"Anyone please go to the board. Answer the problem 1," sabi ni sir
Business math namin ngayon at isa ito sa mga hindi ko paborito hahahah.
"Anyone please volunteer," sabi ni sir at wala pa ring sumasagot.
Bigla na lang nagtaas ng kamay si Yani sa klase at...
"Sir si Dwayne raw po," biglang sabi ni Yani.
Nabigla ako at pinandilatan ko ng mata si Yani. Nagpipigil lang siya ng tawa niya habang nakatingin sa akin.
Tumayo na ako sa harap para sagutan sa whiteboard ang problem. Medyo complicated pero hindi naman ganun kahirap.
"Sir ako po sa number 2" sabi ni Lander.
Tumabi siya sa akin. Parehas na kaming nagsasagot.
"Alam mo Dwayne sana problem na lang din ako," sabi niya.
"Bakit naman Lander?"
"Para sagutin mo rin ako," sabi niya sabay ngiti.
"Gasgas na 'yang banat mo!"
Itutuktok ko sana sa ulo niya ang hawak kong whiteboard marker pero napansin kong nakatingin pala sa amin si sir.
"Sir ako po sa problem number 3," bigla namang sabi ni Yani.
"Please proceed," sabi ni sir.
Nagulat ako nang bigla na lang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Lander si Yani.
"Sorry wala na kasing space," sabi ni Yani.
"Ok I'm done," sabi ko.
"Ano? Tapos ka na kaagad?" Panabay na tanong nilang dalawa sa akin.
Ngumiti na lang ako at bumalik na kaagad ako sa upuan ko.
"Ang bilis magsagot ah," sabi ni Quin sa akin.
Maya-maya pa ay natapos na rin si Lander sa pagsasagot ng problem. Yung problem naman sa number 4 ay sinagutan ng isa pa naming classmate.
"Class may number 5 pa. Sinong pwede magsagot? Please volunteer," sabi ni sir.
Nagkatinginan naman si Yani at Lander at parang may maitim silang binabalak. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila.
Humarap sa amin si Lander at ngumiti siya ng nakakaloko.
"Sir si Quin daw po!" Biglang sabi ni Lander.
Napatitig bigla si Quin kay Lander at nanlaki ang mga mata niya.
Napasampal na lang ako sa mukha ko. Kahit kelan talaga pinapahamak nila palagi si Quin.
"Ms. Martinez please go to the board," sabi ni sir.
"Si..sir why?" Kinakabahang tanong ni Quin.
"Your family is one of the share holders of this school. You should know how to answer business math problems," sabi ni sir.
Tumingin muna sa akin si Quin at kita ko ang takot sa mga mata niya.
"Kaya mo yan bes!" Sabi ko sa kanya.
Halos mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Quin bago niya subukang humarap sa board.
Napatingin ako kay Lander at Yani. Nagpipigil silang dalawa ng tawa. Hinampas ko ang notebook ko sa mukha ni Lander kaya nagulat siya.
"Grabe ka talaga! Kinakawawa mo yung tao eh," inis kong sabi.
"Hahahahah ok lang yan para tumalino naman si Quin," natatawa niyang sabi.
Nagsusulat sa class record si sir at si Quin naman ay kanina pa nakaharap sa board. Tumingin sa akin si Quin at yung mukha niya parang nagpapa-awa.
I should help my friend. I should rescue her.
Kumuha ako ng notebook at marker. Sinulat ko sa notebook ang formula at pinakita ko kay Quin.
Parang nabuhayan bigla si Quin at nakakatawa siya. Mabilis niyang kinopya at sinulat sa board ang sagot at bumalik na siya sa tabi ko.
"Wwhhoo! Pinagpawisan ako dun ah. Thanks Dwayne," nakangiting sabi ni Quin.
"No worries but next time magreview ka rin," sagot ko naman.
"Yeah I know. Ikaw naman Lander! I'm going to kill you later!" Banta ni Quin.
Nagpipigil lang ng tawa si Lander. Salbahe talaga 'tong mga kaibigan ko. Sabi ko nga kasi isang sumpa na mapabilang sa kanila hahahah.
"Dapat di mo tinulungan si Quin," natatawang bulong sa akin ni Yani.
"Hindi ako kasing sama niyo ni Lander," sagot ko.
Napatingin sa aming dalawa si Quin at pansin niya yatang pinagbubulungan namin siya.
"Anong sinasabi mo kay bes kuya?" Tanong naman ni Quin.
"I'm just asking him kung pwede kaming magmake love tonight," biglang sabi ni Yani.
Nabigla ako at ihahampas ko sana kay Yani ang notebook ko pero nakatingin pala sa amin si sir.
"Quin, you should kill Lander and I will kill your brother."
"Yeah right hahahah," sabi ni Quin at parang may black na aura lumalabas sa kanya.
"Stop that! You're so creepy," sabi ni Yani kay Quin.
Natapos ang klase at pumunta na kaagad sila sa canteen. Pumunta muna ako sa office ng SSG.
I need a peaceful place to write my stories. Nilabas ko na ang notebook ko at nag-iisip na ako kung ano ang isusulat ko.
Hindi kasi ako masyadong pumupunta sa canteen; una dahil wala akong pera at pangalawa ay importante sa akin ang oras.
I always enjoy being alone and writing stories. Mag-isa lang ako sa room at hindi pa talaga pumupunta ang ibang member ng SSG.
000
Nang matapos ang klase namin ngayong araw ay naisipan nila Quin na magbonding. Ayoko munang sumama.
"Hindi ka ba talaga sasama sa amin magbonding?" Tanong ni Lander.
"Sorry I should pass kasi may inutos sa akin si mama," sagot ko.
"Sayang naman bes. Basta next time bawal ka nang tumanggi," sabi naman ni Quin.
"Ok... But I don't promise," sabi ko.
"Mamaya pagtripan na naman ako ng dalawang 'yan eh!" Sabi ni Quin.
Tumingin muna ako ng masama doon sa dalawang lalake at...
"Bantayan niyo si Quin ha? Wag niyong pagtitripan," seryoso kong sabi.
"Siyempre safe sa amin si Quin," sabi ni Yani.
"Pero yung pagtitripan? Hindi namin kayang iwasan yun," natatawang sabi ni Lander.
I just rolled my eyes. Kahit kelan talaga salbahe silang dalawa pero tama si Yani. Kapag kapag kasama mo sila ay safe ang pakiramdam mo.
"I should go. Bye," sabi ko sa kanila.
"Wait Dwayne!" Sabi ni Yani.
Napalingon ako sa kanya at...
"Yung kiss ko?" Nagpapaawa niyang tanong.
"Kiss mo yung kamao ko! Gusto mo?" Inis kong sabi.
Natawa na lang si Quin at si Lander. Naglakad na ako palabas ng school. Aalis kasi sila Quin at kailangan daw nilang magbonding kasi unang araw ng klase.
May pinapabili kasi sa akin si mama kaya di na muna ako sumama at isa pa nakakahiya at wala akong pera. Sure ako na ililibre na naman ako ng isa sa kanila.
Kahit kelan talaga hindi nauubusan ng trip si Yani at Lander. Sure akong pagtitripan nila si Quin kapag wala ako.
Pumunta na ako kaagad sa grocecy at pumunta na ako sa section ng mga harina. Nagtext kasi si mama na kailangan ko raw bumili ng pangbake niya. Alam niyo naman na mahilig magbake ang nanay ko.
Habang pumipili ako ng mga pinapabili ni mama ay may lalakeng nakakuha ng atensiyon ko.
Ampogi naman nung lalake hahahah. Matangkad, maputi, singkit at maganda ang tindig. Bigla na lang nagsink in sa akin kung sino siya.
"Shet..." Bigla kong sabi at napadiin ang hawak ko sa harina.
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalakeng kinamumuhian ko.
Tinitigan ko na lang siya ng masama at mukhang hindi naman niya ako napapansin. Sumama tuloy ang pakiramdam ko.
What is he doing here? I thought malayo ang bahay niya. Well buti na lang hindi niya ako kilala. Hindi niya alam kung sino ako.
Nagmamadali na akong lumabas ng grocery. Bakit kailangan kong makita ang lalakeng yun? I shoudn't care about him. Nag-iinit tuloy ang ulo ko.
Nagmamadali akong pumunta sa paradahan ng tricycle.
"Kuya magkano po ang special?" Tanong ko sa tricycle driver.
"25 pesos lang 'toy," sagot niya.
"Buti pa sa tricycle 25 pesos lang special ka na hahahhah," sabi ko.
"Anong sabi mo 'toy?"
"Ay hahahha wala po. Pahatid na lang po ako sa bahay," sabi ko sa driver.
Hindi ko talaga alam kung bakit pero lagi na lang akong napapahugot ng wala sa oras. Siguro ay nagmana lang talaga ako kay mama ahhahah.
Pag-uwi ko sa bahay ay wala nga pala si mama dahil may seminar siya. Tinago ko na lang sa kusina ang mga pinabili niya sa akin.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko. They said that most of the writers are hopeless romantic and I'm proud to say that I'm one of them.
"I should update my story now," sabi ko na lang.
Habang nagtatype ako sa laptop ay bigla ko na lang naalala ang mga messages.
I should always check messages para may connection ako sa mga readers.
...........
Hi Prince DJ! I just wanna be friends with you.
...........
Hi author! I really love your stories. I am really hoping thay we could meet in the future.
..........
Prince DJ sana po ay mabilis ang updates niyo kasi nabibitin po ako.
..........
Author nakakinlove po ang stories niyo. Siguro po masarap kayong magmahal.
...........
Siguro nga masarap akong magmahal pero minsan na ring sinayang ang pagmamahal ko. I really love interacting with my readers.
I always reply to them as long as I can. My readers means a lot for me. Kadalasan ay galing din sa school ko ang mga nagbabasa.
My profile is mysterious. Walang nakakaalam kung sino ang tao sa likod ni Prince DJ. Well it's me! Dwayne Jansen.
I always wanted to keep my privacy. Ayokong may makaalam ng totoong ako. I am always separating myself from that famous author.