Kiel POV
Hindi pa rin pumapasok sa isip ko hanggang ngayon kung bakit umiyak si Dwayne. Is it my fault? I don't really have an idea. What have I done?
Yumuko na lang ako. I want to move closer to him. I want him to be my close friend. He has so many secrets. Hindi ko talaga makuha kung ano ba talaga ang ugali niya.
I know that he is kind. I know that he is pure but why is he so cold to me?
Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko kay Dwayne. Hindi naman ako manhid pero hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Bakit ba parang galit siya sa akin?
Gusto ko siyang maging totoong kaibigan. Alam ko na kahit medyo inaasar siya nila Yani, he still really care for them.
Gusto ko sana na magkaroon din siya ng pakealam sa akin. I don't want to be lonely. Wala na akong naging bestfriend simula nung malayo sa akin si Janjan.
"Prince marunong na ako magsulat ng poem," masayang sabi ni Janjan.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Sobrang close namin ni Janjan. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na lilipat na ako ng school.
Nasa loob kami ng library ni Janjan. Lagi kaming magkasama sa loob ng library. Last day na ngayon ng school at posible na hindi na kami magkita.
"Uy Prince... May problema ba?" Tanong niya sa akin.
"Hmmm... Mabuti naman marunong ka na magsulat ng poem. I'm so proud of you," malungkot kong sabi.
Parang naiiyak na ako. Hindi ko kayang magtago ng sikreto kay Janjan. Bestfriend ko siya at kahit bata pa ako ay alam kong love ko siya.
"Prince bakit malungkot ka? Anong problema?" Tanong ni Janjan.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. My eyes are blury. Ayokong makita niya na naiiyak ako.
Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin at sumandal siya sa balikat ko.
"Alam ko na meron kang hindi sinasabi."
Hindi na lang ako umiimik sa kanya. Baka kasi sumama lang ang loob niya sa akin. I promised that I will always be by his side no matter what.
Alam ko na masisira na ang promise ko sa kanya. Sana hindi siya magalit sa akin.
"Siguro aalis na lang ako. Ayaw mo yata akong kausap," sabi ni Janjan.
Napatingin ako sa kanya ay malungkot din siya.
"No! Please don't leave," sabi ko.
"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?" Seryoso niyang tanong.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. I can't tell him the reason.
Narinig ko na lang ang umusad na upuan at naramdaman kong aalis na siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Bitawan mo ako. Ayaw mo naman akong pansinin," sabi niya.
Alam ko na madaling magtampo at sumama ang loob ni Janjan. Takot ako palagi na magalit siya sa akin.
"Sorry Janjan. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo," naluluha kong sabi.
Napahinto siya at tinitigan niya ako. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ng bestfriend ko.
Pinunasan na lang niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya. Alam kong nag-aalala na siya sa akin.
"Prince... Please tell me. Iintindihin ko naman kung ano ang sasabihin mo," sabi ni Janjan.
"Sigurado ka Janjan? Baka kasi magalit ka sa akin," umiiyak kong sabi.
"Sabihin mo na lang. 'Wag ka naman umiyak. Naiiyak na rin ako," sabi niya sa akin.
"Kasi..." Sabi ko habang humihikbi.
Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay niya ang sasabihin ko.
"Lilipat na ako ng school. Sa malayo na ako magiging grade 4," mahina kong sabi at yumuko ako.
Alam ko na madidismaya siya. Hindi ko siya kayang tingnan. Feeling ko ay malaking kasalanan 'yun sa kanya.
Sandaling natahimik ang paligid at...
"Prince... Magkikita pa naman tayo diba?"
Napatingin ako sa kanya at naluluha rin ang mga mata ni Janjan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Hindi ko alam Janjan. Sa malayo na ako pag-aaralin ni papa," humihikbi kong sabi.
Naramdaman ko na lang na niyakap ako bigla ni Janjan. Ang init ng yakap niya sa akin.
"Ok lang Prince basta 'wag mo akong kakalimutan ha?"
Nagulat ako... Hindi ko expected na ganun ang magiging sagot niya sa akin. Akala ko ay magagalit siya.
"Oo Janjan! Promise ko sayo, hahanapin kita kapag malaki na ako," sabi ko.
"Talaga Prince? Gagawin mo 'yun para sa akin?" Umiiyak niyang tanong.
Tumango na lang ako. Hahanapin ko ulit siya kapag malaki na ako.
"Hihintayin kita... Sana 'wag mo akong kalimutan," sabi niya.
"Oo promise ko sayo 'yan. Hindi kita kakalimutan," sabi ko.
"Salamat Prince," sabi niya.
Naalala ko... Dapat may ibigay ako sa kanya para hindi niya ako makalimutan.
"Wait lang may ibibigay ako sayo," sabi ko.
Hinubad ko ang suot kong necklace.
"Sayo na lang ito Janjan. Ingatan mo para madali kitang mahanap sa future natin," nakangiti kong sabi.
Tinanggap niya ang necklace ko at tinititigan niya ito.
"Ang ganda naman Prince. Bakit ganito ang design niya? Bakit parang spiral pero maganda?" Tanong niya.
"Hakuna Matata 'yan. It is an African symbol," sabi ko.
"Hakuna Matata? Anong meaning naman nun?"
"It means no worries for the rest of our days," nakangiti kong sabi.
"Thank you Prince. Iingatan ko 'to ng sobra."
Ngumiti siya sa akin at nilagay niya sa bulsa niya ang binigay kong Hakuna Matata na necklace.
"Uy bakit tinatago mo? Isusuot ko sa leeg mo," sabi ko.
"Ayoko baka masira o di kaya mawala ko eh. Itatago ko na lang sa kwarto ko para safe siya," nakangiting sabi ni Janjan.
Napakabait ni Janjan sa akin. Siya ang kaisa-isang tao na gusto ko. Dapat sabihin ko na sa kanya na gusto ko siya bago kami magkalayo.
"Janjan... May sasabihin sana ako sayo," nahihiya kong sabi.
"Huh? Ano 'yun?" Nagtataka niyang tanong.
"Gusto ko sanang malaman mo na maha..."
"Prince let's go home."
Napalingon na lang kami ni Janjan at nandito na pala ang papa ko. Susunduin na niya ako pauwi sa bahay.
"Wait lang po... Magpapaalam lang po ako sa friend ko," sabi ko kay papa.
"Hurry anak... We need to go home."
"Paano Janjan? Aalis na ako. Sana lagi mong tandaan ang pinag-usapan nating dalawa," sabi ko.
"Pero ano muna yung sasabihin mo?" Tanong niya.
Napatingin ako kay papa. Nahihiya ako at baka magalit sa akin si papa. Natatakot ako dahil bata pa lang ako.
Baka magalit si papa na nagkakagusto ako sa kaibigan kong lalake.
"Siguro sasabihin ko na lang sayo kapag nagkita tayo ulit," sabi ko.
"Sige bye," sabi niya.
Naglakad na kami palayo ni papa. Lumingon muna ako kay Janjan habang naglalakad palayo at nakita kong tumutulo ang mga luha niya.
Naiiyak na rin ako. May business kasi si papa sa ibang lugar kaya kailangan na talaga naming lumipat ng bahay.
Simula nung araw na 'yun ay hindi ko na ulit nakita ang bestfriend ko. Naiiyak ako minsan lalo na nung lumipat ako ng school.
Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Sobrang tagal na pala. Nasaan na kaya si Janjan ngayon? Sure ako na cute pa rin siya kagaya ng dati.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap si Janjan. I was in grade 3 when I last met him.
Pumunta ako sa dati kong school. Hindi naman sila nagbibigay ng information about Janjan and I don't even know his surname. Nakalimutan ko na ang surname ni Janjan.
"Sir kakain na raw po kayo sabi ng daddy niyo," sabi ng maid.
Bumaba na ako sa dining area ng house namin. I don't really get it. Inalok ko si Dwayne na kumain na sa amin dati pero ayaw niya.
Ewan ko kung ano ba talaga ang meron sa akin na ayaw ni Dwayne. Bakit ba talaga siya umiyak kanina? Baka mamaya natense lang siya sobra dahil sa nagawa ko?
Siguro hindi lang yata siya sanay na malapit ang mukha ng ibang tao sa kanya? Pero hindi eh... Bakit si Yani at Lander kapag nakikipag-usap naman kay Dwayne eh halos halikan na nila?
"Anak mukhang malalim ang iniisip mo ngayon ah," sabi ni dad.
"Ay hindi naman po," sabi ko na lang.
"How's your school?"
"Nakapag-adjust na po ako. Actually magaling po magturo ang P.A. ko," nakangiti kong sabi.
"Oh really? That is so good to hear. Actually friend ko talaga ang mommy niya," sabi ni dad.
"Huh? Si tita Josie po ba?" Tanong ko.
"Yeah... Nakilala ko ang mommy nung P.A. mo and I found out that her son is smart and they are lack of financial thingy so I decided to help them. Mabuti naman at maganda ang performance ng assistant mo."
"Paano niyo naman po nakilala ang mommy ni Dwayne?" Tanong ko.
"We're friends even before your mom is dead. Friend na siya namin ng mommy mo noon. Ngayon ko na lang ulit nakita si Josie. Matutuwa ang mommy mo," sabi ni daddy.
"Ganun po ba? So bale matagal niyo na palang kilala si tita Josie? Paano naman po kayo naging friends dati?" Tanong ko pa.
"Enough na anak hahahhah. Masyado ka nang maraming tanong," sabi ni dad.
Tumahimik na lang ako. Ayaw kasi ni papa na maraming tanong. Bakit kaya magkakilala sila ni tita Josie na mommy ni Dwayne?
Lalo akong nagtataka. May connection ba kami ni Dwayne dati? Naguguluhan na ako.