Chapter 1: Usual life

1411 Words
Dwayne POV "Anak! Gising na anak. Unang araw ng pasok mo ngayon," sabi ni mama habang kinakatok ang pinto. Minulat ko na ang mga mata ko. Unang araw pala ngayon ng klase. I should wake up earlier. "Gising na po. Magliligpit lang ako ng higaan," sabi ko. Marami ang nangyari nung bakasyon. Marami akong natutunan at pinagdaanan. Nakamove on na nga ako eh ahhahah. I can't imagine myself to become so stupid. Bakit ba kasi ako nafall sa maling tao? Kainis lang! Pakiramdam ko ay tanga ako. Well lahat naman ng tao ay natututo at mas nagiging matatag. Ginamit ko na lang ang heartbreak para magsulat ulit ng mga stories ko. Isa na naman palang araw ang dumating. Kayo na ang bahalang mag-imagine ng hitsura ko. Maputi ako. Sakto lang ang katawan at ako yung maldito kapag unang beses mong tinignan. Ako yung tipo na nerd ang look dahil sa glasses ko. Lumabo na kasi ang mga mata ko tuwing nagbabasa ng books or nagsusulat ng stories. I'm a 17 years old writer on my blogsite. I'm Dwayne Jansen Roca and my pen name as a writer is Prince DJ. Mysterious akong writer at kahit mga friends ko ay hindi ko pinapabasa ang stories ko. Famous ako sa blog because of my stories pero sa totoong buhay nganga! Walang pumapansin sa akin lalo na sa school bukod sa mga kaibigan ko. Pagkatapos kong maghilamos at maligo ay isinuot ko na kaagad ang uniform ko. It's been a couple of years mula ng pumasok ako sa Linway. Simple lang ang buhay ko at isa lang akong dakilang scholar na napaliligiran ng mga kaibigan kong mayayaman. "Anak mag-aaral ka ng mabuti sa Linway," sabi ni mama habang kumakain ng pandesal. "Hindi niyo na po ako kailangang sabihan," nakangiti kong sabi. "Alam ko naman yun anak. Hindi ako makaka-uwi mamaya dahil may seminar kami." "Ay sige po mama. Ingat po kayo." "Inumin mo na 'yang gatas at mas masarap iyan kapag mainit." "Yes po." "Kahit naman malamig na 'yan ay kailangan mo pa ring inumin. Parang pag-ibig lang, hindi porket nanlalamig na ay pababayaan mo na lang," sabi ni mama. "Jusme mama! Ang aga niyong humugot hahahaha." Magmula kasi ng iwan kami ni papa ay humuhugot na ang nanay ko. Siya si mama Josie ang napakabait at mapagmahal kong ina. Kami lang ni mama ang magkasangga sa buhay kaya naman mahal na mahal ko ang mama ko. "Mama papasok na po ako," sabi ko. "Ay sige anak. Mag-iingat ka." Lumapit muna ako kay mama at nagkiss ako sa pisngi niya. Sabihin niyo na mama's boy ako but I don't care. Sweet talaga ako sa mama ko. Naglakad na ako papunta sa sakayan. Sasakay na sana ako nang bigla na lang may humintong kotse sa harapan ko. Binaba niya ang salamin ng kotse at... "Pssst. Witwiw." "Hoy ang bastos mo!" Inis kong sabi. "Ganyan mo ba ako babatiin? Get inside gorgeous," nakangiting sabi ni Yani. "No thanks. Sasakay na lang ako." "Para namang hindi na kita mabiro. Get inside or sasagasaan kita?" Natatawa niyang sabi. I just rolled my eyes. Alam ko naman na susundan ako nito. Siya si Yani, isa sa mga kaibigan ko. Kahit may pagkamanyakis ang ugali niyan eh mabait naman siya. Sumakay na lang ako sa kotse niya at nginingitian niya lang ako. "So how was your vacation?" Tanong ko sa kanya. "It's kinda boring. Sawa na akong pumunta sa New Zealand," walang gana niyang sagot. Boring? New Zealand na nga eh. Mayaman ang pamilya ni Yani. Actually ako lang yata ang naghihirap sa mga kaibigan ko ahahahh. "Ikaw naman Dwayne, how was your vacation?" Sasagot na sana ako pero... "Oh wait! You work so hard right? Kawawa ka naman Dwayne. Dapat pala hindi ko na tinanong ahhahah." I just rolled my eyes again. Ganyan talaga ang ugali ni Yani. Kaibigan ko siya pero ako ang paborito niyang ibully. Well sanay na ako. Ikakabit ko sana ang seatbelt para safe ako pero napansin ko na parang hindi ko yata makita. "Sandali nga Yani... Nasaan ang seatbealt ng car mo?" Tanong ko. "Sorry pinapaayos ko pa kasi nasira." "Ano ba naman yan? Walang seatbelt? Parang relasyon lang; walang safety," mahina kong bulong. "What?" "Never mind hahahahh." Tinaasan na lang niya ako ng kilay niya at nagdrive na ulit siya. Naalala ko na nagbake pala si mama ng cupcake kagabi at nilagay niya yun sa bag ko kanina. "Yani gumawa ng cupcake si mama kagabi. Gusto mo bang tikman?" Tanong ko. "Pwede bang ikaw na lang ang tikman ko? Gawa ka rin naman ng mama mo!" Tumatawa niyang sagot. Naningkit ang mga mata ko at pinaghahampas ko sa kanya ang bag ko. Kahit kelan talaga bastos siya! "Manyakis ka! Bastos! Pervert!" Sabi ko habang hinahampas siya. "Uy tama na! Nagmamaneho ako eh." Huminto na lang ako at tinitigan ko na lang si Yani ng masama. Hindi na talaga siya nagbago. Lagi siyang bastos kapag kausap ko pero matino naman siya sa harap ng iba. Gwapo si Yani, mayaman at sikat sa school pero paborito talaga niya akong bastusin palagi. "Yani nasaan si Quin?" Tanong ko. "She's so slow. Magkaparehong kilos at utak ang slow sa kanya kaya nauna na ako," sabi niya. "Grabe ka talaga sa kapatid mo!" "Hahahah ewan ko ba kasi kung saan ba nagmana ang kapatid ko na yun," tumatawa niyang sabi. Kapatid ni Yani si Quin. Close na close ko silang dalawa. Matalino si Yani pero si Quin naman ay sobrang slow. "Grabe ka talaga kuya!" Bigla na lang nagpreno ng malakas si Yani. Kahit ako ay nagulat din dahil narinig namin na nagsalita si Quin. Lumingon ako sa likod ng kotse at nakahiga pala doon si Quin. "Quin naman! Kanina ka pa ba nandiyan?" Tanong ko. "Actually nauna pa ako kay kuya dito," natatawa niyang sabi. "Grabe ka naman! Bakit hindi ka man lang nagsalita kanina?" Tanong naman ni Yani. "Gosh kuya! I'm so sleepy kaya! I decided to take a nap muna," sabi ni Quin sabay hikab. "Aatakihin kami sa puso dahil sayo! Wag mo namang ulitin yung ginawa mo," inis kong sabi kay Quin. "Well sorry for that. Promise di na mauulit hahaha." Ganyan talaga kami. Malakas ang ketek naming tatlo at lalo na 'tong si Quin. Si Yani ay may kamanyakang taglay tapos si Quin naman ay slow tapos ako naman ay mahilig humugot. Sasabog ang universe kapag pinagsama kaming magkakaibigan. "Wait guys, nasaan ba si Lander?" Tanong ni Quin. "Nagtext sa akin. Nasa school na raw siya," sabi ni Yani. "Bes Dwayne! Namiss mo ba si Lander ayyyyiiieee! Hahahah," sabi ni Quin. "Quin tama na nga! Baliw ka na naman. Sabi ko kasi sayo inumin mo ang mga gamot mo," inis kong sabi. "Gamot saan? Wala naman akong iniinom eh," Nagtataka niyang tanong. "Gamot sa utak," mahinang sabi ni Yani. Napatakip na lang ako sa bibig ko at nagpipigil ako ng tawa. Hindi yata narinig ni Quin ang sinabi ng kuya niya. Sabi ko kasi sa inyo, slow talaga si Quin. Nakatitig lang siya sa amin ni Yani at nagpipigil kami ng tawa. "Guys, what so funny?" Naguguluhang tanong ni Quin. "Wala hahahah. Sayo na lang 'tong cupcakes. Nagbake si mama ko," sabi ko at binigay ko ang box kay Quin. "Gosh! Thanks Dwayne! Favorite ko talaga ang cupcakes ni Tita Josie." "Hoy wag mong uubusin! Leave some cupcakes for me!" Sabi ni Yani. "Huh? Akala ko ba ayaw mo?" Tanong ko kay Yani. "I never said that. Nagtanong lang ako kung pwede ba kitang matikman din! Wala akong sinabi na ayaw ko ng cupcakes ni Tita Josie!" Inis na sabi ni Yani. Favorite kasi ni Yani at ni Quin ang cupcakes na bake ng mama ko. Masarap talaga magbake si mama. "Sorry kuya ubos na." Huminto sa pagmamaneho si Yani at napatitig siya ng masama kay Quin. Nagpeace sign naman si Quin at natatawa siya. Grabe rin 'tong si Quin. Puro balat na lang ng cupcakes ang tinira. Expected ko na mangyayari 'to. "Tama na nga ang away niyo. Magdrive ka na lang Yani," sabi ko. Halatang badtrip ang mukha ni Yani habang nagdadrive. Lagi talaga silang nag-aaway ni Quin. Ako palagi ang umaayos sa kanilang dalawa. "Yani wag ka nang sumibangot diyan. I reserved some cupcakes for you. Alam ko na uubusan ka ni Quin," nakangiti kong sabi. Bigla na lang napangiti si Yani at tinitigan niya ako. "Sabi ko na nga ba! Love mo rin ako diba?" Nakangiti niyang sabi. Inirapan ko na lang siya. Alam ko naman na puro biro lang itong si Yani. Lagi niya akong pinagtitripan. "Aaayyyiiieeee! Malapit ko nang maging brother in law si Dwayne," sabi ni Quin habang kilig na kilig. "Tumigil nga kayong dalawa kung ayaw niyong pag-untugin ko kayo!" Inis kong sabi. "Ay nainis agad ahhahah. Sino ba kasing gusto mo Dwayne? Si Lander ba?" Tinitigan ko na lang si Quin ng masama at naniningkit na ang mga mata ko. Alam na niyang naiinis ako. "Peace tayo eheehh," sabi ni Quin habang nakapeace sign. Ganito ang usual na buhay ko kapag may pasok sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD