Kael. Lalong nagalit. "Oo nga," segunda ni Arthuro. "Kundi ka naman makapal." "Oy! 'Wag mong sinasabihan ng ganyan ang pinsan ko, ah!" Hindi na rin nakatiis si Jessy. Nakapamaywang na hinarap nito si Arthuro. "Nakikisawsaw ka pa, eh!" pagtataray din niya kay oink-oink. Pinamaywangan niya ito. Ang sarap sabunatan na kalbo. "Nadala lang ako. Peace," ngiwing ani Arthuro. Bahagyang itinago ang katawan sa likod ng amo. "Eh, Sir, baka po puwede natin 'to pag-usapan? Baka puwede po bayaran na lang ni Alleah ang mga kinuha niya unti-unti," mayamaya ay pakiusap ni Jessy kay Kael. "Insan, sa'n naman ako kukuha ng pambayad?" pasimpleng siko ni Alleah sa pinsan. Nakisali nga sa usapan palpak naman. Inirapan din siya ni Jessy. Sinasabing manahimik siya kaya nag-shut up nga siya. "Sir, sige na po. Medyo maloko kasi talaga 'yang pinsan ko na 'yan. Ako na po ang humihingi ng pasensya," dagdag pakiusap pa ni Jessy. Kontrang-kontra siya sa ginagawa ng kanyang pinsan. Pero hayaan na nga niya. Sabagay mas okay na na huhulugan niya 'yong mga damit kaysa naman makulong siya. Mukhang napaisip naman si Kael dahil natahimik ito saglit. "Alright. You must pay the one hundred thousand within a month, no excuses," mayamaya ay sabi na ng binata sa kanya. "Isang buwan lang po?" "Ayaw mo pa?! Ikaw na nga ang binibigyan ko ng pabor!" Nanlaylay siya. Nabigla lang siya kaya nasabi niya 'yon ng ganoong tono. "Eh, Sir-Boss, imposible kasi yatang makakuha ako ng perang ganoong kalaking halaga sa loob lang ng isang buwan. Isang taon pwede pa." "Masyadong matagal ang isang taon," giit ni Kael. "Pero, Sir-Boss, alam niyo kasi mahirap lang kami," giit din niya pero ngayon ay sa mababang boses na. Paawa effect na siya. Napatitig si Kael sa mukha niya. Pagkatapos ay tiningnan nito ang kabuuan niya. Miokhang pinag-aralan siya. "Okay, two months. No more buts and ifs," pagkuwa'y anito saka tumalikod na. Dire-diretso na ito sa paglabas ng bahay. "Oh, ito ang business card ni Sir. Tawag kayo dito kapag magbabayad na kayo. Huwag kakalimutan, two months lang daw. Two months. Good luck," pang-aasar sa kanila ni Arthuro bago sumunod sa amo. Ngingisi-ngisi pa ito. Para namang binagsakan ng langit at lupa si Alleah na napaupo. ”Diyos ko Lord! Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Ano ba 'tong pinasok ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD