Chapter 16: Truth

2069 Words
Dwayne POV Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay pinupunasan ko pa rin ang mga luha ko. "Enough Dwayne! You should be strong," sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko subukang pumasok sa bahay at tumambad naman sa akin si mama. "Oh anak nandiyan ka na pala. Kamusta naman yung pagtuturo mo kay Kiel?" Nakangiting tanong ni mama. "Ok lang naman po," mahina kong sabi. Tinitigan lang ako ni mama. Alam ko na naninigurado na naman siya. Feeling ko may iniisip na naman siya. "Why do you look so gloomy?" Tanong ni mama. "I'm just tired. Magpapahinga na po muna ako sa kwarto," sabi ko. Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Kiel sa akin dati. Akala ko makakalimutan ko na pero hindi pa rin pala. Masyado yatang malalim ang sugat na binigay niya sa akin. Bakit ba kasi kailangang magkita pa kami? Feeling ko ay ginugulo niya lang ang isip ko. Mayroon na lang biglang pumasok sa isip ko. Pumunta ako sa tapat ng cabinet at kinuha ko ang box na tinatago ko sa loob. Binuksan ko ang box na hawak ko at kinuha ko ang necklace sa loob. Habang hawak ko ang necklace ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga alaala noon. ............ "Hi Prince DJ! I'm Kiel, one of your avid readers. I really love your stories. I hope that we can be friends." ............ Habang binabasa ko ang message sa akin ay napangiti na lang ako. May nakaka-appreciate ng sinusulat ko. I visited his profile. Putek! Ang pogi pala nung taong ito. Ang gwapo nung nagmessage sa akin. I should reply to his message. .......... "Thanks for your support. It's my pleasure to be your friend." .......... Pagkatapos kong isend 'yun ay naalala ko bigla na may kapangalan pala siya. Kapangalan niya si Prince yung kababata ko. Hinintay ko ang reply niya at... .......... "I'm Prince Kiel Forcadela. What's your real name Prince DJ?" ......... Hindi ko alam pero bigla ko na lang nabitawan ang phone ko. Parang bigla na lang tumindig ang mga balahibo ko. Is it a coincidence? Siya si Prince! Siya yung kababata ko na magaling magsulat ng poems! Siya yung classmate ko dati na nagbigay sa akin ng necklace na Hakuna Matata. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. What if hindi pala siya? What if poser lang? Naguguluhan ako! Starting that day nagsimula na kaming magchat palagi ni Kiel. I'm calling him Prince. Mas gusto kong tawagin siyang Prince sa chat. He is calling me Author. Habang kinikilala ko si Prince sa chat ay hindi nga ako nagkamali. Tama ang mga information na binibigay niya. Siya nga ang kababata kong si Prince. Siya ang tao na matagal ko nang hinahanap. I can't help myself falling in love again with him. I know that it sounds stupid pero minamahal ko si Prince kahit magkachat lang kami at kahit hindi pa kami nagkikita. Hindi ko inaasahan na makikilala ko pa ulit si Prince. Sobrang saya ko na nakilala ko na siya ulit. Lagi kaming magkachat ni Prince. Sobrang saya ko! Alam niyo ba yung feeling na lagi mong inaabangan yung chat niya? Feeling ko nababaliw na ako sa sobrang saya. ............ "Prince I should tell you something." .......... Pagkatapos kong isend 'yun ay kinakabahan ako. Gusto ko nang sabihin ang lahat. I wanted to confess my feelings for him. ........... "What is that Author?" .......... "I know that it sounds stupid but I love you Prince." ......... "Really? I'm so happy to know that. I want to know you more. Do you want me to be your boyfriend?" ......... Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lilipad na ako. Sobrang kinikilig ako! Parang gusto ko tuloy tumalon sa bintana. I accepted him as my boyfriend in chat. Simula noon ay naging masaya ako. Sobrang sweet naming dalawa sa chat at lalo akong nahuhulog kay Prince. Hindi alam ni Prince kung ano ang hitsura ko kasi wala naman akong picture sa profile ko. Hindi rin naman siya nanghingi ng picture ko. Binigay ko ang phone number ko kay Prince at lagi kaming nagtatawagan sa phone. "Hi bebeko! Kamusta araw mo?" Tanong ko kay Prince. "Masaya naman bebeko," sweet na sabi niya sa kabilang linya. "Bebeko 1 month na tayo. Happy Monthsary," sabi ko. "Oo nga bebeko. Love na love kita," sabi niya. "Bebeko naisip ko lang... Bakit hindi tayo magkita? Gusto kitang makita at mayakap bebeko," sabi ko sa kanya. "Gusto rin kitang makita bebeko. Gusto kong ipakita sayo na love na love talaga kita," sabi ni Prince. Simula nung araw na 'yun ay nagplano na kami ni Prince bebeko na magkita sa park. Halfway lang kasi medyo malayo rin ang bahay niya. Sobrang excited ako habang nag-aayos. Excited na akong makita si Prince. I will confess to him. Sinuot ko ang necklace na Hakuna Matata para kapag nagkita kami ay malaman niya na ako ang kababata niya na si Janjan. Pumunta na ako sa park. Umupo ako kaagad sa bench kung saan kami magkikita ni Prince. Excited na excited na akong makita si bebeko. Siguro ang gwapo talaga ni Prince sa personal. Lumipas ang mga oras at parang matagal na yata akong naghihintay. Baka mamaya kung anong nangyari. Baka natraffic lang si bebeko. Nagtext na lang ako sa kanya... .......... "Bebeko bakit wala ka pa? Kanina pa ako nandito. Hihintayin kita bebeko. Excited na akong makita ka." ......... Pagkatapos kong isend 'yun ay wala akong natanggap na reply niya. Kinakabahan na ako baka mamaya kung anong nangyari kay Prince. Sinubukan kong tawagan si Prince pero ring lang ng ring. Hindi sumasagot si Prince sa tawag ko. Lalo na akong nag-aalala sa kanya. Dumidilim na rin yata ang langit at parang uulan na. Kailangan kong hintayin si Bebeko kahit anong mangyari! Nagstay lang ako sa bench na inuupuan ko kahit 5 oras na akong naghihintay sa kanya. Gusto ko siyang makita! Gusto kong mayakap si bebeko! Gusto kong ipagtapat kay Prince na ako si Janjan. Naramdaman ko na lang na medyo umaambon na pala. Wala pa rin si Prince. Malapit na rin malowbat ang phone ko kakatext at tawag sa kanya. Nagtry akong buksan ang profile niya baka mamaya kung anong meron. Nabigla ako nang bigla na lang lumabas ang 'You cannot interact with this user'. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ako makapagmessage sa kanya doon sa profile niya. Blinock niya ako? Bakit ako blinock ni bebeko eh mahal niya ako. Parang bumibigat ang loob ko habang umaambon. Naririnig ko na rin ang mga kulog at kidlat. Masama na yata ang panahon. Maghihintay pa ba ako? Darating pa ba si Prince ko? Bigla na lang nagring ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Prince nagmamadali akong sagutin 'yun. "Prince bebeko! Bakit wala ka pa? Limang oras na akong naghihintay sa'yo. Medyo umaambon na nga eh masama yata ang panahon. May emergency ka ba? Ok ka lang ba bebeko? Nag-aalala ako sayo," alalang-alala kong sabi. "Hmmm... Bebeko I'm sorry. Hindi na yata ako makakapunta diyan," mahina niyang sabi sa kabilang linya. Parang medyo bumigat ang loob ko. Kailangan kong maging positive. "Ano ba ang nangyari bebeko? Sige next time na lang tayo magkita. Ok ka lang ba?" Tanong ko. Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Parang natahimik na lang siya bigla. "Bebeko? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko na lang na parang humihikbi siya sa kabilang linya. "I'm sorry... Hindi ko maimagine na makipagrelasyon lang sa chat. Hindi ako sure kung mahal ba talaga kita," humihikbi niyang sabi. "Huh? Ano bang sinasabi mo bebeko? Mahal na mahal kaya kita! Diba mahal mo rin naman ako? Sabi mo sa akin mahal mo ako!" "Sorry naguguluhan ako... I don't really know you well. May tao pa akong hinahanap. Hindi ko alam kung mahal ba talaga kita. I don't know if you are true to your feelings. Sino ba naman ang tao na maiinlove lang sa chat at tawag?" Sabi niya. Bumibigat na ang pakiramdam ko. Namumuo ang luha sa mga mata ko. "But Prince... I am true to my feelings. Mahal na mahal kita," sabi ko at napatulo na ang mga luha ko. "I'm sorry bebeko. Sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko talaga alam kung mahal kita," sabi niya. "Bebeko please... Let me love you. Pinapangako ko sayo na mamahalin kita ng totoo. Please makipagkita ka sa akin para malaman mo kung gaano kita kamahal. Ibibigay ko ang lahat sa iyo. Lahat ng kaya ko ay ibibigay ko para maging masaya ka," sabi ko at napahagulgol na ako sa iyak. "Sorry... I don't love you." "Wag ka namang ganyan bebeko! Mahal na mahal kita eh. Hihintayin kita kahit na anong mangyari. Please puntahan mo ako dito. Gusto kitang makasama. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo para mahalin mo ako," umiiyak kong sabi. Hindi na naman siya sumagot. Natatakot ako sa mga sinasabi niya sa akin. Ayokong iwanan niya ulit ako. "Please bebeko! Parang awa mo na! Wag mo akong iiwan! Mahal na mahal kita Prince maniwala ka sa akin! Gagawin ko lahat ng gusto mo para lang mahalin mo rin ako! Parang awa mo na wag mo akong iiwan," humahagulgol kong sigaw. Basag na basag ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Natatakot ako sa kung ano ang pwede niyang gawin. "Sorry... I can't love you. Wag mo na akong hintayin." Bigla niyang binaba ang usapan namin. Halos mabaliw na ako. Nagmamadali akong icontact ang number niya pero wala na. Blinock na rin niya ang number ko. Para bang napupunit ang puso ko. Sobrang sakit, sobrang hapdi ng pakiramdam ko. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Bakit ganun siya? Bakit niya ako niloko? Bakit sinabi niya na mahal niya ako pero hindi naman pala? Ang sakit! Umasa ako na magkikita kami. Umasa ako na makikita ko ulit si Prince ko. Naniwala ako na mahal niya talaga ako. Tuloy-tuloy lang ang maiinit na mga luha sa mga mata ko kahit na basang-basa na ako dahil sa ulan. Naglakad na ako palayo sa park. Kailangan ko nang umuwi. Wala na akong aasahan pa. Hindi ako minahal ni Prince. Pinaglaruan niya lang ako. I'm a writer and I am hopeless romantic. Sobra akong naniwala na totoo ang love stories sa mga sinusulat kong kwento. They are all in happy ending but I am here, broken. Habang naglalakad ako ay hindi ko na maaninag ang daanan dahil sa mga luha ko. Narinig ko na lang bigla na may bumusina. Muntik na yata akong mabangga ng kotse. Bumaba naman ang tao doon sa loob at tumakbo palapit sa akin. "Oh God! Janjan? What's happened to you?" Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Si Lander pala ang kaharap ko. Kasama niya si Yani at Quin. Classmates ko silang tatlo. Hindi ako makapagsalita. Humihikbi lang ako dahil sa iyak. "Janjan basang-basa ka na. Bakit nagpapaulan ka? Baka magkasakit ka niyan," sabi ni Yani. "He left me," humahagulgol kong sabi. Kitang-kita ko sa mga mata nilang tatlo na naaawa sila sa akin. Hindi sila makapagsalita. "You've been so kind to us. Halika Janjan ihahatid ka na namin pauwi," nag-aalalang sabi ni Quin. "No... I wanted to go home alone," umiiyak kong sabi. "Baka magkasakit ka! Hindi pwedeng hayaan ka na lang namin na mag-isa! Ihahatid na kita!" Sabi ni Yani. "Sanay naman akong mag-isa. Iiwan niyo rin naman ako. Kaya ko ang sarili ko. Lahat naman ng tao iiwan lang ako," sabi ko. Kita ko ang awa sa mga mata ni Yani at ni Lander pati kay Quin. Naglakad na ako palayo sa kanila. Akala ko ay hindi na nila ako susundan pero naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Niyayakap nila akong tatlo. Basa na rin sila ng ulan. "Tinulungan mo kami nung kailangan ka namin. You're so kind. Starting now, friends mo na kami. Walang iwanan," sabi ni Quin. Hindi na lang ako makapagsalita. "Janjan maniwala ka na hindi ka namin iiwan. Magiging close friends tayong lahat. Wag ka nang umiyak ha?" Sabi ni Lander. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Janjan hindi ko alam na nagkakagusto ka pala sa lalake kasi sabi mo 'He left me'. Wag kang mag-alala t**i lang 'yun! Meron din naman ako kung gusto mo baka mas malaki pa. Hindi ka dapat umiiyak. Walang bayag yung nanloko sayo! Hindi siya worth it na iyakan mo," sabi ni Yani. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi ni Yani o matutuwa. "Janjan pagpasensyahan mo na si Yani medyo manyakis talaga 'yan pero maniwala ka na mabait 'yan. We are your family now Janjan," nakangiting sabi ni Quin. Tumango na lang ako sa kanila. "Don't ever call me Janjan again. Call me Dwayne, my first name," sabi ko. "Ok Dwayne!" Nakangiti nilang sabi. Starting that day nakilala ko pa silang lahat. Naging magkakaibigan kami. I feel so blessed with them. Naalala ko na naman ang lahat. Tinago ko na lang ang necklace na binigay sa akin ni Prince Kiel nung mga bata pa kami. He broke me. Hinding-hindi na ako magkakagusto sa kanya. Sinayang niya ang pagmamahal na gusto kong ibigay sa kanya. Pinaasa niya lang ako at sinaktan ng sobra. I really hate you Prince Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD