Habang kumakain ako ng agahan ay iniisip ko pa rin yung sinabi ni Kiel kagabi. Naiinis ako sa kanya. Lagi na lang kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Ewan ko ba kasi sa lalakeng 'yun. Feeling ko hindi totoo na mabait siya.
Sana malaman ko kung ano ba talaga ang trip niya. Gusto niya raw akong maging kaibigan? Hahahah sana lang sincere talaga siya.
Pero kasi nakita ko sa mga mata niya na sincere ang pagkakasabi niya sa akin. Ang gulo naman! Iba ang pagkakakilala ko sa kanya.
Dati alam ko na paasa siya! Tumatak na 'yun sa utak ko! Pero bakit ngayon parang mabait na siya? Mali ba ako ng hinala sa kanya? Nakaka-inis naman!
Should I show kindness to him? Mabait kasi siya eh. Dapat ba maging close na rin kaming dalawa?
Marami pa akong dapat alalahanin. Siguro dapat ay 'di ko na muna siya intindihin. Wala naman akong mapapala sa lalakeng 'yun.
"Anak mukhang malalim ang iniisip mo ngayon ah," sabi ni mama.
"Ay hindi naman po masyado," sabi ko na lang.
"Kamusta pala yung bonding niyo kagabi ni Kiel?" Tanong ni mama na parang kinikilig.
"Mama tigilan niyo po ako. Kasama ko po sila Quin," walang gana kong sabi.
"Oh sya sige... Change topic tayo."
"Ano naman po ang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Gusto mo bang mag-sideline ng tutor? Nakahanap kasi ako ng malaki ang bayad. Hours lang naman. Nahihirapan daw kasi sa math."
"Talaga po? Saan naman po mama?" Tanong ko.
"Ibibigay ko sayo ang address. Puntahan mo mamaya. Nagtext na rin kasi sa akin yung papa niya," sabi ni mama.
"Matanong ko lang naman po, bakit hindi po kayo ang magtutor?"
"Anak marami akong tinuturuan at isa pa, sabi nung papa niya mas gusto raw nung anak niya na teenager na matalino ang magtuturo," nakangiting sabi ni mama.
"Ganun? Ang choosy naman pala hahahah."
"Gusto raw kasi na maging kaibigan niya ang tutor," sabi ni mama.
"Ganun? Sige po mama game ako. Pupunta ako mamaya pagkatapos kong maghanap ng trabaho," sabi ko.
"Ay sige anak mag-iingat ka."
Pagkatapos kong kumain ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Nakahanda na ang resume at ang mga requirements.
Nagresearch ako at kahit 17 pa lang ako ay pwede na rin naman akong magtrabaho basta hindi hazardous ang work place.
Nagsuot na ako ng formal na damit para naman maayos akong humarap kapag nag-apply.
Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa kung saan saan basta maghanap lang ng trabaho. Marami naman akong napuntahan pero mukhang malabo.
Marami akong pinasahan ng mga resume pero mukhang dehado na naman hahahhah. Masipag naman ako eh. Kung hindi lang talaga ako under age, alam kong makakahanap ako.
Tumingin na lang ako sa address na binigay sa akin ni mama. Siguro dapat ay puntahan ko na lang muna ang address kasi magkakapera pa ako kapag pumunta ako doon.
Nagdesisyon na akong puntahan kung nasaan ang address.
Napahinto ako sa tapat ng malaking gate. Mayaman nga ang nakatira kaya naman mukhang galante magbigay ng sweldo.
"Sana mabait ang tuturuan ko," sabi ko na lang sa sarili ko.
Pinindot ko na lang ang door bell at pumunta naman kaagad sa akin ang maid doon sa loob.
"Sino po sila?" Tanong ng maid.
"Good aftenoon po. Ako po yung pinadala na tutor," nakangiti kong sabi.
Tinitigan muna ako ng maid mula ulo hanggang paa. Mukhang mataray at seryoso ang maid. Nakangiti lang ako para naman hindi ako paghinalaan ng masama.
"Ikaw yata yung hinihintay ni sir," seryosong sabi nung maid.
Binuksan na niya ang gate at sinamahan naman niya ako papasok doon sa loob ng mansion.
Maganda ang paligid. May pool tapos malawak ang garden. Napakalaki ng bahay nila. Pumasok kami sa loob ng mansion at...
"Pumunta ka doon sa pangalawang kwarto sa itaas. Nandun si sir," sabi ng maid.
"Sige po... Salamat po sa inyo," nakangiti kong sabi sa kanya.
Naglakad na ako sa malaki nilang hagdanan. Maganda sa loob ng mansion. Pagpunta ko sa tapat ng pinto at huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok.
"Sandali lang..." Sabi nung lalakeng boses sa loob ng kwarto.
Naghintay lang ako at ilang saglit pa ay binuksan na ang pinto at...
"What the f*ck!" Gulat kong sigaw.
Napatakip na lang ako sa bibig ko nang makita ko ang lalakeng tumambad sa akin. Nakangiti lang siya sa akin.
"Oh? Ikaw pala ang tutor ko? Get inside," nakangiting sabi ni Kiel.
Hindi ako makagalaw. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko na si Kiel ang tuturuan ko.
"Uy pasok ka na sa kwarto ko," sabi pa niya.
Pumasok na lang ako at parang natutuyo ang lalamunan ko. Hindi ko akalain na siya pala ang tuturuan ko.
Sa dinami-rami ng mga tao sa mundo bakit siya pa ang tuturuan ko?
"Ba-bakit ikaw ang tuturuan ko?" Utal kong tanong sa kanya.
"Actually si papa ang naghanap ng tutor ko then suddenly, he found your mom tapos ikaw ang nirefer niya sa akin. Believe me, I don't expect this," seryoso niyang sabi.
Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Jusko! Bakit ba nangyayari ang kamalasan na ito sa akin? Huminga na lang ako ng malalim.
"Matalino si Lander na pinsan mo, so alam ko na matalino ka rin. Bakit kailangan mo pa ng tutor?" Duda kong tanong.
"Gusto ko lang na ma-enhance ang knowledge ko. Gusto ko rin na maintindihan ang mga bagay bagay hahahhah," tumatawa niyang sabi.
Napapunas na lang ako sa mukha ko. This is insane! Jusme! Gusto ko nang tumalon sa bintana.
"Pwede na ba tayong magsimula?" Nakangiti niyang tanong.
"Ano pa bang magagawa ko?" Mahina kong sabi.
"Huh? Ano Dwayne?"
"Ay wala hahahah sabi ko magsimula na tayo," sabi ko na lang.
Nagsimula ko siyang turuan. Duda ako na kailangan pa niya ng tutor kasi madali lang naman niyang naiintindihan ang mga tinuturo ko.
His cousin is smart kaya alam ko na nasa dugo na nila 'yun. "Eh bakit si Quin na kapatid ni Yani?" Biglang tanong sa isang side ng utak ko.
Hala! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Hindi dapat ako mag-isip ng masama tungkol kay Quin hahahahh.
Habang pinapasagutan ko ang problem sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang nagsasagot.
Ang tangos ng ilong niya at seryoso siyang magsagot. Ang ganda ng jaw line ni Kiel. Kita ko ang maganda niyang mga labi na pinkish. Kahit chinito siya ay mahaba ang mga pilik-mata niya. Ang pogi pala talaga ni Kiel.
Huh? What did just I thought? Ehem! Hindi siya pogi! Panget ang mokong na ito at walang kadating-dating! Ewan ko ba kung anong ginawa nito dati para mapaniwala ako.
I'm just clearing something. Hindi siya pogi. Wala siyang s*x appeal.
Delikado ako dito. Feeling ko ay nababaliw na ako at kung ano na lang ang naiisip ko. Kailangan kong mag-isip ng ibang iisipin.
Habang nagtuturo ako ay bigla na lang may tanong na pumasok sa isip ko.
"Kiel, alam ba ni Lander na ako ang nagtuturo sayo?"
"No and don't worry, 'di ko naman balak sabihin sa kanya," sabi niya.
"Huh? At bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi quality time natin ang tutorial mo and they will make fun of you if I tell them," sabi pa niya.
Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako. Mabait naman pala si Kiel. Sana nga totoong mabait talaga siya.
"Hmmm... You're so cute when you are smiling," nakangiti niyang sabi.
Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang buo kong mukha. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya para hindi niya mahalata na namumula na ako.
"Ituloy na lang natin ang tinuturo ko," seryoso kong sabi.
"Wait Dwayne, I have to ask something."
"Why? Meron ka bang hindi nagets sa tinuturo ko?" Tanong ko naman.
"Not really... I just wanted to know kung marunong ba mag-bake ang parents mo?" Tanong niya.
"Actually yes, mahilig mag-bake ang mama ko," sabi ko naman.
Ngumiti na naman siya sa akin. Yung ngiti niya ay parang may ibig sabihin kaya nagtataka ako sa kanya.
"Why are you smiling?" Tanong ko.
"Now I know," nakangiti niyang sabi.
"Huh? Ang alin ba?" Nagtataka kong tanong.
"Marunong pala mag-bake ang mommy mo. Alam ko na ngayon kung bakit nakagawa sila ng cutie pie na kagaya mo."
Nginitian niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ka lang akong nahiya sa sarili ko. Nakangiti lang siya sa akin.
I really forgot, pinsan nga pala niya si Lander. Ngayon bumabanat na rin siya. Mas nakakakilabot pag bumabanat siya sa akin. "Kasi nagba-blush ka?" Tanong ng isang parte sa utak ko. No! Hindi kaya!
"Si-siguro iwasan mo ang mga banat mo at nag-aaral tayo," alanganin kong sabi.
Ngumiti na lang siya sa akin at tinuloy na namin ang pagtuturo ko sa kanya. Ok naman siyang turuan kaya lang nakakakilabot ang banat niya.
Dwayne para 'to sa pera! Kaya mo 'to!
Kahit medyo naiilang ako kay Kiel ay tinuloy ko pa rin ang pagtuturo ko sa kanya. Wala naman akong magagawa dahil si mama na ang nagsabi.
Malaki ang bayad, makakatulong ako kay mama pero nakakakilabot naman ang tinuturuan ko jusme.
Inabot na ako ng gabi sa pagtuturo kay Kiel at ok naman siyang turuan.
"Hmmm... Dwayne thank you sa pag-tutor mo sa akin," sabi niya.
"May bayad 'yun kaya 'di mo kailangang magpasalamat," sabi ko.
"Hmmm... Basta salamat. Nag-enjoy ako na ikaw ang tutor ko," nakangiti niyang sabi.
"Paano? Kailangan ko na kasing umuwi," sabi ko.
"Dito ka na lang kaya kumain? Nagpahanda na ako ng dinner," nakangiti niyang sabi.
"Quality time kasi namin ni mama ang dinner kaya kailangan magkasama kaming dalawa," sabi ko.
"Ganun ba? Maybe next time?" Malungkot niyang tanong.
Parang may tumusok na maliit na karayom sa dibdib ko. Parang naawa ako sa kanya bigla.
"Sige next time," sabi ko na lang.
"Really? Payag ka? Wala nang bawian! I'm looking forward to that," masaya niyang sabi.
"Sige na uuwi na ako."
"Ihahatid na kita Dwayne."
"No! Aasarin lang ako ni mama," bigla kong sabi.
"Hahahhah I like you're mom," tumatawa niyang sabi.
I just rolled my eyes. Sinisimulan na niya akong pagtripan.
Naglakad na lang ako palayo sa kanya. Kailangan ko na rin talagang umuwi. Nagawa ko naman ng maayos ang pagiging tutor.
"Wait Dwayne!"
Lumingon na lang ako ulit sa kanya.
"I just wanted to ask kung naghahanap ka ba ng job?" Tanong niya na parang nahihiya.
"Oo... Bakit mo naitanong?"
"Gusto ko sanang mag-offer sayo ng stable na job. Fit naman sa schedule mo 'yun," sabi ni Kiel.
"Talaga? Ano naman 'yun?"
"Hmmm... Can you be my personal assistant?" Nahihiya niyang sabi.
Nabigla ako... Hindi na lang ako makasagot sa kanya. Tatanggapin ko ba ang offer niya? I know na magandang opportunity but I can't get too close with him.
"Don't worry mataas ang salary," sabi pa niya.
"Kailangan kong mag-isip," seryoso kong sabi sa kanya.
"Sana tanggapin mo. Mabait naman ako at hindi naman kita pahihirapan," seryoso niyang sabi.
Oh really? Mabait ka talaga? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa akin? Oo nga pala, wala ka yatang alam. Hindi mo alam kung sino ako.
"Mag-iisip muna ako. I should go."
Umalis na lang ako at pumunta na ako sa bahay. Dapat ba ay pumayag ako sa offer niya?
Kapag tinanong ko naman si mama ay siguradong papayag naman 'yun. Siguro ay oras na para mag-move forward ako.
Malinaw naman na walang alam si Kiel at hindi niya ako kilala. Gusto kong makatulong kay mama. Mabait naman siya ngayon sa akin pero nagdadalawang-isip pa rin ako.
Ayoko na maging close kaming dalawa. Ayokong maulit ang nangyari sa amin dati dahil sobra niya akong nasaktan.
Kailangan ba talagang itago ko muna ang totoo sa kanila? Siguro ay may tamang panahon para sabihin ko ang lahat. Kailangan ko muna ngayon ng trabaho. Gusto kong tulungan si mama. Dapat ba na itabi ko muna ang mga personal issues ko?
Tatanggapin ko ba ang offer niya or hindi na lang?