Chapter 19: Confrontation

1531 Words
Hindi ako makatulog. Hindi ako komportable na nakayakap sa akin si Kiel. Sumisikip ang dibdib ko at naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga braso ni Kiel na nakayakap sa akin. Mahimbing naman ang tulog niya. Hindi talaga ako makatulog. Kinuha ko na lang ang phone ko. Naisip ko na umakyat muna sa bubong. Meron kaming daanan papunta sa bubong kaya safe na pumunta. Malamig sa taas. Kitang-kita ko ang buwan na napakaliwanag. Umupo na lang ako sa bubong at binuksan ko ang phone ko. Nagsulat muna ako ng isang chapter ng story. Habang nagsusulat ay narinig kong may tumatapak sa bubong kaya nagulat ako at pinatay ko kaagad ang phone ko. Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko dahil si Kiel pala. "Ba-bakit nandito ka?" Kabado kong tanong sa kanya. "Hmmm... Wala ka kasi sa tabi ko. Sinundan na lang kita," nakangiti niyang sabi. Umiwas na lang ako ng tingin. Bakit kailangan mong maging mabait sa akin Kiel? Ayokong lokohin ang sarili ko! Ayokong mahulog ulit sa'yo! Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at... "Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Umupo naman siya sa tabi ko at niyakap niya ang mga braso niya. Nilalamig siguro siya. "You can't sleep right?" Tanong niya. "Yeah..." Walang gana kong sagot. "Why? Are you not comfortable na katabi mo ako?" "Not really... Hindi ko rin alam. Hindi ako makatulog," seryoso kong sabi. "Kung ganun... I will stay here with you para hindi ka mag-isa." Napatitig na lang bigla ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Iba na ang pakiramdam ko. Ayoko nang magkagusto ulit sa kanya. "Ang ganda ng buwan," sabi niya. Tumingin na lang ako sa buwan at hindi ko maapreciate na maganda ito. "May itatanong lang sana ako Dwayne." "What is it?" Walang gana kong tanong. Huminga muna siya ng malalim at... "Hmmm... Why do I feel na parang ayaw mo sa akin? Bakit parang kahit anong gawin ko ayaw mo pa rin sa akin? Gusto ko lang naman na maging kaibigan ka." Ang lungkot ng pagkakasabi niya. Tumingin na lang ulit ako sa kanya. Malungkot ang mga mata niya. Umiwas na lang ulit ako ng tingin. Alam ko na manghihina na naman ako kapag tinitigan ko ang maganda niyang mga mata. "Hindi naman sa ayaw ko sa'yo. Next time sasabihin ko sa'yo kung bakit," sabi ko na lang. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Lamig at simoy lang ng hangin ang naririnig ko. Alam ko na naguguluhan siya sa naging sagot ko. "Hmm... Bakit dala mo yung phone mo?" Tanong niya. Nag-isip ako... Kung tutuusin madali lang umisip ng palusot sa tanong niya. Siyempre hindi ko pwedeng sabihin na nagsusulat ako ng story at ako si Prince DJ pero nakaisip ako ng ibang paraan. Siguro dapat hulihin ko ang mga posible niyang isasagot. "Nagbasa lang ako ng story," sabi ko. "Huh? What story Dwayne?" Tumingin ulit ako sa kanya. Humugot ako ng lakas bago ko subukang itanong sa kanya ito. "Kilala mo si Prince DJ? Writer kasi siya ng blog. Sabi sa school magaling daw siya magsulat so I tried reading one of his stories," sabi ko. Napalunok siya... Sabi ko na nga ba. Hindi ako pwedeng magkamali. "Yeah I know him. Maganda ang mga stories niya. Tumatagos dito lahat ng mga salita," sabi niya at itunuro niya ang puso ko. Ito na... Kailangan ko nang malaman ang totoo. Kailangan ko na ring mag-ingat ng doble. "Are you reading his stories? Are you a fan of him?" Seryoso kong tanong. Bigla na lang naging seryoso ang mukha ni Kiel. Umiwas na lang din siya ng tingin sa akin. "I'm an avid fan of him," malamig niyang sabi. "Bakit parang nagbago yata ang timpla ng mukha mo?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin. His eyes are teary. Nanghihina na naman ako. Ayokong nakikita siyang ganyan. "What if I tell you that Prince DJ is my ex boyfriend? Would you believe?" Seryoso niyang tanong. Napalunok na lang ako. Totoo nga... Siya nga talaga yung nanloko sa akin. Siya rin si Prince Kiel na kababata ko. "Pwede mo bang ikwento sa akin?" Seryoso kong tanong. Huminga siya ng malalim at... "Naging close kami ni Prince DJ sa chat. Fan na fan niya kasi ako. One day umamin siya na gusto niya ako. Kahit sa chat lang kami nagkakilala ay sobrang saya ko nun. I am so happy and blessed na minahal niya ako even though we're not seeing each other. Even I don't know his real name," seryoso niyang sabi. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. Bumabalik na naman yung hapdi ng mga sugat na nilagay niya sa dibdib ko. "Then what happened?" Naluluha kong tanong. "I broke up with him," sabi niya at kita ko na nalungkot siya. "Why?" Tanong ko at naluluha na ako. Bakit Kiel? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako sinakatan? Akala ko naghilom na yung mga sugat ko pero hindi pa pala. Bakit malungkot ka? Dapat hindi ka nasasaktan kasi ikaw ang nang-iwan sa akin. "Pumasok kasi sa isip ko si Janjan. Kababata ko siya... Nangako ako sa kanya na hahanapin ko siya. Nangako ako sa kanya na babalik ako. Gusto ko munang makasama si Janjan at malaman kung may pag-asa ba ako sa kanya bago ako magmahal ng iba," naluluha niyang sabi. But I am Prince DJ! And I am Janjan as well Prince! Tumingin siya sa akin at maluha-luha ang mga mata niya. Nadudurog ako! Oo masakit ang mga ginawa sa akin ni Kiel pero bakit mas nadudurog ako na makitang nasasaktan siya. "You know what? Hindi ko man lang nasabi kay Janjan that I love him bago kami magkalayo. Until now, hindi ko pa rin siya mahanap," sabi niya at napatulo na ang mga luha niya. May parte sa akin na gustong sabihin na ako si Janjan pero paano naman ang pagiging Prince DJ ko? Dinurog niya ang puso ko sa kabilang banda. "Kiel..." Naluluha kong sabi. "Siya nga lang ang tumatawag sa first name ko na Prince. Actually pati pala si Prince DJ ay 'yun din ang tawag sa akin kaya nakikita ko sa kanya si Janjan. Ang drama ko Dwayne sorry,"sabi niya at pinilit niyang ngumiti. Nakikita ko na sa kanya yung batang Prince. Nakikita ko yung Prince na kababata ko. Nakikita ko yung Pince na minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon. "Kiel can I hug you?" Naluluha kong tanong. Halatang naguluhan siya sa akin at tumango na lang siya. Niyakap ko na siya ng mahigpit na mahigpit. Miss na miss na kita Prince! Akala ko pinaglaruan mo lang ako pero minahal mo pala ako ng totoo. I'm Dwayne... Hindi na ako yung Janjan na nakilala mo. Hindi ako ang Prince DJ na minahal mo pero sana maramdaman mo na mahal kita. "Kiel don't worry... Hindi na kita susungitan. Magiging mabait na ako sa'yo" Sabi ko habang nakayakap. "Huh? Bakit naman? Promise 'yan ah? Magiging close na tayo?" "Oo Kiel... Magiging close na tayo," nakangiti kong sabi. Ngumiti na lang din siya sa akin at... "I can see my first love Janjan in your smile," nakangiti niyang sabi. Lalo lang akong napangiti dahil sa sinabi niya sa akin. Ako naman kasi talaga si Janjan. "Dwayne... Diba sabi mo may minahal ka na dati at iniwanan ka? Pwede bang ikaw naman ang magkwento sa akin?" Tanong niya. Ngumiti na lang ako sa kanya. "I already know the reason why he left me all alone. Ayos lang... Atleast naging masaya naman ako at alam ko naman ang dahilan niya," nakangiti kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin. Inaamin ko na sa sarili ko na gusto ko pa rin siya. Inaamin ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. "Would you open your heart again for someone," tanong niya. "Yeah... If that someone is worthy for my tears an sacrifices then I will open my heart for that person," sabi ko. "Ang lalim naman nun... Swerte yung taong mamahalin mo," nakangiti niyang sabi. "Kung ganun swerte ka pala," mahina kong sabi. "Huh? Ano Dwayne?" "Sabi ko swerte din yung taong mamahalin mo. Ang swerte ni Janjan sa'yo. Sana mahanap mo na siya," sabi ko sabay ngiti. "Sana nga... Hinding-hindi ko na siya pakakawalan kapag nagkita kami ulit. Maliban na lang kung may mahal siyang iba. Basta ang gusto ko lang ay makita siya at maging close ulit kami. Gusto ko rin masigurong masaya siya," nakangiti niyang sabi. "What if... Hmmmm... Would you like me to be your bestfriend habang hinahanap mo pa si Janjan?" Tanong ko. Napatitig siya sa akin. Kita ko sa mukha niya na masaya siya sa sinabi ko sa kanya. "Really? Pwede kitang maging bestfriend?" 'Di makapaniwala niyang tanong. Tumango na lang ako at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Thank you Dwayne! Gustong-gusto ko talaga na maging kaibigan ka and being my bestfriend is more than enough," masaya niyang sabi. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa akin. "Hmmm... Lumalamig na dito Kiel. Pwede na sigurong matulog na tayo," sabi ko. "Ok..." Nakangiti niyang sabi. Bumalik na kami sa kwarto ko at humiga na kami. Buti na lang at tulog na tulog sila Yani. Naramdaman ko na niyakap ako ni Kiel. Humarap ako sa kanya at niyakap ko rin siya. Nakita ko na parang nagblush ang mukha niya o guni-guni ko lang yata. "Good night Kiel..." Nakangiti kong sabi. "Goo... Good night Dwayne," sagot niya. Sumandal na ako at natulog ako sa dibdib niya. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasabik na makita siya. Sabik na sabik akong makita ka Prince. Sana mahalin mo rin ako kagaya ng sinasabi mo kahit hindi ko sabihin sa'yo na ako si Prince DJ o si Janjan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD