"Anak mukhang malalim yata ang iniisip mo ngayon ah."
"Huh? Ano po?" Tanong ko.
"Kanina ka pa kasi wala sa sarili mo," sabi ni mama.
Nag-aalmusal ako ngayon at hindi ko pa pala ginagalaw ang pagkain ko.
"Si Kiel po kasi kahapon," sabi ko.
"Ano? Kayo na anak?" Gulat niyang tanong.
"Mama naman!" Inis kong sabi.
"Joke lang anak hahahah ano ba ang meron sa future manugang ko?" Tumatawa niyang tanong.
Napasibangot na lang ako bigla ng wala sa oras. Malakas talaga ang ketek ni mama sa utak.
"Anak sagutin mo lang kasi hahahah. Ano ba ang nangyari? Kamusta nga pala yung tinuruan mo kagabi?"
"Yun na nga po eh. Si Kiel pala yung tuturuan ko," inis kong sabi.
"Talaga? Daddy niya yung naka-usap ko eh."
Sumubo na lang ako ng sinangag.
"So kamusta naman ang session mo with Kiel?" Tanong ni mama.
"Ok naman po," tamad kong sagot.
"Yun naman pala eh. Ano naman ang pinoproblema mo?"
"Inaalok po kasi ako ni Kiel ng trabaho. Gusto niya na maging PA niya ako," sabi ko.
"Talaga anak? Edi maganda 'yan para may pagkakakitaan ka na," masayang sabi ni mama.
'Di na lang ako umimik. Kumain na lang ako. Expected ko rin naman kasi na matutuwa si mama. Napatitig na lang siya sa akin.
"Anak bakit? Ayaw mo ba na mag-work sa kanya?" Tanong ni mama.
"Hmmm... Hindi naman po sa ganun pero kasi parang naiilang ako," sabi ko na lang.
"Huh? Bakit naman? Magkakilala naman kayo eh," nagtataka niyang sabi.
"Ewan ko po."
"Oh basta ikaw na ang bahalang magdesisyon anak. Malaki ka na at alam mo ang makakabuti sa iyo," sabi ni mama.
000
Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng school papunta sa classroom namin.
Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon kung tatanggapin ko ba ang alok sa akin ni Kiel.
Kailangan ko talaga ng trabaho pero ayoko kasing mapalapit sa taong 'yun. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari dati.
"Good morning Kiel," sabi ni Yani.
"Good morning," nakangiti kong sabi sa kanya.
Umupo na lang ako sa upuan ko at wala pa naman ang prof namin ngayon. Medyo maaga kasi talaga akong pumasok.
"Nasaan si Quin?" Tanong ko.
"Nasa canteen kasama si Lander?" Sagot ni Yani.
Tumahimik na lang ako. Ayokong simulan ang usapan kay Yani at alam ko naman kung saan mapupunta ang usapan namin.
"Dwayne," sabi ni Yani.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti na naman siya ng nakakaloko. Lagi na lang may pumapasok na hindi maganda sa isip niya kapag kami lang ang magkasama.
"Ano?" Seryoso kong tanong.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan niya ako ng mata sa mata habang nakangiti siya.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan si Kiel?"
Nabigla ako sa tanong niya. Pakiramdam ko ay nagbago ang timpla ng mukha ko.
"Hi-hindi! Bakit ko naman tatanungin?" Kabado kong sabi.
Ngumiti na naman siya na parang may ibig sabihin kaya nagtataka na ako. Baka mamaya may iniisip na siya na kung ano na naman.
"May napansin kasi ako," nakangiti niyang sabi.
"A-ano?" Utal kong tanong.
"Why are you so nervous? Bakit? Ayaw mo ba na pag-usapan natin si Kiel?" Natatawa niyang tanong.
Kumunot na lang ano noo ko ag naiinis na ako sa kanya.
"Diretsuhin mo na lang kasi kung ano ang sasabihin mo!" Inis kong sabi.
"Hahahah chill lang Dwayne. Tiger mode ka na naman. Nakakahalata na lalo ako sayo."
Lalo akong kinakabahan at naiinis na ako. Baka mamaya may alam na siya sa nangyari dati.
"Ano ba kasi? Sumagot ka ng maayos!" Inis kong sabi.
Huminga siya ng malalim at...
"Do you have a crush on Kiel?"
Nabigla ako sa tanong niya. Napahalakhak na lang ako sa tawa.
"Ahhahahahahhh akala ko naman kung ano na ang napapansin mo," tumatawa kong sabi.
"Huh? Bakit? May iba ba dapat akong mapansin?" Nagtataka niyang tanong.
"Wa-wala!" Utal kong sabi.
"Ano? Sumagot ka na! Do you have a crush on Kiel?" Seryoso niyang tanong.
"Of course wala! Marumi lang ang isip mo kaya ganyan ka," natatawa kong sagot.
"Eh bakit napapansin ko na parang naiilang ka kay Kiel? What is your issue on him?" Seryoso niyang tanong.
"Nothing," tipid kong sagot.
Tinitigan na lang niya ako at seryoso ang mukha niya.
"I know that you're hiding something on us and I will do everything para malaman kung ano 'yun. You're acting so weird kapag nandito si Kiel," seryoso niyang sabi.
Napalunok na lang ako. Nakatitig sa akin si Yani. Dapat na akong mag-ingat. Sabi ko na nga ba at makakahalata siya. Matalino si Yani.
"Itim na Nazareno ka ba?" Seryoso niyang tanong.
"Huh? Hindi bakit?"
"Pahalik naman," sabi niya at ngumuso na siya sa akin.
Hinampas ko na lang ng notebook ang mukha niya. Napahimas na lang siya sa mukha niya.
Manyakis talaga 'to! Ewan ko ba kung bakit ganyan siya sa akin. He's totally different in front of other people.
"Grabe naman! Kelan mo ba kasi ako hahalikan?" Tumatawa niyang tanong.
"Naka-drugs ka ba?" Inis kong tanong.
"Why should I pollute my precious body with unnecessary drugs when my only desire is your smile to make me HIGH?" Tumatawa niyang sabi.
Napatitig na lang ako ng masama sa kanya. Kahit kelan talaga 'di na siya nagbago. Kailangan ko na ngayong mag-ingat kasi mukhang may hypothesis na si manyak.
"Hi guys!"
Napatitig na lang ako sa pinto at nandun na pala si Quin, Lander at Kiel.
Lumapit sa akin si Lander at nakangiti na naman siya. Kung nakakaloko ang ngiti ni Yani, nakaka-ewan naman ang ngiti ni Lander.
"Dwayne nasaan ka kagabi?" Tanong bigla ni Lander.
Napalunok na lang ako. Tinitigan ko ng masama si Kiel. Nangako siya na 'di niya sasabihin sa pinsan niya yung kagabi.
Umiling-iling naman ng mabilis si Kiel na parang walang alam.
"Uy Dwayne nasaan ka kagabi?" Tanong ulit ni Lander.
Pakiramdam ko ay pagpapawisan na ako kahit malamig ang aircon sa room. Kinakabahan ako sa tanong ni Lander sa akin.
"Na-nasa bahay," utal kong sagot.
"Ganun?"
"Oo! Bakit mo ba kasi tinatanong kung nasaan ako kagabi?" Kabado kong tanong sa kanya.
"Nagtataka lang kasi ako," sabi niya.
"Huh? Bakit naman?"
"Wala ka kasi sa panaginip ko," sabi niya sabay ngiti.
Nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko naman alam na niya na nagturo ako kay Kiel kagabi.
Masyado na yata akong paranoid.
"Bes may assignment ka?" Tanong ni Quin.
"Oo naman," sabi ko.
"Pwede paturo ako habang wala pa si ma'am? Please..."
"Sure no problem," nakangiti kong sabi.
Lumapit na si Quin sa akin at nilapag niya ang notebook niya.
"Hmmm... Dwayne."
Napatitig na lang ako kay Kiel.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Baka naman pwedeng paturo rin ako?" Nahihiya niyang sabi.
"Hmmm... Oo sige," alanganin kong sabi.
"Thanks," sabi niya.
Kinuha na niya ang notebook niya at tumabi na siya sa akin kasama si Quin.
"Paturo rin ako babe," sabi ni Yani.
"Tigilan mo ako Yani. Alam ko naman na nasagutan mo na 'yun," walang gana kong sabi.
Tinawanan na lang ako ni Yani.
Tinuro ko na lang kay Quin at Kiel ang gagawin sa assignment. Mabilis naman silang nakaka-intidi. Medyo tricky din kasi ang assignment.
"Wait guys punta muna ako sa restroom. Medyo dry na ang face ko," sabi ni Quin.
Jusme! Nasa school naman kami at wala sa fashion industry. Importante talaga kay Quin ang hitsura niya bago ang lahat.
"Dwayne... I have to ask something," bulong ni Kiel.
"Huh? What is it?"
"Hmmm... Nakapag-isip ka na ba kung tatanggapin mo ang offer ko?" Nakangiti niyang tanong.
"Bigyan mo ako hanggang mamayang hapon," sabi ko na lang.
Ngumiti na lang siya sa akin. Hindi ako makatitig sa kanya kapag nakangiti siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Uy close na sila."
Napatitig na lang ako kay Yani ng masama. Tawa lang siya ng tawa.
000
Katatapos lang ng klase namin at tumambay muna ako saglit sa office ng SSG para magsulat ng drafts para sa stories ko.
Seryosong-seryoso akong gumagawa ng drafts. Wala namang meeting kaya solo ako sa SSG.
Gusto ko talaga yung ganito lang. Tahimik at peaceful ang paligid kaya nakakapag-sulat ako ng maayos na drafts ng mga stories.
Bigla na lang may kumatok sa pinto ng SSG at nakita ko naman ang mukha ni Kiel na nakangiti.
"Come in," sabi ko.
Nakangiti lang siya at umupo siya malapit sa akin.
"What are you doing here?" Tanong sa akin ni Kiel.
"I'm just writing," walang gana kong sagot.
Parang nagbago ang timpla ng mukha niya. Napatitig siya bigla sa akin.
"A-anong sinusulat mo? Stories ba?" Kabado niyang tanong.
Shet! Mali ang sinabi ko. Bakit ko ba sinabi sa kanyang nagsusulat ako? Delikado ako nito.
"Hmmm... Poem. Tama! Oo poem ang sinusulat ko," sabi ko.
"Poem? Can I read your works?"
"No! You should not do that. I said before that I'm just writing to satisfy myself. Never akong nagpabasa ng gawa kong tula sa iba," sabi ko.
"Huh? Sayang naman. Nagsusulat din kasi ako ng poems," malungkot niyang sabi.
"Yeah I know," sabi ko.
"Huh? Alam mo na nagsusulat ako?" Gulat niyang tanong.
Hala! Mali na naman ang sinabi ko. Kailangan kong mag-ingat. Paano ako lulusot?
"Hmmm... Oo feeling ko lang kasi interesado ka sa poem na ginagawa ko ngayon eh," alanganin kong sabi.
Tinitigan na lang niya ako. Yung titig ni Kiel ay yung titig na may halong pagdududa.
"Let's change topic," sabi ko na lang.
"Hmmm... Ok. Nakapag-decide ka na ba Dwayne? Would you accept my offer?" Tanong niya.
Huminga na lang ako ng malalim. It's not easy for me pero kailangan ko.
"Yes payag na ako sa offer mo," seryoso kong sabi.
Ngumiti na lang siya sa akin at akma niya akong yayakapin kaya umiwas ako ng mabilis sa kanya na parang ninja para hindi niya ako mayakap.
"Don't hug me," seryoso kong sabi.
"Please let me embrace you. Masaya kasi ako na tinanggap mo ang offer ko," nakangiti niyang sabi.
"NO!" Mariin kong sagot.
"Hahahah you're so sungit. Parang yayakapin lang eh. Naglalambing lang naman ako," tumatawa niyang sabi.
"Hindi ko gusto na nilalambing ako," seryoso kong sabi.
"You're attitude is so rare. I like it," nakangiti niyang sabi.
Umiwas na lang ako ng tingin. Nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ko. Naiinis na ako kay Kiel. "Kasi napapakilig ka niya?" Sabi sa isang parte ng utak ko. Jusme! Never akong kinilig sa mokong na ito!
Nababaliw na yata ako. Bigla na lang may pumapasok sa utak ko.
Nagulat kami ni Kiel nang bigla na lang may malaglag na libro sa may book shelves.
"May tao yata," sabi ni Kiel.
Naglakad kami papunta sa book shelves para tingnan kung sino ang tao na nagtatago doon.
"Sinong nandiyan?" Tanong ko.
"Hmmm... Baka may multo hahah," sabi ni Kiel.
"Mas naniniwala pa ako sa multo kesa sa mga pangako mo," mahina kong sabi.
"Huh? Ano Dwayne?"
"Sabi ko lumabas na kung sino man ang nagtatago diyan!" Inis kong sabi.
Lumabas ang tao na nagtatago sa book shelves at si Yani pala ang nagtatago. Nakangiti lang siya sa amin.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago?" Inis kong tanong.
"Wala hahahah nakita ko kasi na papunta si Kiel dito. I just wanted to know kung inaagaw niya ang babes ko sa akin," tumatawa niyang sabi.
"Tumigil ka nga!" Inis kong sabi kay Yani.
"Actually I just wanted to know kung ano yung offer sayo ni Kiel?" Nakangiti niyang tanong.
Nagkatitigan kami ni Kiel. Halatang nag-iisip din siya kung ano ang ipapalusot namin.
"C'mon! Answer me! Ano yung offer na 'yun? Anong tinatago niyo?" Seryosong tanong ni Yani.
"I accepted his offer. Inalok niya ako ng trabaho. I'm his personal assisstant," deretso kong sagot.
Halatang nagulat si Kiel at Yani sa ginawa kong pag-amin. Wala namang sense kung maglilihim pa ako.
"Really? Why not apply to become my PA? Bakit kay Kiel pa?" Tanong ni Yani.
"Sagutin mo nga yung sarili mong tanong. Tingin mo ba papayag si Lander? Pagtitripan mo lang naman ako tapos 'di mo naman kailangan ng PA. Si mama ang nagdecide at inalok lang ako ni Kiel," paliwanag ko.
"Sayang naman... Gusto ko pa naman na maging s*x slave kita este personal assisstant pala," malungkot niyang sabi.
"Ewan ko sayo."
"Don't worry Yani hindi naman ako gagawa ng kalokohan kay Dwayne. I need someone to help me in my studies kaya inalok ko si Dwayne," nakangiting sabi ni Kiel.
"Ok... Basta akin lang si baby Dwayne," natatawang sabi ni Yani.
"Isa pa... Masisikmuraan na kita," inis kong sabi kay Yani.
"Hahahahh o sige na... I should go home. Do you want to follow me Dwayne? Gusto mo bang mag-play tayo sa room ko?" Tanong ni Yani habang nakangiti ng may halong kamanyakan.
Kumuha ako ng libro sa book shelves at ibabato ko sana sa kanya pero tumakbo na siya bigla palabas ng room.
"Pasaway talaga," inis kong sabi.
"Hahahah ang cute niyong tignan kapag nilalambing ka ni Yani and even Lander," sabi ni Kiel.
"Anong cute dun?" Inis kong tanong.
"Believe me Dwayne. Mamimiss mo rin yung pang-aasar nila kapag dumating ang araw," sabi niya.
"I know... Kahit naman ganun si Yani at Lander eh love ko sila. Pati si Quin love ko rin. Importante sila sa akin," sabi ko.
"Eh ako? May lugar ba ako sayo? Love mo rin ba ako?" Tanong niya.
"Oo dati," mahina kong sagot.
"Huh? Ano Dwayne?"
"Sabi ko kapag naging close na rin tayo," palusot ko.
"Alam ko na magiging close rin tayo kapag nagsimula ka ang work mo as my PA," nakangiti niyang sabi.
"So when should I start?" Tanong ko.
"Tomorrow after class. Saturdays at sundays ang day off mo. Kapag kailangan kita ay double payment ang ibibigay ko kapag day off," nakangiti niyang sabi.
"Ok... I'm looking forward with that," sabi ko na lang.
Nakangiti na lang siya sa akin. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya ulit. Hindi ko inasahan na magtatagpo na naman ang landas namin.