Chapter 10: Suspicious

1526 Words
Dwayne POV Naghahanda ako ngayon at naisipan nga ng mga kaibigan ko na pumunta sa fiesta sa kalapit ng village namin. Gabi na ngayon at wala namang pasok bukas kaya pumayag na rin ako. "Anak may bisita ka," sabi ni mama. "Huh? Sino naman kaya? 'Di naman alam nila Quin ang bahay ko at wala naman akong classmate na pumupunta dito," tanong ko sa sarili ko. Lumabas na lang ako ng kwarto ko at nakabihis naman na ako. Pumunta ako sa sala namin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Ba-bakit ka nandito?" Utal kong tanong. "Hi Dwayne... Naisip ko kasi na sunduin ka na lang," sabi ni Kiel at ngumiti na siya. Umiwas na lang ako ng tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko diba? "Mama aalis lang po ako saglit," sabi ko kay mama. "Oh sige anak mag-enjoy ka," sabi ni mama. "Sige po aalis na kami." "Sandali lang anak! 'Di mo man lang ba ipapakilala sa akin ang KAIBIGAN mo?" Tanong ni mama. At talagang diniin pa niya ang pagkakasabi ng kaibigan. Kahit kelan talaga naghihinala na naman ang nanay ko. "Mama... He's Kiel and Kiel she's my mother," sabi ko sa kanila. "Nice to meet you po," sabi ni Kiel. "Paano mo nakilala si Dwayne?" Tanong ni mama kay Kiel. "Cousin po ako ni Lander. Friends po kami ni Dwayne," nakangiting sabi ni Kiel. "Ang gwapong bata niya anak, bagay kayong dalawa," biglang sabi ni mama sabay tawa. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama at tawa lang siya ng tawa. Si Kiel naman ay nakangiti lang. "Mama! Nakakahiya ka!" Gulat kong sigaw. Hinatak ko na lang ang kamay ni Kiel palabas ng bahay at nababaliw na yata ang nanay ko. Nang makalayo kami sa bahay ay huminga muna ako ng malalim bago ko kausapin si Kiel. "Kiel pagpasensyahan mo na ang mama ko. Sorry Kiel nakakahiya," alanganin kong sabi. "Ok lang... Pogi naman talaga ako," sabi niya sabay ngiti. Feeler pala 'tong lalakeng ito. "Sorry talaga... Wag kang maniwala kay mama. Nanloloko lang 'yun," sabi ko. "Bakit? Tingin mo ba hindi tayo bagay?" Tanong niya. Napahinto na lang ako. Nabigla ako sa naging tanong niya sa akin. Why is he asking me like that? Nakangiti na naman siya sa akin. Hindi ko na siya maintindihan. "Mabuti pa siguro pumunta na tayo sa park," sabi ko na lang. Pumunta na kami ni Kiel sa park kung saan kami magkikita nila Quin. Inalis ko na lang sa isip ko yung sinabi ni Kiel kanina at baka malakas lang din ang trip niya. "Guys ang tagal niyo. Where have you been? Kanina pa kami dito," sabi ni Lander. "Yeah right! I'm so hungry na nga eh," sabi naman ni Quin. "Baka mamaya kung ano na ang nangyari sa inyo kanina ah," sabi ni Yani. "Baka gusto mong sikmuraan kita? Sinisimulan mo na naman ako," inis kong sabi kay Yani. Tinawanan na naman niya ako. "You know what guys? Sabi ng mama ni Dwayne bagay daw ka..." Di ko na pinatapos si Kiel at tinakpan ko bigla ang bibig niya. "Bagay daw yung cupacakes na red sa yellow na box," sabat ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ni Kiel at tinitigan ko siya ng masama. Nakangiti na naman siya. Ang sarap siguro niya. Ay mali! Ang sarap sigurong sapakin ng pagmumukha niya! "Guys I'm hungry na! Gusto ko ng lechon!" Sabi ni Quin. Naglakad na kami sa park at marami ang baderitas na nakasabit kasi nga fiesta ngayon. Maganda ang paligid. Makulay at marami ang pagkain na tinitinda. Umupo kami sa isang table malapit sa may lechonan. Habang nakatingin kami sa lechon ay nagsalita si Lander. "Ang galing naman nila magluto ng lechon," sabi ni Lander. "Oo nga ang galing nila magpa-ikot," sabi ni Kiel. "Oo nga parang ikaw lang," sabi ko. "Huh? Ano?" Tanong ni Kiel. "Ay wala hahahahh," sabi ko. Halatang nagtataka yung mukha niya pero tinatawanan ko lang siya. "Bes nakaka-amaze talaga. Magaling magpa-ikot ng lechon. Look oh..." Sabi niya sabay turo sa lechon. "Oo nga parang yung ibang tao lang. Papaikot-ikutin ka tapos paglalaruan ka. Parang lechon lang... Kapag hindi na malutong ang balat ay hindi na rin gaanong masarap. Bakit kaya ako pina-ikot? Hindi naman ako lechon," mahina kong sabi. "Ano bes? May sinasabi ka?" Tanong ni Quin. "Ay wala hahahha sabi ko gutom na rin ako." Nag-order na kami at masarap ang binili namin. Mukha namang nag-eenjoy sila Quin sa fiesta. Pagkatapos kumain ay... "Bes gusto ko sa ferris wheel," sabi ni Quin. "Ay sige punta tayo," sabi ko. Naglibot kami at pumunta kami sa malaking ferris wheel. Gusto ko ring sumakay. "Guys mukhang 2 persons lang ang pwede sa isang ferris wheel," sabi ni Kiel. "So ibig sabihin may isa na maiiwan," sabi ni Lander. "Ayokong maiwan dito. Gusto kong sumakay," sabi ni Yani. "Lalo naman ako!" Sabi ni Quin. "Kung ganun sino ang magkasama na sasakay?" Tanong ko. "Kami na lang ni bes," sabi ni Quin. "No! Kami na lang ni Dwayne!" Sabi ni Yani. "Hindi pwede! Kami dapat ni Dwayne!" Sabi naman ni Lander. "Ewan ko sa inyo! Sasakay lang marami pang arte," sabi ko. "Wait guys... Where's Kiel?" Tanong ni Lander. Nilibot ko ang tingin sa paligid at wala nga doon si Kiel. "Nasaan siya?" Tanong naman ni Quin. Naramdaman ko na lang na biglang may humatak sa kamay ko papunta sa entrance ng ferris wheel. Napatingin ako sa kanya at si Kiel pala ang humahatak sa akin. "Hoy saan mo dadalhin ang babes ko?" Sigaw ni Yani. Hinatak lang ako ni Kiel at nakapasok na kami sa loob. Hinarang naman sila Yani at Lander. "I bought 2 tickets. Para 'to sa amin ni Dwayne. You should bought your tickets too kung gusto niyong makapasok," sabi ni Kiel. Tumingin naman sa akin si Kiel at... "Tayo ang magkasama sa loob," sabi niya sabay ngiti. Sumama na lang ako sa kanya at sumakay na kami sa loob ng ferris wheel. Medyo awkward kami sa loob. Hindi ako nagsasalita habang umaandar ang ferris wheel. Nakatingin lang ako sa labas. "Mmm... Dwayne." Napatingin na lang ako kay Kiel. "Why?" "Wala hahahah di ko alam kung paano kita kakausapin." Nahihiya niyang sabi. Umiwas na lang ako ng tingin. Wala rin naman akong dapat sabihin sa kanya. "Mmm... Dwayne favorite mo ba ang geometry?" Tanong niya. "Pwede bakit?" "Kasi kahit anong angle mo, ang cute mo pa rin tignan," sabi ni Kiel sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nag-init ang mukha ko. Pakiramdam ko namumula ako bigla. "A-ang corny mo!" Utal kong sabi. "Ok lang... Nag-blush ka naman," nakangiti niyang sabi. "Ewan ko sayo! Pinsan ka nga talaga ni Lander," inis kong sabi. "Totoo naman ang sinabi ko eh. You're so cute even when you're angry," nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam ang iisipin ko o ang sasabihin ko. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Dwayne may girlfiend ka na ba?" Tanong niya. "Wala... Ikaw?" Tanong ko. "Wala rin pero may nagustuhan na ako dati pa," sabi niya. "Kamusta naman yung kaspark mo? Nakuryente na ba?" Inis kong tanong. "Hahaahh hindi naman. Hindi kasi kami para sa isa't-isa. I have a big reason to leave him," sabi niya at parang bigla na lang naging seryoso ang mukha niya. Tumahimik na lang ako. Wala naman akong sasabihin sa kanya. Wala rin naman akong gustong malaman. Wala akong interes sa kanya. "Ikaw Dwayne? Have you ever loved someone so much before?" Tanong niya. "Of course..." "Then who's the lucky person? Pwede ka bang mag-kwento sa akin?" "I once loved a guy before," sabi ko. Halatang nagulat siya at... "A guy? You mean you're bisexual?" Gulat niyang tanong. "I don't know but I think kung mahal mo ang tao 'yun na eh. Gender or looks doesn't matter," sabi ko. Halatang nabigla ang mukha niya. Parang hindi na siya makapaniwala. "I thought you're straight," alanganin niyang sabi. "Lander and Yani knows that. It's the reason why they are making fun of me," seryoso kong sabi. Hindi na siya nagsalita at ngumiti na naman siya. "Actually I'm not really sure about my sexuality. I just loved a guy before so I don't know if I'm gay or what," sabi ko. "So what is all about the guy that you loved so much before?" Nakangiti niyang tanong sa akin. "He left me all alone," seryoso kong sabi. Bigla na lang nagbago ang timpla ng mukha niya. Parang naging seryoso na lang siya bigla. "Is the guy that you used to love before loves you back?" "I don't know. Basta na lang niya akong iniwan," sabi ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. Alam ko na hindi dapat ako nagsasabi sa kanya. Even my friends never ask me about my former love story. "Feeling ko masarap kang magmahal," sabi niya. "Hahahah talaga? Siguro nga," natatawa kong sabi. "Gusto ko na maging close tayo," sincere niyang sabi. Ngumiti na lang ako. Mabait naman pala siya. May kasalanan pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ipapamukha ko pa sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa akin dati. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin. Nabigla ako nang magliwanag ang langit. Pumutok ang fireworks sa itaas. Namangha ako sa ganda ng mga fireworks. "Mas maganda pala ang fireworks kapag nasa ferris wheel," sabi ni Kiel. "Tama ka... Ang ganda nga," sabi ko. "Alam mo Dwayne para ka ring fireworks," sabi niya. "Huh? At bakit naman?" "Kasi ang ganda mong tignan. Ang sarap mong titigan. Pero hanggang tingin lang ako. Hindi kita maabot," seryoso niyang sabi. Napatitig na lang ako sa mga mata niya. Sincere siya at seryoso sa sinabi niya. Feeling ko ay namumula na ako. Bakit kailangan niyang magsabi ng ganun? Umiwas na kang ako ng tingin. Feeling ko ay umatras na ang dila ko. Hindi ko na magawang magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD