"Hey!"
Lumingon ako at nakita ko ang mga grupo ng students. It is my first year in Linway.
Nanalo kasi ako ngayon sa block poetry ng school. Sobrang saya ko dahil panalo ako.
"What? How can I help you?" Nakangiti kong tanong.
"Stop smiling! We don't want you in this school," mataray na sabi nung babae.
Yumuko na lang ako. Maraming mga bossy, maarte at sosyal sa school na pinasukan ko. Kung hindi lang ako nakapasa sa scholarship ay ayoko naman talaga dito sa Linway.
"Hey! Why don't you talk?" Galit na tanong nung lalake.
"What do you want me to do?" Tanong ko na lang.
Lumapit sila sa akin at hinawakan naman ng babae ang uniform ko.
"Oh... It is a low class of fabric," natatawa niyang sabi.
Halos mangiyak-ngiyak na ako sa mga sinasabi nila sa akin. Sobrang sama ng mga ugali nila.
"We don't want a low class person in this school so you should be kind to us," sabi nung lalake.
"I'm not doing anything that will make you act like that. I'm just studying in here," seryoso kong sabi.
"Oh? Don't show off. Hindi ka bagay sa school na ito," sabi nila.
Nanliliit ang tingin ko sa sarili ko. Grabe naman sila! Wala nga naman akong ipagmamalaki sa kanila.
Naramdaman ko na lang na napatulo ang mga luha ko.
"Oh... You're crying? You look so cute when you are crying."
"Yeah and we will make you cry even harder," sabi nung lalake sabay tawa.
They are so evil. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang tanggapin ang mga panglalait nila.
"What are you doing to Dwayne?"
Napatingin ako sa likod at nakita ko si Quin, Lander and Yani.
"We're just having fun," sabi nung babae.
Kitang-kita ko na parang kinabahan sila nung nakita nila na dumating sila Quin. Lumapit sa akin si Quin at pinunasan niya ang mga luha ko.
"Are you ok Dwayne? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Quin.
"I'm ok," sabi ko at pinilit kong ngumiti.
"Anong ginawa niyo kay Dwayne? Why is he crying?" Seryosong tanong ni Lander.
"We just told him some sort of things."
"Like what?" Tanong naman ni Yani.
"Like yung dapat hindi siya masyadong nagpapasikat because he is just a poor scholar."
Lumapit si Quin doon sa babae at ang sama ng tingin ni Quin. Halatang natakot yung babae sa kanya.
"Don't ever come near to Dwayne again," matapang na banta ni Quin.
"Why?" Kabado nilang tanong.
"He is our friend. If you will do some sort of things against him, we will make you pay," sabi ni Lander.
Halatang natakot sila. Hindi ko alam na takot pala ang mga students sa grupo nila Quin.
"And lastly, I have to announce something," sabi naman ni Yani.
Lumapit si Yani at inakbayan niya na lang ako bigla sabay ngiti.
"Me and Dwayne are in relationship," nakangiting sabi ni Yani.
"What the heck!!!" Gulat na sigaw nung mga kaharap namin.
"It's true! Kagabi nga gumawa na kami ng baby," natatawang sabi ni Yani.
Pakiramdam ko ay magiging bato na ako sa gulat dahil sa sinabi niya.
"Uy wag kayo maniwala! Hindi 'yun totoo," depensa ko.
"Yeah it's not true because Dwayne is my boyfriend," sabi naman ni Lander.
Gulat na gulat ang mga kaharap namin. Napapansin ko na tawa lang ng tawa si Quin.
"Uy wag kayong maniwala! Walang totoo sa sinasabi nila!" Malakas kong sabi.
"Babe naman! Kinakahiya mo ba ang relasyon natin?" Natatawang tanong ni Lander.
"Tigilan mo nga ako!" Inis kong sabi.
Tawa lang ng tawa si Yani, Quin at Lander. Naiinis ako sa mga banat nila.
"Kayo naman, umalis na kayo at 'wag niyong gagalawin ang kaibigan namin," sabi ni Quin.
Umalis na ang mga umaway sa akin at parang puno sila ng tanong. Kulang na lang ay tubuan sila ng question mark sa utak.
"Uy bakit niyo naman ginawa 'yun?" Tanong ko kay Lander at Yani.
"Ang alin ba?" Maang-maangan ni Lander.
Sinibangutan ko na lang sila. Bigla na lang kinurot ni Lander at Yani ang mga pisngi ko.
"Ang cute mo talaga!" Sabay nilang sabi.
"Ewan ko sa inyo! Bakit niyo sinabi sa kanila na boyfriend ko kayo kahit hindi naman? Baka mamaya lalo akong pagtripan nun!"
"Don't worry Dwayne hindi na sila lalapit sayo. Takot 'yun sa amin," sabi ni Quin.
"Dwayne diba sabi dati 'He left me'?" Tanong ni Yani at ginagaya pa niya ang pagkakasabi ko.
"At ano naman ang connect nun?" Inis kong tanong.
"Ibig sabihin iniwan ka ng boyfriend mo kung sino man 'yun!" Sabi ni Yani.
"Yeah! And starting now, kami na ang boyfriends mo!" Nakangiting sabi ni Lander.
"Tumigil nga kayo sa kalokohan niyo! Kinikilabutan ako!"
"Kinikilabutan ka ba sa kagwapuhan ko?" Tanong ni Yani.
Bigla na lang siyang nagflex ng muscles niya sa braso.
Napatakip na lang ako sa mukha ko. Hiyang-hiya ako sa ginagawa nilang dalawa sa akin.
Akala ko masakit na nung nabully ako ng ibang students kanina pero mas matindi pala sila Yani.
"Dwayne hayaan mo na lang. Ganyan talaga silang dalawa pero masaya naman silang kasama," natatawang sabi ni Quin.
"Ok... Pero salamat pala at tinulungan niyo ako kanina," seryoso kong sabi.
"Wag kang mag-alala may kapalit naman ang tulong namin," seryosong sabi ni Lander.
"Huh? Anong kapalit," tanong ko.
Lumapit siya sa akin at tinuro niya ang dibdib ko tapos...
"Yung puso mo," sabi niya sabay tawa.
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Parang ewan lang eh!
Habang inaalala ko ang nakaraan ay napangiti na lang ako. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nag-umpisa ang friendship namin nila Quin.
"Dwayne."
Napatingin na lang ako sa likod ko at nakita ko naman si Kiel.
"Why?" Malamig kong tanong.
"Good morning," alanganin niyang sabi.
"Good morning too."
Naglakad na lang ako sa hallway. Ramdam ko na sinusundan niya ako.
"Dwayne are you mad at me?"
Lumingon ako ulit at tinitigan ko si Kiel. Ang sarap niyang kutusan.
"No! I'm not mad," seryoso kong sabi.
"Then why are you so cold like that?" Nag-aalala niyang tanong.
"You know what? Kung ano man ang ginawa mo doon sa mansion mo, tapos na 'yun. Magmove on ka na. Paranoid ka na yata," seryoso kong sabi.
"Sorry pa din," sincere niyang sabi.
"Apology accepted," walang gana kong sagot.
"Kasali ka rin ba sa block poetry ngayon?" Nakangiti niyang tanong.
"Yeah why?"
"Kasali rin kasi ako. Sabay na tayong pumunta doon sa event place?" Nakangiti niyang sabi.
"Sure," tipid kong sagot.
Sabay na kaming naglakad papunta doon sa event place. Nagstart na ang event at may binigay na sa aming work of literature.
Kailangan naming i-block ang ibang sentences sa literature at maghanap ng words para gawing poem.
Buti na lang at mahaba ang literature kaya mukhang maganda ang isusulat kong poem.
Kiel POV
Ramdam na ramdam ko ang coldness sa akin ni Dwayne. I know naman na may galit siya sa akin at hindi niya lang pinapahalata.
Nagsusulat ako ngayon ng poem. Mahirap pala ang block poetry. Sanay kasi ako na sa akin mismo galing ang words sa poem.
Lumipas ang mga oras at natapos na rin akong magsulat. Pinasa na namin ang mga gawa naming block poetry.
Pumunta muna ako sa room namin para makita sila Lander. Baka nasa room na rin si Dwayne kasi nawala siya bigla.
Wala namang ginagawa ngayon sa room kasi english month at mayroong celebration.
Pagdating ko sa room ay nandun na nga kaagad si Dwayne at kasama niya sila Lander.
"Oh hi Kiel! How's the contest?" Nakangiting tanong ni Lander.
"It's a bit hard pero ok lang naman," sagot ko.
"Hintayin muna natin ang results," sabi ni Quin.
"Dwayne, nahirapan ka ba sa contest kanina?" Tanong ko kay Dwayne.
"Not really, tungkol saan yung nabuo mong poem?" Tanong ni Dwayne.
"It's about friendship. Ikaw naman, ano ang nabuo mong poem?"
"Basahin mo na lang mamaya," sabi ni Dwayne at ngumiti siya.
Kakaiba ang ngiti niya. Lalo tuloy akong nacurious kung tungkol saan ang sinulat niyang poem.
"Kiel you know what? Wala pang tumatalo kay Dwayne sa block poetry. He is undefeated," sabi ni Quin.
"Pero ok lang naman kung si Kiel ang manalo this time. Friend naman kasi natin siya," sabi ni Dwayne.
Ngumiti na lang ako. Ramdam ko na mabait naman talaga siya kahit cold siya sa akin.
"Guys omg! May result na sa block poetry! We should go to announcement board."
Napatingin kami sa classmate namin at nagsitakbuhan na sila papunta sa announcement board.
"We should go," nakangiting sabi ni Dwayne.
Naglakad na kami papunta sa announcement board. Excited na akong makita ang results.
Nagkukumpulan ang mga students sa harap ng announcement board at...
"Excuse us... We want to see the results," sabi ni Quin.
Tumabi naman ang mga students.
Lumapit kami at nakita na namin ang result ng block poetry.
First Place: Dwayne Jansen Roca
Second Place: Prince Kiel Forcadela
Third Place: Owen John Reyes
"Gosh Dwayne! Panalo ka na naman!" Masayang sabi ni Quin.
Ngumiti si Dwayne at tumingin siya sa akin. Parang gusto ko ang ngiti niya.
"Congrats Kiel... Second place ka," nakangiti niyang sabi.
"Congrats din Dwayne," sabi ko.
"Alam mo magaling kasi yung nagturo sa akin dati na gumawa ng poem," nakangiting sabi ni Dwayne.
"Talaga? Who is that person?"
"Secret... Para sa kanya yung nabuo kong poem eh," sabi ni Dwayne.
"Guys look! Nakasulat dito ang poems na sinulat niyo," sabi ni Yani.
Napatingin kami sa screen at lumabas ang sinulat kong poem.
Nagpalakpakan ang mga tao nung nabasa nila ang poem ko. Pati si Dwayne ay pumalakpak din.
"Maganda pala yung sinulat mo Kiel," sabi ni Dwayne.
Ngayon niya lang ako pinuri. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa na lang ako bigla.
"Salamat," nahihiya kong sabi.
"Oo nga! Ang ganda ng sinulat mo," sabi naman nila Lander.
"Thanks sa support guys," masaya kong sabi.
"Hey look! Yung gawa naman ni Dwayne ang lumalabas sa screen," sabi ni Yani.
Tumitig na lang ako sa screen para basahin ang nabuong poem ni Dwayne.
...........
Perfect Illusion
By: Dwayne Jansen Roca
By just looking in your eyes,
It will give me scars.
I used to believe in all your lies,
You are just a disguise.
Because of you, I've lost my hope,
I've been damaged, how should I cope?
All I can see is dark clouds above,
You destroyed my faith in love.
I'm still here, I'm black and blue,
You never know what I've been through.
You never saw my virtue,
You took away my hue.
You are my one and only,
The one that I love truly.
But there is no point in staying,
I'm done with so much crying.
You never used to love me,
But you locked my heart and you have the key,
Even it is breaking me,
I set you free.
You never saw me crying,
Every second, my heart is melting.
In front of you I am smiling,
But inside, I am dying.
Our love can't have an exact definition,
Setting apart is the only solution.
When it came into a partition,
I realized, it was only a perfect illusion.
............
Nagpalakpakan ang lahat pati na rin ako. Napakaganda ng sinulat ni Dwayne na poem.
"Dwayne grabe naman yung sinulat mo. Ang sakit ah," sabi ni Quin.
"Dwayne ang galing mo pala magsulat. Saan ka naman humugot ng emotions diyan?" Tanong ko.
"Sayo," mahina niyang sabi.
"Huh? Ano Dwayne? Kanino?" Tanong ko ulit.
"Sabi ko secret," seryoso niyang sabi.
"Hindi mo pa rin nakakalimutan yung dati Dwayne?" Biglang tanong ni Lander.
"Hmmm... Nakalimutan ko naman pero may nagpa-alala ulit," sabi ni Dwayne.
"Huh? Why?" Tanong ni Yani.
"Nevermind," tipid na sagot ni Dwayne.
"I think we need to celebrate! It's a double celebration! Dwayne and Kiel won in block poetry," sabi ni Quin.
"Uuwi rin ako mamaya at may work pa ako kay Sir Kiel," nakangiting sabi ni Dwayne.
"Ay wag ka muna magtrabaho ngayon. We need to celebrate," nakangiti kong sabi.
"Oo nga! I just thought of something. Why don't we celebrate in Dwayne's house?" Tanong ni Yani.
"What the! Are you for real?" Gulat na tanong ni Dwayne.
"Gosh! Oo nga! Hindi pa ako nakakapunta doon," sabi ni Quin.
"Ako rin!" Sabi naman ni Lander.
"Kayo ang bahala. Magpapaalam muna ako kay mama. Maliit lang ang house namin kumpara sa mga mansion niyo baka 'di kayo sanay," sabi ni Dwayne.
"Ayos naman sa house niyo. It's cute! Bumabagay sayo," sabi ko kay Dwayne.
Umiwas na naman ng tingin si Dwayne. Nakita ko na parang namumula na naman siya. Napangiti na lang din ako.
Sana maging close na rin kami ni Dwayne. Excited na rin akong mag-overnight sa bahay niya.