Kiel POV
Nasa school ako ngayon at katatapos lang ng klase. Tumatambay muna ako dito sa library. Mahilig akong magbasa ng mga poems.
Habang namimili ako ng libro na babasahin ko ay bigla na lang may pumasok na alaala sa utak ko.
"Prince anong sinusulat mo?" Tanong sa akin ni Janjan.
"Nagsusulat lang ako ng poem Janjan," sagot ko.
"Ang galing naman! Pwede ko bang basahin?" Tanong niya.
"Sure! Ikaw ang bestfriend ko eh," sabi ko na lang.
Kinuha ni Janjan ang notebook ko at binabasa niya ang poem na sinulat ko. Habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti.
Si Janjan ang una kong kaibigan. Siya ang bestfriend ko. Siya ang taong pinagkakatiwalaan ko.
"Prince magaling ka pala magsulat ng poem. Pwede mo ba akong turuan?" Tanong ni Janjan.
"Sure Janjan! Bestfriend kita eh," nakangiti kong sabi.
Lumapit sa akin si Janjan at nakatingin lang siya sa notebook ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kapag nakikita ko siya at kapag magkasama kaming dalawa.
Janjan is my first friend and my first crush. He is so important to me. Alam ko na crush ko siya kahit bata pa kami pareho.
"Basta dapat laging may rhyme ang last words para maganda ang poem," nakangiti kong sabi.
"Sana matuto rin akong magsulat ng poem para parehas na tayo," sabi ni Janjan.
"Kaya mo 'yan. Always use your heart in writing," sabi ko kay Janjan.
Ngumiti lang siya sa akin at...
"Oo Prince tatandaan ko 'yan. I will always use my heart in writing."
"Kiel bakit nakatulala ka? What are you thinking?"
Napaayos na lang ako bigla sa sarili ko. Si Leni pala ang kaharap ko sa table dito sa library.
"Sorry I just remembered some sort of sweet memories," nakangiti kong sabi.
Ngumiti naman bigla si Leni na parang may ibig sabihin.
"Is it about love?" Tanong niya.
"Hmmm... Yeah I think so," sagot ko naman.
"Ang swerte naman pala ng taong mahal mo," sabi niya.
"Oo sana... Sana magkita pa kami."
"Huh? Why? Is there something complicated?"
"Not really... Let's change topic," sabi ko na lang.
"Bakit nga pala mag-isa ka dito sa library? Where are your friends?" Tanong niya.
"Nauna na silang umuwi. I just want to read some poems so I'm here."
"Mahilig ka pala sa poems?" Gulat niyang tanong.
"Yeah... I love poems," nakangiti kong sabi.
"Well si Dwayne last year nanalo siya sa block poetry ng school."
"Huh? Nagsusulat ng poems si Dwayne?" Gulat kong tanong.
"Yes and napansin mo ba yung notebook na lagi niyang dala? I think doon siya nagsusulat ng poems."
Napatahimik na lang ako. Magaling din pala magsulat ng poem si Dwayne. We are the same. Napangiti na lang ako.
"Hmmm... Pwede mo ba akong ilapit kay Dwayne? I want him to be my friend," nakangiting sabi ni Leni.
I just think of something. Ayaw ni Lander and Yani na palapitin si Dwayne sa iba. Ayaw nila na magkaroon ng ibang friends si Dwayne aside from us.
I think they have so many secrets. Marami pa rin silang tinatago sa isa't-isa kahit magkakaibigan kami.
"It's ok for me but I'm not sure about Lander and Yani," sabi ko.
Napaiwas na lang ng tingin si Leni at parang nalungkot siya bigla.
"I heard that you have a crush on Dwayne right?" Tanong ko.
Yumuko lang si Leni at tumango lang siya sa akin.
"He's so kind and caring. Gusto ko sana na maging friend din siya pero ayaw naman nila Yani." Malungkot niyang sabi.
"Why do you like him?" Deretsahan kong tanong.
Napatitig siya bigla sa akin. Ngumiti lang siya na parang inaalala ang nakaraan niya.
"Noon kasi hindi pa niya friend sila Yani and nakakalapit naman ako kay Dwayne. Hinahangaan ko si Dwayne because of his kindness and he is really hardworking. Mapagmahal siyang anak. I like his attitude and bonus pa yung cuteness niya," kinikilig na sabi ni Leni.
"So what happened next?" Tanong ko.
"I don't really know Kiel. Something just happened and then boom! Close na kaagad sila Dwayne, Quin, Yani and Lander. Their group is the most feared group in this school. Sobrang protective nila kay Dwayne at ayaw nilang makipagkaibigan si Dwayne sa iba. I don't know the story behind it," seryoso niyang sabi.
"Talaga? I don't know about that. Siguro dapat tanungin ko sila," sabi ko.
"You know what Kiel? You're lucky! Ngayon lang may napasali sa group nila," sabi ni Leni.
"Huh? Why?"
"Have you ever heard about the rumors? I don't know if it is true," sabi niya.
"Huh? What rumors?" Nagtataka kong tanong.
"I don't know if it is true pero sasabihin ko sayo," seryosong sabi ni Leni.
Lumapit siya sa akin at parang seryoso talaga ang sasabihin niya.
"Yani is known as a s*x god before. Marami siyang babae dati. Marami raw siyang girlfriends pero nagbago siya nung naging kaibigan nila si Dwayne and si Dwayne ngayon ang parang trip niya."
Totoo kaya? What did just happened? Nakinig na lang ako sa kanya.
"Second is Quin... She is known for her dense behavior but she's more fearless than all of them. Bestfriend siya ni Dwayne. Very talented si Quin and she don't like talking to other students kung wala siyang kailangan na importante," sabi ni Leni.
"I think you're right about Quin," sabi ko na lang.
Medyo mailap kasi sa ibang tao si Quin. Feeling ko ay ayaw niya na inaapakan siya ng ibang tao na hindi niya close kaya superior siya.
"Next is Lander... He is known for his charm and sweetness. He's a top student and marami siyang connections. He is the president of SSG," sabi ni Leni.
"Yeah I know. He's my cousin," nakangiti kong sabi.
"And save the best for last. Dwayne is friendly and kind. Kilala rin siya sa mood swings niya. He is known for being so mysterious. Parang marami siyang tinatago. Sa kanilang apat ay siya ang approachable but kapag kasama niya sila Yani, walang pwedeng lumapit," sabi niya.
"Napapansin ko rin 'yan. I don't know why they are protecting Dwayne so much. Hindi pa naman kami medyo close ni Dwayne," sabi ko.
"So 'yun lang naman ang alam ko. By the way medyo late na ako sa bahay. Ikamusta mo na lang ako kay Dwayne. I should go home," sabi ni Leni.
"Ok bye," sabi ko na lang.
Marami palang alam si Leni tungkol sa mga kaibigan ko. I think swerte rin talaga ako na mapabilang sa group nila.
Umalis na si Leni at natahimik na lang ako dito sa loob ng library.
Kinuha ko na lang ang book at tumayo na ako para ibalik ang book na hawak ko sa section nito sa bookshelf.
Pagkatapos kong magbalik ng book at mag-logout sa library ay binuksan ko na ang pinto para lumabas.
Bigla akong nagulat nang makita ko kung sino ang naka-abang sa labas ng pinto sa library.
"Hi sir... Medyo matagal po kayo sa loob," sabi ni Dwayne.
"Huh? Why are you calling me sir?"
"Did you forgot? You said that I'm your PA after classes," seryoso niyang sabi.
Napangiti na lang ako...
"Oh sorry... Bakit nga pala 'di ka pumasok sa loob para samahan ako?" Tanong ko.
"Why should I? Mukhang seryoso ang usapan niyo ni Leni. Ayoko namang mag-interrupt," sabi niya na parang medyo may halong inis.
"May kwinento lang naman siya sa akin," sabi ko.
"Oh I see... Ang sweet niyo nga eh," sabi niya at halata kong naiinis siya.
Tinitigan ko na lang siya. What is it? Bakit naiinis siya? Is he jealous? Napangiti na lang ako.
"Bakit yata parang naiinis ka? Do you like Leni?" Tanong ko.
"Huh? Of course not!" Inis niyang sagot.
"Hmmm... Then why do you act like that?" Tanong ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay...
"Act what?" Tanong niya.
"You act like you're jealous," nakangiti kong sabi.
Nanlaki ang mga mata ni Dwayne. Napaiwas siya ng tingin sa akin at parang namumula siya.
Bigla na lang siyang natahimik at hindi na siya kumikibo.
Napapangiti na lang ako. He looks so cute. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga braso niya at bigla naman siyang nanginig.
"Hey... Do you like me?" Seductive kong tanong.
Bigla siyang napatitig sa akin ng masama. Parang nagflash bigla ang glasses niya. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa mga braso niya.
"You're crazy!" Galit niyang sigaw.
Nagpipigil na lang ako ng tawa ko. Ang cute pala talaga ni Dwayne kapag naiinis. He's so cute!
"Ok sorry Dwayne... Siguro maglakad na tayo palabas ng school," sabi ko na lang.
Umiwas siya ng tingin sa akin at nagpout na lang siya ng lips niya.
Naglakad na kami sa corridor at sandaling natahimik kaming dalawa. Wala nang masyadong tao dahil kanina pa ang uwian.
"Hmmm... Dwayne I have to ask something," sabi ko.
"What is it sir?"
"I'm just too curious. Bakit parang over protective sayo si Lander and Yani?" Tanong ko.
Huminga siya ng malalim at...
"Ask them if you want," walang gana niyang sagot.
Lalo akong nacurious sa sinabi ni Dwayne. Parang may tinatago talaga sila sa akin. Marami pa akong hindi alam sa kanila.
"Hmmm... Dwayne umuwi ka muna siguro sa bahay niyo para magpahinga. Sumunod ka na lang sa house ko kapag ok na," sabi ko.
"Talaga sir? Sige po uuwi na ako bye," sabi ni Dwayne at bigla na siyang naglakad ng mabilis.
Kahit kelan talaga feeling ko ang cold sa akin ni Dwayne. Hindi ko siya maintindihan. Lalo akong nagiging interesado sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dahilan pero napangiti na lang ako bigla ng wala sa oras.