Chapter 4: Quin Martinez

1486 Words
Peaceful pala ngayong araw sa school. Tahimik ang paligid sa room at walang bakas ng kaguluhan ang mga kaibigan ko. Hindi pa kasi kami nakukumpleto. Katabi ko ngayon si Yani at natutulog lang siya sa desk niya. Mabuti talagang matulog na lang si Yani at wala pa si Lander kasi paniguradong mag-uumpisa na naman ang kaguluhan. Habang nagsusulat ako ng story ko sa room ay bigla na lang may dumating. Pumasok siya sa room at lumapit si Lander sa amin ni Yani. "Guys I have something important to say," sabi ni Lander. Nagising si Yani at halatang naalimpungatan siya sa sinabi ni Lander sa amin. Nararamdaman ko na mag-uumpisa na naman ang trip ng dalawang ito. "Spill it out," sabi ni Yani. "My cousin will transfer in this school tomorrow," nakangiting sabi ni Lander. "And so?" Tanong ko habang tinatago ang notebook ko sa bag. "Siyempre dapat kasama siya sa circle of friends natin. He's my cousin," sabi ni Lander. "Ayos yan! The more the merrier," sabi ni Quin. "Baka mamaya madagdagan na naman ang nang-aapi sa amin ni Quin," sabi ko naman. "Oo nga bes! Baka mamaya kasing lakas ng topak niyo ang pinsan ni Lander," sabi ni Quin. "Guys don't worry. My cousin is kind and sweet just like me ahhahah. He's not harmful like us," natatawang sabi ni Lander. Oh kita niyo na? Inamin din ni Lander na delikado talaga sila ni Yani. Madadagdagan pa sila jusme! "Sure na sure ako na magiging kasundo namin siya ni Yani," sabi pa ni Lander. "Oh really? I'm so exited to meet him," sabi naman ni Yani. "I think he will be a threat to us," sabi ko naman kay Quin. "I think so," sagot niya. "Dwayne alam mo ba kung ano ang pinakamasayang CUTTING na naranasan ko?" Tanong ni Lander. "Ano?" "Nung nagCUTTINGinan tayo hahah," natatawa niyang sabi. "Mag kape ka nga muna, baka nananaginip ka lang," inis kong sabi. "Ang corny naman ni Lander. Wala namang connect yung joke niya," sabi ni Quin. Imbis na mainis ako kay Lander at nagpipigil na lang ako ng tawa. Slow talaga siya. Bigla na lang lumapit sa amin ang classmate namin na si Leni. Mabait si Leni at maganda siya kaya lang may isang malaking problema. "Hi crush!" Nakangiti niyang sabi sa akin. 'Yan ang problema sa babaeng nasa harapan ko. Crush niya ako haaisstt. "Hi..." Walang gana kong sagot. "Leni wag mo ngang landiin si Dwayne. Sa amin lang siya ni Lander," sabi ni Yani. "Grabe naman! Crush ko lang naman si Dwayne eh," sabi ni Leni. "Pwede mo namang landiin si Dwayne," nakangiting sabi ni Quin. Napatitig ako kay Quin at punong-puno ako ng pagtataka. "Ano? Pwede ko talagang landiin si Dwayne?" Di makapaniwalang tanong ni Leni. "Oo pwede! Basta payag ka na basagin namin ang mukha mo," seryosong sabi naman ni Yani. Parang bigla na lang may lumabas na itim na aura kay Quin at Yani. Namutla na si Leni sa takot. "I should go bye..." Nagmamadaling sabi ni Leni at tumakbo na siya palayo. "Grabe talaga kayo," sabi ko kila Quin. "Siyempre ayaw namin na may iba kang friend. Gusto namin na kami lang ang lumalandi sayo," natatawang sabi ni sabi ni Lander. Ganyan talaga sila. Gusto talaga nila na sila lang ang nantitrip sa aming dalawa ni Quin. Ganyan ang mga kaibigan ko. Masyado silang mailap sa ibang tao. Hindi sila masyadong friendly. "Quin..." Sabi ni Yani. Inunahan ko na siya bago pa man siya magsalita. "Oh sige Yani pagtripan mo na naman si Quin at makakatikim ka na talaga sa akin!" Inis kong sabi. "Ay ganun? Sige exited na talaga akong matikman ka," tumatawa niyang sagot. "Bastos ka talaga!" Hahampasin ko pa lang siya ng notebook pero dumating na kaagad ang professor namin kaya tinitigan ko na lang ng masama si Yani. Tinatawanan lang ako ni Yani kaya naman nakakainis talaga. Lagi na lang! Tuwing gaganti na ako kay Yani ay may dumadating na prof kaya nahihinto ako. "You're so cute when you're angry," natatawang sabi ni Yani sa akin. Hindi na ako nakapagpigil at siniko ko siya ng malakas kaya napausad ang upuan niya. "Mr. Roca! Bakit mo siniko si Mr. Martinez?" Napatitig ako sa harapan at nakatitig pala sa amin si Ma'am Galang. Jusko! Yari ako nito. "I'm sorry po ma'am inaasar po kasi ako ni Yani," kabado kong sabi. "No ma'am! Nilalambing ko lang naman po si Dwayne," sabi naman ni Yani. Napatitig ako kay Yani at pinandilatan ko siya ng mga mata ko. Nagpipigil lang siya ng tawa. "Next time wag mo nang ulitin 'yan Mr. Roca," sabi ni Ma'am Galang. "Yes po ma'am. Sorry po," mahinahon kong sabi. "Alam niyo naman siguro na masakit ang maniko," sabi ni ma'am. Nagulat kaming lahat at bigla na lang napatili si Quin ng wala sa oras. Napatitig kaming lahat sa kanya at tinakpan niya ang bibig niya. "What happened Ms. Martinez? Bakit tumili ka?" Tanong ni Ma'am Galang. "Bakit po masakit ang mani niyo ma'am?" Tanong ni Quin. Napatitig na lang sa kanya si ma'am at nagkatitigan naman kami nila Lander at nagpipigil na kami ng tawa. "I never said that Ms. Martinez!" Galit na sabi ni Ma'am Galang. "But ma'am! It's so clear na sinabi niyo na 'Masakit ang MANI ko' kanina," sabi ni Quin. Halos takpan ko na ang buo kong mukha dahil sa pagpipigil ko ng tawa. "Ms. Martinez! I said 'Masakit ang MANIKO!' hindi 'Masakit ang MANI ko' you should hear better!" Galit na sabi ni ma'am. Nagtatawanan na ang buo naming klase at halos mangiyak-ngiyak na si Quin. I should save her. "Ma'am pagpasensyahan niyo na po si Quin. Hindi naman po niya sinasadya," sabi ko. "Ok palalampasin ko ito but next time hindi na dapat ito mauulit!" Napatitig na lang ako kay Quin. "Thank you bes," naiiyak niyang sabi. "No worries. I'm always willing to help you," sabi ko. Ngayon alam niyo nang lahat na sobrang slow ni Quin. Minsan talaga hindi ko na rin mapigilan na matawa dahil sa kanya. Pero kailangan kong iligtas si Quin sa kahihiyan kaya bestfriends ang turingan naming dalawa. Ang totoo ay mas kapatid pa ang turing ko kay Quin kesa kay Yani. Lagi siyang inaasar ng sarili niyang kapatid. Siguro little sister ang turing ko kay Quin kasi wala rin akong kapatid. Natapos ang oras at break time na namin ngayon. Nagpaalam muna ako kay sa mga kaibigan ko na pupunta muna ako saglit sa office ng SSG at susunod na lang ako sa kanila. Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla na lang may babaeng humatak sa akin papunta sa gilid ng hallway. "Ano pong meron?" Tanong ko. "So ikaw pala ang lumalandi kay Lander." "Pati na rin kay Yani," sabi rin nung isa. "I'm sorry? Hindi ko gusto ang sinasabi niyo at isa pa hindi ko rin naman gusto na pinagtitripan ako nila Lander," seryoso kong sabi. "You think that you can fool us huh?" Sabi nung isa sabay taas ng kilay. "I'm not lying to you. Sure akong hindi niyo sila kilala kaya ganyan kayong mag-react," inis kong sabi. "Then tell us something about yourself. You're just a poor scholar who are social climbing Lander and Yani," mataray na sabi nung isa. Ansakit naman magsalita nito. Oo mahirap lang ako pero hindi naman ko social climber. "I'm sorry again? Don't judge me because you're not a judge and it's such a waste of time talking to you," inis kong sabi. Aalis na sana ako pero hinatak na naman ako nung babae at nabigla ako nang sampalin niya ako. "Don't be so rude! We're not done talking." Ang sakit ng pisngi ko. Naluluha na ang mga mata ko. Grabe talaga ang mga tao dito nakakainis. "What's happening?" Napatingin ako sa likod at si Quin pala. "We... We're just... Hmmm talking," kabadong sabi nung babae. "Talking huh? Then why do you slap my brother's face?" Galit na tanong ni Quin. Hindi makasagot yung babae at halatang kinakabahan siya. Ganyan ang pressence ni Quin. Takot sa kanya ang mga tao dito sa Linway kasi mataray si Quin sa ibang tao. "Answer me!" Galit na sigaw ni Quin. Nanginig yung dalawang babae at nakakatakot din talaga si Quin. "We're so sorry..." Panabay nilang sabi. "How about Dwayne?" Inis na tanong ni Quin. Humarap sa akin ang dalawang babae na parang mabubuting tupa. "Sorry Dwayne..." "Ok lang... Wag na lang kayong uulit," mahinahon kong sabi. Lumapit si Quin doon sa isang babae at bigla na lang niyang sinampal sa mukha. "Oh sorry? Matigas pala ang mukha mo," mataray na sabi ni Quin habang nakatingin sa kamay niya na pinang-sampal niya. Halos mangiyak-ngiyak ang babae sa ginawa ni Quin. "Next time na may gawin kayo kay Dwayne, susuntukin ko kayo sa uterus! Takbo na bago ko pa gawin yun!" Natakot ang dalawang babae at nagsitakbuha na sila palayo sa amin ni Quin. "Grabe Quin ah? Alam mo na kung saan ang uterus?" Tanong ko. "Actually hindi... Narinig ko lang kay kuya," seryoso niyang sabi. Nagpipigil na lang ako bigla ng tawa. Grabe talaga si Quin kahit kelan. "What's so funny?" "Nothing. I just wanted to say thanks for saving me," sabi ko. "It's no big deal. We should defend each other," nakangiting sabi ni Quin. Ngumiti na lang din ako. Kahit slow si Quin ay maasahan mo siya. Si Quin yung tao na wag na wag mong gagalitin. "Halika na bes, we should go to canteen," sabi ni Quin. Naglakad na lang kaming dalawa papunta sa canteen. Mabuting kaibigan si Quin pero walang kahit na sino ang pwedeng mangtrip sa kanya na hindi niya kaibigan at mataray nga siya sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD