Chapter 21: Close again

1726 Words
Papunta ako ngayon sa mansion nila Kiel. Hindi ko alam kung bakit pero maaga niya akong pinapapunta. Masaya ako dahil ok na kami. Siguro hindi na niya kailangang malaman kung sino ako dati. Hindi naman siguro mahalaga 'yun. Siguro dapat ay kalimutan ko na yung mga nangyari dati. Wala naman kasing sense kung aalalahanin ko pa lahat. Mas importante yung ngayon kesa dati. Pinapasok naman ako kaagad sa mansion nila. Kilala na ako ng mga maids nila at mga guards. Kumatok na lang ako sa kwarto niya... "Sir Kiel... It's me, Dwayne." Binuksan niya kaagad ang pinto. Takteng 'yan! Nakasuot na naman siya ng boxers! "Sir naman! Magdamit naman po kayo." "Why?" Seryoso niyang tanong. Napatahimik na lang ako. Paano ko naman sasagutin yung tanong niya diba? Ang hirap umisip. "Sir pasok na po tayo sa loob. Ang aga niyo naman po magpaturo," nakangiti kong sabi. "Actually ayokong magpaturo sa'yo ngayon. Halika..." Hinatak niya ang kamay ko. Bumaba kami sa hagdan at nagulat ako dahil dinala niya ako sa kusina. "Hmmm... Sir ano po ang ginagawa natin dito?" Ngumiti siya sa akin at... "You promised me na paglulutuan mo ako eh. You should cook now. May pupuntahan tayo," sabi niya. "Hmmm... Sige po. Ano naman po ang gusto niyong lutuin ko?" "It's up to you Dwayne," sabi niya. "Alam ko naman na masarap ka," dagdag pa niya. "Huh? Ano po?" "Sabi 'ko masarap ka magluto," natatawa niyang sabi. Binuksan 'ko ang ref nila at ang daming laman. Grocery yata ang bahay nila. Kumuha siya ng upuan at umupo na lang siya sa tabi. Ayoko sanang aminin pero... Ang hot niya. Hahahah. Kaasar! "Dwayne... Kumain ka na ba ng breakfast?" "Hmmm... Hindi pa po. Ang aga niyo po kasi akong pinapunta," sabi 'ko. "Sige papainumin kita ng milk 'ko," nakangiti niyang sabi. Kumuha siya sa ref ng fresh milk. Nilagay naman niya kaagad sa baso tapos inabot niya sa akin. "Drink my milk," sabi niya. Ininom ko naman. Masarap naman ang gatas ni Kiel. "Alam mo Dwayne kung milk ka lang, para kang Nido," sabi niya. "Bakit naman po?" Tanong ko at ininom ko na ulit yung gatas. "Because you're my no. 1" Bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Nag-iinit ang pisngi ko. "Uy are you ok?" Tanong niya. Tumango na lang ako at nginitian ko siya. Nakakaasar naman 'tong si Kiel. Bumabanat pa eh. Magpinsan nga sila ni Lander. Nagluto na lang ako habang nakatingin naman siya sa akin. Napansin ko na busy siya at may kinakalikot siya sa phone niya. "Sir Kiel... What are you doing?" Usisa ko sa kanya. "Hmmm... I'm reading Prince DJ's works." Napalunok na lang ako. Katatapos ko lang kasi magsulat kagabi. I never expect na hanggang ngayon ay babasahin niya pa rin ang mga gawa 'ko. Akala 'ko ay wala na siyang pake. "Are you ok Dwayne?" Nahalata niya yata na parang nagbago ang timpla ko. "Ay opo! Ayos lang naman po." Nagulat ako dahil lumapit siya sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata. "Ba-bakit po sir?" Kabado kong tanong. "There is something na gumugulo sa isip ko Dwayne," seryoso niyang sabi. Kinakabahan na ako! Seryoso siya at mukhang may nahahalata na siya. "A-ano po 'yun?" Utal kong tanong. "Tapatin mo nga ako..." Sabi niya. Napalunok na lang ako. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na ako sa itatanong niya. "Bakit yung egg yolk ang tawag ay pula ng itlog? It's color yellow right?" Seryoso niyang tanong. Parang lumabas yata ang kaluluwa 'ko. Akala 'ko kung ano na ang itatanong niya sa akin kaasar! "Ay hindi 'ko po alam," sabi 'ko na lang. Whooohh!! Akala 'ko kung ano na ang iniisip niya. Kahit papaano ay nakahinga rin ako ng maluwag. "Dwayne, excited na akong maglaro ng basketball. Malapit na ang intrams," masaya niyang sabi. "Galingan niyo po sir. I will support you," sabi 'ko. "Alam mo Dwayne... Kung bola ka, I will not shoot you on the ring," sabi niya. "Kasi lagi kitang mamimiss," sabi pa niya. Umiwas ako ng tingin. Nakakaasar ka Kiel! Kinikilig na ako... Baka mamaya kung ano na naman ang maramdaman 'ko sa kanya. "Sir ang luma na po ng banat na 'yan. Gasgas na gasgas na po," sabi ko. "It's ok... Nagblush ka naman eh," nakangiti niyang sabi. Lalong nag-iinit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo na lang ako ipa-blood test Kiel? Para malaman mo na ikaw ang type ko hihihi," mahina kong sabi. "Dwayne? Are you saying something?" Nagtataka niyang tanong. "Ay hahahah wala po sir. Sabi 'ko po magbasa ka na lang po diyan." Wala naman sigurong masama kung kiligin ako sa kanya diba? Habang naghihiwa ako ng mga patatas para sa potato roll ay natamaan ang daliri ko. "Ouch!" Bigla na lang siyang lumapit sa akin at tinignan niya ako. "Hala! Nasugat ka!" Tumakbo siya... Pagbalik niya ay kumuha pala siya ng band aid. Kinuha niya ang kamay ko at nilagyan niya ng band aid. "Sir maliit lang naman po 'yang sugat." "So? Kahit na! Baka ma-infect pa eh," seryoso niyang sabi. Maliit lang naman kasi talaga ang sugat 'ko. Hindi naman kailangan lagyan ng band aid. "Masakit ba Dwayne?" Tanong niya. "Not really..." Sabi ko na lang. Nagulat ako nang bigla na lang niyang halikan yung daliri ko na may sugat. "Ba-bakit niyo po hi-hinalikan?" Utal kong tanong. "Para hindi na masakit," nakangiti niyang sabi. Umiwas na lang ako ng tingin. Inaamin ko na! Kinikilig na talaga ako sa ginagawa niya! "Dwayne wala bang sugat sa lips mo?" "Wa-wala naman po... Bakit?" Utal kong tanong. "Para makiss ko rin," nakangiti niyang sabi. Umiwas na lang ulit ako ng tingin. Alam ko na pulang-pula na ang buo kong mukha dahil sa pinaggagawa niya sa akin. Nakakaasar ka Prince Kiel! Masyado kang pa-fall!!! Bakit mo 'to ginagawa Kiel? Natatakot na ako, baka mahulog ulit ako sa'yo. Dapat ay hindi 'ko makalimutan ang golden rule! PWEDENG KILIGIN PERO BAWAL UMASA!!! Bumalik na lang ulit ako sa pagluluto. Ang tagal sigurong namula ng mukha 'ko dahil sa ginawa niya. Natapos akong magluto ng spaghetti, potato rolls at kare-kare. Naligo naman na kaagad si Kiel at magbibihis na lang daw siya. Pinabalot niya yung mga niluto kong pagkain. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. "Dwayne let's go," sabi niya. Sumakay na kami sa kotse niya. Hindi 'ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Hmm... Sir saan po tayo pupunta?" Tanong ko. "Just wait... Don't worry, you will enjoy it so much," nakangiti niyang sabi. Hindi na lang ako nagtanong. Medyo malayo rin ang biyahe. Nagtataka na ako kung saan kami pupunta. Mabait naman si Kiel kaya ok lang na samahan ko siya. Maya-maya ay nakatulog na ako sa biyahe. Naramdaman ko na lang na nakasandal pala ako sa balikat ni Kiel. Napadilat ako ng mga mata ko at mabilis kong inayos ang pagkakaupo ko. Tumingin ako sa labas at nakahinto ang kotse. "Sir bakit po tayo huminto?" "It's because we're here," sabi niya. "Huh? Eh bakit hindi niyo po ako ginising?" "Ang sarap kasi ng tulog mo sa balikat ko eh. Don't worry... You're cute," sabi niya. Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya at natatawa lang siya sa akin. "I actually took some pictures with you while you are sleeping," sabi niya. Lalo akong napanganga. Hindi 'ko naman siya pwedeng utusan na burahin ang pictures. "Hahahah don't worry I will keep it on my own," sabi niya. Parang nakahinga na lang ako ng maluwag. Nakakahiya! Natulog pa ako sa balikat niya. Bumaba na kami sa kotse at namangha ako sa lugar. Malamig ang simoy ng hangin tapos malawak ang bermuda grass. Naglatag si Kiel ng tela sa ilalim ng puno. Umupo na lang kaming dalawa doon. Nilabas ko na rin ang mga niluto kong mga pagkain. "Hmmm... Sir bakit niyo po ako dinala dito?" Nagtataka kong tanong. "Gusto 'ko lang magpasalamat. I'm so happy that we're friends now." "You don't have to do this," sabi ko. Tumahimik na lang siya. Kakaiba siya ngayon. Hindi ko siya maintindihan. "Maganda ba dito? Nagustuhan mo ba Dwayne?" Tanong niya. "Yeah... I love this place," sabi 'ko na lang. "Gusto 'ko lang sana malaman Dwayne. Why are you so cold to me before?" Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ko pwedeng tapatin ang lahat sa kanya. "It's not the right time para malaman mo eh. I have my own reason. Ang mahalaga ok na ulit tayo," nakangiti kong sabi. Ngumiti na lang din siya sa akin. "Matanong ko lang... Kinikilig ka ba sa mga banat nila Lander?" Tanong niya. "Literally... Not. Biro lang nila 'yun," sabi 'ko. "Iba ang nakikita 'ko. I can really feel na may gusto sila sa'yo kahit hindi inaamin sa akin ni Lander," sabi niya. Tinawanan 'ko na lang siya. "They are straight... We're just friends. Ganun lang talaga sila sa akin," sabi 'ko. "May sinabi sa akin si Lander. He said that they act as your boyfriends para makalimutan mo ang past mo. Hindi naman niya sinabi kung ano 'yun." Nanlaki ang mga mata 'ko. Kailangan kong lumusot. Ayokong malaman niya ang totoo. "Can I know what happened to your past?" Sincere niyang tanong. Huminga na lang ako ng malalim. "He left me... Matagal na 'yun. I've learned a lot from that. Madali sanang tanggapin yung iniwan niya ako. Alam mo kung ano ang hindi ko matanggap noon?" "Ano?" "Yung sinabi niyang sorry... Hindi ko alam kung mahal ba talaga kita," malamig kong sabi. Napatahimik siya... Gustong-gusto kong isumbat at ipamukha sa kanya ang mga pagkakamali niya noon. Naisip ko na hindi naman na niya kailangang malaman ang totoo. Hindi 'ko makakalimutan ang sakit kung ipapaalala 'ko pa sa kanya. "Ikaw Kiel... Why don't you love someone again?" Tanong ko na lang. "Hinahanap 'ko pa yung para sa akin. Hinahanap 'ko pa si Janjan," sabi niya. Napangiti na lang ako ng mapait. Ayokong aminin na ako si Janjan. Bahala siyang alamin kung kaya niya. "Alam mo... Habang hinahanap mo siya, maglaro ka muna. Marami naman diyan eh. Pero habang nakikipaglaro ka, mag-ingat ka. Baka mamaya yung taong pinaglaruan mo, siya na pala yung para sa'yo," malamig kong sabi. Napatahimik siya... Tumitig siya sa akin. Alam kong alam niya ang gusto kong sabihin. "I'm committed in a relationship before. Si Prince DJ. Natuto ako sa pagkakamali 'ko sa kanya. Ayoko nang makasakit ulit ng iba," seryoso niyang sabi. "Have you asked for his forgiveness?" Seryoso kong tanong. "No... Wala akong mukha na maihaharap sa kanya. Alam kong sobra 'ko siyang nasaktan. Malaki ang kasalanan 'ko. Kung nasaan man siya ngayon, I wish that he is happy," sabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Lalo kong hindi sasabihin na ako ang writer na si Prince DJ. Hindi ko rin sasabihin na ako si Janjan. "What if makilala mo siya?" Tanong 'ko. "Babawi ako... I will do everything para patawarin niya ako." "What if... He will ask for your love?" Hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas na katanungan sa bibig ko. Napatahimik na lang siya. "I don't really know," malungkot niyang sabi. Napangiti na lang ako. Masaya naman ako na nandito siya at ok na ako. Masaya na akong kasama ko siya. Don't worry Prince, You already earned my forgiveness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD