Chapter 2: The Gang

1413 Words
Pagdating namin sa school ay halos wala pa ring tao dahil nga maaga kaming nakarating. "Thanks for the ride Yani," sabi ko. "Welcome," nakangiti niyang sagot. "Pupunta muna ako sa office ng SSG. Sasama ka ba?" Tanong ko kay Yani. "Wag na muna. Tinatamad ako," sagot niya. "Ano naman ang balak mong gawin sa office?" Tanong ni Quin. "Titignan ko lang ang mga documents," sagot ko. "You're so sipag talaga Dwayne hahahah sige bye bye na," sabi ni Quin. "Sige kita na lang tayo mamaya sa room," Umalis na sila Quin papunta sa room namin. It is my last term in senior high. Ako na kasi ang Vice President ng senior high department. Si Yani naman ang Secretary ng SSG or Supreme Sudent's Government. Hindi ko nga inisip noon na iboboto ako ng mga students lalo pa at scholar lang ako. Si Quin naman ang representative ng buong ABM department. Tama kayo! Kasama rin sa SSG si Quin. Dinaan niya lahat sa ganda at kasikatan kaya nanalo siya. Pagdating ko sa office ay inayos ko na kaagad ang mga papeles na nakalagay sa table ko. Maaga pa at wala pa ang ibang mga members ng SSG. Pumupunta lang naman sila pag may paper works or kapag may meetings. Kinuha ko muna ang notebook ko na pinaglalagyan ko ng stories na sinusulat ko. Habang pinag-iisipan ko ang bago kong isusulat na story para sa blog ay bigla na lang gumalaw ang bookshelves. Nagulat ako at nahulog ko tuloy ang hawak kong ballpen. "Ay... Nafall," sabi ko habang dinadampot ang ballpen. Naglakad ako papunta sa bookshelves. Bakit kaya may gumalaw? Wala namang multo sa school eh. "Sinong nandiyan? Show yourself," sabi ko. Lumabas ang taong nagtatago sa likod ng bookshelves at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Lander. "Hi Dwayne! Good morning," bati niya. "Bakit ka naman nagtatago diyan?" "I just wanted to know kung may kababalaghan kang gagawin dito sa room kaya nagtago ako," nakangiti niyang sabi. Siya si Lander. Kung si Yani ay may kamanyakan, si Lander naman ay pasweet na ewan. Believe me! Mas delikado si Lander kesa kay Yani. And guess what? Siya ang President ng SSG. "Dwayne tumataba ka yata at bumibilog?" "Huh? Bakit naman? Ikaw lang yata ang nakakapansin," sabi ko. "Unti-unti ka na kasing nagiging hugis ng mundo ko," sabi niya at ngumiti siya ng nakakaloko. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Tigil-tigilan mo ako sa mga banat mo," inis kong sabi. "Why? Hindi mo ba ako namiss? Buong bakasyon kang walang paramdam sa amin nila Yani," sabi niya na may halong tampo. "Busy ako!" Inis kong sagot. Tinitigan na lang niya ako. Iba tumitig si Lander. Yung titig ni Lander ay parang titig nang may pagnanasa. "Don't look at me like that!" Sabi ko. "Can you take off your uniform?" Tanong niya bigla. "Why should I do that? Matino pa akong mag-isip Lander," sabi ko at kumunot na ang noo ko. "I just wanted to know how angels hide their wings." Napasampal na lang ako sa mukha ko. Kahit kelan talaga laging bumabanat ng mga ganyan si Lander. Bumalik na lang ako sa table ko at nagsulat na ulit ako ng draft ng story na gagawin ko. Si Lander naman ay naka-upo lang sa table niya at nakatitig na naman sa akin. Jusme! Mas kinikilabutan ako sa kanya kesa kay Yani. "Lander may cupcake nga pala na ginawa si mama. Ito oh," sabi ko at binigyan ko siya ng box ng cupcake. "Uy thanks! Love mo rin talaga ako," natatawa niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin. Busy ako sa pagsusulat ng draft ko sa story. Napansin ko na wala namang ginagawa si Lander at nakatitig lang siya sa akin. Napatingin ako ulit sa kanya at naiilang na ako. Parang may halong pagnanasa sa tingin niya. "Pwede ba! Wag mo naman akong titigan," inis kong sabi. "Bakit? Ayoko kasing mawala ka sa paningin ko," sabi na naman niya. I just rolled my eyes. Niligpit ko na lang ang mga gamit ko. Tumayo na ako at naglakad palabas ng office. Pupunta na ako sa room. Bigla na lang tumayo si Lander at sinusundan niya na naman ako. "Lander? Why are you following me? Stalker ka ba?" Inis kong tanong. "I'm not a stalker! Sabi kasi ng mommy ko follow my dreams daw," sabi niya sabay ngiti. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Alam ko naman na pinagtitripan lang ako ni Lander. Kapag magkasama sila ni Yani tapos wala si Quin, delikado na ako. Naglakad na lang ako papunta sa room at may nakita akong ibang students na nag-uusap. "Uy Girl! Nabasa mo ba yung update ni Prince DJ?" "Yes! So much kilig factor! I really wanted to meet that writer," sabi naman nung isa. Napangiti na lang ako. Hindi nila alam na ako ang nagsusulat. Hindi nila alam na ako si Prince DJ. I don't have any plan to show myself to them. "Why are you smiling? Kinikilig ka na ba sa akin?" Tanong bigla ni Lander. "Wala! Tumigil ka na nga Lander," inis kong sagot. Naglakad na lang ako at pumasok na ako sa room. Pagdating ko doon ay may mga classmates na ako. Umupo ako malapit kay Quin. "Uy kasama mo pala si Lander? Saan kayo pumunta?" Tanong agad ni Quin. "Sa office ng SSG," bored kong sagot. "Hi Quin! How are you?" Tanong ni Lander. "I'm fine," nakangiti niyang sagot. "Quin I have a challenge for you. Say this words as fast as you can. Eye, Yam, Stew, Peed," sabi ni Lander. "Eye, Yam, Stew, Peed," mabilis na sabi ni Quin. Nagpipigil na lang ako ng tawa at ganun din si Lander at Yani. Kahit kelan talaga! Ang lakas ng trip nila. "Say it faster Quin! It's a challenge," natatawang sabi ni Yani. "Anong meron? Eye, Yam, Stew, Peed. Eye, Yam, Stew, Peed. Eye, Yam, Stew, Peed," mabilis na sabi ni Quin. Halos takpan ko na ang buong mukha ko para magpigil ng tawa. Hindi man lang nagets ni Quin na kapag binilisan niya yung "Eye, Yam, Stew, Peed" ay 'I'm stupid' ang maririnig. "Quin stop it. Pinagtitripan ka ng dalawang 'yan," mahinahon kong sabi kay Quin. "Di ko pa rin gets eh. Ano bang masama sa Eye, Yam, Stew, Peed?" Tanong pa ni Quin. Lalo nang tumawa ng malakas si Yani at si Lander. Kahit ang iba kong mga classmates ay nagpipigil na rin ng tawa. "Just stop saying those words Quin," sabi ko na lang. Napakunot ang noo ni Quin. Hindi niya talaga magets ang words na sinasabi niya. Ganun talaga siya kaslow at kung wala ako ay siguradong kawawa lang si Quin kila Yani. "Quin narinig mo na ba yung kwento tungkol sa tatlong bingi?" Tanong ni Yani. "Hindi pa bakit?" Sagot ni Quin. "So ikaw pala yung pang-apat?" Tanong ni Yani sabay tawa. Nag-appear pa silang dalawa ni Lander habang tawa ng tawa. "Ang corny ng jokes mo. Anong connect dun? Di ko magets," sabi ni Quin. Lalo lang tumawa ng malakas si Yani at si Lander. "Tama na Quin. Wag mo na lang silang pansinin," sabi ko. Inirapan silang dalawa ni Quin at tawa lang ng tawa yung dalawa. "Ayos lang! Maganda naman ako," sabi ni Quin. "Quin, tandaan mo na ang tunay na kagandahan ay nasa ugali. Hindi sa maputing binti na dala ng shorts na maikli," sabi ko. "Tama ka talaga doon bes!" Sabi ni Quin. Kaya bestfriend ang turing sa akin ni Quin kasi ako lang ang taong hindi siya pinagtitripan. Si Lander at Yani ay sinasamantala ang pagiging slow ni Quin. "Kayong dalawa wag niyong pagtripan si Quin," inis kong sabi kila Yani. "Sorry na babe," sabi ni Lander. Hahampasin ko sana ng notebook sa mukha si Lander pero mabilis na siyang lumayo. Sabi ko sa inyo hindi talaga pwedeng magsama si Lander at Yani. Kapag wala si Quin ay siguradong ako naman ang pagtitripan nila. Sa aming magkakaibigan ay pakiramdam ko wala talagang matino. Lahat kami ay malakas ang ketek sa utak. Madalas kaming magkasama ni Quin at bestfriends nga ang turingan namin. Defend each other kami laban sa dalawang asungot. Kapag magkakasama naman kaming apat ay wala ring nanggugulo sa amin na ibang students. Kahit pinagtitripan ako ni Yani at Lander ay sila rin naman ang protector namin ni Quin dito sa Linway. Ayaw nila Lander na may nambubully sa akin. Sila lang daw ang may karapatang sirain ang araw ko. Ang galing nila diba? Sikat na silat si Yani, Lander at Quin sa buong Linway. Ewan ko ba kung bakit ako napasama sa grupo nila. I think being one of them is a curse. Pero thankful ako na kaibigan ko silang tatlo. Hindi sila kagaya ng ibang mayaman na matapobre. Mabait naman sila pero yun nga lang, malakas ang mga tama sa utak. Sabi ko sa inyo sasabog ang universe kapag magkakasama kami hahahah. Aminado naman ako na may kabaliwan din akong taglay minsan kaso may oras lang talaga ahhahah. We're not just friends, we're not just bestfriends because we treat each other as a family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD