Chapter 20: Preparation

1718 Words
May pasok na ngayon sa school. Maaga akong pumasok at tumingin ako sa announcement board. Malapit na pala ang intramurals namin. Buti na lang at malapit na ang intrams. Wala naman akong sasalihan eh. Hindi ako masyadong busy kapag intrams. "Dwayne!" Nagulat ako dahil wala pang students sa hallway pero may tumawag na sa pangalan ko. Lumingon na lang ako at nakita ko si Kiel na nakangiti sa akin. Ngumiti na lang ako at... "Good morning Kiel," masaya kong bati sa kanya. Napatulala pa siya sa akin. Nagtataka ako so I snap my fingers in front of his face. Bumalik naman siya sa katinuan. "Uy, bakit natulala ka?" Tanong ko. "Hmm... Wala naman. First time mo kasi akong binati ng good morning na masaya ka," sabi niya at ngumiti na rin siya. "Diba sabi ko magiging mabait na ako sa'yo? Basta wala kang gagawin na ikasasama ng loob ko, mabait ako," nakangiti kong sabi. "Don't worry... I will never do something that will hurt you," sabi niya. Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Sana nga Kiel hindi mo na ako masaktan. Dapat lang naman na maging masaya ako diba? I already forgave him for what he did to me before and besides, wala naman siyang alam kung sino ako. Tumingin si Kiel sa announcement board at... "So intrams is coming huh?" Sabi niya. "Yeah... Anong sport ang sasalihan mo Kiel?" Tanong ko. "Basketball!" Mabilis niyang sagot. "Wow! Hanggang ngayon pala naglalaro ka pa rin. Sure akong mas magaling ka na ngayon," masaya kong sabi. Nabigla siya sa sinabi ko. Tsaka ko lang narealize kung ano ang nasabi ko. Nabigla din ako. "What do you mean by hanggang ngayon? Have we met before?" Seryoso niyang tanong. Napalunok na lang ako. Hindi ako makatitig sa mga mata niya. Patay! Nadulas ako eh! Isip Dwayne! Matalino ako! Kailangan kong mag-isip ng palusot. Bingo! "Lander told me that you are playing basketball with him since you were a child," kabado kong sabi at sinabayan ko ng pilit na tawa. "Pinag-uusapan niyo pala ako ni Lander. What else did he told you about me?" Nakangiti niyang tanong. Whooo! I already convinced him. I used a white lie right? Kinabahan ako! Buti na lang at naniwala siya. "Lander told me na 3 points shooter ka raw sa basketball," sabi ko. Ngumiti na lang siya na parang nahihiya. Ang cute talaga ni Kiel. Hanggang ngayon nahihiya pa rin siya kapag pinupuri siya. Kailangan ko nang mag-ingat. Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala kami noon. "Kiel, siguro magtry out ka mamaya ng basketball," sabi ko. "Sure! Manuod ka na lang sa try out ko at 'yun muna ang work mo as P.A. ko," sabi niya. "Ok! Punta muna ako sa office ng SSG," sabi ko na lang. Naglakad na ako papunta sa office at si Kiel naman ay papunta sa room. Pagpasok ko sa office ng SSG ay napangiti na lang ako. Magkaibigan na kami ulit ni Prince. Natutuwa ako... Sana hindi na magbago yung tingin ko sa kanya. Nilabas ko na lang ang notebook ko para magsulat. Gumagawa ako ng bagong chapter sa story na sinusulat ko. Syempre inspired ako dahil kay Kiel. Lumipas ang mga minuto at natapos ko na ang draft ng chapter ko. Mabilis lang akong natapos ngayon. Maaga pa kaya pumunta muna ako sa book section ng office. Naghanap na lang ako ng magandang basahin. Nakita ko ang song book. Napangiti ako dahil matagal na pala akong hindi kumakanta dahil sa sobrang busy. Hindi naman ako masyadong magaling, slight lang hahahah. Kinilabutan ako sa sarili ko. Binuklat ko na lang ang song book. Medyo luma na rin ang mga kanta. Ok lang naman kasi maganda naman ang mga kantang luma. Naghanap pa ako ng kanta na alam ko. "Uy maganda 'to!" Sabi ko. Breakaway By: Kelly Clarkson Tenor 1 naman ako kaya naman alam kong kaya ko ang kanta na ito. Napangiti na lang ako... Naalala ko na kinanta ko dati ito kay Prince. Mas mataas yung boses ko nung bata pa ako. Maaalala kaya niya ako kapag kumanta ako sa kanya? Huminga na lang ako ng malalim. Ako lang naman ang tao dito sa office ng SSG kaya safe na kumanta ako. Grew up in a small town And when the rain would fall down I'd just stare out my window Dreaming of what could be And if I'd end up happy I would pray Trying hard to reach out But when I tried to speak out Felt like no one could hear me Wanted to belong here But something felt so wrong here So I prayed I could break away I'll spread my wings and I'll learn how to fly I'll do what it takes 'til I touch the sky And I'll make a wish Take a chance Make a change And breakaway Out of the darkness and into the sun But I won't forget all the ones that I love I'll take a risk Take a chance Make a change And breakaway "Wow ang galing naman pala kumanta ng babe ko!" Narinig ko na sinabayan pa 'yun ng palakpak. Napahinto na lang ako at lumingon ako. Nakita ko si Lander na nakangiti sa akin. Kinilabutan ako bigla. "Ba-bakit ka nandito?" Kabado kong tanong. Tinaasan na lang niya ako ng kilay. President nga pala siya ng SSG. "After all these years, ngayon lang kita narinig na kumanta and you are amazing Dwayne," sabi ni Lander. "Ssshhh! Tumahimik ka nga. Hindi na ako kakanta ulit," inis kong sabi. "Hahahah... Magagamit natin ang boses mo sa events dito sa school. Sayang naman kung itatago mo," sabi niya at ngumiti siya ng mala demonyo. "Hoy! Tumigil ka sa mga iniisip mo! Baka gusto mong hindi na kita pansinin diyan," inis kong sabi. Hindi siya sumagot. Lalo tuloy akong kinabahan sa kanya. I really know him well. Iba ang iniisip ng isang 'to. "Kung ano man balak mo, 'wag mo nang ituloy," sabi ko pa. "We should go in class. Malapit na magstart," sabi na lang niya. Habang naglalakad kami papunta sa klase ay bigla na lang nagsalita si Lander. "Babe panoorin mo ako maglaro ng basketball sa intrams ha?" Bigla niyang sabi. "I don't know if I will watch," sabi ko. "Of course you will, ipapakuha kita sa mga students para manuod," sabi niya at tumawa na siya ng may halong kasamaan. Last year ayoko sana manuod ng basketball. Hinunting ako ng mga students at classmates 'ko na parang wild animal at dinala ako sa court. Wala rin akong magagawa. Iba talaga magplano sila Lander. "Babe, baka may sasalihan kang sport sa intrams," sabi niya. "Wala! And please stop calling me babe!" Inis kong sabi. "Why should I stop? Love kita eh," sabi niya sabay kindat. "At bakit mo naman ako love aber?" Inis kong tanong. "Kapag love dapat may rason? Hindi ba pwedeng sa tuwing nakikita kita, may spark na nagcause ng electrical potential causing sodium ions to enter my cardiac muscles and initiate contraction which causes my heart to beat faster? Hindi pa pwede 'yun?" Napanganga na lang ako sa sinabi niya. "Saang pahina naman ng google mo nahanap 'yan?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin. Pumunta na kami sa room at nakikinig na ako sa nagtuturo sa harapan. Katabi ko si Kiel at sa kaliwa naman ay si Quin. Sabi ni Kiel ay turuan ko raw siya ng ibang lessons kapag 'di niya magets at ganun din si Quin. Matalino naman si Lander at Yani kaya 'di na sila nagreklamo at pagtitripan lang ako nung dalawang 'yun. "Dwayne... Kapag natanggap ako sa try out mamaya, please watch my game on intrams ha?" Mahinang sabi ni Kiel. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ako. "Excited na ako! Gagalingan ko para matuwa ka sa panunuod," sabi ni Kiel. Ngumiti na lang ako. Inaamin ko na medyo kinilig ako sa sinabi niya sa akin. Jusme! Hindi ako dapat kinikilig. "Ayyyiiieee! Ang sweet niyo diyan ah! Hart hart!" Napatingin ako sa katabi ko at si Quin pala. Napatingin din sa akin si Yani at Lander. "Ikaw Quin puro ka hart hart! Wala ka namang brain brain!" Sabi ni Yani sabay tawa. Natawa tuloy ako bigla at ganun din si Kiel. Tinakpan ko na lang ang mukha ko. Kahit kelan talaga ang sama ni Yani sa kapatid niya. Ang sama tuloy ng tingin ni Quin kay Yani. "Bes ipagtanggol mo ako kay kuya!" Sabi ni Quin sa akin. "Ayoko nga! Inasar mo ako kanina eh," natatawa kong sabi. Sinibangutan na lang ako ni Quin. Wala tuloy siyang kakampi hahahah. Ako lang naman ang nagtatanggol sa kanya. Lumipas ang mga oras at natapos na ang klase. Pumunta na ako sa court ng school kasi magtatry out nga si Kiel. Umupo na lang ako para manuod. Hanggang ngayon magaling pa rin talaga siya maglaro ng basketball. Hindi kasi ako sporty kaya hanggang nood na lang ako. Habang tumatakbo sa court si Kiel ay nginingitian niya ako. Umiiwas ako ng tingin kapag ngumingiti siya sa akin. Alam ko na namumula ako. Matagal din ang try out nila. Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Ibibigay ko kay Kiel. Maya-maya ay bumalik na ako sa court. Wala na yung mga naglalaro. Tapos na siguro sila. Pumunta naman ako sa locker room sa court. Nakita ko doon sila Kiel at Lander pati na rin yung ibang nagtry out kanina. "Sir Kiel..." Nakangiti kong sabi. Napatingin siya sa akin at mukha siyang seryoso. Hindi niya ako pinansin. Lumapit na lang ako sa kanya. "Uy sir! Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Why do you leave? Sabi ko panoorin mo yung try out hanggang matapos eh," seryoso niyang sabi. "Hmmm... Bumili po ako ng water para sa'yo sir," sabi ko at itinaas ko ang bote ng tubig. "Ay ganun ba? Thanks," sabi niya at ininom na niya ang tubig. "Sayang 'di mo nakita na natanggap ako," sabi niya. "Alam ko naman po na matatanggap ka," sabi ko na lang at ngumiti ako. "Hmmmppphhh! Kahit na! Umalis ka pa rin eh. Dapat bumawi ka sa akin. Punasan mo ang katawan ko," sabi niya. Hinubad niya ang jersey na suot niya. Napakagat na lang ako sa mga labi ko. Kita ko na naman ang abs niya. Patay! Paano 'ko pupunasan yung katawan niya? "Uy punasan mo na ako," sabi niya. "O-opo sir," kabado kong sabi. Kinuha ko na yung towel at pinunas ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko habang punupunasan siya. Grabe, lalo na nung pinupunasan ko ang abs ni Kiel. Shocks! Wala naman siyang abs dati. "Ang sweet naman ng girlfriend mo Kiel," sabi ng coach nila. Tumawa tuloy ang mga tao doon. Pati si Yani at Lander tumawa rin. Tinitigan ko na lang ng masama ang coach nila. "P.A. niya po ako," inis kong sabi. Natatawa pa rin sila sa akin. Nakangiti lang si Kiel. Nang matapos ang lahat ay pinauwi na ako ni Kiel. Masaya ako na ok na kaming dalawa. Masaya ako na wala na yung galit sa puso 'ko. Sana ay tuloy-tuloy na. Isa na lang naman ang kinatatakot ko ngayon... Baka mahulog ulit ako sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD