Masayang-masaya ako ngayon. Ok na ok na ulit kami ni Kiel. We are bestfriends now.
Intrams na sa school namin. Mamaya pa raw ang game nila Kiel kaya nandito muna ako sa office ng SSG.
Masaya ako sa mga nangyayari. Naisip ko na magsulat ng poem at ireregalo ko 'yun kay Kiel. Alam ko kasing malapit na ang birthday niya.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang birthday niya kahit na matagal kaming hindi nagkita.
Wala naman akong pera kaya naisip kong poem na lang ang iregalo kay Kiel at maglelettering na lang ako tapos ilalagay ko sa frame. Diba? Straight from the heart ang gift ko hahhahah.
Paano ko ba sisimulan ang poem?
I want to describe him. Gusto kong ipakita sa poem ko kung ano si Kiel bilang isang tao. May naisip na ako kaya sinimulan ko nang isulat ang draft ng poem.
Gusto kong simulan sa buhay ni Kiel. Ano ba siya? Ayun!
Your life is full of passion
Ano kaya ang kasunod? Baka yung hitsura ni Kiel hahahah. Ano ba ang pwedeng rhyme sa passion?
Your look is a perfect seduction
Hahahahah ang dali 'kong naka-isip! Iba talaga kapag inspired. Ano kaya ang kasunod na line? Ay pwede naman yung buhok niya. Maganda kasi ang buhok ni Kiel.
Your hair is so soft and shiny
Ano ba ang pwedeng rhyme sa shiny? Gusto ko namang i-describe ang katawan ni Kiel. Very musculine ang katawan niya hahahah. Tama! Kasing tigas ng masonry!
Your body is strong like masonry
Hahahahah ang galing ko! Nakasulat na kaagad ako ng first stanza ng poem na ireregalo ko kay Kiel.
Iba talaga kapag gustong-gusto mo ang ginagawa mo. Ang bilis ko lang naka-isip ng first stanza. Binuo ko na ang pagkakasulat ng first stanza.
Your life is full of passion
Your look is a perfect seduction
Your hair is soft and shiny
Your body is so strong like masonry
Hahahahah kinikilig ako. Mukha na akong nababaliw nito. Sana lang hindi sila makahalata na nagugustuhan ko na ang mga nangyayari.
"Bes anong pinagsusulat mo diyan?"
Nagulat ako at sinara ko na lang bigla ang notebook ko. Tumingin ako sa pinto at nandito pala si Quin.
"Uy bakit nandito ka Quin?"
"Dwayne... It's not obvious but I am also an officer," sabi niya.
"Yeah I know. It's so strange... Minsan ka lang kasi pumupunta dito," sabi ko.
Umupo na lang siya sa tabi ko at tinitigan ako ni Quin. Iba ang mga tingin niya sa akin.
"Why? Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.
"Marami na kasi akong napapansin sa'yo Dwayne," sabi ni Quin.
Patay! Kahit slow si Quin, alam ko naman na MINSAN ay hindi siya nagpapauto. May times na matalino din siya eh.
"Tulad ng ano?" Kabado kong tanong.
"Bakit pangiti-ngiti ka at mukha kang kinikilig habang nagsusulat? What are you writing huh?" Seryoso niyang tanong.
Napalunok na lang ako. Mukha yatang mas slow pa ako kay Quin ngayon. Hindi ako maka-isip ng palusot.
"Hmmm... Masaya lang ako. I'm just writing a poem," sabi ko.
"Hmmm... Poem for what? Mali pala... For whom?" Seryoso niyang tanong.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na para kay Kiel. Paano ako sasagot? Naiipit yata ang dila ko.
"Hmmm... Basta gusto ko lang magsulat ng poem," sabi ko na lang.
"Ok... Meron akong mga napapansin. I just want to ask you some sort of questions," sabi niya.
Nabigla ako kasi tinanggal bigla ni Quin ang salamin na suot ko sa mata.
"Quin!"
Tinitigan niya ang salamin ko at...
"Malabo pala talaga ang mga mata mo," sabi niya.
Ang weird... Bakit kaya ganyan si Quin? Sure ako na meron siyang iniisip.
Naramdaman ko na biglang hinablot ni Quin ang notebook ko. Parang lumabas yata ang kaluluwa ko.
Lumayo siya kaagad sa akin. Hindi ko alam kung mahahabol ko siya kasi wala ang salamin ko.
"Quin please! Ibalik mo 'yan! 'Wag mong basahin!" Kabado kong tanong.
"Hindi ko ibabalik ang salamin mo pati ang notebook mo. Matagal na akong curious kung ano ang nakasulat dito," sabi niya.
"Hoy Quin Martinez! Akin na 'yan! Ibalik mo na!"
Narinig ko na lang na binuklat niya ang pages ng notebook ko. Napalunok na ako. Wala na akong magagawa.
Maya-maya ay nagulat ako at bigla na lang tumili si Quin.
"Gosh!!! Bes!!! You're Prince DJ!!!"
Halos mabingi ako sa sigaw niya.
"Baka may makarinig na iba! Tumahimik ka!" Inis kong sabi.
Lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Bes oh gosh! Prince DJ! I'm a huge fan of yours! Pa-autograph!"
"Ibalik mo na muna yung salamin ko pati yung notebook ko," sabi ko.
Sinuot niya sa akin ang salamin ko at binalik naman niya ang notebook ko.
"Pwede ba? 'Wag mo na ulit akong tatanggalan ng salamin?" Inis kong sabi.
"Sure! Paano nga pala? You are a famous author! Sino pa ang nakakaalam na ikaw si..."
Tinakpan ko na kaagad ang bibig niya.
"Actually ikaw lang ang nakakaalam. 'Wag mong sabihin sa iba kahit kila Yani," sabi ko.
"Sure bes! Ang saya naman! Bestfriend ko pala si Prince DJ. Ay... May bestfriend ka palang iba, si Kiel," sabi niya sa akin.
"Ano ka ba? Bestfriend pa rin naman kita. Ikaw nga lang ang nakakaalam na writer ako."
"Bes... Alam mo naman na mapagkakatiwalaan mo ako. I just don't get it, bakit masungit ka dati kay Kiel and now you two are so close?"
Alam ko naman na mapagkakatiwalaan si Quin kaya lang napalunok na lang ako. Hindi ko alam kung paano sumagot sa tanong niya.
"Tapatin mo ako Dwayne... Tayo lang naman ang makakaalam. Do you like Kiel?" Nakangiti niyang tanong.
Umiwas na lang ako ng tingin. Ayoko naman magsinungaling.
"Oh M Ggggggg!!! You like him!"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Don't worry bes! Bagay kayo! Walang makakaalam!" Sabi niya.
Pinilit ko na lang ngumiti. Ang dami nang nalalaman ni Quin sa akin.
"Bes anong plano mo? Kailangan na kitang turuan para ma-seduce mo si Kiel," natatawa niyang sabi.
"Adik ka Quin! Tama na! Wala akong iniisip na seduce," sabi ko.
"Mas lalo tayong magiging bestfriends! Type mo pala si Kiel 'di mo man lang agad sinabi sa akin," natatawa niyang sabi.
Tumahimik na lang ako. Nahihiya ako sa sarili ko. Nalaman ni Quin ng wala sa oras ang mga sikreto ko.
"Ang mabuti pa... Manuod na tayo ng basketball. Let's watch the game of your future boyfriend."
Biglang hinatak ni Quin ang kamay ko.
Dinala niya ako sa gym ng school. Nagsisimula na pala ang game nila Kiel. Nagstart na sila maglaro. Magkakampi sila Yani, Lander at Kiel.
Nagulat ako at bigla na lang nagflying kiss si Yani sa akin.
"Adik ka!" Sigaw ko sa kanya.
Biglang tumingin lahat ng tao sa direksyon ko. Napatahimik na lang ako. Marami nga pala ang nanunuod.
"Hahahah... Paano kapag si Kiel ang nagflying kiss sa'yo bes?" Natatawang tanong ni Quin.
Tumahimik na lang ako. Hindi ako makakasagot sa kanya. Marami na siyang nalalaman sa akin.
Naglaro na sila at pumasok na sa court si Kiel. Nagtitilian ang mga babae.
"Bes siya na ang maglalaro!" Kinikilig na sabi ni Quin.
Pinasa nila ang bola kay Kiel. Agad na tinira ni Kiel ang bola. Nagulat ako dahil shoot! 3 points agad! Lalong naghiyawan ang mga tao.
"Bes ang galing ni crush mo!" Mahinang sabi ni Quin.
Nagulat ako at biglang tumingin sa akin si Kiel at kumindat siya. Hindi ako nagreact. Pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng upuan ko.
"Ayyyyiiieeee! Kinilig!" Sabi ni Quin.
Natapos din ang game nila Kiel. Expected naman na panalo sila. Magagaling din kasi sila Yani at Lander.
Pumunta na lang ako sa rooftop. Gusto ko munang takasan si Quin. Nahihiya na ako sa pang-aasar niya.
Mag-isa lang ako dito sa rooftop. Ayoko nang maglihim. Gusto kong sabihin kay Kiel na mahal ko siya. Natatakot ako...
Kailangan ko na yatang tapatin siya. Hindi ko alam kung ngayon ba ang tamang oras.
"Dwayne!"
Napalingon na lang ako at si Kiel pala.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko.
"Hinanap lang kita. Nawala ka kasi after ng game," sabi niya.
"Congrats pala... Sure ako na MVP ka. Ang galing mo sobra," nakangiti kong sabi.
Ngumiti na lang din siya sa akin. Lumapit siya at tinitigan niya ako.
"Ang cute mo pala..." Mahina niyang sabi.
Nakatitig ako sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya. Medyo singkit si Kiel. Tumitig din siya sa akin.
Bumabalot ang hangin sa aming dalawa. Hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa mga mata niya.
Nagulat ako at bigla na lang nagdikit ang mga labi namin.
Hinalikan ako ni Kiel. Napapikit na lang ako. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa halik niya sa akin.
Maya-maya ay kumalas siya ng halik. Alam ko na pulang-pula na ang buo kong mukha.
Natahimik na lang kaming dalawa.
"It's my first kiss," mahina kong sabi.
"Same as mine," sabi niya.
Hindi ko maintindihan. Parang nawala ako sa pag-iisip ko. Bakit niya ako hinalikan?
"Hmmm... I should go," sabi niya.
Naglakad na siya palayo. Naiwan akong mag-isa dito sa rooftop.
Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Lalong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Naguguluhan na ako ang hindi pa rin ako mapakali.
Isa lang ang alam ko ngayon... Mahal na mahal ko pa rin si Kiel.
Alam ko na rin kung ano ang isusulat ko sa last part ng poem na ireregalo ko sa kanya.
His kiss is a fresh poison.