Chapter 18: Bonding

1869 Words
Dwayne POV "Guys what do you want to eat for dinner?" Tanong ko. "Wait mag-iisip kami," sabi ni Quin. Nasa grocery kami ngayon. Sila raw ang gagastos para sa dinner basta ako ang magluluto. "Gusto ko ng kamote cue," sabi ni Yani. "Yani naman! Dinner tapos kamote cue? Ok ka lang?" Natatawa kong tanong. "Eh bakit ba? Masarap 'yun eh! I will never forget the first time that I tasted your mom's kamote cue," nakangiting sabi ni Yani. "Huh? Wait, paano mo naman natikman ang kamote cue ng mama ni Dwayne? Bakit kami ni Quin hindi pa? Ang daya niyo!" Sabi naman ni Lander. "Naalala ko kasi dati pumunta na rin ako sa house nila Dwayne," sabi ni Yani. "And what's the reason para papasukin ka ni Dwayne sa house nila?" Tanong ni Quin. "It's a big secret. Kami lang ni babe ko ang nakakaalam," sabi ni Yani at inakbayan niya ako. "Grabe! May secret pa kayong nalalaman. Dapat wala tayong secrets," sabi ni Lander. "I will tell you that secret next time," sabi ko na lang. "Hmmm... Dwayne what's your favorite dish? I think 'yun na lang ang lutuin mo para sa amin," nakangiting sabi ni Kiel. "Oo nga bes! We all agree to that," sabi naman ni Quin. Nag-isip ako... Ano ba ang favorite kong ulam? Mayayaman kasi ang mga kaibigan ko baka mamaya hindi nila magustuhan eh. "Guys have you ever tasted bicol express?" Tanong ko. "Hindi ko pa natitikman ang dish na bicol express. Parang ikaw, hindi pa rin kita natitikman," sabi ni Yani at ngumiti siya ng nakakaloko. "Umiral na naman ang kamanyakan mo!" Inis kong sabi. Hahampasin ko na sana siya pero mabilis siyang nakaiwas. Tinitigan ko na lang ng masama si Yani. Tinatawanan lang ako ni Kiel at ni Lander. Nakakaasar talaga kapag kasama ko sila. "Bes do you want to eat smores for midnight snack?" Tanong ni Quin. "Smores? Yeah I love that," sabi ko. "Ay sige ako na ang magluluto ng smores mamaya. Wait, I will buy the ingredients," sabi ni Quin. "Yani samahan mo yung kapatid mo," sabi ko. "Ok babe!" Umalis na sila at papunta sila doon sa section ng mga mallows. Kami na lang ni Lander and Kiel ang naiwan. "Follow me," sabi ko sa kanila. Pumunta na kami sa meat section. Bumili na ako ng karne at pinahiwa ko na lang yung pang bicol express. "Parang hindi kayo sanay kapag isa lang ang ulam," sabi ko. "Ok lang naman Dwayne basta ikaw ang magluluto," nakangiting sabi ni Kiel. Umiwas na lang ako ng tingin. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Kinikilabutan na ako. Pumunta ako sa may ribs at gagawin kong kaldereta mamaya. "Ok na yung meat. Doon naman tayo sa ibang ingredients," sabi ko. Sumusunod lang sa akin ang dalawa kong kasama. Kumuha na ako ng mga sili. Kumuha na rin ako ng ingredients para sa kaldereta. "Dwayne I want to say something," sabi ni Lander. "And what is that?" Tanong ko. "Ay wag na lang pala never mind," seryoso niyang sabi. Tinitigan ko na lang siya. Seryoso ang mukha ni Lander. "Ano nga ang sasabihin mo?" Tanong ko pa. "Do you really want to know?" Tanong pa ni Lander. "Yeah spill it," sabi ko. "Gusto ko sanang sabihin na mahal kita kaso baka mamatay ka sa kilig," natatawa niyang sabi. Tinitigan ko na lang siya ng masama. Bigla na lang tumawa ng malakas si Kiel. Bumabanat na naman si Lander. "Kung feeling mo mahal kita, tama ka," nakangiti kong sabi. Napahinto sa pagtawa si Kiel. Tumitig silang dalawa sa akin. "Ta-talaga?" Utal na tanong ni Lander. "Oo... Tama ka, feeling mo lang 'yun," sabi ko sabay tawa. Tumawa rin ng malakas si Kiel at nagpout lang ang lips ni Lander na parang bata. I'm so proud of myself hahahhah. Marunong na rin akong bumanat pabalik hahahah. "Halika na nga bayaran na natin 'to," sabi ko na lang. Pumunta kami sa counter at nandun na rin pala si Quin at Yani. Habang nilalagay ko ang ingredients sa counter ay nag-isip ako. Parang may kulang eh. "Ay shocks! May nakalimutan ako," sabi ko na lang. "Samahan na kita," sabi ni Yani. Pumunta kami sa loob at kumuha ako ng coconut milk. Jusme! Muntik ko pang makalimutan ang main ingredient ng bicol express. "Bakit naman bumalik pa tayo para kumuha ng coconut milk?" Tanong ni Yani sa akin. "Eh kasi main ingredient 'to ng bicol express," sabi ko. "Ay ganun? Bumalik pa tayo eh may milk din naman ako," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. "Ikaw talaga!" Sabi ko at hinampas ko siya sa braso. Napataas na lang ang kilay ko. Parang hindi nasakan si Yani sa hampas ko. "Hindi masakit ang hampas mo Dwayne. Strong kaya ako," sabi niya at nagflex pa siya ng muscle niya sa braso. "Tumigil ka nga! Para kang ewan eh," inis kong sabi. Bumalik na kami sa counter at tinatawanan lang ako ni Yani. Pagkatapos bumili ay pumunta na kaagad kami sa bahay. Wala si mama ngayon kasi may inaasikaso raw siya. "Maganda naman pala sa house niyo Dwayne," sabi ni Lander. "Yeah... Comfortable naman siya," sabi ni Quin. "Kami lang naman ng mama ko ang nandito," sabi ko. "Bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin diyan. Doon muna ako sa kusina at magluluto na ako," dagdag ko pa. "Tulungan na kita," nakangiting sabi ni Kiel. "Ako rin!" Sabi naman ni Yani. Pumunta na kami sa kusina at naghihiwa na ako ng sili. Pinalabas ko na lang kay Kiel at Yani ang mga pinggan. Nagstart na akong magluto at mukhang ok naman siya. "Ang bango naman Dwayne," sabi ni Kiel. Bicol express kasi ang una kong niluto. Nginitian ko na lang si Kiel. Wala rin naman akong balak na kausapin siya. "Dwayne, kanta ka ba ni Hailee Steinfeld?" Tanong ni Yani. "Huh? At bakit na naman?" "Kasi I didn't know that I am starving till I tasted you," sabi niya sabay lip bite. "Ewan ko sayo Yani! Kotang-kota na ang kamanyakan mo ngayong araw," inis kong sabi. Tinatawanan lang ako ni Kiel. "Yani doon ka nga muna sa lamesa. Nakakaasar ka eh," inis kong sabi. "Yes babe!" Pumunta na siya sa may lamesa at sinundan ko na lang siya ng masamang tingin. "You know what? Ang cute mo talaga kapag inaasar ka nila," sabi ni Kiel. Hindi ko na lang siya pinansin. Kukuha sana ako ng paminta sa taas pero hindi ko maabot. "Dwayne tulungan na kita," sabi ni Kiel. "Ok lang abot ko naman," sabi ko. Inabot ko talaga ang paminta sa taas at nahulog ito pero nasalo ko naman kaagad. Siyempre may lumabas na mga debris kaya napuwing ako. "Sabi ko na kasi tulungan na kita," sabi ni Kiel. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinipan niya ang mata ko. "Feel better?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Ang init ng mga palad niya sa mga pisngi ko. Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Tumakbo na lang ako sa lababo para maghilamos ng mabilis. "Ok ka na ba Dwayne?" Nag-aalalang tanong ni Kiel. Tumango na lang ako. Hindi ako makapagsalita. Iba na ang pakiramdam ko sa kanya. "Dwayne pulitiko ka ba?" Tanong niya. "Hmmm... Hindi naman bakit?" "Ang cute kasi ng mga mata mo, corrupt ng corrupt," sabi niya sabay ngiti. Hindi ko na mapigilan. Umiwas na lang ako ng tingin. Alam ko na pulang-pula na ang mukha ko. "Hmmm... Tapos na yung niluluto ko kakain na tayo," sabi ko na lang. "Doon ka muna sa lamesa," sabi ko pa. Naglakad na siya palayo at... "You're so cute when you're blushing." Napatitig na lang ako sa kanya. Lumingon pa siya sa akin. "I know that I am the only one who can make you blush," nakangiti niyang sabi. Kumuha ako ng kutsilyo at pinakita ko sa kanya. Bigla niyang binilisan ang pagpunta sa may lamesa. Kinabahan ako... Bakit ganun? Bumilis ang t***k ng puso ko. Ano ba ito? Bakit namumula ako? Inayos ko na lang ang lahat at nilagay ko na ang pagkain sa lamesa. "Wow! It looks delicious bes," sabi ni Quin. "Then taste it," sabi ko na lang. Kumain na sila at mukha naman silang nasasarapan sa mga niluto ko. "Pwede mo na akong pakasalan Dwayne. Ang sarap mo magluto," sabi ni Lander. "Oo nga Dwayne pwede na tayo maghoneymoon mamaya. Ang sarap mo magluto," sabi naman ni Yani. Ewan ko kung magpapasalamat ba ako sa sinabi ni Yani at ni Lander o hindi. "Kayo talaga! Para kayong ewan," sabi ko na lang. Naubos nila ang pagkain na niluto ko. Mukha nga talagang nasarapan sila. Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang mga pinggan. Ako na rin ang naghugas ng mga kubyertos. "Dwayne do you need help?" Tanong ni Kiel. "Ok na... Konti lang naman ang huhugasan," sabi ko. "Hmmm... Dwayne I love your dish. Pwede ba na paglutuan mo ako palagi kapag time na P.A. kita?" Tanong niya. Wala naman sigurong masama diba? Tingin ko, ok lang naman. "Hmm... Sige payag ako," sabi ko. "Really?" 'Di nakapaniwala niyang sabi. "Yeah," sabi ko pa. Bigla niya akong niyakap sa likod habang naghuhugas ako ng pinggan. "Thank you so much Dwayne! I didn't expect na papayag ka," tuwang-tuwa niyang sabi habang nakayakap sa akin. "Uyyyyyy!!!!! Ang sweet!" Muntik ko na tuloy mabasag ang pinggan dahil nabitawan ko. Sobrang nagulat ako! Pagtalikod ko ay si Quin pala. "Anong ibig sabihin ng pagyakap na 'yan bes?" Usisa pa niya. "Masaya lang ako Quin. We just set an agreement," nakangiting sabi ni Kiel. "Akala ko naman may ginagawa na kayong milagro," sabi pa ni Quin. "Ikaw ba si Yani? Parang andumi ng utak mo Quin," inis kong sabi. "Hahahah joke lang naman! Sige doon muna ako sa sala," sabi ni Quin. Pagkatapos maghugas ng plato ay nagpunas muna ako saglit ng kamay. Pumunta na ako sa sala at nanlaki ang na mata ko. Bubuklatin ni Lander at Yani ang photo album ko nung bata pa ako. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanila. Hinablot ko ang photo album at itinakbo ko kaagad. "Hoy Dwayne! Patingin kami ng pictures mo!" Sigaw ni Lander. Pinagpapawisan ako! Hindi nila pwedeng makita ang pictures ko! Baka mamaya makita ni Kiel! Baka mamaya mamukhaan niya na ako si Janjan. "No! Next time na!" Naghabulan kaming tatlo sa loob ng bahay. Takteng 'yan! Parang may daga sa dibdib ko sa sobrang takot. "Akin na kasi babe!" Sigaw ni Yani. Tumakbo kaagad ako sa cabinet at inilagay ko sa loob ang photo album. Sinusian ko kaagad at nilagay ko sa loob ng damit ko ang susi. "Ang daya mo naman Dwayne! Patingin naman kami ng pictures mo nung bata ka pa," inis na sabi ni Lander. Buti na lang at nakagawa ako ng paraan. Kahit konti ay nakahinga na ako ng maluwag. "Next time na," kabado kong sabi. "Balang araw makikita ko rin 'yan," sabi ni Yani. Kinabahan talaga ako. Wala akong balak umamin kay Kiel kung sino ako. Past is past na! Nung matutulog na kami ay malawak naman ang kwarto ko. Naglatag na lang ako ng foam at si Quin sa kama. "Dwayne tabi tayo," sabi ni Yani. "Ayaw ko nga! Baka mamaya kung ano pa ang maisip mong kalokohan," inis kong sabi. "Eh good boy naman ako!" Sabi pa niya. "Kami na lang ni Dwayne ang magkatabi," sabi ni Kiel. "Hindi ako papayag!" Sabi ni Lander. "Alam ko na! Let's play jack n' poy," sabi ni Yani. "Game!" Sabi naman ni Kiel at Lander. Naglaro na sila. Tatlo na silang nagsabay-sabay. Pagbagsak nila ng kamay ay papel si Yani at Lander. Gunting ang kay Kiel. "Sorry guys... I won," nakangiting sabi ni Kiel. At sa kasamaang palad, 'yun na nga ang nangyari. Magkatabi si Lander at Yani sa kabilang foam tapos kami naman ni Kiel sa kabila. "Good night guys," sabi ko. "Good night," sabi naman nila. Tumalikod ako kay Kiel. Ayoko sanang mapalapit sa kanya ulit. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. Uminit ang pakiramdam ko. Alam kong namumula ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit namumuo ang luha sa mga mata ko. "Kung alam mo lang sana Kiel kung gaano kita minahal," naluluha at mahina kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD