Today is just a normal day. Normal naman ang lahat. Masaya naman ang buhay dito sa Linway. Masaya naman ako sa mga baliw kong kaibigan.
Habang nakatingin ako sa notebook na nilalagyan ko ng draft ng mga stories na sinusulat ko ay nagulat ako ng bigla na lang tumabi sa akin si Quin.
"Ano ka ba? Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh," inis kong sabi.
"Eh ano ba kasi 'yang ginagawa mo bes?" Tanong niya.
Sisilipin niya sana ang notebook ko pero bigla ko nang isinara kaagad.
"Pamysterious naman to eh," sabi niya.
"Wag ka kasing tumitingin hahahah. Censored kasi to," natatawa kong sabi.
"Well may sasabihin kasi ako!" Sabi niya na mukhang exited.
"Ano?"
"May nakita akong pogi kanina!" Sabi niya na parang kinikilig.
"Akala ko naman importante ang sasabihin mo eh marami namang pogi rito sa school natin diba?" Sabi ko.
"Bes hindi! Iba 'to! Mas pogi siya bes! Bago natin siyang classmate." Sabi ni Quin.
Tinaasan ko siya ng kilay ko at...
"Should I care?" I asked with my poker face.
"Bes naman! He's Lander's cousin so it means na sasama siya sa circle of friends natin."
"Ewan ko sayo Quin. Lagi ka na lang naghahanap ng pogi," natatawa kong sabi.
"Ito talagang si Dwayne eh ang bitter," natatawa niyang sabi.
"Alam mo kasi Quin, ang kalandian parang pagkain lang. Pag nasobrahan, nakakalaki ng tiyan."
"Huh? Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong.
"Never mind."
Halos magpigil na lang ako ng tawa ko. Si Quin ang pinaka-slow sa circle of friends namin. She's so dense. Minsan inaasar siya nila Yani at Lander na tanga kaya ako ang nilalapitan niya palagi.
"Matanong lang kita Dwayne, may lovelife ka na ba?" Seryoso niyang tanong.
"Huh? Lovelife? Ano yun Quin? Nakakain ba yun?" Pa-inosente kong tanong.
"Hahahahah bittemelon ka ngayon Dwayne."
Tawa lang ng tawa sa akin si Quin. Paano ba namang hindi ako magiging bitter eh katatapos ko lang mag-move on nitong bakasyon.
"Hi Guys!"
Napatingin kami ni Quin sa pinto at nakatayo doon si Lander. May kasama siya na gwapong lalake.
Mga ilang segundo siguro akong tumitig sa lalakeng kasama ni Lander at tsaka lang nagsink in sa akin kung sino ang kasama niya.
"Shet..." Sabi ko na wala sa sarili.
"Guys! This is Kiel, my cousin. Gusto ko sanang isama siya sa group natin. Don't worry guys. My cousin is kind and sweet just like me," nakangiting sabi ni Lander.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Bakit sa dinami-rami ng school eh dito pa niya kailangang mag-enroll?
Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko at nakaramdam na naman ko ng inis at galit.
"Uy Dwayne? Ok ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," sabi ni Quin.
Hindi pa rin ako mapakali. Tinitigan ko ng mabuti ang kasama ni Lander. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ang lalakeng yun.
Nakatitig lang ako sa kanya at lumapit naman siya sa amin ni Quin.
"Hi! You're Quin right? It's so nice to meet you," sabi niya sabay shake hands kay Quin.
Parang namula bigla ang mukha ni Quin at kinikilig siguro.
Lumapit naman sa akin ang lalakeng ito at nginitian niya ako. Lalo akong naiinis sa kanya. Bakit ba kasi kailangan ko pa siyang makita?
"Hi! I'm Kiel..." Nakangiti niyang sabi at inaabot niya sa akin ang kamay niya.
I should play fair. Kailangan kong magpanggap sa harap ng letseng lalake na ito.
"I'm Dwayne... Nice to meet you."
Nakipagkamay ako and I gave him a rehearsed smile.
Nakangiti lang sa akin si Kiel na parang walang nangyari. Palibhasa hindi niya alam kung ano ang ginawa niya sa akin.
"Hmmm... Lander bakit ganyan ang ngiti ni Dwayne? Is there something wrong?" Tanong ni Quin.
"I don't know. Actually this is the first time that they meet each other," bulong ni Lander kay Quin.
Inayos ko na ang sarili ko sa harapan nila. This is my chance to take my revenge. He should pay for what he did to me.
Akala niya siguro ay basta na lang siya makakatakas sa ginawa niya sa akin. Alam ko na hindi niya ako natatandaan.
Oras na para singilin ko siya.
Maliit talaga ang mundo. Akalain mo yun? Pinsan pala siya ni Lander.
"Kiel... This is Yani," sabi ni Lander.
Tumingin si Kiel kay Yani at nagshake hands naman silang dalawa.
"From now on ituring na nating kapatid si Kiel," sabi ni Lander.
"It's so nice to meet you all," nakangiting sabi nung Kiel.
Lumapit sa akin si Lander at bigla na lang niya akong inakbayan kaya nagtataka ako sa kanya.
"Kiel, this is Dwayne. I'm proud na ipakilala ko siya sayo as my boyfriend," nakangiting sabi ni Lander.
Hindi na ako nakapagpigil at siniko ko ko na ang tiyan niya. Halatang nagulat yung Kiel sa ginawa ko.
"Beware of my boyfriend. Kaluluwa ng tigre ang nasa katawan niya," sabi ni Lander habang namimilipit sa sakit.
"Don't believe on him. Ako kasi ang paborito nilang pagtripan ni Yani," sabi ko naman kay Kiel.
"Are you gay or bisex?" Tanong bigla ni Kiel sa akin.
I don't really know if I'm bisexual or what? Ang alam ko lang sa pamamahal ay walang pinipiling kasarian or anyo. Kahit nga mga panget ngayon eh manloloko rin.
"Should you care?" Inis kong tanong.
Halatang hindi nagustuhan ni Kiel ang naging sagot ko sa kanya.
"Bisexual kasi ako," sabi ni Kiel.
"I already know," sabi ko.
"Huh? Bakit? Paano?" Bigla niyang tanong sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Sure akong mamumutla siya kapag sinabi ko sa kanya ang dahilan.
Lumapit si Lander kay Kiel at binulungan niya ito pero rinig ko naman.
"Ganyan talaga siya hahahah pero mabait yan," bulong ni Lander kay Kiel.
Napangiti na lang si Kiel sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may something akong naramdaman. Napaiwas ka lang ako ng tingin kay Kiel.
"Guys kumain na ba kayo?" Tanong naman mo Yani.
"Hindi pa. Eh ikaw?" Tanong ko.
"Hindi rin eh. Pwede bang ikaw na pang ang almusalin ko?" Tanong ni Yani sabay ngiti na parang may halong pagnanasa.
Hahampasin ko na sana siya ng notebook pero bigla na lang...
"Can you please just clear to me? Anong connection ng sinabi ni kuya? Di ko kasi maintindihan. Ang corny," sabi naman ni Quin.
Halatang nagpipigil na naman ng tawa si Yani at Lander pati na rin si Kiel.
"Ganyan si Quin pre, slow siya," sabi ni Yani kay Kiel.
"Anong slow ka diyan? Ikaw nga ang corny mo eh," inis naman na sabi ni Quin.
"Tama na nga. Punta muna tayo sa canteen. Maaga pa naman kaya magbreakfast muna tayo," sabi ni Lander.
At yun na nga ang nangyari, maaga pa naman at hindi raw nag-almusal sila Yani kaya pumunta muna kami sa canteen.
Habang nasa table kami ay nag-order na lang ako ng adobo.
"Uy bakit adobo binili mo? Maaga pa tapos puro mantika," sabi sa akin ni Kiel.
"Ayoko na kasing makipagsiksikan dito sa canteen mamayang lunch," sabi ko.
"Masama 'yan sa health mo Dwayne," sabi ni Quin.
"Ano naman? Pagkain pa rin 'to," sagot ko at kumain na lang ako ng adobo.
"Buti pa ang cholesterol may lugar sa puso mo, ako wala," mahinang sabi ni Lander.
"May sinasabi ka?" Inis kong tanong.
"Ay wala hahahah sabi ko ang cute mo," natatawang sabi ni Lander.
I just rolled my eyes. Kahit kelan talaga pasaway ang mga kaibigan ko.
"Kelan kaya ako seseryosohin ng crush kong cute?"
Napatingin kami kay Yani at mukhang nagpaparinig na naman siya. Nginitian na naman niya ako ng nakakaloko.
"Paano ka makakahanap ng seseryosohin ka kung ikaw mismo ang landi landi mo?" Inis kong tanong kay Yani.
"Ok lang... Makita ko lang ang katawan mo, busog na ako," sabi ni Yani sa akin.
Hinayaan ko na lang siya. Napatitig sa akin si Quin at para siyang nagtataka.
"Bakit di mo sikuhin man lang or saktan si kuya?" Nagtatakang tanong ni Quin sa akin.
"Sabi ng mama ko, masama raw mag-away sa harap ng pagkain," walang gana kong sabi.
"I like your attitude."
Napatingin na lang ako bigla kay Kiel dahil sa sinabi niya sa akin.
"Why?"
"It's because even though you're so maldito, sure ako na mabuti ang heart mo. Sana maging mabait ka sa akin," nakangiting sabi ni Kiel.
"Sana nga," seryoso kong sagot.
Nakangiti na naman siya sa akin. Umiwas na lang ulit ako ng tingin. I don't want him smiling. Kumukulo ang dugo ko.
I know that he is a poisonous flower. He may look kind and sweet but the truth is he's really dangerous.
Akala ko normal ang lahat ngayong araw. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ng mga kaibigan ko ang lalakeng ito.
He will never be my friend. Kahit kelan ay hinding-hindi ko kakaibiganin ang lalakeng ito. Hindi ko na siya dapat nakita pa.
Ganito ba talaga magparusa ang tadhana? Well I can take it. Kailangan kong sumakay at magpanggap na parang hindi ko siya kilala at walang nangyari.
Akala niya limot ko na ang lahat? Palibhasa wala naman yata siyang pakealam sa nakaraan. Mukha naman siyang ok. Siguro nga ayos lang sa kanya ang lahat ng nangyari.
Hindi ko akalain na makikita ko pa talaga siya. Balang araw ay ipapamukha ko rin sa kanya ang mga ginawa niya sa akin.
000
Note: Hi guys! Kung sino man ang nagbabasa nito, I just wanted to say na every fridays ang update. Yun lang po at maraming salamat. Please don't forget to vote and comment for feedbacks. Lovelots!