Chapter 14: Closer

1732 Words
Dwayne POV "Hey... Do you like me?" Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Kiel na sinasabi ang mga katagang iyan. Nababaliw na talaga si Kiel! He's so crazy! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya diba? I have a million reasons why I shouldn't like him. Nag-iinit ang tenga ko sa sinabi niya sa akin. Naglalakad na ako ngayon papunta sa mansion nila Kiel. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang sinabi niya. Bwisit talaga yung taong 'yun! Nang papasukin na ako ng maid nila ay dumeretso na kaagad ako sa kwarto ni Kiel para pagsilbihan ang mahal na prinsipe. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ko gagawin ang bagay na ito. Kumatok na lang ako ng tatlong beses sa pinto niya... "Hi sir! It's me Dwayne," sabi ko. Binuksan naman niya kaagad ang pinto at tumambad sa akin ang hitsura niya. Napalunok na lang ako. Topless siya at boxer shorts lang ang suot niya. Yung abs niya parang kay Jak Roberto. Hindi ko alam kung bakit parang tumindig ang mga balahibo ko sa katawan lalo na sa batok. Napansin niya yata na nakatitig lang ako sa kanya at hindi ako mapakali. "Hey... I know I'm hot. Get inside," natatawa niyang sabi. Binigyan ko na lang siya ng matalim na tingin. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong maisagot sa kanya. Pumasok ako sa room niya at kaming dalawa lang ang nasa loob. "Teacher turuan niyo na po ako ng lahat ng dapat kong malaman," sabi niya na nagpapacute at parang grade 1. "Stop acting like that," seryoso kong sabi. Umupo na kami sa sofa sa loob ng kwarto niya at kinuha ko ang mga notebooks niya. Hindi pa pala niya sinasagutan ang assignments namin. "Ok... Nakinig ka naman siguro sa lesson kanina sa school. Madali lang naman ang de minimis benefits. May kopya ka ba nung chart?" Tanong ko habang nakatitig sa notebook. Walang sumasagot at tahimik lang si Kiel kaya nagtataka ako. "Uy tinatanong kasi kita kung..." Pagkatingin ko sa kanya ay napakalapit pala ng mukha niya sa akin at one inch lang yata ang pagitan ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok na lang ako. Ang gwapo talaga niya kainis. Shet! Panget pala siya! "Tina-tinatanong kita," utal kong sabi. Hindi na naman siya sumasagot at nakatitig lang siya sa akin. Mapungay ang mga mata ni Kiel. Alam kong namumula na ako sa ginagawa niya. "Stop looking at me like that!" Inis kong sabi. "Why? You're so cute. Feeling ko ay mas matututo ako if I will look at you," seductive niyang sabi. Whoah... It feels so hot in here. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Hmmm... Sir please makinig ka na lang po sa tinuturo ko," polite kong sabi. Parang nagulat siya at nag-iba ang titig niya sa akin. "First time kitang nakita na hindi masungit at seryoso. You're so cute when you're polite," seryoso niyang sabi. "Magiging mabait na po ako basta makikinig ka na sa ituturo ko Sir Kiel," nakangiti kong sabi. Ito na yata talaga ang pinakaplastic na ngiti sa buong universe. Ngumiti naman si Kiel sa akin at... "I will listen to you now. Kaya mo rin naman pala na maging mabait sa akin," masaya niyang sabi. "Siyempre boss kita eh," sabi ko pa. Sige lang Kiel. Mabait ako sayo kapag time na PA mo ako. Tingnan natin bukas sa school. Hindi talaga kita papansinin. Nag-umpisa ko nang turuan si Kiel at medyo naiilang ako sa kanya. Ang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Namumula na yata ang buo kong mukha dahil sa abs niya. Ay hindi pala! Namumula na ako kasi naiinis ako! Malaswa tingan! Makasalanan sa mga mata ko! Immoral! "Hmmm... Sir Kiel baka naman po pwedeng magdamit muna kayo?" Magalang kong tanong. "Huh? Why? Are you not feeling comfortable?" "Hmmm... Hindi naman po sa ganun hehehe," naiilang kong sabi. "Then what? Hot naman ako diba?" Seductive niyang tanong. "Hmmm... Yes sir," alanganin kong sagot sa kanya. "So ok lang naman siguro if we are going to study naked?" "What the f! Naked?!" Gulat kong sabi. Tumawa na lang siya ng malakas habang nakatitig sa akin. "Hahahah I'm just kidding," tumatawa niyang sabi. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at pinipigil ko ang galit ko. Humanda ka talaga sa akin Kiel. "Humanda ka sa akin sa school," inis kong sabi. "Huh cutie? May sinasabi ka?" "Nothing sir... And please don't call me cutie," nakangiti kong sabi. "Why? I will call you cutie because you're so cute. Do you have a problem with that?" "Nothing sir..." "Dwayne, para kang rosary," sabi niya. "Huh? Why sir?" "Kasi... You're full of mysteries eh." Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Bumabanat pa talaga ang panget na ito. Sige lang Kiel humanda ka talaga sa akin sa school. "Siguro po sir ituloy na lang po natin ang pag-aaral para naman hindi sayang yung binabayad niyo," sabi ko. Tumitig siya sa akin at nagpout pa ang lips niya. Nagpapacute ba ito? Ang sarap niyang halikan este sikmuraan! Bakit ko naman siya hahalikan diba? Hahahahah baliw na yata ako. "Sir mag-aral na po ulit tayo." Binuklat ko pa ang mga notebooks niya at tapos na yata kami. Mukhang wala naman na akong dapat ituro sa kanya. "I think we're over, next time mo na ulit ako turuan," sabi niya. "Ok sir..." Walang gana kong sabi. "Hmmm... Dwayne I want to ask you something." "Ano naman po 'yun?" "Leni told me na nanalo ka raw sa block poetry last year. Magaling ka pala magsulat ng poems?" Tanong niya. "Hmmm... Hindi naman po magaling. Marunong lang po ako," sabi ko. "Pwede bang turuan mo ako?" Tanong pa niya. "Huh? Bakit naman po?" "Wala naman, gusto ko lang," sabi niya. "Always use your heart in writing," sabi ko na lang. Napahinto siya at parang nag-iba ang titig niya sa akin. Parang may nangyari sa kanya na hindi ko maintindihan. "Sir bakit po?" Tanong ko. "Hmm... May nagsabi ba sayo noon na always use your heart in writing?" Tanong niya. Nag-isip ako... Siguro nga meron pero parang nakalimutan ko na rin. "Yung mama ko po," sabi ko. Parang nakita ko sa mga mata niya na disappointed siya. Umiwas siya ng tingin sa akin at parang nalungkot na lang siya bigla. "Sir bakit po?" "Hmm... Nothing," seryoso niyang sabi. Bakit ganun? Parang disappointed siya sa sinabi ko sa kanya. Ano kaya ang iniisip ng mokong na ito? "Sir kayo lang po ba ang nag-iisang anak dito? Para po kasing mga maids lang ang nandito," sabi ko. "Yeah... I'm the only heir and child," walang gana niyang sagot. "Kaya nga gusto ko na nandito ka para hindi ako malungkot," dagdag pa niya. "So clown pala ang tingin niyo sa akin?" "No... I just don't feel lonely when you're here," seryoso niyang sabi. Parang nag-init na lang bigla ang buo kong mukha. Hindi ko na naman alam kung ano ang dahilan. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya para hindi niya makitang namumula na ang mukha ko. "Para ka kasing si Janjan," mahina niyang sabi. "Huh? Ano pong sabi niyo sir?" Nagtataka kong tanong. "Hmmm... Wala naman. I said that I'm enjoying your company." "Well thanks for that sir," sabi ko. Buti ka pa nag-eenjoy na kasama ako. Ang totoo ay hindi ako nag-eenjoy dito na kasama ang katulad mo. Hindi nga ba? Wait! Ano ba ang mga pumapasok sa isip ko? Malamang hindi ako nag-eenjoy na kasama ko siya! "Dwayne I have to ask you something." "What is it sir?" Tanong ko. "Nagkaroon ka na ba ng boyfriend or girlfriend before?" Napalunok na lang ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa tanong niya. "Hey I'm asking you." "Hmm... Actually I don't know sir. PINAGLARUAN at INIWAN lang kasi ako nung taong mahal ko noon," sagot ko sa kanya. Talagang diniinan ko ang dalawang salita para naman may feelings. "Ikaw? Pinaglaruan at iniwan? Sino naman ang gagawa ng ganun sa iyo?" "Ikaw," mahina kong sabi. "Huh? Sino?" Tanong pa niya. "Sabi ko po past is past. Alam ko na nakalimutan na ako nung taong 'yun." "Wala ka bang nagugustuhan ngayon sa school?" Tanong pa niya. Nag-isip na naman ulit ako. Sino ba ang pwede kong maging crush sa school? Si Kiel... Ay putek! Wala! Wala akong nagugustuhan! "Wala po sir at ayoko na po ng mga love na 'yan," sabi ko. "Ay bakit naman?" "Kasi sir hindi lahat ng may RELATIONSHIP ay masaya. Yung iba relationTRIP lang ang gusto," sabi ko. "Baka you met a wrong person. Why don't you open your heart again for someone? Ang love kasi parang magic. Bigla mo na lang makikita," nakangiting sabi niya. "Yeah parang magic nga. Hindi mo maiwasang maniwala kahit alam mong may daya," sabi ko naman. "Hahahah ikaw talaga. Your so cute! Crush na crush ka nga ni Leni eh," sabi ni sir. "Should I care? Marami akong iniintindi sa buhay sir kaya wag niyo na pong pasukin pa ang lovelife ko," inis kong sabi sa kanya. "Anong gusto mo, ikaw ang pasukan ko ganun?" "Ano pong ibig niyong sabihin?" Inis kong tanong. "Ay wala hahahah never mind," tumatawa niyang sabi. "Anong nakakatawa?" Inis kong tanong. "Hahahah wala naman. Pero nagagwapuhan ka ba sa akin?" Tanong niya. "Definitely not," deretsahan kong sagot. Napahinto siya sa pagtawa at tinitigan niya ako ng masama. "So you mean hindi mo ako type?" Seryoso niyang tanong. "Why should I?" Sabi ko at tinaasan ko pa siya ng kilay. "Ngayon lang ako nakakita ng tao na hindi nagagwapuhan sa akin," sabi pa niya. "Don't expect that all living organisms are the same. I'm not like everyone that you know," sabi ko. Tumalim ang tingin niya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya nagulat ako. "Hmm... Sir don't look at me like that," kabado kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatungan niya ako sa sofa nagkatitigan ang mga mata naming dalawa. "Aminin mo muna na crush mo ako. Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagbablush mo?" Seryoso niyang sabi. "Sir please... Spare me," sabi ko. "No! Aminin mo na please. You like me right?" Seryoso niyang tanong. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Parang bang bigla na lang nagflash sa utak ko ang nangyari nung nakaraan. "Sorry... I can't love you. Wag mo na akong hintayin." Nang pumasok sa isip ko ang mga katagang iyon ay naramdaman ko na lang bigla ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay masakit pa rin pala. "Dwayne why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Kiel. "Please let me go," sabi ko. Pinakawalan naman niya ako at nagpunas na lang ako ng nga luha ko. I should make myself stronger. "May nagawa ba akong mali? Nasaktan ba kita Dwayne? I'm so sorry," nag-aalala niyang sabi. "No... I just want to go home," sabi ko. Inayos ko na ang mga gamit ko. Halatang nag-aalala si Kiel. Nagmamadali na akong lumabas sa mansion nila. Hanggang ngayon hindi ko alam na masasaktan pa rin pala ako. Matagal na 'yun pero pumasok na naman sa isip ko ang nangyari. Hindi na ako mahuhulog ulit sa iyo Kiel. Hinding-hindi na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD